Share

Chapter 24

Kanina ko pa naririnig ang pagkatok ni Zid sa unit ko pero hindi ko alam kung paano siya haharapin. Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya kagabi pati ang palitan namin ng ‘good night’ sa isa’t-isa. Normal lang naman siguro iyon sa dalawang magkaibang kasarian na magkakilala, hindi ba?

Kung siguro’y magkaibigan kami ni Zid ay hindi ako maiilang ng ganito. Magkaibigan na nga ba kami? O magkatrabaho? Baka magkaibigan na kami kaya ganoon na siya makipag-usap sa akin. Pero kaming dalawa ni Fredo ay hindi naman ganoon. ‘Ni hindi ko nga maalalang nagsabi ako ni good morning sa kan’ya. Paano’y sabunutan ang batian namin.

Huminga ako ng malalim bago siya pinagbuksan ng pinto. Pareho na kaming nakabihis at handing umalis.

“Good morning,” aniya.

Para siyang commercial model ng kape sa umaga. Napaka-alive niyang tingnan.

“G-good morning din.” Ano ba ‘yan bakit nauutal ako?

Pagdating s

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status