Share

CHAPTER 6

UNDERWORLD

Sa loob ng dalawampung taon, naging maayos ang pamumuhay ng taga Azaleus at ng Dorne dahil na rin sa maayos na pamamalakad ng kanilang bagong pinuno. Ang mga Lykos. Pinagkatiwala ito ng dating anak ng Hari ang Dorne sa mga Lykos. Doon, sila ay nanirahan ng mapayapa. Malaki ang pasasalamat ng mga Lykos dahil nabigyan sila ng pagkakataong mamuhay muli at tinanggap ng walang pag alinlangan, matapos ang mapait na trahedya sa kanilang tunay na mundo. Pinapangako nila na poprotektahan nila ang kanilang bagong tahanan kahit ano mang mangyari.

Isang Hari na natatangi sa lahat. Siya ay binasbasan ng Inang Diyosa ng Buwan na maging isang Mortal na Diyos. Ginagalang hindi lamang sa Mundo ng Underworld kundi sa buong Magic Realm. Takot ang lahat sa kanya. Kung sino man ang hindi sumunod sa kanyang batas ay buhay ang magiging kapalit. Ngunit sa loob ng dalawampung taon matapos ang digmaan, kailan man ay hindi na rin ito lumalabas sa kanyang palasyo.

Sa kanyang opisina siya ay laging namamalagi. Kampante itong binabasa ang mga papel na nasa kanyang harapan. Hindi pinansin ang isang taong galit na pumasok sa kanyang opisina.

"Hades!"

Mabilis ang naging kilos nito at nakarating sa kanyang harapan. Lumalabas ang kanyang matutulis at mahabang pangil, ang kanyang pulang mga mata na tumitingkad sa dilim. Handa na itong umatake ano mang segundo.

Nag ingat ng tingin si Hades at tiningnan lamang ito na parang sinasabi na wala siyang paki alam at tinuloy ang kanyang ginagawa.

"Alam kong matagal mo ng pinutol ang koneksyon mo sa amin, pero hindi sapat na dahilan iyon para hayaan mo nalang ang iyong nasasakupan na patayin ang aking mga kalahi!"

"I'm pretty sure you are not aware of your own people, Vampire." ani nito sa malamig na boses.

"What?! So you are telling me na kasalanan ko pa?!"

Umupo ng maayos si Hades saka niya ito tiningnan ng malamig.

"I see."

Hindi na nag aksya ng panahon si Vlasis at mabilisan niyang sinugod si Hades. Hindi pa man siya nakaabot nito mabilis na nawala sa kanyang paningin at naramdaman niya nalang na parang may sumasakal sa kanya.

"You are blaming me for nothing, Vampire."

Sumulpot ito sa harapan niya na nakapamulsa. Binigyan niya ito ng isang malamig na tingin at binalibag bago bumalik sa kanyang upoan.

Nanghihinang napaluhod si Vlasis matapos bawiin ni Hades ang kanyang kapangyarihan. Agad naman kinontrol ni Hades ang pintuan na lumipad bago pa ito makasira. Pumasok doon ang kanyang kapatid na may pag aalala.

"Oh My God... Vlasis!" mabilis niya itong dinalohan at inalalayan.

"aghh... careful."

"Bakit ba naman kasi sumugod ka kaagad." ani ni Hera. Tumingin ito sa kanyang kapatid at nag bigay galang. "Paumanhin sa naging kilos ng aking asawa, Kamahalan."

"What?! Potangina Hera— "

Hindi na natapos ni Vlasis ang kanyang sasabihin dahil mabilis itong sinakal ni Hades.

"Don't. You. Dare. Curse. My. Sister."

Nabigla si Hera. Pero agad naman nakabawi at mabilis na nilapitan ang dalawa. Alam niyang matagal ng tinapos ng kanyang kuya ang koneksyon nito sa kanila kahit na sa kanilang mga magulang pero natutuwa ang kanyang kalooban dahil nag aalala pa rin ito sa kanya. Ang kanyang Kuya Hades.

"Kuya, please..." nakangiha ng maluwag si Hera ng makita niyang pinakawalan ang kanyang asawa.

"*cough*, *cough*, *cough*"

Mabilis naman niya itong nilapitan at binatukan.

"what the.. babe! ako na nga itong nabogbog, babatukan mo pa ako?!"

"Kasalanan mo rin naman! Sugod ka ng sugod!"

Napatayo ang dalawa ng tuwid ng maramdaman nila ang dalawang presensya na papalit sa opisina ni Hades. Nang makita kung sino ito agad itong nag bigay galang sa dalawang nilalang na dumating. Ang Luna at ang Alpha ng Amavasya.

"Ilang beses ko na bang sasabihin na hindi niyo kailangan yumukod sa amin." ani ng babae na may ibon na nakapatong sa kanyang balikat, binigyan sila nito ng isang matamis na ngiti.

yes

Umupo ito sa sofa na naroon sa loon ng opisina, ganoon rin ang ginawa ni Hera at ni Vlasis.

"Speak." gamit ang malimig nitong boses at tumingin sa Luna at Alpha

"Those vampires who was killed..." Simula ng Alpha at tumingin kay Vlasis. "...are not your comrades, Mr. Blood."

Kumunot ang noo ni Vlasis sa narinig.

"Those are rogue vampires. Mga bagong silang na mga bampira na dating mga tao." Sabad ng Luna. "Kilala ang mga bampira ng Azaleus na hindi namamatay sa simpleng pag pugot lamang ng ulo."

"Pinugotan sila ng ulo?" Ani ni Hera.

"Pinugotan sila ng ulo gamit lamang ang isang latigo, ni walang halong kahit anong mahika."

Labis na nababahala si Vlasis sa kanyang narinig. Kung mga bagong silang na bampira ang mga iyon, nagpapahiwatig ito na may traydor sa kaniyang nasasakupan. Mahigpit na pinagbabawal ang makipag ayon sa mga tao ang mga bampira, ang pag inom ng dugo at lalong lao na ang gawing bampira ang isang tao.

"You told me earlier that one of my man killed those vampires, who is he?" Hades.

"She not a he. Isang dalaga na may natatanging ganda." Saad ng Alpha at tiningnan sa mata si Hades.

"Sa pagkakaalam ko, wala akong nakikitang babae dito sa loob ng palasyo ni Kuya. Kung hindi ako pupunta sa inyong pack, hindi pa ako makakakita ng babae eh." Nagtatakang saad ni Hera.

"Kasi hindi naman talaga siya rito nag mula."

"But sabi ng mga tauhan ko siya ay isa sa mga tauhan mo?" Nagugulohang ani ni Vlasis.

"She was just pretending." Ngumiti ang Alpha at inaalala ang kanilang engkwentrong dalawa. "She told those shits that she's from the Underworld, the princess of Underworld and the only daughter of a demon who rules the underworld."

Bigla na lamang tumaas ang temperatura ng silid.

"Did you just... me? A demon?" malamig na tanong ni Hades.

Imbis na matakot ang Alpha tumawa lang ito. Hindi alintana ang biglang pag iba ng temperatura ng silid.

"Hindi ako ang nagsabi niyan, Kamahalan. Iyan ang kaniyang pakikilala sa mga bampira na gusto siyang atakihin."

"I want to meet her. I will punish her for saying and pretending to be my daughter." Hades.

Mabilis na lumipad ang ibon ng Luna at tinutuka tuka ang kanyang noo habang ito ay nag iingay sa harapan ni Hades. Natuod silang lahat sa kanilang upoan dahil sa kanilang nasaksihan.

"Poca!" nag aalalang tawag ng Luna dito.

Hindi naman nag dalawang isip si Hades na ibalibag ito wala siyang pakialam kung isa ito sa mga ginagalang ng mga taga Amavasya.

Susugod na sana muli ito ng mabilis na pinigilan ito ng Alpha. Tumingin ng matilim si Hades kay Luna, agad naman itong tinago ng Alpha sa kaniyang likoran.

"Hindi mo siya pweding saktan, Kamahalan. Ang dalaga na iyon, siya ay may basbas ng Inang Diyos ng Buwan. Kaya lamang niya iyon nagawa dahil nais niya lang iligtas ang kanyang sarili." Pagiintindi ng Alpha.

"Paumanhin sa naging asal ng aking alaga, Kamahalan sapagkat napalapit na ang kanyang loob sa dalaga at pinangakuan na poprotektahan niya ito kahit nino man." Dagdag ng Luna.

"She must be something..." ani ni Hera.

"Ang dalaga na iyon... siya ang yung bata na sinasabi ko na pinadala ng Inang Diyos ng Buwan para kami ay iligtas mula sa pag lusob ng mga sorciere. Labinglimang taon ang nakakaraan."

"I still want to meet her."

Susugod na naman sana si Poca ng mabilis itong kinulong ng Alpha.

"Relax Poca, I know he can't hurt her. Baka nga mahimatay yan pag nakita niya iyon."

Tumingin si Hades sa Alpha na may nagtatanong na mga mata.

"Brace yourself, your highness." Nakangising saad ng Alpha saka ito tumingin sa statue na tanaw lang mula rito sa silid. Ang nag iisang statue na nasa gitna ng hardin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status