Share

CHAPTER 3

ANG PAGTAKAS

Tiningnan ko ang ilang gamit na dadalhin ko mamaya sa aking pag takas. Oo tatakas ako. Tatakas ako kasama ang Mortal Na Diyosa. Hindi ko hahayaan si Amalya na mag tagumpay sa kanyang masamang binabalak. Tatlong araw ko rin ito pinag handaan ng mabuti. Hindi ako pwede basta-bastang kikilos.

Nang makaramdam ako na may paparating mabilis kong inilagay sa ilalim ng kama ang aking nga gamit. Bumukas ang pinto at bumungad dito si Amalya na may dala dalang puting bistida.

"Suotin mo yan mamaya, may pag diriwang na gaganapin mamayang alas otso." ani nito saka nilapag sa kama ang dala nitong bistida.

Alam ko kung anong klaseng pag dariwang ang kanyang sinasabi, kung hindi ko lang narinig ang kanilang usapan sa araw na iyon malamang nag didiwang na ako dito dahil makakasalimuha na ako ng iba pang nilalang, ngunit alam ko kabaliktaran ang nangyayari.

"Hindi ka ata nasisiyahan sa aking sinabi, Andromeda?"

Pilit kong kinakalma ang aking sarili at tumingin sa kanyang mga mata ng deretso.

"Gusto kong lumabas, Amalya. Gusto kong makita ang mundo."

"Amalya...? Tinawag mo lang akong Amalya?" Kunot noo niyang tanong.

"Gusto kong maranasan makipag halobilo sa labas."

"Hindi. Hindi ka lalabas sa mansiyon." strikta nitong saad.

"Ngunit gusto ko ng lumaya sa mansyon na ito, Amalya!"

Mabilis itong lumapit sa akin at sinampal ako kaliwa't kanan.

"Hindi ka kailan man makakalaya sa akin, Andromeda! Sa akin ka! Ako ang mag dedisisyon kung ano ang nararapat sayo! Hindi ka makakaalis sa poder ko kahit pa akoy mamatay!" galit niyang turan sa akin.

Masyadong masakit ang sampal na binigay niya sa akin. Pero hindi ko na siya hahayaang kontrolin ako. Hindi ako nagpatalo at tinulak ko siya ng malakas sanhi ng pag tilapon niya sa kabilang bahagi ng silid.

"Ang panget na nga ng itsura mo, ang panget pa ng pag uugali mo!"

"Anong sinabi mo?!"

"Nakita ko ang tunay mong wangis. Nasusuka ako sa tuwing naaalala ko ang itsura mong hindi ka aya-aya! Panget ka Amalya! Napaka panget mo!"

Mas lalong naging mabigat ang atmospera sa aking silid dahil nararamdaman ko ang sobrang galit ni Amalya sa akin. Sino bang hindi magagalit kung nilait ko lang naman siya ng todo todo. Magpapalabas na sana ito ng mahika nang pigilan ito ng isang babae na biglang pumasok sa eksina.

"Huwag mo akong pigilan Rebecca! Tuturuan ko ng leksyon ang walanghiya na yan!" unti-unting lumabas ang kanyang tunay na itsura, nagsimula ng kumunot ang kanyang noo.

"Kumalma ka, Amalya. Nais mo bang humarap sa mga bisita na ganyan ang iyong itsura? Ako na ang bahala kay Andromeda, alam kong hindi mo nais na mapunta sa wala ang lahat ng iyong mga pinaplano..." pagpakalma naman ng kanyang kapatid dito. Tumingin si Amalya sa kanya at kinalma ang sarili. "... alam kong pinaghirapan mo iyon, kaya kumalma ka." dagdag na saad ni Rebecca sa kanya.

Tiningnan muna ako nito ng matalim bago nag mamartsang umalis sa aking silid. Napa atras ako ng isinara niya ang pinto ng aking silid. Tumingin naman ito sa akin at binigyan ako ng isang ngiti. Hindi ko siya sinuklian, kumunot ang aking noo sa kanyang ikinikilos. Mas lalo pa akong umatras ng humakbang ito papalapit sa akin.

"Gusto mong tumakas?" Nakita ko kung paano siya mag nakaw ng tingin sa ilalim ng aking kama kung saan naka tago ang aking mga gamit.

"Ano naman ngayon? Isusumbong mo ako sa kapatid mong panget?" pag mamaldita ko rito.

Tumawa lang ito at umupo sa dulo ng aking kama.

"Masyado mo ng nilalait si Amalya, Andromeda." nakangiti niyang saad sa akin.

"Panget naman talaga si Amalya, baka nga pareho kayo eh. Kumakain ng bulaklak para maging bata ulit."

Mas lalo lang itong natawa sa aking sinabi. Wala akong nakitang galit o pagka insulto sa kanyang mukha sa aking sinabi.

"Hindi ko kailangan ng bulaklak na iyon, itong ganda ko ay biyaya ng Inang Diyosa ng Buwan..." tsaka hinawakan ang kanyang mukha. "...alam kong nandoon ka rin noong panahon na iyon dahil nakikita kita."

Nabigla ako sa kanyang sinabi. Ang suot kong kapa ay may kakayahan itong itago ang aking presensya.

"Dahil ako mismo ang gumawa sa iyong kapa, regalo iyan sayo noong tumungtong ka ng labingwalo."

Tumayo ito sa kanyang pagkaka uponat lumapit sa akin, hindi na ako umatras at hinintay na lang na makalapit siya sa akin. Hinubad niya ang kanyang suot na kwintas at isinuot niya iyon sa akin. Nakita ko kung paano nawala ang kanyang ganda. Mula sa batang itsura, naging isang matanda na ito.

"...b-bakit mo.. ito ginagawa?.." nagugulohan kong saad.

"Poprotektahan ka niyan, hindi maaamoy ni Amalya ang iyong presensya..." Tumingin ito sa orasan na naka dikit sa ulohan ng aking kama. "... kailangan mo ng tumakas malapit na mag alas otso."

"Alam mong pag tatraydor kay Amalya ang ginagawa mo." nag-aalala ako para sa kanya alam ko na hindi ito palalampasin ni Amalya pag nalaman niyang ang kapatid niya mismo ang nagpa takas sa akin.

"Mas gugustohin ko pang mag traydor sa aking angkan kesa traydorin ang Inang Diyosa ng Buwan. Napakalaki ng kasalanan ni Amalya sayo, panahon na para ikaw ay lumaya." Gagawa na sana ito ng portal nang pigilan ko ito.

"Sandali! Ang mortal na diyosa, kailangan ko siyang isama. Hindi ko siya pweding iwan dito."

Nakita ko kung paano may dumaan na kung anong emosyon sa kanyang mga mata.

"Kamukhang kamukha mo ang iyong Ina..." hinaplos nito ang aking mukha. "... ngunit ang iyong mga mata ay nakuha mo sa iyong Ama."

Labis na pagka bigla sa mga binitawan niyang mga salita.

"Kilala mo ang aking mga magulang?" Matagal ko ng gustong malaman ang tungkol sa kanila pero ni isang impormasiyon wala akong mahanap. Imbis na sagutin ang tanong ko iba ang kanyang sinabi.

"Hindi pa ang ito ang takdang panahon para sa Mortal Na Diyosa. May panahon para diyan, sa ngayon ang sarili mo muna ang iyong isipin. Kailangan mong kilalanin ang iyong buong pagkatao, at pag nangyari iyon, doon na ang tamang panahon para ang Mortal Na Diyosa naman ang iyong aalalahin."

"Ngunit..."

"Maiintindahan ka ng iyong In—... ng m-mortal na Diyosa, alam kong mas gusto niyang unahin mo muna ang iyong sariling kapakanan. Kayang protektahan ng kanyang kapangyarihan ang Diyosa, Andromeda dahil alam mong sa lahat ng Diyosa, natatangi siya sa lahat."

Pinag isipan ko ng mabuti ang kanyang sinabi, tama naman siya. Hindi ako pwede magpa dalos dalos. Kahit napalabas ko na ang ang ibang kapangyarihan, hindi sapat iyon para masama ko sa pagtakas ang Diyosa, hindi ka pa napapalabas ang mga Guardians ko. Alam ko namang hindi basta bastang Diyosa iyon, pero nababahala pa rin ako sa pweding gawin ni Amalya sa kanya.

"Pwede ko ba siyang puntahan saglit?"

Hindi na ito sumagot basta nalang hinawakan ang aking kamay at nag teleport. Mabilis ko namang pinindot ang mata ng dragon at agarang pumasok pagka bukas nito.

Lumapit ako sa altar at nag bigay galang. Pinisil ko ang kanyang kamay saka ito hinalikan sa kanyang noo.

"Pinapangako ko, babalikan kita. Aking Mortal na Diyosa."

Sa pag labas ko, nakita ko na naghahanda ng isang portal si Rebecca. Muli akong tumingin sa dingding, hindi ako nag dalawang isip na gumawa ng engkantasyon para mabigyan ng proteksyon ang silid ng Mortal Na Diyosa. Isang barrier na tanging ako lamang ang makakasira. Kahit sa ganitong paraan, makakampante ako. Alam kong hinding-hindi na makakapasok si Amalya dito.

Bago ako pumasok sa portal, binigyan ko ng isang mahigpit na yakap si Rebecca. Naramdaman ko ang pagka bigla nito ngunit kalaunan gumanti rin ito ng yakap sa akin. Bago ako tuluyan lamonin ng portal, lumingon ako sa huling sandali.

Sisiguraduhin kong matutupad ang ipinangako ko sayo, Mortal Na Diyosa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status