Share

CHAPTER 4

PAGLALAKBAY

Para akong prinsesa ng kadiliman dahil sa suot kong itim na gown at pulang kapa. Isang prinsesa na tumakas sa kanyang malupit na kaharian. Napailing nalang ako sa aking iniisip.

Nilibot ko ang aking tingin dito sa kagabutan. Dito kasi ako dinala ng portal ni Rebecca. Nag pakawala ako ng isang buntong hininga. Paano ba naman kasi, tanaw ko lang dito sa mismong kinatatayuan ko ang mansiyon.

"Sana nasa maayos kang kalagayan, Rebecca. Maraming salamat..." bulong ko sa hangin bago ako lumakad.

Hindi ko alam saan ako patungo dahil lakad lang ako ng lakad. Tanging buwan lang ang nagsisilbing ilaw sa aking paglalakbay. Muli akong napatingin sa buwan, nagsisimula na, kailangan kong makahanap ng ma pag tataguan kung ayaw kong maging isang haponan ng mga uhaw na bampira.

Mas binilisan ko ang aking paglakad ng makaramdam ako ng ibang presensya. Ito na nga ang sinasabi ko, mga matang naka tago sa dilim at naghahanap ng tiyempo para akoy atakahin at lapain.

Dahil na sa sobrang kaba, hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako. Hindi ako pwede mag palabas ng kahit na anong kapangyarihan dahil baka matunton ako ni Rebecca lalo pa at hindi pa ako masyadong nakakalayo sa mansiyon.

Takbo lang ako ng takbo sa gitna ng kagubatan bigla akong napahinto ng may biglang tumalon sa aking harapan. Isang bampira, pulang pula ang kanyang mga mata at nakalabas ang kanyang napaka matulis at mahabang pangil. Hindi ko mapigilang ma pa atras, nakakatakot.

"Naamoy ko ang napaka tamis mong dugo." nakangisi nitong saad sa akin

Sa totoo lang mabilis ko naman silang ubosin, kaso ayokong ma punta sa wala ang pag takas at pag tulong sa akin ni Rebecca. At ayoko rin naman mamatay sa kamay ng mga bampira nato. Kaya gagawin ko na lang ang aking tinatagong alas. Ang mag lait.

"Alam niyo, labis akong na dismaya. Hindi ko inaasahan na ang mga bampira na nasa libro na makikisig at may magandang mukha ay hindi ko lubos akalain na ganito pala ang itsura niyo sa realidad. Ang papanget niyo, malayong malayo sa libro."

"Masyadong matabil ang iyong dila, binibini." Napatingin ako sa aking likoran, napapaligiran na pala ako.

Napalunok ako sa sarili kong laway. Masyado ba talagang mabango ang aking dugo dahil lang ganito ka rami ang nakapalibot sa akin? Bago pa ako mahawakan ng nasa harapan, mabilis kong hinubad ang aking sapatos at tinapon iyon sa kanyang mukha, napangisi naman ako ng makita kong sapol sa mata ang takong ng aking sapatos.

Mabilis ang kanilang mga galaw ngunit nasasabayan ko ito. Kaya kong sabayan ang kanilang mga galaw. Hindi ako gumamit ng kapangyarihan tanging purong pisikal at ang aking latigo lamang ang kaya kong gamitin sa ngayon. Tuwing may aatake sa akin na bampira, mabilis ko itong pinipilit gamit ang aking latigo hanggang sa maputol ang kanilang ulo. Kampante ako na patayin ito dahil alam ko naman na hindi sila taga Azaleus mga ligaw na bampira na pumapatay ng tao para sa kanilang pansariling uhaw.

Hindi ko namalayan nahubad na pala ang hood ng aking kapa, bumungad sa kanila ang aking itim na itim na mga mata at kulay abo kong mga buhok. Kita ko ang pagka bigla at takot sa kanilang mga mata. Napakunot ang aking noo nang makita ko kung paano sila umatras, pinipigilang umatake.

"I-Ikaw... saang kaharian ka nag mula?." Naramdaman ko ang kaba sa kanyang tono.

May biglang kalokohan ang biglang pumasok sa aking isipan. Ngumisi muna ako dito bago sumagot.

"Nanggaling ako sa kaharian na kailanman ay hindi mo, niyo, gugustohing puntahan." Taas noo kong saad.

"..ang iyong ama... isa ba siyang h-hari..?"

"Oo. Isang Hari nga aking ama at ako ay isang prinsesa. Anak ako ng isang Hari na masahol pa sa Demonyo. Ang natatanging prinsesa ng kadiliman." Mas lalo ko pang pinatingkad ang aking mata dahilan upang masipag takbohan ito palayo sa akin.

"HAHAHAHAHAHAHAA." Hindi ko mapigilang matawa sa aking nasaksikan.

Pinulot ko ang aking mga gamit upang magpatuloy sa paglalakbay. Napanguso ako ng makita kong wala na sa kondisyon ang aking sapatos. Wala akong choice kundi mag lakad ng nakapaa.

"Bakit ko ba kasi nakalimutan dalhin ang—.."

Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng meron na namang biglang sumulpot sa aking harapan. Ang kanyang presensya ay napaka pamilyar sa aking sistema. Habang tinitingnan ito, hindi ko mapigilang mapangiti.

"Isang Alpha..."

Kunot noo itong tumingin sa akin.

"Paano mo nasisiguro na isa nga akong Alpha?" seryoso niyang turan.

"Dahil kilala ko ang iyong presensya. Sapagkat nagkita na tayo labing limang taon na ang nakaraan, Alpha." Mas lalo pang kumunot ang kanyang noo sa aking sagot. "...nakikita kong nasa mabuting kalagayan na ang buong pack, at masaya ako para sayo, para sa inyo ni Luna."

Yumukod muna ako dito para mag bigay galang at saka ako tumalikod upang magpa tuloy. Ngunit napahinto ako sa aking paglalakad ng marinig ko ang kanyang sinabi.

"Ang pagpapakilala biglang isang anak ng Hari at prinsesa ng kadiliman ay nilalagay mo lamang sa kapahamakan ang iyong sarili."

Muli akong humarap sa kanya na naka nguso.

"Alam ko naman eh, gusto ko lang naman makawala sa mga panget na bampira na iyon."

Nakita ko kung paano kumurba ng isang ngiti ang Alpha at iniiling iling ang kanyang ulo. Pareho kaming napatingin sa taas nang makarinig kami ng isang pagaspas mula sa taas, isang malaking ibon na di kalaunan ay lumapag ito sa aming gitna. Lumaki ang aking ngiti ng makilala ko ito.

"Poca!" Mabilis akong tumakbo rito at niyakap ang kanyang ulo.

Nakita ko ang pag sulyap ni Poca sa Alpha at yumukod. Muli itong tumingin sa akin at gumawa ng tunog. Nagpapahiwatig na gusto niyang sumakay ako sa kanilang likuran. Hindi naman ako nagdalawang isip at agad na sumakay dito.

"Paalam Alpha. Hanggang sa muli!" nakangiti kong saad at kumuway.

Bago kami makalayo ni Poca, nakita ko ang bahagya niyang pag ngiti, mas lalo akong napangiti ng marinig ko ang kanyang bulong sa hangin.

"Hanggang sa muli, prinsesa ng kadiliman."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status