Share

CHAPTER 29 "SWEET SURRENDER 2"

DAHIL nga sa katotohanang half naked siya ay inasahan na niya ang pagbaba ng mga halik ni Jason sa kaniyang leeg na nagtuloy sa kaniyang balikat. 

Mabilis na nagtaas-baba ang dibdib ng dalaga dahil sa malakas na boltahe ng kuryenteng mabilis niyang naramdaman dahil sa ginawang iyon ng kaniyang nobyo. Pinigil niya ang huwag magpakawala ng ungol pero nabigo siya. 

Hindi naman iyon sa katotohanan na iyon ang unang beses na naranasan niya ang ganoon klase ng pagpapadama ni Jason sa kaniya ng pagmamahal pero talagang tila ba may baga ang mga labi nito na nagiging dahilan ng bawat singhap at ungol na kumakawala sa mga labi niya.

"Jason," anas niya habang pikit ang mga matang itinaas ang kaniyang ulo dahil sa matinding alab ng damdamin at masarap na klase ng sensasyon na nararamaman niya nang mga sandaling iyon.

Hindi nagsalita ang binata at sa halip ay ipinagpatuloy nito ang pagpapaulan ng maliliit na halik gamit ang mismong mga labi nito na ngayon ay nasa kaniyang nang punong dibdib.

Muli siyang umungol dahil doon. Pero hindi pa man siya lubusan nakakabawi nang maramdaman niya ang tuluyang pagsakop ng mainit na bibig ng kaniyang nobyo sa dulo ng kaniyang dibdib saka iyon sinimulang suyuin sa napaka-marahan na paraan.

"Oh!" daing niya saka nailiyad ang sarili kasabay ng mas paghigpit pa ng pagkakakapit niya sa leeg ng binata. 

Pero katulad kanina ay nanatiling hindi nagsasalita si Jason. Ipinagpatuloy lang nito ang ginagawa habang siya ay nagsimula nang maghabol ng kaniyang paghinga kahit kung tutuusin ay hindi ang mga labi niya ang angkin ng binata kundi ang dulo ng dibdib niya.

Oo, ang dulo ng dibdib niya ang sinimulang suyuin ni Jason nang may kakaibang damdamin at lambing. Pakiramdam tuloy niya nang mga sandaling iyon ay mas lalong nagtumindi ang lagablab ng apoy ng pananabik sa pagkatao niya dahil sa hindi maipaliwanag na kaligayahang hatid ng bihasang bibig at dila ng kaniyang nobyo.

Hindi nagtagal at mula sa pagkakakandong sa kaniya ay tuluyan na siyang inihiga ni Jason. Sandali pa muna nitong inihinto ang ginagawa sa dibdib niya at sa mabibilis na mga kilos ay tuluyan nang inalis ang lahat ng saplot niya sa katawan. 

Walang itinira si Jason na kahit isa. Kaya hindi niya napigilan ang makaramdam ng pagkapahiya nang makita niyang hinagod nito ng humahangang tingin ang ngayon at buong kahubaran na niya. 

"My god, napakaganda mo," anitong bakas sa tono ng pananalita ang damdaming nakikita niya sa mga mata ng binata.

Napalunok siya saka pinilit na ngumiti sa kabila ng matinding pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. "P-Pero, hindi pa ako---,"

Hindi na niya naituloy ang iba pa niyang gustong sabihin nang sa pagkakatong iyon ay pinutol na nang maalab at malalim na halik ni Jason ang iba pa niyang gustong sabihin.

Noon nanginginig ang mga kamay niyang iniyakap ang dalawang braso sa batok ni Jason. Pagkatapos ay buong pagmamahal niyang isinuklay ang sariling mga daliri sa buhok ng likuran ng ulo nito kasabay ang tuluyan na niyang pagpapatangay sa kung saan man siya nito gustong dalhin.

"P-Pwede bang huwag masyadong masakit?" iyon ang nasambit niya sa kabila ng paghahabol niya ng paghinga habang hinahagod ng tingin ang napakagwapo at perpektong mukha ng binata.

Amuse ang ngiting pumunit sa mga labi ni Jason. "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko to lessen the pain," pangako nito bago siya muling niyuko saka hinalikan.

Kontento na si Jenny sa sagot na iyon ng binata. Kaya naman nang maramdaman niyang inilapat na nito ng husto ang hubad narin nitong katawan sa kanya ay hindi siya nagprotesta. Pero ang pagsinghap at panginginig ng katawan at kalamnan sa bawat sandali o kahit sa simpleng paglalapat at pagdidikit lamang ng kanilang mga balat ay tila ba permenente na at ganoon ang muling nangyari sa kaniya.

Napuno ng magkakahalong damdamin ang puso niya nang kumilos si Jason saka nito hinawakan ang dalawang kamay niya saka inilagay sa ibabaw ng kaniyang ulo para i-permenente doon.

Ginawa iyon sa kaniya ng binata habang nagpapatuloy ito sa malalim nitong paghalik sa kaniyang mga labi at tila ba sa nanunuksong paraan ay idinadaiti nito ng husto sa kaniyang tiyan ang unahan nitong katulad niya ay wala naring saplot o kahit anong tabing.

Hindi maikakaila ang matinding epekto niya kay Jason. Patunay roon ang ngayon ay tila bakal nitong pagkalalaki na nakadikit ng husto sa kaniyang tiyan. Kahit paano ay inaalala niyang baka bigla iyong itulak ng binata papasok sa kaniya pero may bahagi ng puso niya ang nagsasabing hindi iyon gagawin sa kaniya ng kanyang nobyo ng walang pasabi lalo at ito ang unang beses na magtatalik sila.

"Ang init ng ano mo," ang nasambit niya nang pakawalan ng binata ang bibig niya.

Noon niyang nakitang umangat ang sulok ng labi nito. Pagkatapos ay kinuha nito ang isa niyang kamay saka iyon inihatid sa bagay na sinasabi niyang mainit na nasa pagitan ng mga hita nito. Malakas na napasinghap doon si Jenny kasabay ng pagtatangka niyang pagbawi kay Jason ng sarili niyang kamay pero hindi siya pinayagan ng binata.

"Nakita mo na ang epekto mo sa akin?" tanong nitong sinimulang i-guide sa paggalaw ang kamay niyang ngayon ay hawak na ang pagkalalaki nito. 

Napalunok si Jenny kasabay nang pagtango niya na kung tutuusin ay parang wala sa sarili. "P-Pero ang laki nito, paano kung hindi kita kaya? Saka mukha siyang masakit kasi ang haba pa, tapos---."

"Shhh... Hayaan mo gagawan ko iyan ng paraan," anito Jason na muling inilapit ang mukha sa kaniya. 

"P-Pero paano kung hindi ko kaya?" totoong takot ang humalo sa tono ng pananalita ni Jenny na hindi niya napigilan.

Sa pagkakataong iyon ay agad siyang dinampian ng simpleng halik sa noo ni Jason. "Kapag nasasaktan ka na isipin mo nalang sa kabila ng sakit na iyon mahal na mahal kita, at unti-unti ako mismo ang gagawa ng paraan para mapawi ang sakit hanggang sa tuluyan nang walang matira," paniniyak nito sa kaniya.

Napangiti si Jenny sa sinabing iyon ng kaniyang nobyo na nakuha naman niya ang ibig sabihin. At kahit hindi niya aminin, alam niyang ang sinabi nitong iyon ang dahilan kaya sa kabila ng matinding pangamba at pag-aalala na nararamdaman niya kanina ay parang bulang naglaho ang lahat.

Alam niyang mahal na mahal siya ni Jason at naniniwala siya doon. Hindi dahil sa mga sinasabi nito kundi dahil sa katotohanang nararamdaman niya ang bawat salita sinasambit ng mga labi ng kaniyang nobyo.

"I love you," anas niya.

"Mas mahal kita," sagot naman ni Jason bago siya nito muling hinalikan.

Iyon ang tuluyan nang tumapos sa mga salitang nanunulas sa mga labi nilang dalawa dahil ang sumunod, pinuno na ng mahihinang ungol, singhap at halinghing ni Jenny ang kabuuan ng silid ni Jason. At nangyari iyon nang muli ay sinimulan siyang paliguan ng maaalab na halik ng binata. Hindi lamang ang mga labi niya kundi ang bawat bahagi ng katawan niya na narating na ng mga nakakapasong halik nito kanina at ngayon ay kasalukuyang naglulunoy sa magkabila niyang dibdib.

Ang bibig at dila ni Jason ay abala sa pagsibasib sa isa habang ang kamay naman ng binata ay masuyong minamahal ang isa. Dahilan kaya si Jenny ay tuluyan na ngang nawala sa kaniyang sariling katinuan gawa ng maluwalhating pagpapadama sa kaniya ng kaniyang nobyo sa unang lebel ng kaligayahang alam niyang hindi pa matatapos doon, dahil siya mismo alam niyang hihingi ng maraming ulit pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status