Share

CHAPTER 10

MAKING HER SAFE

Sa kaharian ng Dorne, tahimik na binisita ni Hades ang kanyang nasasakupan, walang sinuman ang nakakaalam na lumalabas ito sa Underworld. Tuwing bibisita ito, laging naka tago ang kanyang presenya. Akala ng iba, hindi na ito tatapak muli sa itaas dahil ang alam ng iba nasa kanyang trono lang ito parating namamalagi.

Agad na iniba ni Hades ang kanyang anyo nang makarinig siya ng mga nagmamadaling yabag. Nasa itaas na siya ng puno, nag aanyong uwak.

"Amalya, hindi ka pwede basta na lang sumugod sa Akademya." Ani ng isang matandang babae habang pilit na pinipigilan ang babae nitong kasama.

Matanda ang itsura ngunit kabaliktaran sa boses nito. Hindi niya makita ang itsura nito dahil may turong ito sa ulo.

"Huwag mo akong diktahan Rebecca! Matagal na akong nagtitimpi sa batang iyon!" galit nitong saad.

"Pinapahamak mo lamang ang iyong sarili Amalya."

Kumunot ang noo ni Hades dahil sa kanyang narinig, gusto nitong sumugod sa Akademya. Naramdaman niyang hindi lang ito bast
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status