Millow's POV
"Ano, ginawa niya 'yon sa'yo?" Napasigaw na tanong ni Mae sa'kin nang malaman nito ang paghalik ng amo ko. "May gusto siya sa'yo, 'te, for sure!" Agad itong umusog palapit sa'kin nang may pagdududa pa sa mukha. "Ikaw, ha, umamin ka nga."
Kumunot ang noo ko nang magkatitigan kami pero kalaunan, napayuko na lang ako.
"See?" Inis akong binatukan ng bestfriend ko sa ulo. "Hindi mo maipagkakaila riyan sa mata mong naghugis puso na may gusto ka sa Lake na 'yon."
Buti na lang dapithapon na't wala nang masyadong tao sa dalampasigan. May paparating kasing bagyo kaya walang naglayag. Ang lakas nga ng hangin at may kasama nang ambon pero dahil sa katsismisan, magtatyaga itong kaibigan ko para lang malaman nito ang lahat. Hindi ko kasi kayang itago sa dibdib ko ang sakit lalo na't bestfriend ko pa si Mae.
"Kailangan ko ng tulong mo, bestfriend." May pagmamakaawa sa mga mata ko nang titigan ko siya lalo. Napatikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. "B-balak ko k-kasing—a-akitin si Lake."
Nanlaki ang mga mata ni Mae. "What!?"
Tinakpan ko agad ang bibig niya. Napalingon pa'ko sa paligid para masigurong walang tao. Nakahinga ako nang maluwag nang pakawalan ko si Mae dahil walang nagmamasid. Bantay-sarado ako ni Lake kaya kailangan kong dalhin sa isang ligtas na lugar si Mae para maisiwalat sa kanya ang lahat.
"Crush ko talaga—" Sabay buntonghininga. "Nang unang kita ko pa lang sa kanya, ang lakas na ng dating niya. Ngayon ko lang talaga na-realize na may g-gusto ako sa kanya." Sa kabila ng pagsusungit ng lalaking iyon, kay lakas pa rin ng epekto nito sa'kin. Unang lalaking nagpatibok sa puso ko.
Panay ang iling ni Mae habang nakatanaw ito sa dagat dapatwa't bumuhos na ang malakas na ulan, hindi namin ito inalintana. Sumilong lang kami sa isang puno para ipagpatuloy ang usapan.
"Naakainis din ang lalaking iyon, eh." Inis na umismid ang kaibigan ko nang mapatingin sa'kin. "Alam mo bang balak niya tayong paalisin lahat dito dahil pag-aari pala ni Sir Lambert ang mga lupa rito?" Lumalim ang paghinga ni Mae na sinabayan ng paniningkit ng mga mata nito. "Kahit ga'no pa kagwapo 'yang Lake na 'yan, wala siyang puso. Papa'no na tayo, Millow, kung mapalayas na tayo rito?"
Alam ko 'yon kaya nga ito lang ang naisip kong paraan. Mahigpit kong hinawakan ang isang kamay si Mae para isiwalat ang sekreto nina Lake at Selene pati na ang lahat ng plano ko para hindi na kami mapalayas sa lugar na ito.
"Basta mangako ka, Mae, walang makakaalam nito kundi tayo lang." Nang tumango ang kaibigan, napangiti at lumuwag kahit papa'no ang pakiramdam ko. "Kailangan ko ng tulong mo para mapagtagumpayan natin ang plano kong ito."
Puno ng kuryosidad ang mukha ng babae nang muling mapatitig sa'kin. Isang hingang malalim ang ginawa ko bago ko sinimulang ikwento ang unang engkwentro ko kay Lake.
Ganito 'yon: Nang malaman kong palalayasin na pala ang lahat ng tao sa lugar namin dahil gagamitin daw ito ng isang anak ni Sir Lambert Monteverde, naging stalker na'ko ni Lake dahil sa lalake pala ipapasa ng matanda ang kalupaan dito sa Batangas. Hindi ko kilala ang matanda pero kilala ito nina Tatay at Nanay. Umiyak pa nga ako nang malaman ko sa mga magulang ko na wala pala kaming titulo at tinayuan lang pala nila ng bahay namin ang lupa dahil nakatiwangwang ito. Nasa Manila na raw ang tunay na may-ari ng lupa kaya pansamantalang tumira ang magulang ko sa lugar na ito hanggang ipanganak na kaming magkakapatid. Nasa Manila naman ang panganay kong kapatid pero kapag tumatawag ito sa'min, siya pa nga ang nanghihingi ng pera minsan dahil hirap ito sa lungsod.
"Ano ba 'yan, deretsahin mo nga ako, Millow." Inis na untag ng kaibigan ko. "Lahat tayo'y hindi pag-aari ang lupang ito. Maswete ngang nakakuha ka ng scholarship sa bayan eh ako? Bagsak! Kaya heto, tumutulong na lang muna kay Nanay sa pag-aangkat ng mga isda."
"Ssh." Pigil ko sa kanya.
Ang pagpapatuloy ng kwento ko: Isang mangingisda ang nagturo sa'kin kung sino ang isa sa anak ng matandang Monteverde at iyon ay si Lander, ang pangalawang anak ng Monteverde. Nang makita ko siyang pababa ng isang malaking bangka, sinundan ko siya at kinausap kung palalayasin ba kaming lahat dito pero ang sagot niya, si Lake ang magmamay-ari ng lupa rito sa probinsya. Usap-usapan ang pagpapagawa ng malaking mansyon ng mga Monteverde at si Lander na isang architect ang laging bumibisita rito para i-manage ang pinapatayong bahay kasama rin ang resort na katabi lng ng magiging ancestral house ng mga ito para sa amang biyudo na. So heto na—dahil nga bata pa'ko hindi ko masyadong pinansin ang usap-usapan dito sa lugar namin hanggang nga marinig ko ang usapan nina Tatay at Nanay na baka sa Manila na lang kami lilipat kapag pinaalis na kami. Labis akong nalungkot at nakabuo ng plano na baka pwedeng pakiusapan si Lake Monteverde na gawin na lang hulugan ang pagbabayad ng mga lupa ritong natayuan na ng mga bahay.
"Ang plano ko, Mae, ay paibigin si Lake." Napailing ang kaibigan ko sabay simangot. "Alam kong galit ka kay Lake pero hindi mo naisip na kapag kami na—" Napatikhim ako sabay ngiti. "Posible niyang 'di na paalisin ang mga tao rito dahil ako na ang asawa niya."
Sumabay ang halakhak ni Mae sa ingay ng alon na humahampas na ng malakas sa dalampasigan. Mukhang sumasama na ang panahon. Basang-basa na kaming dalawa pero mukhang walang balak umuwi si Mae. May isang kubo akong tinuro sa kanya para do'n kami magpalipas ng oras. Sumalampak kami ng upo sa kawayang sahig kahit pa medyo umuuga na ang kubo dahil sa lakas ng hangin pero ito lang ang chance ko. Isiniwalat ko na kay Mae ang lahat pati na ang pagkakahuli ko kay Lake sa kubong iyon kasama si Selene na magiging asawa ng panganay nitong kapatid.
Buo ang loob ko nang sabihin ang mga katagang ito, "Kailangan kong akitin si Lake habang may panahon pa."
"Oh, tapos?" Walang bilib na tanong ni Mae matapos hubarin ang damit nito. Piniga ito ng kaibigan ko bago muling sinuot. "Magugustuhan ka kaya niya? "
Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko sa mukha na sinabayan ko ng isang matamis na ngiti, "Obvious ba? Hinalikan niya 'ko, noh." Nanginginig ang boses ko't katawan sanhi ng malamig na hanging pumapasok sa loob ng kubo.
Napaawang ang labi nito, "Oo nga, noh! May pag-asa ka pero kung may relasyon siya ro'n kay Selene, mahihirapan ka, Millow."
"Kaya nga sinasabi ko ang lahat ng ito para magtagumpay tayong dalawa. Kailangan kita, Mae."
"OK!" Napa-buntonghininga ito. "Tutulungan kita pero ang bata mo pa para mag-asawa. Pa'nong pag-aaral mo?"
Nagkibit-balikat lamang ako," Magagawa ko lahat iyon kahit may asawa na'ko. Magiging instant milyonaryo ako, Mae. Tutulungan ko kayong lahat kapag kasal na kami ni Lake."
Kay lakas ng loob kong sabihin iyon pero deep inside, kabado talaga ako pero ito lang ang solusyon na alam ko. Hindi ko namalayang nakahawak na'ko sa labi ko sabay pikit. Ang labing iyon. Ang unang halik na pinaranas niya. Parang gusto ko uling maranasan ang halik na iyon. Bahala na pero gagawin ko ang lahat para mahulog ang loob ni Lake sa'kin. Sa pagtila ng ulan, paunahan na kami ng takbo ni Mae pauwi ng mga bahay namin. Nangako itong pupunta kami ng bayan bukas para mamili ng mumurahing make-up para sa pagsisimula ng plano ko. Para lang kaming mga bata nang maghabulan pa kami sa daan at naghiwalay na kami nang mas naunang nadaanan namin ang bahay niya.
"Nay?" masaya kong tawag nang makarating naman ng bahay namin.
Bigla na lang bumukas ang pinto kaya muntikan nang matamaan ang mukha ko. Nag-aalalang mukha ni Nanay ang bumungad nang lumabas ito.
"Sa'n ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap ng tatay mo."
Napangisi ako sabay turo sa palikuran namin. "Dalhan mo nga ako ng tuyong damit, Nay, sa likod. Maliligo lang ako."
Tumakbo na'ko sa likod ng bahay kung nasaan ang maliit naming banyo. Gawa lang ito sa kawayan pero sementado naman ang sahig nito kaya sa loob na'ko maliligo. Si Lake ang nasa isip ko nang tanggalin ko ang lahat ng damit ko sa katawan pero napapiksi ako nang sumigaw sa labas si Nanay.
"Bilisan mo riyan, M-Millow!" hiyaw nito.
Binukas ko nang bahagya ang pintong kawayan para makuha ang tuwalya at tuyong damit na binigay nito. Nakaalis na ito bago ko pa man siya pasalamatan. Ba't kaya mukhang natataranta si Nanay? Agad akong pumasok sa kusina nang matapos at agad pinagbubuksan ang mga kaldero.
"Nay, gutom ako. Wala bang kanin at ulam?" Napalingon agad ako sa kanya nang hangos itong sumulpot sa likod ko.
"Nilagang saging na saba at kanin lang ang hapunan natin, M-Millow." Walang kangiti-ngiti nitong saad habang 'di ito magkandaugaga sa pagtimpla ng kape. Sinimot pa niya ang natitirang kape sa lagayan. "Mamaya k-ka na kumain—"
"Wag na ho kayong mag-abala sa pagtimpla ng kape." Sumingit ang buong-buo na boses ng lalake sa kusina kaya agad akong napalingon sa bisita namin. "Kakausapin ko lang si Millow."
Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang magtama ang mga mata namin. Nangangasul ang mata ni Lake dahil ayon sa tsismis, pure Spanish daw ito. Sandali—ano'ng ginagawa ng lalaking ito rito sa bahay namin? Kaya pala ninerbyos bigla si Nanay.
"Ehem—" Napatikhim si Tatay na nakasunod pala kay Lake. "Sa kwarto muna kami ng asawa ko Sir Lake. Sige, mag-usap muna kayo ng anak ko." Hinila na lang nito bigla si Nanay na nagulat at kikibot-kibot ang bibig.
Hindi ako makapaniwala! "Ano hong atin?" seryoso kong tanong sabay hinga nang malalim. Bigla akong kinabahan kahit pa nagtapang-tapangan ako sa harap niya.
"I told you na stay-in ka na," inis nitong pakli na sinundan ng pagsalubong ng makakapal nitong mga kilay. "Ang tagal kong naghintay dito, Millow. Sa'n ka ba nagpunta? Damn it!"
Kahit ang sagwa ng ugali ng amo kong ito, bakit ako kinikilig? Galit ako pero nang titigan ko siyang lalo sa mga mata, para nitong hinihigop ang lakas ko. Nawawala ang inis ko sa kanya.
"Sa dagat po, pasensya na, Sir Lake. Tapos na kasi ang trabaho ko sa mansyon. Day off ko kasi bukas at wala na ring pasok sa school kaya tumambay ako—"
"Akala ko ba malinaw na ang usapan natin at alam mo na ang gagawin? Bakit hindi ka pa nakapag-empake ng mga gamit mo? Nasabi ko na sa magulang mo na stay-in ka sa bahay." Nang hindi ako kumibo— "What?!" Asik nito bigla dahil nakanganga lang ako habang nakatitig sa kanya. "Ako ang magdedesisyon kung kelan ang off mo, it will depend sa schedule mo sa school. Kumilos ka na, Millow. God! Wag kang tatanga-tanga! Hihintayin kita sa sasakyan ko sa labas." Tumalikod na ito nang masabi iyon.
Lake's POV Nagtakbuhan ang mga bata papunta kay Millow na abala na sa kusina. Napa-buntonghininga ako. Ito ang pinakamahirap na katangian ko; ang magpakumbaba ng totoo para masubukan ko kung ano ang buhay na sinasabi ng mga kapatid ko pati na ni Fernando. Lalo na ang doktor na humahawak sa'kin para sa isang councelling. "I realize I was harsh in earlier years, but my childhood has turned me into a monster, Millow. I couldn't be a normal person, and I struggle with trust throughout my life." Hindi kumibo ang babae nang magpaliwanag ako. "Pinuntahan ko si Emily para matapos na ang lahat sa'min. Siya ang nag-aruga sa'kin at kay Marthy, malaki rin ang utang na loob—" "Shut up!" hiyaw ni Millow nang bigla itong humarap. "Mommy?" naiiyak na tawag ni Sadiya kaya bigla na lang nag-iba ang expression ng babae nang umupo ito para magpantay ang mukha nila ng bata. "I'm sorry, Sadiya, not feeling well lang si Mommy. Nay!" Tawag nito sa ina na agad namang sumulpot para kunin ang mga bata kaya
Lake's POV "Ba't ba ang suplado mo kay Millow, bro?" napapailing na tanong ni Lander. Nagtagis ang bagang ko. Ang kulit kasi ng babaeng iyon kahit pa tinutulak ko na siya palayo. Ngayong bumalik na ang alaala ko, itutuloy ko ang plano ko. Muli kong kukunin ang lahat ng nawala sa'kin. Hayop na Selene 'yon! Magbabayad ang babaeng iyon. Dahil sa kanya kaya nagkandaletse-letse ang buhay ko. "Kung hindi lang kita napigilan, baka nabaril mo na si Selene." Napasandig sa railings ng yate si Lander nang sabihin ito. "Hey, may anak na kayo ni Millow, ba't ba inaayos mo pa 'yang divorce? Your wife is a good woman, saksi ako na naging mabuti siyang tao nang mawala ka. Ayaw ko rin sa kanya no'ng una pero kalaunan, boto na'ko same with Leighton, he loves Millow." Tama si Lander, muntikan ko nang mapatay si Selene sa entrapment operation na ginawa namin kasama ang mga kapulisan. Namataan na ang ginamit na mga bangka ng grupo nito kaya naging alerto kami. May balak talaga akong bumalik ng Manila
Millow's POV Magdadalawang taon na ang lumipas pero wala pa ring pagbabago kay Lake. Napakailap pa rin nito sa'kin. "Pwede ba? Nakairita ka na!" singhal nito nang.bigla akong yumakap habang nakatalikod siya. Natulog sa kabilang kwarto ang lalaki kaya sinundan ko siya. "Sinabi ko na sa'yo ang gusto ko pero pinipilit mo'kong makisama pa sa'yo." Nasaktan ako kaya napakalas ako ng yakap. Kalayaan ang hinihiling ng lalaki pero ayokong pumayag dahil buo na ulit ang pamilya namin. "Anak natin sina Sadiya at Marthy, kailangan nila ng buong pamilya." Emosyonal kong saad nang titigan ko ang likod niya. Lumabas din sa DNA result na ako ang ina ni Sadiya. Naging buo na ang pagkatao ko kaya lumalaban akong maibalik ang dating pagmamahal ni Lake. Ang problema lang, sadyang magaling magtago si Selene kaya hindi pa siya nahuhuli. "Tigilan mo na'ko, Millow," yamot na pakiusap ng lalaki nang makita akong akmang maghuhubad na. "Ilang beses mo nang sinusubukan na may mangyari sa'tin, 'di ka
Millow's POV Parang panaginip lang ang lahat dahil ang akala ko, hindi na muli pang mabubuo ang pamilya ko pero heto kami, kasama si Lake at ang dalawang bata. Hindi pa naman lumalabas ang DNA results namin ni Sadiya pero ako ang tumayong ina niya habang iniimbestigahan ang kasong isinampa kay Selene. "Gusto ko sa baba, Millow." Palag ni Lake nang madala na ito sa taas pero mas pinili nitong manuluyan sa baba kung nasaan ang resort namin. Pina-upgrade ko na rin ang bahay dito sa taas kaya mas lumawak ito. Dito ako naging abala pero syempre, maingat kami sa pag-hire ng manggagawa para walang makapasok na kalaban. "Gusto ko lang ipaalala sa'yo na hindi pa bumabalik ang memorya ko at hindi pa ako okay. Si Emily ang mahal ko." Giit nito na walang kangiti-ngiti. Ito'y matapos ang isang buwan na pamamalagi ni Lake sa ospital para magpagaling ito. Paunti-unting bumabalik ang lakas ng lalaki at hindi na rin ito nagse-seizure kagaya dati. Marami itong iniinum na gamot pero tuwing lalapit
Millow's POV Mabilis ang ginawang entrapment kay Sandra at sa mga kasamahan nito pero ayon kay Lander, nagulat daw ang babae dahil hindi nito inaasahan na ipapahuli ko ito sa mga pulis. Mabilis namang nilagay sa custody ng DSWD si Laura habang iniimbestigahan ang kaso. "Salamat, Lander." Nasa bahay na'ko kasama si Leighton pero hindi ko naabutan sina Sandra at Laura. "Mabuti na lang mabilis ang mga tao natin pati na ang mga pulis." "Galing na'ko sa pulis station, Millow, pero pinakawalan si Sandra at ang tatlong kasamahan niya dahil wala pang complaint na natatanggap ang mga pulis. Kailangan mong mag-file ng kaso laban sa kanila." Ito ang sinabi ni Lander nang maabutan ko sa bahay. "Pero magbibigay ng protection order ang mga police para masigurong ligtas ang pamilya mo habang hindi pa napapatunayan ang motibo ni Sandra same with Selene. Kailangan natin ng katibayan muna." Sumingit si Leighton sa usapan namin, "The DNA, bro. Kailangang ipa-DNA si Sadiya at Selene—" "On vacat
Millow's POV Naiyak ako sa labis na tuwa nang madatnan ko si Lake, gising na ito pero makikita pa rin ang panghihina niya. "Lake," tawag ko habang umiiyak. Tumingin naman sa'kin ang lalaki pero agad din itong pumikit. "Thank you, Lord. Dininig mo ang panalangin ko." Kinalabit ako ni Leighton na kasama ko rin sa loob ng kwarto. Ayon dito, kaaalis lang daw ni Lander dahil napaka-busy na sa pabrikang hina-handle nito. "Actually, kahapon pa siya nagising pero wala pa siya sa sarili eh. Kaso lang, dear, binabanggit niya si Emily kanina nang nandto si Lander." Napasimangot ang lalaki nang ibalita ito na ikinagalit ko naman. "Dear, ang beauty mo, nakikita ko na ang wrinkles diyan sa mukha mo. Papunta na rito si Doc para i-explain sa'tin ang kalagayan ni Lake." Nagpupuyos ang loob ko dahil sa sinabi ni Leighton. Gagawin ko ang lahat para makalimutan ni Lake ang babaeng iyon. Kailangan ni Marthy ang tatay nito kaya kailangan ko ring ipaglaban ang pag-ibig ko. Oo. Sa kabila ng mga ginaw