Mag-log in
LIMANG TAON.
Ganoon katagal ang inaksaya ni Selene Flores sa lalaking akala niya ay magiging forever niya. Pero sa gabing 'yon na dapat ay ipagdiriwang nila ang fifth anniversary nila—nalaman niyang limang taon lang pala siyang nag-aksaya ng oras. Nakatayo si Selene sa harap ng pinto ng condo ni Tristan, hawak pa niya 'yung paper bag na puno ng surprise. May wine, may pagkain na paborito nito, at may maliit na box na naglalaman ng limited edition cufflinks na matagal na niyang pinagipunan at yung binili niyang lingerie. Akala niya, ngayong gabi, mag-propose na si Tristan. Limang taon na sila. Tangina, sobrang tagal na noon. Lahat ng kakilala nila, either kasal na o nag-propose na. Sila lang ni Tristan ang parang stuck sa limbo. Boyfriend-girlfriend lang. Walang usad. Pero okay lang daw, sabi niya sa sarili niya. Mahal naman niya si Tristan eh. Mahal naman niya siya. O baka sadyang tanga lang siya. Binuksan niya 'yung pinto gamit ang spare key niya. Tahimik siya pumasok kasi gusto niya talagang surprise. Imagine niya, makikita ni Tristan 'yung effort niya, tapos kikiligin, tapos... Narinig niya 'yung ingay mula sa living room. Una, akala niya TV lang 'yun. Siguro nanonood ng something si Tristan. Pero habang papalapit siya, mas lumilinaw 'yung tunog. Ungol. Daing. 'Yung tipong... 'yung tipong hindi mo dapat maririnig sa TV. Napatigil si Selene sa gilid ng hallway. Parang may kumulo sa dibdib niya. Parang alam na niya kung ano 'yung makikita niya, pero ayaw pa ring maniwala ng utak niya. ‘Please, hindi 'to 'yun’, sabi niya sa sarili. ‘Please, please, please—’ Pero nung sumilip siya at nakita niya 'yung living room... Nahulog 'yung paper bag na hawak niya. CRASH. 'Yung wine bottle, nabasag sa marble floor. Red wine everywhere. Pero mas red flag pa 'yung nakita niya sa couch. Si Tristan. At si Ashley. Naka-hubad. Naka-patong si Ashley sa boyfriend niya, tangina. Naka-patong si Ashley kay Tristan, mga mukha nila halos magkadikit, mga katawan nila magkasama, at— Fuck. Fuck, fuck, fuck. Napatingin silang dalawa kay Selene. Nanlaki 'yung mga mata ni Ashley. Sumigaw siya, sabay takip ng throw blanket sa katawan niya. 'Yung blanket na binigay ni Selene kay Tristan last Christmas. Tangina talaga. Si Tristan, tumayo. Naka-hubad pa rin. Walang kahihiyan. Nag-panic lang ng kaunti, pero mas mukhang... Mukhang inis siya. Inis na nadisturbo sa ginagawa nila. "Selene—" sabi ni Tristan, tapos naglakad papunta sa kaniya. Pero umurong si Selene. Hindi niya kayang tingnan si Tristan nang diretso. Kasi alam niya, kapag tiningnan niya, iiyak siya. At ayaw niya. Ayaw niyang makita ni Tristan na nasasaktan siya. Kasi tangina, sobrang sakit. "Baby, wait!" sigaw ni Tristan. "It's not what it looks like!" Napatigil si Selene. Hindi dahil naniwala siya. Kundi dahil natawa siya. Natawa siya kasi tangina, gano'n ba talaga? Gano'n ba ka-cliché ang buhay niya? Parang pelikula lang? Parang sa story lang na binabasa niya? ‘It's not what it looks like.’ Bitch, huwag nga siya. Nakita niya. Nakita niya lahat. Kaya tumalikod na si Selene. Naglakad siya pabalik sa pinto. Iniwan niya 'yung basag na wine bottle, 'yung pagkain, 'yung cufflinks. Iniwan niya 'yung lahat. Kasama na si Tristan. "Sel, please! Let me explain!" sumigaw ulit si Tristan sa likod niya. Pero hindi na siya lumingon. Lumabas si Selene ng condo. Sinara niya nang malakas ang pinto. Tapos naglakad siya papuntang elevator nang mabilis, kasi parang konting segundo na lang, babagsak na siya. Pagpindot niya ng button, nanginginig 'yung kamay niya. Pagbukas ng elevator, blurred na 'yung paningin niya. Pagpasok niya, pumatak na 'yung luha. Tangina. Limang taon. Limang taon na binigay lahat kay Tristan. 'Yung oras niya, 'yung effort niya, 'yung tiwala niya. Limang taon niya dinefend si Tristan sa mga kaibigan niya na sinasabing babaero 'yung lalaki, na hindi siya magiging faithful. Limang taon niya sinabihan ang sarili niya na, "No, si Tristan, special. Si Tristan, magbabago para sa akin." Pero gago lang pala siya. Pagdating niya sa parking lot, tumakbo siya papunta sa kotse niya. Sumakay, lock agad ng pimto, saka niya hinayaang lumabas lahat. Umiyak si Selene nang malakas. 'Yung tipong halos hindi na siya makahinga. 'Yung tipong parang gusto niyang mamatay sa sakit. Pero hindi. Kasi mas galit pa siya kaysa nasasaktan. Galit kay Tristan na niloko siya. Galit kay Ashley na kinabet siya. Pero mas galit siya sa sarili niya. Kasi bakit? Bakit hinayaan niya? Bakit pinilit niya pa ring maniwala? Alam naman niya. Alam niya naman na may mga babae si Tristan. Marami. Ilang beses na niya nahuli. Pero pinipatawad niya. Paulit-ulit. Kasi sabi niya sa sarili niya, "Mahal niya ako. Magbabago siya." Pero hindi. Hindi nga. Ilang minuto siyang umiiyak sa loob ng kotse bago niya napansin ang phone niya. Tumutunog. Ilang missed calls na. Tristan. Ashley. Mika. 'Yung ibang kaibigan. Pinindot ni Selene 'yung power button. Saka in-Off. Ayaw niyang pakialaman siya ngayon. Nag-start siya ng kotse. Nagdrive. Walang patutunguhan. Basta gusto niya lang lumayo. Dumaan siya sa EDSA. Sa Makati. Sa BGC. Ang daming tao. Ang daming kotse. Lahat sila, parang normal lang ang buhay. Parang walang problema. Inggit siya. Nag-stop siya sa red light, tapos nakita niya 'yung sign sa kanan. **Eclipse.** 'Yung club na palagi niyang nadadaanan pero hindi niya kailanman pinasok. Kasi ano, expensive. Sosyal. Hindi klase ng lugar papasukin niya. Pero ngayong gabi... Ngayong gabi, wala siyang pakialam. Gusto niya lang makalimot. Gusto niyang lunurin ang sarili niya sa alak. Gusto niyang maging ibang tao. 'Yung tipong hindi 'yung Selene na good girl, 'yung Selene na palaging mauunawain, 'yung Selene na palaging talo. Gusto niya maging 'yung Selene na walang pakialam sa kahit sino. Kaya pumasok siya.Dinala niya ako sa loob, pero hindi sa living room ang punta namin. Dinala niya ako sa likod, sa isang pintuan na pagbukas ko ay ikinagulat ko. It was an art studio. May drafting table, architecture books, at sketches sa dingding. "You drew this?" tanong ko, nakaturo sa isang sketch ng hotel. "I did. Architecture was my first love before business. I still design as a hobby." Namangha ako. "This is good. Really good." "I wanted you to see the real me," he said, stepping closer. "Not just the businessman, but Drake. The guy who pa rin dreams in blueprints." I smiled. "I like this Drake." "Yeah?" "Yeah. This Drake is less annoying." Matapos ang mahabang usapan at kape, naupo kami sa living room habang pinapanood ang sunset. "Why me?" tanong ko sa kanya. "You could have anyone. Why the girl who keeps pushing you away?" "Because you're real," seryosong sagot niya. "Everyone else sees the money and the name. But you? You chose me because of who I was that night. You c
THE NEXT DAYSabado na. Normally, Saturdays are my rest days. Ang araw na walang trabaho, walang stress, at walang pressure. Just me, my couch, Netflix, and some junk food.But this Saturday? May ibang plano ang universe.Nagising ako sa isang text message. Galing kay Drake.Drake: Good morning. I hope you slept well.Simple message. Sweet. Walang demands. Tinitigan ko muna 'yun ng isang minuto bago nag-reply.Me: Morning. I slept okay.Lie. I barely slept. Pero hindi na niya kailangang malaman ‘yun.Drake: Busy today?Me: Not really. Why?Drake: I want to show you something. If you're free.Me: Show me what?Drake: It's a surprise. Are you free around 2pm?Red flag? Maybe. Pero at the same time... curious ako.Me: Where?Drake: I'll pick you up. Send me your address.Me: I can drive myself.Drake: I know you can. But let me pick you up. Please?That "please." Putangina talaga.Me: Fine. But kung boring 'to, I'm leaving.Drake: Noted. See you at 2.I sent him my address a
HINDI ko na alam kung ano ang nangyari sa akin.Seriously.Hindi ko lubos maisip kung bakit bigla akong naging ganito—yung tipong nagpapakipot pero deep inside, excited na excited. Yung tipong ayaw pero gusto. Yung tipong takot pero willing to risk it.What the hell happened to the Selene na buo ang loob na hindi na mag-rerelasyon? Yung Selene na determined na mag-focus sa career? Yung Selene na swore off men after the Tristan disaster?Nandun pa ba siya o kinain na siya nang buo ng feelings na 'to para kay Drake?Tangina talaga.Maya-maya lang, nag-text na si Mika. Nabalitaan niya siguro sa isa naming common friend na may nakakita sa amin ni Drake sa isang café.Mika: SELENE MARIE FLORES. EXPLAIN. NOW.Mika: May nakita si Jenny na magkasama raw kayo ng isang gwapo sa café near Makati. SPILL.Mika: Wag mo akong i-seen. I know you're reading this.Napangiti ako despite myself. Si Mika talaga, walang filter. Walang chill. Kapag usapang chismis, aggressive ang approach.Me: Site
Sa sumunod na isang oras, naging productive naman kami. Nag-discuss kami tungkol sa soil conditions, load-bearing requirements, at foundation depth. Professional. Work-focused. Pero sa tuwing nagpapaliwanag ako, ramdam ko ang titig ni Drake. Hindi siya sa blueprints nakatingin, kundi sa akin. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko, parang ninanamnam niya. At tuwing may iaabot siyang gamit sa akin, laging may brief contact ng mga daliri namin. Yung mga hawak na pwedeng sabihing accidental lang, pero deep down, alam mong intentional. Pagkatapos ng site visit, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako—hindi dahil sa trabaho, kundi dahil sa pag-pretend na hindi ako apektado sa kanya. "I think we're done here," sabi ko habang tinatanggal ang hard hat ko. "Not yet," sabi niya. "May kulang pa ba sa inspection?" "I want to go over the construction timeline one more time," sabi niya habang inaayos ang buhok niya na medyo nagulo ng helmet. "Privately. Para walang distractions. Para ma-dis
Mabilis na dumating ang Martes, parang nakikipagsabwatan ang universe para guluhin ang mental preparation ko. Pakiramdam ko, pati ang oras ay nakikipag-team up kay Drake para lang ma-off balance ako. Nag-drive ako papunta sa site sa Makati nang mas maaga kaysa sa dapat. Ayaw ko kasing nalalate. Kapag late, nagmamadali. Kapag nagmamadali, natataranta. At kapag natataranta, nagiging vulnerable—at iyon ang huling bagay na gusto kong mangyari sa harap ni Drake. Lalo na pagkatapos ng elevator confrontation namin at nung mga email na parang coded messages ng mga spy. Nasa prime location ang site, malapit sa Ayala Triangle. Malawak na lote na punong-puno ng potential. Wala pang structure, puro lupa pa lang na napapalibutan ng chain-link fence at mga safety warnings. Pero may nakalagay na doong malaking signage: "Future site of Valencia Hotel Manila." Pagkababa ko ng kotse, suot ko na ang "Architect look" ko. Bright yellow hard hat, safety boots na kahit luma na ay mukhang professional
HINDI ako nakatulog that night. Buong gabi, paulit-ulit sa utak ko yung last words ni Drake bago sumara yung elevator doors. Yung boses niya—yung malalim na timbre na parang tumatagos sa balat ko, sa buto ko, hanggang sa core ng existence ko—yung paraan ng pagsasalita niya na parang bawat syllable ay carefully chosen, weighed, meant. Lahat, naka-loop sa isipan ko parang sirang plaka na ayaw tumigil, parang endless playlist na stuck sa repeat button. "I'm just trying to figure out how to be around you without wanting more than I should." Putangina. Putangina talaga. Anong klaseng line 'yun? Anong klaseng paraan ng pagsasalita 'yun na parang nag-confess siya ng feelings pero hindi rin? Parang hinihila niya ako palapit pero binibigyan niya rin ako ng sapat na space para tumakbo kung gusto ko? Parang sinasabi niya lahat ng gusto kong marinig pero walang actual pressure na kailangan kong sagutin ngayon, bukas, o kahit kailan? Parang he was laying his heart bare pero respecting my boun







