Share

Chapter 13

Kung pwede lang sanang i delete ang pangyayareng 'to ngayon, I'm sure kanina ko pa ginawa.

Parang gusto ko na lang lamunin ako ng lupa.

Hindi ko alam kung papano ko ipapaliwanag kay Zaiden mamaya 'tong mga sinasabi ng Russell na 'to.

Eh kung bakit ba kasi nagkita kita pa kaming lahat dito sa cafeteria?

Ugh! Ang malas ko talaga palagi.

Although, wala naman talaga akong dapat ika-bahala, pero kasi baka iba 'yong iisipin nila sa sinabi ni Russell.

What if ma miss-interpret nila? Anong gagawin ko?

Napatingin ako kay Wesley. Kahit siya hindi rin makagalaw sa kinatatayuan niya. Siguro kasi nagulat din siya dahil hindi rin niya inasahan 'to ngayon.

"What do you mean?" tanong ni Sarah kay Russell. "Will you please say it again?"

Gusto kong takpan na lang ang bibig ni Russell para hindi na niya masagot 'yong tanong ni Sarah kaya lang hindi ko naman 'yon pwedeng gawin. Wala naman akong karapatang gawin 'yon dahil nakakahiya.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status