Share

CHAPTER 5

EXOUSIA ACADEMY

Hindi ko mapigilang maka idlip sa aming paglalakbay ni Poca. Masyado akong napagod sa pakikipag laban kanina laban sa mga bampira.

Nagising lamang ako ng maramdaman kong lumapag kami ni Poca sa harap ng napakalaking gate. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Umaga na pala. Mukhang mahaba haba ang aming nalakbay ni Poca. Baba na sana ko ng pigilan ako ni Poca. Napatingin ako sa itaas at binasa ang nakasulat na naka arko sa taas ng gate.

"Exousia Academy...?"

Napakapit ako kay Poca ng bumukas ng dahan-dahan ang gate. Lumingon muna si Poca sa akin at nagsimula na ulit lumipad papasok. Hindi ko mapigilang humanga sa paligid, napakaganda sa mga mata. Sa gitnang bahagi ay may roong fountain na may iba't-ibang kulay na tubig ang lumalabas.

May nakita rin akong mga estudyante na naka uniporme na naka kapa na may iba't-ibang kulay pero sa lahat ng nakikita ko, ako lang ang ata ang nakasuot ng pulang kapa. Ramdam ko ang kanilang tingin sa akin, sa tuwing dadaan kami ni Poca bigla nalang yuyukod ang mga ito sa amin. Hindi ko batid kung anong klaseng nilalang si Poca upang galangin siya ng ganito.

Pagkarating namin sa entrada, bumaba na ako kay Poca saka binaba ang hood ng aking kapa. Hindi ko mapigilang lumingon dahil sa narinig ko ng pagsinghap. Mas lalo pa itong mapasinghap ng mapansin nila ang kulay ng aking mga mata.

"Mukhang isa siyang dugong bughaw."

"Kaya siguro isang ginagalang na nilalang mula sa Amavasya ang nag hatid sa kanya."

Iyan lamang sa mga bulong na aking narinig. Tumingin ako kay Poca at tinaasan ito ng kilay. Tama nga ako hindi lang siya basta bastang ibon. Gumawa lamang ito ng tunog at bumalik sa kanyang normal na anyo at muling bitbit ang aking maliit na bag. Maliit pero marami ang pweding pagkasyahin.

Naunang maglakad si Poca sa akin. Wala akong ibang ginawa kundi pag masdan ang mga paintings na nasa dingding. Wala na akong nakitang mga estudyante.

"Dito na ba ako mag aaral, Poca?"

Huminto muna ito at tumingin sa akin gumawa ito ng tunog saka nagpatuloy sa aming paglalakad. Napangiti ako, matagal ko ng gustong mag aral. Sa wakas magagawa ko na lahat ng gusto kong gawin.

Huminto kami sa malaking double door. Tiningnan ako ni Poca na parang sinasabi niyang buksan ko ang pinto. Agad ko naman itong sinunod at binuksan ito. Bumungad sa akin ang napakalawak na opisina. Sa kaliwang bahagi ay may roon naka hanay na mga libro habang sa kanan naman ay puro mga certificates at trophy ang naka display.

Masyado akong nawili sa paligid, hindi ko napansin ang taong naka upo sa gitang bahagi ng silid habang may pinipirmahan sa papel.

"You can sit." ani nito habang nakatuon pa rin sa kanyang ginagawa.

Lumingon muna ako kay Poca bago lumapit sa lamesa. Nakita ko ang parihabang bagay na naka lagay sa unahan ng mesa na may nakasulat na pangalan.

"Headmistress... Cho Yeong."

Hindi ko namalayan napalakas pala ang pagsabi ko sa kanyang pangalan sanhi ng pag angat niya ng tingin sa akin. Labis na pagka gulat ang nakita kong ekpresyon habang naluluha itong nakatingin sa akin.

"...S-Selana..." wala sa sariling bulong nito.

Bumaling ang tingin ko kay Poca na gumawa ng ingay at mabilis na dumapo sa aking balikat.

Tumayo ito sa pagkakaupo at tumalikod. Tumikhim muna ito ng ilang beses bago humarap sa amin ng nakangiti.

"Sorry about my action. I was j-just...uhm overwhelmed by your beauty."

Namula ang aking mga pisnge sa kanyang sinabi. Agad ko naman itong hinawakan saka nahihiyang yumuko. Nakakahiya!

"so...?"

Mabilis ko naman kinuha ang aking pouch sa bag saka ito binuhos sa lamesa ng headmistress. Nagkalat ang iilang ginto sa mesa.

"Ito po, gusto ko pong mag aral dito. Kung kulang pa iyan marami pa ako dito sa loob ng aking bag." Ani ko dito habang kumuha na naman ulit ng panibagong pouch at binuhos sa kanyang mesa.

Nag angat ako ng tingin ng wala akong makuhang sagot. Nakangangang naka tingin ang headmistress sa akin.

"K-kulang pa... po ba?"

Kukuha na naman sana ulit ako ng panibagong pouch ng pigilan niya ako. Dinampot niya ang mga gintong nagkalat sa kanyang mesa at ibinalik iyon sa sisidlan.

"No need for that, Iha. Ang pag aaral dito sa E.A ay libre lang." Kumuha ito ng papel saka ito ibinigay sa akin. "... kindly fill up this one."

Name: Andromeda

Power: Classified

Myth Guardian: Unknown

.

.

.

.

.

.

.

Guardian/Parents name: Poca

Nakita ko ang pag tuka ni Poca sa aking ulo. Tumingin ako rito na naka nguso. Binura ko na lang ang kanyang pangalan at pinilatan ito.

Name: Andromeda

Power: Classified

Myth Guardian: Unknown

.

.

.

Kingdom: Dorne

Guardian/Parents name: Alpha of Lykos.

Nakita ko ang pag tango ni Poca. Napahagikhik na lang ako sa kalokohan naming dalawa. Pasensya na Alpha, ayaw kasi ni Poca siya ilagay ko eh. Muli na naman akong natawa at ibinalik kay Headmistress ang papel.

Agad niya naman itong tinanggap at binasa.

"You didn't put your surname."

"Ah wala po akong apelyido." Nagugulohan itong tumingin sa akin.

"You don't have one?"

"Tanging pangalan ko lang ang alam ko, Headmistress."

Hindi na ito nagsalita pa at nagpa tuloy sa pagbabasa. Kumunot ang kanyang noo at tiningnan ng mabuti ang nakasulat sa papel.

"Alpha... of Lykos?.." basa nito nag angat ng tingin sa akin. Napalunok naman ako ng laway sa klase ng kanyang tingin.

"ahh..." Tumingin ako kay Poca na nanghihingi ng tulong.

Patay. Patay talaga ako nito. Parang kilala ata niya ang Alpha ng mga lobo.

"I see... kaya pala mismong mythical guardian ng Luna and nag hatid sayo rito." ani nito at kalaunan ay ngumit.

Naibsan naman ang kabang nararamdaman ko kanina, akala talaga malalagot ako kasi dinamay ko ang pangalan ng Alpha. Kagabi lang, isang Hari ang inangkin kong Ama tas ngayon naman isang Alpha ng mga Lykos ang sinama ko sa kalokohan. Teka, mythical guardian ng Luna? Tumingin ako kay Poca na may pagtatanong sa mata. Nag iwas lamang ito ng tingin sa akin.

"Here's your key to your dorm, and this is your dorm number."

Kinuha ko naman ito at binasa ang maliit na papel.

West Wing ESM, room eight.

Tumayo naman si HM sa kanyang pagkakaupo at bumaling kay Poca.

"Poca, pwede mo na siyang ihatid sa kanyang dorm." Nakangiti itong bumaling sa akin. "You are now officially enrolled. Welcome to Exousia Academy, Lady Andromeda." ani nito saka bahagyang yumuko.

Gaya ng mga prinsesa, yumukod ako kay headmistress bilang pasalamat saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Bago ako makalabas sa kanyang opisina, narinig ko pa ang huli niyang sinabi.

Kamukhang kamukha mo talaga siya. Ang pagkaiba lang, she's cold as ice but you're too bubbly to be like her.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status