Lake's POV
"What a mess," gigil kong anas.
Hindi ako naging maingat kaya malaking problema itong kinakaharap ko. Wala akong tiwala sa Millow na iyon at bata pa ito pero tuturuan ko ng leksyon ang babaeng iyon. Kung hindi lang ako naging mabilis ng araw na iyon sa harap ni Dad, baka naisiwalat na ng babae ang lihim namin ni Selene. Si Selene...
"Oh, yeah," muli kong anas. "Damn that woman."
Hindi ko mapapayagang maging parte siya ng pamilya ko. Alam ko na ang karakas ng mga babaeng gold digger at hindi ko hahayaan ang Selene na iyon na makihati sa yaman ng mga Monteverde. Tanging sa'ming magkakapatid lang ang pera ni Daddy. Nang sabihin sa'kin ni Leighton na magpapakasal na ito sa nobya, agad akong nag-hire ng detective para alamin ang katauhan ni Selene.
Nainis ako nang umabot sa 30 minuto ang paghihintay ko kay Millow. Ang kupad talaga ng paslit na 'yon at nang maalala ko ang paghalik ko sa kanya, gusto kong mandiri pero lahat ng babaeng nagkakagusto sa'kin, napapasunod ko sa nais ko. Although she's 19, she looks to be around the age of 12. She's petite and not really attractive enough to captivate me, and that Millow kid will never be my type. That's why I'm taking my time but I will eventually ditch her after completing my mission. Napabalik ako sa loob ng bahay nila nang mainip ako lalo.
"God, Millow!" Pigil ang galit ko nang makita ko siyang yakap ng nanay niya habang umiiyak.
"S-sir Lake," lakas loob na tawag ng ama nito. "Hindi ho kasi kami sanay na wala sa bahay ang anak ko. Malapit lang ho naman ang mansyon mula rito baka pwede pong—"
"Paaalisin ko kayo or susundin niyo ang utos ko?" Nangalit ang bagang ko nang mapatingin sa tatay ni Millow na agad napayuko. "Pinaliwanag ko na sa inyo kung bakit stay-in na siya. Una: gagawin ko siyang personal yaya ko at sekretarya. Pangalawa: ito ang kapalit ng hindi ko pagpapalayas sa inyo, ang manilbihan sa'kin ang anak niyo. Pangatlo—" Napabuga ako ng hangin nang suminok-sinok pa ang nanay ni Millow habang may pagmamakaawa sa mga mata nito. "Makakauwi pa rin ang anak niyo rito kapag day off niya. Kailangan ko siya at kapag tapos na'ko sa serbisyo niya, stay out na ulit siya."
Animo nagliwanag ang mga mata ng magulang nito sa huling sinabi ko. Papakawalan ko na si Millow kapag tapos na'ko sa misyon ko. Kailangang maikasal muna sina Selene at Leighton sa harap ng ama ko.
"Millow!" mariin kong sambit sa pangalan niya sabay tingin sa suot kong relo. "Let's go."
Isang luma at maliit na travelling bag ang nasa paanan nito. Kupas na kupas na ang kulay nito at may mga tahi-tahi pa kaya napailing ako. Walang magagawa ang mahirap na pamilyang ito kapag ako ang naging batas sa lugar na ito. Inis kong hinagis sa maliit na kawayang upuan ang ilang lilibuhin na pera. Abuloy ko sa isang kahig-isang tukang pamilya.
"Bumabagyo na at baka hindi ako makauwi kapag nagtagal pa tayo, Millow." Hawak ko na ang isang kamay ng dalaga nang hatakin ko siya patayo. Pinisil ko ito nang bahagya nang lalo akong mainip para warningan siya.
"Sige na, Nay, Tay. Uuwi naman po ako, eh." May nginig ang boses nito nang magpaalam na sa mga magulang. Mabilis nitong pinahid ang luha bago yumuko para kunin ang maliit nitong travelling bag na naglalaman ng gamit nito.
Muli na namang bumuhos ang malakas na ulan nang pabalik na kami ng mansyon. Tahimik lang ang babae sa buong byahe hanggang makarating kami ng bahay.
"Ipagtimpla mo'ko ng kape, Millow." Utos ko nang kami na lamang dalawa sa loob ng kwarto ko, "Marami akong pag-aaralang papeles ngayong gabi."
Pasimple ko siyang tiningnan nang mabilis nitong ilagay sa cabinet ang mga gamit nito. Napatingin muna ito sa buong kwarto bago alanganing ngumiti.
"Eh, Sir Lake, magkatabi po tayong matutulog?"
Hindi ako makapaniwala sa tanong nito, "What?! Are you crazy?" Napailing ako nang tingnan ko sa sulok ang isang folding bed. "Use that one," inis kong pakli bago ko siya nilapitan. Nagulat siya nang dakmain ko ang mukha niya at bahagya itong piniga. "May napagsabihan ka na ba ng sekreto ko, Millow?" Namasa ang mata ng babae sabay iling nang sunod-sunod. "Good then. This one, isa itong court order ng pagpapaalis sa mga tao rito na basta-basta na lang nagtayo ng bahay nila kasama na ang pamilya mo." Nakataas ang isang kamay kong may hawak na papeles at inis ko siyang binitawan nang tumango siya. "Hangga't gising ako, 'wag kang matutulog. Ipagtimpla mo na'ko ng kape, go!"
Nag-inat ako nang mapagod na matapos ang mahabang oras ng pagplano sa itatayo kong farming business gamit ang laptop ko. Alas-dos na pala ng madaling araw nang tingnan ko ang maliit na wall clock sa harap ko. Hinayaan ko na lang si Millow kanina nang maglinis ito sa loob ng kwarto habang nagtatrabaho naman ako. Ngayon ko lamang siya nilingon at napailing ako. Nakahiga na ito sa folding bed nang nakanganga ang bunganga.
"She's really a kid," gigil kong sambit dahil nakatulog na ito. "Millow!" Malakas kong tawag sabay sipa ng folding bed nang makalapit na. Umungol lang ang babae pero hindi ito tumayo. "Tumayo ka riyan at gawa'n mo'ko ng sandwich." Sapilitan ko siyang ibinangon kaya nagulat ito nang mahimasmasan. "I just told you na 'wag kang matutulog hangga't gising ako."
"S-sorry po." Nasapo nito bigla ang ulo at ipinilig pa para magising ito. "Ano po 'yon?"
"Dalhan mo'ko ng sandwich dito at mineral water."
Napatayo ang babae bigla sabay yuko, "Yes po. Pasensya na, s-sir, n-nakatulog pala a-ako."
"Go!" singhal ko.
Mas nanggalaiti lang ako sa galit nang madala na nito ang hinihingi ko; isang basong tubig at tinapay na pinalamanan lang nito ng mayonnaise.
"What the heck is this, Millow? Are you out of your mind?" Bago pa man ito maka-react, naibuhos ko na sa mukha niya ang isang basong tubig. " Bottled mineral water, Millow! A glass of tap water is not the same as bottled mineral water from the fridge." Halos mangiyak-ngiyak ito nang mapatingin sa mukha ko. "And this sandwich?" Inis kong kinuha ang ginawa nitong sandwich at idinuldol sa kanya. "Kainin mo 'to sa labas. Pakigising na rin ang mayordoma para siya na ang gumawa. It ought to have avocado and tomato added, along with ham and lettuce. Sprinkle with salt and pepper but not too much para hindi mapait. Pag-aralan mo ang gusto kong sandwich. Go!"
Inis akong napahiga sa kama nang makalabas na ang babae. Baka hindi ito umabot ng isang linggo at kusa na itong umalis sa bahay. Napailing ako. Soon... mapapalayas ko na silang lahat sa lupa ng dad ko kasama na ang pamilya ni Millow. Gusto kong masaksihan iyon mismo ng babae para malaman nito na mahirap akong kalabanin. Biglang bumukas naman ang pinto kaya napatitig ako sa kanya.
"S-sir, ang mayordoma po ang g-gumawa nito." Inabot nito ang sandwich na nasa plato kasama na ang mineral water na request ko.
"Linisin mo ang sahig, it's wet. Next time—" Naiinis na'ko sa kanya. "Kapag kakain ako sa kama, lagyan mo ng overbed table rito." Itinuro ko sa kanya kung sa'n ito nakalagay. "Magpa-train ka sa mayordoma, Millow."
"O-opo."
Muli ko siyang inutusan habang kumakain, "After 30 minutes, lumabas ka at sunduin mo si Selene sa labas ng kwarto niya. Ka-text ko siya ngayon kaya kusa siyang lalabas. Kapag nakapasok na siya rito, magbantay ka sa labas kung may tao para maabisuhan kami agad. May pipindutin kang alarm button malapit sa pinto ko kapag may nakita kang tao. Tayong tatlo lang ang nakakaalam nito."
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya pero ngumisi lang ako. Kusa itong lumabas nang mapatingin sa wall clock. Si Selene naman ang pumasok ilang sandali pa na ngiting-ngiti.
"Mukhang tinakot mo 'yong bata. Pinaiyak mo ba?" Dumantay ang isang kamay nito sa exposed kong dibdib. I changed and wore my robe, all bare underneath. I understand how much Selene wanted me. "Mukhang maga ang mata at namumutla nang papasukin ako rito."
"Did you lock the door and instruct Millow where to hide while she kept an eye out for anyone outside?" Tumango si Selene kaya hudyat na iyon para magmadali kami. "Good, let's not waste our time, Selene."
Kinuyumos ko na siya ng halik na agad nitong ginantihan. Siguradong tulog si Leighton at pagod dahil marami kaming ginawa sa bukid kanina. Pinakita ni Daddy ang ilang parte ng lupa namin na pwede kong lagyan ng pinaplano kong animal husbandry na makapagbibigay ng livestock raised na karne, fiber, milk, or iba pang products.
Wala na kaming mga saplot sa katawan nang hilahin ko si Selene pahiga sa kama. Ngiting-ngiti ang babae at hulog na hulog na rin ang loob nito sa'kin kaya nagbubunyi ang loob ko.
Hiyaw ng utak ko—Magpakasaya ka, Selene, because you'll beg for my love once I dump you.
Agad kong hinila ang hita niya para lalo kaming magkalapit, "You wicked witch, you seemed to enjoy me better than my brother." I parted her legs and whispered something seductive in her ears. Ungol na lang ang naging sagot nito dahil pinag-isa ko na ang mga katawan namin.
"That's so f-fast, lover b-boy," impit nitong anas na may kasamang hingal.
"You know why, right?" Pang-iinis ko sa kanya.
Pigil ang pag-ungol ni Selene habang ginagawa ko ang milagrong nagpapasaya sa katawang lupa niya. I'm stroking every inch of her curves with my hands, adding a little fire to this forbidden yet fun love-making we share. With her soft moans every time I move fast on top of her, sinasabayan ito ng paghawak nang mahigpit ni Selene sa kobre kama ko. I will not cling to her for too long because I am the only one enjoying a no-strings-attached relationship. Napanganga na lang ito at hindi na mapigil ang sarili nang animo habulin ko ang oras, napaliyad ito at napalakas ang ungol.
Siniguro kong makapal ang wall at soundproof ang kwarto ko para sa mga ganitong pagkakataon. May kalayuan ang kwarto ng kapatid ko at no big deal din ito kay Leighton for sure. Agad akong napatayo nang makaraos na. Tinitigan ko ang kahubaran niya habang napapailing.
"Go back to your room, Selene, before Leighton wakes up."
"But—" protesta ng babae. "I want you more, Lake. Na-miss kita sobra."
"There's a lot of time, Selene." Patamad na lang itong bumangon habang nakatitig sa pribadong parte ng katawan ko. Nang akmang hahawakan iyon ng babae, tinabig ko agad ang kamay niya. "Umalis ka na at pakisabi kay Millow na pumasok na."
Napalitan ng galit ang mukha nito sa sinabi ko, "What?! Lake, wala kang kasaplot-saplot sa katawan. Don't tell me—"
"Pagod ako, Selene," yamot kong anas nang damputin ang roba ko sa sahig. "Ginagalit mo'ko."
Padabog nitong sinuot ang bestida pero bago ito lumabas, ginawaran pa'ko nito ng mapusok na halik. Ako na ang kusang bumitaw para umalis na ito. Pumasok naman si Millow na muling nagulat nang makia ako. Hawak ko lang ang roba na itinakip sa ibabang bahagi ng katawan ko.
"Millow, timplahin mo ang tubig sa bathtub at mauna ka nang matulog pagkatapos mo. Use the bubble dusting soap."
Muli akong nahiga dahil sa pagod habang hawak pa rin ang roba ko. Nakapasok na sa banyo si Millow pero nainip ako sa tagal niyang lumabas kaya sinundan ko siya sa loob.
Lake's POV Nagtakbuhan ang mga bata papunta kay Millow na abala na sa kusina. Napa-buntonghininga ako. Ito ang pinakamahirap na katangian ko; ang magpakumbaba ng totoo para masubukan ko kung ano ang buhay na sinasabi ng mga kapatid ko pati na ni Fernando. Lalo na ang doktor na humahawak sa'kin para sa isang councelling. "I realize I was harsh in earlier years, but my childhood has turned me into a monster, Millow. I couldn't be a normal person, and I struggle with trust throughout my life." Hindi kumibo ang babae nang magpaliwanag ako. "Pinuntahan ko si Emily para matapos na ang lahat sa'min. Siya ang nag-aruga sa'kin at kay Marthy, malaki rin ang utang na loob—" "Shut up!" hiyaw ni Millow nang bigla itong humarap. "Mommy?" naiiyak na tawag ni Sadiya kaya bigla na lang nag-iba ang expression ng babae nang umupo ito para magpantay ang mukha nila ng bata. "I'm sorry, Sadiya, not feeling well lang si Mommy. Nay!" Tawag nito sa ina na agad namang sumulpot para kunin ang mga bata kaya
Lake's POV "Ba't ba ang suplado mo kay Millow, bro?" napapailing na tanong ni Lander. Nagtagis ang bagang ko. Ang kulit kasi ng babaeng iyon kahit pa tinutulak ko na siya palayo. Ngayong bumalik na ang alaala ko, itutuloy ko ang plano ko. Muli kong kukunin ang lahat ng nawala sa'kin. Hayop na Selene 'yon! Magbabayad ang babaeng iyon. Dahil sa kanya kaya nagkandaletse-letse ang buhay ko. "Kung hindi lang kita napigilan, baka nabaril mo na si Selene." Napasandig sa railings ng yate si Lander nang sabihin ito. "Hey, may anak na kayo ni Millow, ba't ba inaayos mo pa 'yang divorce? Your wife is a good woman, saksi ako na naging mabuti siyang tao nang mawala ka. Ayaw ko rin sa kanya no'ng una pero kalaunan, boto na'ko same with Leighton, he loves Millow." Tama si Lander, muntikan ko nang mapatay si Selene sa entrapment operation na ginawa namin kasama ang mga kapulisan. Namataan na ang ginamit na mga bangka ng grupo nito kaya naging alerto kami. May balak talaga akong bumalik ng Manila
Millow's POV Magdadalawang taon na ang lumipas pero wala pa ring pagbabago kay Lake. Napakailap pa rin nito sa'kin. "Pwede ba? Nakairita ka na!" singhal nito nang.bigla akong yumakap habang nakatalikod siya. Natulog sa kabilang kwarto ang lalaki kaya sinundan ko siya. "Sinabi ko na sa'yo ang gusto ko pero pinipilit mo'kong makisama pa sa'yo." Nasaktan ako kaya napakalas ako ng yakap. Kalayaan ang hinihiling ng lalaki pero ayokong pumayag dahil buo na ulit ang pamilya namin. "Anak natin sina Sadiya at Marthy, kailangan nila ng buong pamilya." Emosyonal kong saad nang titigan ko ang likod niya. Lumabas din sa DNA result na ako ang ina ni Sadiya. Naging buo na ang pagkatao ko kaya lumalaban akong maibalik ang dating pagmamahal ni Lake. Ang problema lang, sadyang magaling magtago si Selene kaya hindi pa siya nahuhuli. "Tigilan mo na'ko, Millow," yamot na pakiusap ng lalaki nang makita akong akmang maghuhubad na. "Ilang beses mo nang sinusubukan na may mangyari sa'tin, 'di ka
Millow's POV Parang panaginip lang ang lahat dahil ang akala ko, hindi na muli pang mabubuo ang pamilya ko pero heto kami, kasama si Lake at ang dalawang bata. Hindi pa naman lumalabas ang DNA results namin ni Sadiya pero ako ang tumayong ina niya habang iniimbestigahan ang kasong isinampa kay Selene. "Gusto ko sa baba, Millow." Palag ni Lake nang madala na ito sa taas pero mas pinili nitong manuluyan sa baba kung nasaan ang resort namin. Pina-upgrade ko na rin ang bahay dito sa taas kaya mas lumawak ito. Dito ako naging abala pero syempre, maingat kami sa pag-hire ng manggagawa para walang makapasok na kalaban. "Gusto ko lang ipaalala sa'yo na hindi pa bumabalik ang memorya ko at hindi pa ako okay. Si Emily ang mahal ko." Giit nito na walang kangiti-ngiti. Ito'y matapos ang isang buwan na pamamalagi ni Lake sa ospital para magpagaling ito. Paunti-unting bumabalik ang lakas ng lalaki at hindi na rin ito nagse-seizure kagaya dati. Marami itong iniinum na gamot pero tuwing lalapit
Millow's POV Mabilis ang ginawang entrapment kay Sandra at sa mga kasamahan nito pero ayon kay Lander, nagulat daw ang babae dahil hindi nito inaasahan na ipapahuli ko ito sa mga pulis. Mabilis namang nilagay sa custody ng DSWD si Laura habang iniimbestigahan ang kaso. "Salamat, Lander." Nasa bahay na'ko kasama si Leighton pero hindi ko naabutan sina Sandra at Laura. "Mabuti na lang mabilis ang mga tao natin pati na ang mga pulis." "Galing na'ko sa pulis station, Millow, pero pinakawalan si Sandra at ang tatlong kasamahan niya dahil wala pang complaint na natatanggap ang mga pulis. Kailangan mong mag-file ng kaso laban sa kanila." Ito ang sinabi ni Lander nang maabutan ko sa bahay. "Pero magbibigay ng protection order ang mga police para masigurong ligtas ang pamilya mo habang hindi pa napapatunayan ang motibo ni Sandra same with Selene. Kailangan natin ng katibayan muna." Sumingit si Leighton sa usapan namin, "The DNA, bro. Kailangang ipa-DNA si Sadiya at Selene—" "On vacat
Millow's POV Naiyak ako sa labis na tuwa nang madatnan ko si Lake, gising na ito pero makikita pa rin ang panghihina niya. "Lake," tawag ko habang umiiyak. Tumingin naman sa'kin ang lalaki pero agad din itong pumikit. "Thank you, Lord. Dininig mo ang panalangin ko." Kinalabit ako ni Leighton na kasama ko rin sa loob ng kwarto. Ayon dito, kaaalis lang daw ni Lander dahil napaka-busy na sa pabrikang hina-handle nito. "Actually, kahapon pa siya nagising pero wala pa siya sa sarili eh. Kaso lang, dear, binabanggit niya si Emily kanina nang nandto si Lander." Napasimangot ang lalaki nang ibalita ito na ikinagalit ko naman. "Dear, ang beauty mo, nakikita ko na ang wrinkles diyan sa mukha mo. Papunta na rito si Doc para i-explain sa'tin ang kalagayan ni Lake." Nagpupuyos ang loob ko dahil sa sinabi ni Leighton. Gagawin ko ang lahat para makalimutan ni Lake ang babaeng iyon. Kailangan ni Marthy ang tatay nito kaya kailangan ko ring ipaglaban ang pag-ibig ko. Oo. Sa kabila ng mga ginaw