Home / Romance / CRAVE (FILIPINO VERSION) / CHAPTER 49 "SEX OR CHOCOLATE 1"

Share

CHAPTER 49 "SEX OR CHOCOLATE 1"

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2021-05-30 17:05:36

KATULAD ng sinabi ni Jason ay maaga itong dumating kinabukasan upang tulungan siya sa lahat ng gagawin niya sa pagbi-bake. 

"Nililigawan ka ba niya anak?" tanong ng nanay niya nang nasa kusina sila at naghahanda ng mesa para sa agahan.

Napabuntong hininga si Jenny sa tanong na iyon at pagkatapos ay tinapos na ng tuluyan ang pagtitimpla niya ng kape. Inilapag niya ang tatlong tasa sa mesa saka hinarap ang nanay niya para sagutin ang katanungan nito.

"Nagsabi siya sa akin Nay, nung nasa Baguio kami," pagsasabi niya ng totoo.

Tumango-tango si Rowena sa isinagot niyang iyon. "Bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba si Jason ang first love mo?" tanong ulit ng nanay niya na inilapag naman sa mesa ang isang bandehado ng umuusok na sinangag. 

"Hindi pa kasi ako ready Nay," iyon naman talaga ang totoo kaya iyon narin ang sinabi niya. Hindi naman siya naglilihim sa nanay niya, ang lahat ay sinasabi niya rito maliban na lamang sa dalawang bagay. Kung ano ang totoong dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Jason at ang tungkol sa ilang ulit nang pagkakaloob niya sa lalaki ng katawan niya noon at kamakailan lang.

"Ganoon ba? Kunsabagay hindi naman talaga simple lang ang ginawang iyon sa iyo ni Ryan. Pero sa awa ng Diyos, hindi naman na siya bumalik simula nung ipagtabuyan ko siya paalis," ang nanay niya na bahagya niyang kinaringgan ng galit sa tinig. "O siya, tawagin mo na si Jason habang mainit pa itong pagkain. Naku, siguradong magugustuhan niya itong Daing na Bangus na inihanda mo para sa kanya," ang kaniyang muling ina.

Sa puso ni Jenny ay hindi niya napigilan ang mapangiti dahil sa sinabing iyon ng kaniyang ina. Alam niyang walang ibig sabihin doon si Rowena pero sa kaniya ay may alaala na ibinalik ang sinabi nito na naging dahilan kaya hindi niya napigilan ang mapangiti. 

"Wow, mukha mapaparami ang kain ko nito," ang agad na ibinulalas ni Jason habang nakatitig ito sa Daing na Bangus na nakahain sa hapag.

Tumawa ng mahina doon si Jenny at hindi na nagsalita pa. Hindi nagtagal at masaya na silang nagsalu-salo sa almusal na iyon. 

"Walang nagbago, masarap parin," si Jason matapos nitong tikman ang Daing na Bangus sa plato nito saka siya nakangiting nilingon.

Sa pagkakatitig niya sa mga mata ng binata ay hindi napigilan ni Jenny ang mapangiti habang ang puso niya ay hinahaplos ng hindi maipaliwanag na kaligayahan. Pero sa kalaunan ay hindi rin niya napigilan ang mahaluan ng kaberdehan ang sinabing iyon ni Jason na naging dahilan naman ng mabilis na pag-iinit ng buo niyang mukha. At dahil hindi niya gusto mapansin iyon ng lalaki at lalong higit ng kaniyang ina, minabuti nalang ng dalaga ang magyuko ng ulo at magpatuloy sa pagkain.

Matapos kumain ay ginawa lang ni Jenny na mabilis ang pagligo. Pagkatapos noon ay magkasama na sila umalis ni Jason patungo sa studio type apartment na inuupahan niya at ginawa niyang kitchen kung saan siya nagbi-bake ng kaniyang mga orders.

"Okay naman pala eh, hindi malaki at hindi rin masikip at may proper ventilation kaya hindi ka maiinitan ng sobra," nang patuluyin niya ang binata sa loob ng kaniyang shop.

"Kaya nga nagustuhan ko eh, dahil sa lahat ng sinabi mo. Pero higit sa lahat, hindi mahal ang upa kaya mas malaki ang naitatabi ko," sagot niyang inilapag ang mga gamit sa ibabaw ng kaniyang working desk sa kaniyang maliit na opisina.

"Maupo ka muna, wala ka pa namang gagawin sasabihan nalang kita," aniya kay Jason na nakita niyang nakangiting pinanonood siya.

Tumango ang lalaki sa sinabi niyang iyon. 

"Alam mo ba, naisip namin dati ni Mama na maglagay ng coffee shop sa Baguio para hindi na lalayo ang mga guest namin doon kung sakaling gustuhin nila ang magkape?" simula ng binata makalipas ang ilang sandali.

Noon nilingon ni Jenny ang binata habang abala siya sa pag-aayos ng kaniyang buhok na sa huli ay nilagyan niya ng hairnet. 

"Maganda iyon, para hindi sila matulad sa akin na nasasagi ang kape kasi iyong kasalubong ko sa cell phone niya nakatingin," aniyang hindi napigilan ang matawa ng mahina nang maalala kung paano ang naging eksena ng muling pagkikita nila ng binata.

Nakita ni Jenny na nangislap ang mga mata ni Jason dahil sa sinabi niyang iyon. At noon nga niya parang gustong pagsisihan kung bakit nagawa pa niyang sabihin iyon at ipaalala sa lalaki. Kaya naman upang makaiwas sa kung anumang kakaibang atmosphere na namumuo na ngayon sa loob ng shop ay mas pinili na lamang ng dalaga na iiwas ang kaniyang paningin mula rito. Baka kasi kung saan pa sila mapunta at hindi niya gustong mangyari iyon dahil siguradong wala siyang matatapos na trabaho.

"Sa tingin mo ba magandang idea kung ikaw nalang ang maglalagay ng coffee shop doon? Hindi ba pangarap mo ang ganoon?" ang sa halip ay ang narinig niyang isinagot ni Jason sa kaniya kaya siya muling napalingon sa binata.

"Anong sinabi mo?" ang hindi makapaniwala niyang tanong.

Noon tumayo si Jason saka humakbang palapit sa kanya. Sa puntong iyon ay nagsimula namang kumabog ang dibdib niya sa abnormal na paraan at hindi na iyon bago sa kaniya. Pero kahit sabihing hindi iyon bago ay hindi nangangahulugang immune na siya. Dahil kahit ilang beses pa yatang may mangyari sa kanila ng lalaking ito, mananatili ang discomfort sa katawan niya na palaging nagiging active tuwing lalapit ito sa kaniya.

"Ang sabi ko, kung sakali ba gusto mong ikaw nalang ang maglagay ng coffee shop doon? Pangarap mo iyon hindi ba?" noon banayad na hinaplos ni Jason ang pisngi niya habang ang mga mata nito ay nanatiling titig na titig sa kaniya sa paraan na tila ba hinihigop nito ang lahat ng kalakasan na mayroon siya. 

"Maganda nga, kaya lang sa ngayon wala pa akong pera para doon," aniyang minabuting bigyan ng distansya ang pagitan nilang dalawa para umiwas narin sa temtasyon. 

"Wala namang problema sa pera, kung iyon ang inaalala mo," sagot ni Jason na nanatiling nakatayo kung saan niya ito iniwan pero nararamdaman niyang nakasunod parin sa kaniya ang paningin nito.

"Mahirap ang gusto mong mangyari," sagot niya.

"Hindi naman mahirap. Ako ang bahala sa lahat, sa pagpapatayo ng shop at sa lahat ng gastos," wika ni Jason.

Sa sinabing iyon ng binata ay muling napatitig dito si Jenny. "Seryoso ka ba?" sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Jenny ang matinding excitement na humalo sa boses niya.

Noon malapad na ngumiti ang binata saka magkakasunod na tumango. Pagkatapos ay humakbang ito palapit sa kaniya saka ikinulong sa dalawa nitong kamay ang mukha niya.

"Naniniwala ako na hindi pa huli para sa atin ang lahat, at gusto kong simulan ang tungkol doon sa pagtupad ng pangarap mo," ang madamdaming hayag ng binata saka siya niyuko at dinampian ng masuyong halik sa kaniyang noo.

"Hayaan mo, pag-iisipan ko," sagot niyang ngiting-ngiti. 

Noon nangalatak si Jason. "Huwag mo nang pag-isipan, pumayag ka nalang para kasi pagkatapos noon magsisimula na ulit tayong humabi ng mas marami pang mga pangarap, at sa pagkakataong ito, sisiguraduhin ko sa iyo na gagawin ko ang lahat para matupad natin ang lahat ng iyon, ng magkasama," pagpapatuloy ng binata.

Lalong lumapad ang pagkakangiti ni Jenny dahil sa sinabing iyon ni Jason na nanuot ng husto sa kaibuturan ng kaniyang puso. 

Gusto niya ang sinabi nito. 

Gusto niyang humabi ng maraming bago at magagandang mga pangarap kasama si Jason. 

At higit sa lahat, gusto rin niya ang sinabi nito, na sa pagkakataong ito ay gagawin nito ang lahat para magawa nilang tuparin ang mga pangarap na iyon, nang magkasama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Roby Gio
Mmm supersweetttt parang candy crush haha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 70 “FRATERNAL TWINS”

    “CONGRATULATIONS, kambal na babae at lalake ang magiging anak ninyo,” ang masaya anunsiyon ng doktor na tumitingin kay Jenny. “Talaga Dok?” ang malakas na sambit ni Jason na halatang napakasaya nang mga sandaling iyon. “Yes, Mr. Espinosa,” anitong malapad ang pagkakangiti sa mga labing pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. “Grabe, hindi ako makapaniwala!” si Jason iyon. Mula kaninang nasa byahe sila galing ng ospital at hanggang ngayon nasa bahay na sila ay iyon parin ang paulit-ulit nitong sinasabi. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay nakangiting nakaupo sa paborito niyang rocking chair. Natatandaan niya, mga college pa lamang sila ni Jason ay gustong-gusto na niya ang tumba-tumba na iyon. Kaya siguro ganoon at ngayon doon na nga siya nakatira sa bahay na iyon na sinasabi ng kanyang asawa na bahay na nilang dalawa noon pa man ay madalas siyang doon nakaupo. “Grabe, daig mo pa ang nagbubuntis kung maka-reac

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 69 "DANCING IN THE RAIN”

    SA opisina ni Jason siya pinayuhan ng binata na maghintay rito. Nagsimula ang meeting matapos siyang pormal na ipakilala ng lalaki kay Paul na nang makaharap niya ay noon pa lamang niya naalala. Nakikita nga niya ito noo sa school pero hindi siya nagkaroon ng chance na makausap ito. Medyo natagalan ang meeting kaysa isang oras na sinabi ni Jason sa kanya. Noon niya naisipan na umidlip muna sa mahaba at magandang leather couch sa loob ng opisina ng lalaki. Sa dami ng nangyari sa nakalipas na mga araw ay masasabi niyang ngayon siya literal na nakaramdam ng pagod kaya naman madali siyang tinangay ng mahimbing na pagtulog. ***** MALAPAD na napangiti si Jason nang mapasukan sa loob ng opisina si Jenny at makitang himbing na himbing ito sa mahabang leather couch. Noon maiingat ang mga hakbang niyang nilapitan ang dalaga saka naupo sa center table na yari sa kahoy. Kung hindi pa niya gagawin ngayon,

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 68 “OBVIOUS CHEMISTRY & JEALOUSY”

    “I’M so sorry, Miriam,” simula ni Jenny nang magkaharap na sila ng legal na asawa ni Ryan. “Wala kang kasalanan. Kahit ayokong aminin sa sarili ko, alam ko sa lahat ng nangyari si Ryan ang responsible. Pero hindi ko pwedeng isisi sa kanya ang lahat, siguro may pagkukulang din ako,” iyon ang isinagot nito sa kanya habang pareho nilang inaabot ng tanaw ang walang malay na si Ryan mula sa salamin glasswall ng ICU. Nagbuntong hininga doon si Jenny saka muling nagbuka ng bibig para magsalita. “Pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Alam ko kahit hindi ko ginusto kasama ako sa mga naging dahilan kung bakit nasira ng tuluyan ang pamilya ninyo,” sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Jenny ang mapaiyak. “H-Hindi ko sinasadya, I’m so sorry,” aniyang tuluyan na ngang napahikbi. Nang mga sandaling iyon ay nasa hindi kalayuan si Jason. Sa lobby rin na iyon at nakaupo. Hindi alam ni Jenny kung nakikita siya ng binata pero sana ay hindi.

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 67 “MORNING DEW 6”

    “ARE you okay?” tanong ni Jason sa kanya nang manatili siyang nakaupo lang sa ibabaw nito. Sa puntong iyon ay nahati si Jenny sa kagustuhan niyang sagutin ang tanong na iyon ni Jason o mas bigyan ng pansin ang masarap na pakiramdam na inihahatid sa kanya ng posisyon niya ngayon. Pero may palagay siya na nahuhulaan ng binata kung ano ang tumatakbo sa isipan niya nang mga sandaling iyon. At iyon rin ang nakikita niyang dahilan ng paggalaw nito. “Oh!” ang nasambit niya na sinundan ng isang nasasarapang singhap. “Huwag kang magulo Jason!” aniya saka pinigil ang muling mapa-ungol pero nabigo siya. Malapad ang ngiting nakita niyang pumunit sa mga labi ng binata. “Hindi naman ako magulo ah, ang tagal mo kasi. Nabibitin ako,” sa huli nitong sinabi ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga. Napalunok ng magkakasunod si Jenny pagkatapos niyon. “A-Ang haba kasi ng ano mo, hindi ko alam kung paano ako mag-

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 66 “SUSPICIONS”

    “TAMANG-TAMA ang dating ninyo, ready na ang pananghalian,” si Rowena nang araw ring iyon bago magpananghali at maihatid siya ni Jason sa kanila.Mabilis na binalot ng pagtataka ang isipan ng dalaga nang makita niyang matamis pang nginitian ng nanay niya si Jason at ganoon rin ang binata rito.“Tulungan na kita, Tita Weng,” prisinta pa ni Jason.“Sige anak, halika na sa kusina,” ang nanay niya kay Jason. “At ikaw naman Jenny, magbihis ka na,” anito pa sa kanya.Tumango lang si Jenny sa sinabing iyon ng nanay niya saka na siya nagtuloy sa kanyang kwarto para mabihis.*****“MAHAL na mahal ko po si Jenny, Tita Weng. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya para sa akin,” si Jason na nagpakawala pa ng isang mabigat na buntong hininga matapos sabihin kay Rowena ang totoo.Kahapon, katulad

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 65 “MORNING DEW 5”

    “OH! Jason!” iyon ang unang nasambit ni Jenny nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya habang patuloy ito sa ginagawa nitong pananalasa sa pagkababae niya. “Oh sweetheart, hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing napapasigaw kita,” anitong tinitigan siya ng tuwid sa kanyang mga mata. Napangiti si Jenny sa sinabing iyon ni Jason. Alam naman niya iyon. At alam rin niya na gusto ni Jason ang nag-iingay siya kasi ganoon rin naman ang nararamdaman niya kapag ganoon ang nagiging reaksyon nito sa mga pagsisikap niyang mapaligaya rin ito. Nakangiti rin siyang muling niyuko ng binata saka hinalikan. Habang siya naman ay ikinawit ang isang kamay sa leeg nito saka sinubukang salubungin ang bawat pananalasa nito sa kanya sa sariling paraan na alam niya. “Oh, Jenny, matalino ka talaga,” ang compliment sa kanya ni Jason nang maramdaman nito ang ginawa niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status