CHAPTER 09CALL ME, KUYA!Halos ilubog ko ang sarili ko sa carpet dahil hiyang-hiya sa hindi pagkakakilanlan sa boss ng building na ito at narito lang pala siya sa harapan ko. Matagal ko ng nakikita pero ngayon ko lang alam na siya ay isang boss. Bakit hindi muna ako nagsearch sa company na ito, napahiya ko tuloy ang sarili ko. Tapos inaaway ko pa siya noong unang kita namin sa… saan ba iyon… omg sa banyo nga. Hala! Lagot! Sana hindi niya maalala para hindi ako mapaalis, bago ko pa lang. “Are you both done in my office?" Tanong niya sa baritong boses, ibang-iba sa nakasanayan ko kapag nagsasalita siya noong isang gabi na bumili siya ng balut sa akin.Ngayon ay may awtoridad ang bawat kilos niya at pananalita. Napalunok ako ng sariling laway dahil sa hindi makapaniwala na nasaksihan. Ang nasa isip ko lang kasi ay ang magiging trabaho niya at paano trabahuin ang trabaho na ibinigay niya sa akin. Ang akala ko kasi, isang matandang lalaki ang CEO ng isang kumpanya na nasa edad 40 pataas
CHAPTER 10CALL ME, KUYA! “Ano na? Ano ba ang nangyayari sayo riyan at parang dinaganan ka ng lupa at langit dahil sa mukha mong hindi maipinta." Sambit ni Budang sa akin.Mas lalong lumakas ang pagbuntong hininga ko para kahit papano, mawala ang sikip ng dibdib ko.“Ay, grabe yon ha! Ang lalim, bakit ba? Ano na ang nangyari sa trabaho mo for one week, maganda ba ang resulta? Mabait ba ang boss mo?” Tanong ulit nito."Nasa condo unit ulit kami ni Budang at kasamahan namin para maglinis tulad ng dati, kinsinas at katapusan pa ng buwan ang sahod ko bilang cleaner sa company ng mga Legaspi kaya sumama ako kay Budang ngayong Sabado dahil sayang naman ang pera na kikitain ko rito kahit extra lang ay malaking tulong na rin kahit papano.“Ayon nga, ok naman ang trabaho ko, mabait naman ang mga ka trabaho ko."“Iyon naman pala eh, so, ano ang problema sa mukha mong nakasimangot at parang birnes santo? Gusto mo agad maging linggo para makabalik ka na agad ng office at magkita ulit kayo ng amo
CHAPTER 11CALL ME, KUYA!Masaya akong umuwi ng bahay at inabot kay mama ang sahod ko sa paglilinis ng condo unit kasama si Budang.“Ikaw? Baka, wala kana." Nginitian ko si mama.“Awsus, kayo na po ang bahala riyan mama, may pera pa po ako rito, isa pa, kung iyan ay nasa aking kamay ay for sure kinabukasan, wala na iyan. Kinabukasan naglaho na iyang pera na iyan, bakit? Dahil bibilhin ko lang yan ng mga pagkain like chichirya, gusto niyo ba ng ganyan?” Tanong ko habang nakangisi."Ikaw talaga na bata ka, ang hilig mo sa mga junk food kaya ang mga paninda natin sa tindahan ay halos wala na ang mga chichirya dahil kinain mo na pala.” Ani ni mama at natawa ako. Nanonood si papa ng basketball sa sala at nasa kwarto ako ng mga magulang ko habang si mama ay busy sa paglalagay ng mga tinuping damit sa kanilang cabinet habang ako naman ay nakahiga sa kama nila habang kausap si mama na pagbebenta ko ng balut mamaya.Kanina pagod ako, pero pagdating sa bahay at nakita ang mga magulang ko ay big
CHAPTER 12CALL ME, KUYA!Dinala agad namin si papa sa pinakamalapit na pampublikong ospital dito sa baryo. Nasa emergency room pa ito at hanggang ngayon hindi pa nakalabas ang doctor na nag-asikaso galing ng E.R.“Paano po nangyari mama, malakas pa po siya bago ako umalis ng bahay kanina, di po ba? Anong nangyari po?” tanong ko kay mama na ngayon nakaupo sa bleacher at nakayuko. Mugto ang mga mata sa kakaiyak simula pa kanina.Umupo na rin ako dahil nangalay na ang paa ko sa kakalakad pabalik-balik. “Hindi ko alam kung ano ang nangyari anak, basta ang narinig ko lamang na nawawala ka raw dahil noong tinawagan ka ni papa mo sa isang cellphone ay iba ang nakasagot at sinabi na snatcher sila kaya nasa kanila ang cellphone mo. Kaya siguro sa sobrang pag-alala niya kaya siya inatake sa puso, anak.” Kwento ni mama habang humihikbi pa rin.Bigla naman akong nasaktan dahil sa nalaman, kung hindi dahil sa katangahan ko ay hindi sana ito mangyayari kay papa. “Sorry mama," tumingala si mama
CHAPTER 13CALL ME, KUYA!Halos hinihingal na ako na lakad-takbo para lang hindi ma late ng isang oras. Late na nga ako ng isang oras, dagdagan ko pa. Baka mamaya kinaladkad na ako sa labas ng building pa lang at dahil hindi naman nakasunod ang bodyguard sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.“Sinabi ko na ang lahat na rason kung bakit ka na late, Miss Mahinhin. Hindi lang ako sigurado kung nakikinig siya. Pinalinis ko naman ang opisina n'ya sa isang cleaner kanina, pero dahil ikaw ang inatasan doon sa kanya kaya hindi ko lang alam kung kukunin ka pa ba ulit sa serbisyo.” Wika ni Mrs. Rival.Bumuntong hininga ako. “Puntahan ko kaya madam, may meeting po ba siya ngayon? Or may trabaho? Para sana makahingi ako ng sorry sa kanya, hindi na po mauulit madam, mas lalo ko pang agahan.” Sabi ko na hinihingal. Naramdaman ko na naman ang kirot ng sugat sa tagiliran ko. Para akong nahihilo sa sobrang pagod sa kakatakbo papunta sa building.“Babawi na lang po ako sa paglilinis mamaya, madam." B
CHAPTER 14CALL ME, KUYA!Minulat ko ang mata ko ng dahan-dahan pero isang mukha ang bumungad sa akin. Napakurap pa ako ng mata ng ilang beses kung sino itong mukha na ‘to. Si sir Izaak? Nakapikit ang mata at narinig ko ang mahinang hilik niya. Kunot ang noo ko na, nakatitig sa kanya, gwapo siya pero biglang nawala dahil sa naiisip ko. Wait! Anong nangyari at bakit nasa isang higaan kami? Don't say….“Ahhh-"“Fuck! Fuck! Shit, damn it." Walang tigil niya na mura dahil tinulak ko ba naman siya sa kama kaya nahulog siya sa sahig.“Anong ginawa mo sa akin, ha? Anong ginawa mo? Pakasalan mo ako! Pakasalan mo ako! May nangyari sa atin at huwag mong itannggi! Ipabarangay kita! Omg! Hindi na ako virgin, oh my, anong ginawa mo sa akin?” Sigaw ko habang hinahampas sa kanya ang unan. Paano na hindi ko masabi na, iba na ang damit ko, wala ako nito. May nangyari sa amin at pagkatapos siya na ang nagbihis sa akin? “Hindi mo man lang ako ginising ng may nangyari sa atin. Napaka unfair mo.” Sigaw
CHAPTER 15CALL ME, KUYA! Gabi nang nakauwi ako sa bahay. Nagtext si mama na kanina pa raw sila nakauwi dahil sa kagustuhan ni papa at ngayon nasa kwarto na raw ito at natutulog, marahil sa gamot na iniinom. “Hello mama," wika ko kay mama pagkabukas niya ng pinto. Nagmano ako at ako na ang nagsarado at naglock ng pintuan bago sumunod kay mama na mukhang tahimik yata. Inaantok na siguro sa kahihintay sa akin. Sinabi ko na kanina na mauna nang matulog pero hindi naman nakinig hangga't hindi muna ko nakauwi, kung gising si papa ay silang dalawa sana ang nag-aabang sa akin. “Kumain ka na ba, anak? May pagkain pa sa kaldero, nakapagluto naman ako ng tinolang-manok at iyon ang kinain namin ng papa mo.” Sambit ni mama at nagtungo sa kusina at sumunod din ako."Kumain na po ako ma, pero bigla yatang akong nagutom dahil sa binanggit niyo po na manok, kakain po ulit ako kahit tinolang manok lang at wala ng kanin. Ako na po ang bahala ma na kumuha, matulog na po kayo at–” nagulat ako na bigla
CHAPTER 16CALL ME, KUYA!“Cherry-"“Oy, Anne, ikaw pala iyan. Anong binili mo?" Akala ko pangalan na ng kapatid ni boss Izaak ang narinig ko hindi naman pala. Agad akong nag madaling nagtungo sa counter habang hindi pa mahaba ang pila. Nagmamadali na rin ako na pumasok sa trabaho ko pagkarating sa building at baka makatanggap na naman ako ng warning.“Good morning po Mrs Rival." Nilingon niya ako at kunot ang noo na nakatitig sa akin.“Akala ko ba pina leave ka muna ni Mr. Legaspi dahil may sakit ka kahapon, may lagnat ka raw.” aniya kaya ngumiti ako ng pinakamatamis pa sa asukal. "Magaling kasi si sir Izaak madam."“Ha? Saan magaling?"“I mean po, hehe… magaling po pumili ng nurse sir sir Izaak para tumingin sa akin kaya po ako magaling na ngayon at ito po ako, pumasok na dahil sayang ang pera na sasahurin ko kapag kinaltasan dahil lang sa pag-absent ko po. At saka pa bago palang ako, kahit naman tagalinis lang ang naging papel ko rito ay dapat tapat ka pa rin sa trabaho mo lalo