LOGINPAGPASOK ko ay sinalubong ako ng nakabubulag na mga ilaw at musikang tila yuyumanig sa buong pagkatao ko. Ang beat, parang tumatagos sa bawat hibla ng kalamnan ko. Ang lights—pula, bughaw, lila—lahat nakakahilo, pero sa gabing ito, iyon ang kailangan ko. Ang gulo, ang ingay... ang ganda.
Ang daming tao, at lahat sila, mukhang galing sa mataas na lipunan. Ang mga babae ay tila mga diyosa sa kanilang bodycon dresses at killer heels, habang ang mga lalaki naman ay elegante sa kanilang suits o expensive casual wear. Pero ako? Wala akong pakialam sa mga nakatingin sa akin. Wala akong pakialam kung mukha akong out of place o kung gaano ako kagulo tingnan. Diretso ako sa bar. Umupo ako sa bar stool at tinawag ang bartender. "What can I get you, Miss?" tanong nito. May ngiti sa labi niya, pero sandaling nag-atubili nang makita ang hitsura ko. Siguro napansin niya ang pamumula ng mga mata ko o ang kalat-kalat na mascara sa mukha ko. "The strongest drink you have," matabang kong sabi. Walang emosyon. "You sure about that?" Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata. "Do I look like I'm joking?" Hindi na siya sumagot. Umiling na lang siya at kumuha ng baso. Ilang segundo lang, may inilapag na siya sa harap ko. Clear liquid. Mukhang tubig, pero alam kong malayo ito sa pagiging inosente. Ininom ko iyon nang isang lagok. Fuck. Nakakasunog. Parang may apoy na dumaloy mula sa lalamunan ko hanggang sa sikmura. Pero imbes na dumaing, hinanap ko pa ang hapdi. Gusto ko ang sakit na 'to—kasi kahit papaano, natatabunan nito ang mas matinding sakit na nararamdaman ko sa dibdib. "One more," utos ko. Nag-alinlangan ang bartender, pero nag-serve pa rin siya. Second shot. Third shot. Fourth shot. Umiinom lang ako hanggang sa naramdaman ko na ang pag-ikot ng paligid. Malabo na ang paningin ko, at ang pakiramdam ko ay tila lumulutang na sa ulap. Perfect. Kinuha ko ang phone ko at binuksan sandali. Sixty-three missed calls. Isang mapait na ngiti ang kumawala sa labi ko bago ko ito muling pinatay. Tiningnan ko ang sarili ko sa reflection sa likod ng bar. Ang pangit ko. Basang-basa ang mga mata, pulang-pula ang ilong, at sabog ang buhok. Para akong isang sirang manika. Pero wala akong pakialam. Naisip ko si Tristan. Naisip ko si Ashley. Naisip ko ang nasayang na limang taon. Limang taon akong naghintay, sumbat ko sa sarili ko. Limang taon kong iningatan ang sarili ko para sa kaniya. Dahil oo, sa edad na twenty-six, virgin pa rin ako. Kahit anong pilit ni Tristan noon na may mangyari sa amin, lagi kong sinasabi, "I want to wait. I want it to be special. When we get married." Pero gago pala siya. Napakagago niya. Hindi na namin aabutin ang kasal, dahil habang naghihintay ako, may iba na pala siyang pinaglalaruan. Kaya naisip ko— Fuck it. Fuck waiting. Ibibigay ko ang pagkababae ko ngayong gabi. Pero hinding-hindi kay Tristan. Kahit kanino na lang. Kahit sa unang lalaking lalapit sa akin. Isang gabi lang. One night stand. No commitment. No feelings. No drama. Just sex. Dahil gusto ko. Dahil deserve ko. Dahil putangina, bakit ko pa panghihinayangan ang bagay na binalewala lang niya? Nag-order ako ng isa pang inumin at naghintay. At hindi nga ako nabigo. "You look like you're planning something dangerous." Ang boses na iyon... malalim. Smooth. Parang pelikula. May British-American accent na humahalo sa Tagalog na talagang nakakaagaw-atensyon. Lumingon ako. At... Fuck. Ang gwapo. Sobrang gwapo. Matangkad siya, siguro nasa six feet. Mestizo. May deep brown eyes siya na parang may kakayahang basahin ang buong pagkatao at kaluluwa ko. May mahabang pilikmata na nakakainggit, matangos na ilong, at mapupulang labi. At ang katawan niya? Kahit balot ng damit, bakas na bakas ang hubog ng muscles niya. Naka-black button-up shirt siya, naka-roll up ang sleeves na nagpapakita ng kaniyang Rolex. Messy ang buhok niya na tila sinadya para magmukhang effortless. Pero ang tingin niya... Heated. Intense. Parang gusto niya akong kainin nang buo. "Murder? Revenge? Or both?" dugtong niya sabay pakawala ng isang mapanuksong half-smile. 'Yung tipong nakakakilig pero nakakatakot sa parehong pagkakataon. Tiningnan ko siya nang maigi. Lasing na ako, oo. Pero alam ko pa rin ang ginagawa ko. Alam kong ito na 'yun. Ito na ang lalaking tatapos sa paghihintay ko. "Neither," sagot ko, kahit medyo maugong na ang diction ko. "I just want to forget." Hindi siya nagtanong kung pwedeng makiupo, basta na lang siyang tumabi sa akin. Tinawag niya ang bartender at nag-order ng whiskey. "Forget what?" tanong niya, casual lang pero hindi inaalis ang paningin sa mukha ko. "Everything." Tumango siya. Kinuha niya ang whiskey niya at uminom bago muling humarap sa akin. "Bad day?" "Bad five years." Tumaas ang kilay niya, halatang naging interesado sa sinabi ko. "Then you're overdue for a good night." Doon nag-click ang lahat sa utak ko. Ito na 'yun. Siya na ang magiging one night stand ko. Tiningnan ko siya nang diretso. Inubos ko ang huling patak ng inumin ko at ibinaba ang baso nang malakas sa counter. Tapos, lumapit ako sa kaniya. At hinalikan ko siya. Walang babala. Walang pakilala. Walang permiso. Hinalikan ko lang siya nang buong tapang. At tumugon siya. Grabe ang halik na 'yun. Hindi sweet, hindi gentle. Desperado, gutom, at tila nag-aapoy. Parang pareho kaming naghahanap ng mapaglalabasan ng matinding emosyon. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko para hilahin ako palapit. Ang isa niyang kamay ay nasa batok ko, hinahawakan ako nang mahigpit habang mas lalong diniinan ang halik. Ilang segundo o minuto ang lumipas, hindi ko na alam. Nang sa wakas ay kumalas kami, halos wala na akong hininga. "Come with me," sabi niya. Ang boses niya, mas naging baritono—isang boses na hindi mo matatanggihan. Isang boses na nag-uutos. At ako, sa gitna ng kalasingan at gulo ng isip, tumango ako. "Okay." Tumayo siya at binayaran ang lahat ng inumin nang hindi man lang tinitingnan ang bill. May tinawag siyang lalaking naka-suit—bodyguard niya marahil—at may ibinulong dito. Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit. At hinila niya ako palabas ng club. Hindi ko alam kung sino siya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa susunod na mga oras. Pero sumunod ako. Kasi ngayong gabi, wala akong pakialam sa bukas. Gusto ko lang makalimot. Gusto ko lang maging malaya. Kahit ngayong gabi lang.SELENE FLORES POVChapter 54IIsang linggo na naman ang nakalipas ng halo-halong emosyon,lungkot, galit, pag-asa, at takot. Paulit-ulit. Animo'y parang rollercoaster na hindi ko kontrolado.Pero isang linggong iyon, may nagbago.Hindi ko alam kung ano o paano, pero parang unti-unting bumabawi ang mundo sa pagpapahirap sa akin. Hindi naman totally okay dahil malayong-malayo sa katotohanan ng estado ng puso ko ngayon, pero parang may liwanag na sumisilip sa dulo ng mahaba at madilim na tunnel na kinaroroonan ko.Ang S.F. Design Studio? Tuloy-tuloy ang pag-angat nito. Dumadami ang clients. Lumalaki ang portfolio. At sa wakas, nakakapag-focus na ulit ako nang hindi umiiyak sa gitna ng meeting.Si Mika? Araw-araw nagte-text. Hindi na masyadong pushy tungkol kay Drake. Sa katunayan ay mas focus siya sa akin, lagi itong nagtatanong kung kumakain ba ako, kung natutulog ba ako, kung okay lang ako. At kahit papano, malaking tulong iyon.Si Drake?Araw-araw may simpleng message. Hindi naman nag
Selene Flores POVTatlong linggo ko sinubukang mag-isa. Tatlong linggong pinilit na ituon ang atensyon sa trabaho, sa studio, sa mga designs na kailangang ipasa. Kung may isang bagay na nagligtas sa akin sa mga oras na gusto ko nang sumuko, iyon ay ang S.F. Design Studio.Araw-araw, pumapasok ako nang maaga. Umuuwi nang hatinggabi. Iniiwasan ang lahat ng puwedeng magpaalala sa akin kay Drake, kasama na ang pagdaan sa mga lugar na pinupuntahan namin, ang pagkain ng mga pagkaing pinagsaluhan namin, at ang pagsuot ng mga damit na regalo niya.Pero hindi ko maalis ang singsing.Nakatingin ako rito habang nagkakape sa opisina. Mag-isa. Alas-otso ng gabi. Walang ibang tao kundi ako at ang mga blueprint na nakakalat sa mesa."Selene?"Napalingon ako. Si Carla, ang secretary ko, nakatayo sa may pinto."Ms. Carla? Akala ko umuwi ka na," sabi ko, nagtataka."Dapat po," sabi niya, nag-aalangang pumasok. "Pero may... may nagpapahatid po sa inyo nito."Iniabot niya sa akin ang isang maliit na kaho
SELENE FLORES POV Ilang araw pa ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na harapin si Drake. Hindi dahil handa na ako. Hindi dahil okay na ako. Kundi dahil kailangan kong marinig galing sa kanya nang personal, at harapin ang lahat kahit na durog na durog na ako. Nagkita kami sa Tagaytay. Sa parehong lugar kung saan siya lumuhod at nagbigay sa akin ng singsing na iyon. Nang makita ko siya, parang may pumitik sa dibdib ko. Ang dating pogi niyang mukha ay mababanaag na ang kapayatan. May malalim na eyebags. Halatang hindi kumakain, hindi natutulog. "Selene," sabi niya, basag ang boses. "Sabihin mo sa akin," simula ko, diretso sa mata niya. "Lahat. Wala kang itatago. Ngayon na." At ginawa niya iyon. Kinwento niya ang lahat, mula sa gabing iyon hanggang sa kung paano niya dinala ang lihim na iyon nang ilang linggo. Umiiyak siya habang nagsasalita. Nanginginig. Basag na basag. At sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya, ramdam ko ang sincerity niya. Ramdam ko ang pagsisis
SELENE FLORES POV Tatlong araw. Tatlong araw akong hindi bumangon mula sa kama. Hindi ko binuksan ang pinto ng condo ko kahit kanino. Hindi ko sinagot ang mga tawag ni Mika. Hindi ko binasa ang sunod-sunod na messages ni Drake na dumadating sa phone ko na parang walang katapusang alon. Basta nakahiga lang ako. Nakatingin sa kisame. Paulit-ulit na pinapatugtog sa utak ko ang mga salitang iyon. Buntis siya, Selene. Anim na linggo na raw. Anim na linggo. Anim na linggong may lihim siyang dala-dala. Anim na linggong may kasinungalingan sa pagitan namin, habang ako, akala ko okay na ang lahat. Akala ko, wala nang tinatago. Akala ko, sa wakas, totoo na ang lahat. Gago pa rin pala ako. Sa ikaapat na araw, may kumatok sa pinto ng condo ko. Malakas. Paulit-ulit. Hindi tumitigil. "Selene! Alam kong nandiyan ka! Buksan mo ang pinto na 'to o ipapasara ko ito sa'yo gamit ang mukha ko!" boses ni Mika. Hindi ako kumilos. "Selene Marie Flores! Bibilang ako hanggang tatlo! Isa... dalawa...
MAHIGIT isang buwan na ang lumipas simula nung mag-propose si Drake sa Tagaytay. Hindi naman talaga proposal yun, sabi niya. Pero para sa akin, yun na yun. Yung singsing na simpleng simple pero sobrang bigat ng ibig sabihin, suot-suot ko pa rin hanggang ngayon.Hindi ko pa rin maiwasang titigan yung kamay ko habang nagtatrabaho sa studio. Si Mika, napapailing na lang tuwing nakikita akong nakatulala."Teh, ikaw na talaga," sabi niya isang hapon nung dumalaw siya sa office. "Para kang bagong kasal. Ano ba naman kasi yang si Drake, pinahirapan ka pa sa paghihintay."Tumawa lang ako. "Hindi naman sa ganun. Masaya lang talaga ako."At totoo naman. Simula nung nagkaayos kami, parang ibang-iba na ang lahat. Yung dating bigat na dala-dala ko araw-araw, parang nawala. Yung lagi kong pag-aalala na baka may itinatago nanaman siya, wala na. Nagbago talaga si Drake.Araw-araw, may effort siya. Simpleng text lang na "Kain ka na" o "Naiisip kita." Minsan, nagpapadeliver siya ng kape sa studio ko ka
SELENE's POV Tatlong buwan matapos kaming magkausap ni Drake sa office ko. Tatlong buwan ng unti-unting pag-aayos. Ng mabagal na pagbabalik. Ng mga date na hindi naman talaga date kundi mga pagkakataong magkasama kami nang walang pressure. At ngayon, nakaupo ako sa harap ni Mr. Santillan. Oo. Si Don Rafael Santillan mismo. Ang ama ni Drake. "Miss Flores," bati niya, kalmado ang boses. "Thank you for agreeing to meet with me." Nasa private office kami ng Valencia Hotels. Yung pinakataas. Yung may view ng buong Maynila. "Thank you po sa pag-imbita, Sir," magalang kong sagot. Hindi ako kinakabahan. Well, konti lang. Tiningnan niya ako nang matagal. Parang tinitimbang. "I know about you and my son," sabi niya. Tumango lang ako. "I also know na alam mo na ang tungkol kay Patricia." "Opo." Napabuntong-hininga siya. "I'm not proud of what I did. Pinilit ko si Drake sa kasal na 'yun. Akala ko, tama. Akala ko, para sa future niya. Para sa kumpanya." Hindi ako nagsali







