Share

Chapter 14

Minsan may mga bagay talaga na kung kelan ine-expect mo nang mangyare, saka pa hindi matutuloy. Pero minsan, may mga bagay din na hindi mo inaasahang mangyare, pero mangyayare at mangyayare talaga.

Katulad ngayon,

Hindi ko inexpect na ngayong oras, araw at taon ay magkakaroon ako ng first kiss.

Tama. Siya nga ang first kiss ko. At hindi ko inexpect 'yon.

Ilang segundong magkadikit ang mga labi namin, ramdam ko ang init ng mga labi ni Wesley habang nakapikit ako at pinapakiramdaman 'yong waiter at si Zaiden na dumaan sa likod namin.

Na feel ko 'yong hangin sa likod ko no'ng dinaanan nila kami. At no'ng tuluyan na silang maka akyat para maghanap ng table ay saka ko na tinanggal 'yong mga labi ko papalayo sa mga labi niya.

"S-sorry." nahihiyang sabi ko at inayos ang sarili.

Hindi agad nakagalaw si Wesley matapos kong alisin ang mga labi ko. Halatang nagulat talaga siya sa ginawa ko at hindi niya inasahang gagawin ko 'yon.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status