Share

Chapter 4

Author: Rina
last update Last Updated: 2021-06-30 14:13:19

Dahan-dahan kong tinungo ang pinto at nagdarasal na sana'y hindi iyon nakakandado sa labas.

Nagsisimula na namang lamunin ng mga karumaldumal na eksena ang isipan ko. 

Paano kung na-kidnap ako? Tapos tinurukan nila ako ng drugs kaya wala akong maalala.

Baka 'yong puting van na nangunguha ng bata at mga magagandang dalaga ang nagdala sa'kin dito. Ibig sabihin, kukunin nila ang ilang internal organs ko pagkatapos ay ibebenta. O 'di kaya'y puputulan nila ako ng paa o kamay at araw-araw na ihahatid sa mga kalsada upang mamalimos.

Nakahinga ako ng maluwag nang mabuksan ko ang pinto ngunit andoon pa din ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Sumilip ako at nang mapagtantong walang tao ay nakatingkayad akong lumabas.

Isang katapat na kwarto ang bumungad sa'kin.

Kung nakidnap ako, dapat si Tere ay nandito din dahil magkasama kaming natulog kagabi sa waiting shed. Baka nasa loob siya ng kwartong ito.

Lumapit ako at inilapat ang tainga sa may pinto pero wala akong naririnig na ingay mula sa loob.

Sinubukan kong pihitin ang seradura ng pinto at tagumpay na nabuksan iyon. Dahan-dahan akong sumilip pero bakanteng kama lamang ang nasa loob.

Lumabas na ako at naglakad sa maikling pasilyo kung saan makikita ang isa pang pinto sa dulo. Napatigil ako nang marinig ang tawanan mula sa ibaba. Mukhang mga boses lalaki iyon.

Parang bigla ay gusto ko nang bumalik sa kwarto at magtago. 'Di hamak na mas malakas sila sa'kin, hindi ko sila kaya.

Pero walang mangyayari kung papanghinaan ako ng loob. 

Patay kung patay ang importante ay naging matapang ako para ipaglaban ang buhay ko. 

Huminga ako nang malalim at naglakad. Habang palapit nang palapit sa hagdan pababa ay lalong lumalakas ang halakhakan at kant'yawan ng mga lalaki. 

Sumilip ako sa sala. Nang makitang wala doon ang pinanggagalingan ng boses na naririnig ko ay binilisan ko nang bumaba. 

Nabuhayan ako ng loob ng makita ang bukas na pinto palabas ng bahay. Ngunit bago ko pa man mailapat ang paa ko sa huling baitang ng hagdanan ay may lalaki nang pumasok sa loob at isinara ang pinto.

Dali-dali akong tumalikod at tumakbo paakyat kahit alam kong makikita niya na ako.

"Oy, gising ka na pala," masayang tinig nito kaya napahinto ako sa paghakbang at mahigpit na kumapit sa railings. Nanghihina na kasi ang tuhod ko sa nerbyos at kapag hindi ako kumapit doon ay baka bumagsak ako.

"Zid, gising na ang babae mo!" tawag 'nong lalaki dahilan upang matigil ang tawanan.

Teka, Zid? 

Isang Zid lang naman ang kilala ko, 'yong kabit na epal na CEO kuno'! 

Kung totoong siya iyon, paano niya ako nadala dito?

Narinig ko ang magkakasunod na yabag ng mga paa sa ibaba ng hagdan kaya unti-unti akong lumingon dahil baka may nakatutok na pala silang baril sa'kin, atleast alam ko kung sino ang mumultuhin 'pag nagkataon.

Paglingon ko'y hindi baril ang nakatutok sa'kin kun'di ang kanilang mga mata. Ang mata ng mga nagwagwapuhang lalaki sa aking harap. 

Limang lalaki ang nasa ibaba ng hagdan anim na baitang ang layo mula sa kinatatayuan ko. 

Ang lakas ng presensya nilang lima dahilan upang mablanko ang isip ko.

Sino nga ulit ako?

"Ivan, handa na ba ang operating room?" seryosong tanong ni Zid sa lalaking nasa kan'yang tabi na seryoso din tumango.

"How about the apparatus needed for the operation? Tayo na lang ba ang mag-o-opera or should we call a professional to do it?" muli niyang tanong habang seryosong nakatitig sa'kin.

"Nah, tayo na lang," sagot muli ng lalaki sa tabi niya.

"Yeah right. I also think we don't need an anesthesia. Hindi niya nga naramdaman na ibyinahe na siya patungo dito," pagpapatuloy ni Zid.

Hindi ko maalis ang tingin sa kan'yang mga mata kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha ng mga kasama niya basta ang alam ko'y seryoso si Zid sa mga sinasabi niya.

Dumoble ang kaba sa dibdib ko. Nagsisimula na rin manikip ang paghinga ko. Natatakot ako.

Minsan ko na din naman pinangarap na makita sa tv pero hindi ko gustong sa soco o imbestigador ako lumabas.

Mas masahol pa si Zid sa mga kontrabidang lalaki na nababasa ko sa mga nobela. Napakasama niya para pagplanuhan ang pagkatay sa'kin na para bang wala ako sa harap niya.

Hindi ko alam na ganito pala matatapos ang buhay ko. Sana'y binangungot na lang pala ako kung gano'n. Mas mabuti iyon dahil wala akong sakit na matatamasa.

Naramdaman kong nabasa ang aking pisngi kasabay nang mahinang paghikbi. Napaupo ako sa hagdan dala nang takot at panghihina. Naging malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nag-uunahan sa pagpatak. 

"Anong ginawa niyo? Naku mga bata ito!" Pinahid ko ang luha ko nang marinig ang boses ng isang matandang babae.

Nakasuot siya ng apron at pinagpupokpok ng hawak niyang sandok ang ulo ng limang lalaki na nasa harap ko. Panay ang sangga nila at turuan sa kung sino ang pasimuno.

Nabawasan na ang kabang nararamdaman ko pero patuloy pa din ang pagluha ko hanggang sa nilapitan ako ng babaeng kasama ng matanda.

"Hala miss, nagbibiro lang po sila. Sorry po," malambing na tinig niya at inalalayan akong tumayo.

Ngumiti siya sa'kin kaya kahit nag-aalangan ay sumama ako sa kan'ya pababa ng hagdan. Umiwas sa'min ang limang lalaki ngunit bakas sa kanilang mukha ang pagkabigla mula sa pag-iyak ko.

Iginiya niya ako sa kusina. Pinainom ako ng tubig ng matandang babae na ang pagpapakilala sa akin ay Manang Delia. Ang kasama niya naman na dalaga na si Heaven ay hinaharang ang limang lalaki na pumasok ng kusina.

Nang kumalma na ako ay saka lang nag-sink in sa'kin na pinag-trip-an ako kanina ni Zid. I-kwenento na sa'kin ni Manang Delia na dinala raw ako dito kaninang madaling araw ni Zid at 'nong Ivan, ang sabi daw ay nawalan ako ng malay sa daan. 

Sinungaling! Hindi ko na lang iyon sinabi dahil baka isipin pa nilang gumagawa ako ng kwento. Paniguradong mas maniniwala sila kay Zid at baka kapag dumaldal pa ako dito ay totohanin talaga ng lalaking iyon ang mga sinabi niya kanina.

Maya-maya pa'y tinawag na ni Manang Delia ang limang lalaki para kumain ng pananghalian.

Katabi ko si Heaven na inaasikaso ang lalaking nasa kan'yang gilid. Ako nama'y nilalagyan ng pagkain sa plato ni Manang Delia. Nakayuko lamang ako dahil kahit papaano'y nakaramdam ako ng pagkapahiya kanina. Naniwala ako sa pang-uuto ng kurimaw na nasa harapan ko.

Tahimik lamang ang lahat nang magsalita ang lalaking nasa gitna ng pahabang mesa.

"I think we owe Miss... Zid's girl an apology," sabi nito dahilan upang mapatingin ako sa kan'ya. 

Isa-isa niyang tiningnan ang tatlong lalaking nasa harap ko at ang isa na nasa tabi ni Heaven.

"I didn't do anything... aw! Heaven ano ba?" Napatingin ako sa lalaking katabi ni Heaven na hinahaplos ang braso niya. Ramdam ko din ang pagtitig ni Heaven sa lalaki na para bang pinagsasabihan niya ito.

"Fine, I'm sorry," sabi nito. Tumango na lang ako dahil hindi naman siya ang may atraso sa'kin.

"I'm sorry too. My name is Blue by the way," nakangiting sabi ng lalaking nasa kaliwa ni Zid.

Siya 'yong lalaking tumawag kanina kay Zid nang makita niya akong paakyat muli sa hagdan.

Tipid akong ngumiti sa kan'ya dahil mukha naman siyang mabait.

"Ako din sorry," sabi naman ng lalaking nasa kanan ni Zid. Tumingin muna ito kay Zid bago bumulong sa'kin na naririnig din naman naming lahat. "It was his idea. Matampuhin kasi yan lalo na kapag hindi napagbibigyan ang gusto. Alam mo 'yung batang may tantrums parang..."

Hindi niya na naituloy pa ang sasabihin nang mabilis niyang naiharang ang braso sa kamay ni Zid na tatampalin sana ang kan'yang noo.

Hindi ko maiwasang mapaawang ang bibig dahil sa nangyari. Ang bilis ng reflexes niya gayong nasa akin ang atensyon niya.

Sandaling natahimik ang lahat at naghihintay ng sasabihin ni Zid. Hindi ako umaasang mag-so-sorry siya. Hindi rin naman sapat iyon para maibsan ang inis na nararamdaman ko sa kan'ya. Baka kapag ibinalik niya na ako terminal at hindi na ginulo ay mapatawad ko pa siya.

"Sorry. It was fun though. But I'm sorry. I didn't mean to make you cry. Akala ko kasi kapag pusong lalaki ay matapang, hindi ko naman akalain na iyakin ka pala." Ramdam kong gusto niyang pagtawanan ang inasta ko kanina.

Nag-so-sorry ba siya o ipinapamukha sa'kin na iyakin ako?

Matalim akong nakatingin sa leeg niya. Hindi ako pwedeng lumagpas hanggang sa kan'yang mata baka mawala nanaman ako sa sariling ulirat.

Humigpit ang kapit ko sa tinidor parang gusto ko na lang tuhugin nito ang mata niya. Ewan ko ba palagi na lang akong nahihipnotismo kapag tumitingin ako sa parteng iyon ng mukha niya.

"What are we gonna call you miss?" Lumuwag ang pagkakakapit ko sa tinidor nang magsalita ang lalaking nasa gitna ng mesa. 

Lumingon ako sa kan'ya. Seryoso ang kan'yang mukha ngunit hindi naman iyon nakakatakot, hindi katulad ng nakita ko kanina kay Zid habang tinatakot niya ako.

"Kai," tipid kong sagot.

"My name is Knight, this is Ivan, Zid and Blue. The one beside Heaven is Sylvester," pagpapakilala niya ng magkakasunod sa mga lalaking nasa hapag.

Hindi ko alam kung bakit niya pa ipinapakilala sa'kin ang mga lalaking ito. Hindi naman ako magtatagal dito. Kakain lang ako pagkatapos ay aalis na. Sayang din naman ng mga pagkain. Sabi ni lola h'wag daw tatanggi sa grasya.

Nagsimula na kaming kumain. May kan'ya kanyang usapan ang mga kasama ko, si Heaven at 'yong Sylvester ay nagbubulungan at panay naman ang mahinhin na tawa ni Heaven lalo na kapag nakikisawsaw sa kanilang usapan si Blue. Si Knight ang mukhang matino sa kanilang lima. May pinag-uusapan sila ni Manang Delia na hindi ko naman maintindihan kung ano.  Si Ivan ay panay ang pakikipagtalo kay Zid na ilang ulit kong nahuli na matalim akong tinitingnan.

At ako, wala. Tamang kain lang. 

Matapos ang kainan ay naiwan kaming mga babae upang magligpit. Nakakahiya naman kung aalis na lang ako basta pagkatapos kumain. Maakusahan pa akong 'eat and run' ni Manang Delia.

"Ate boyfriend mo ba si Kuya Zid?" tanong sa'kin ni Heaven habang inaayos ang laptop niya. Manonood daw kami ng k-drama. Tumanggi ako kaya lang ay makulit siya. Isang episode lang ay aalis na ako. 

Nanlaki ang mata ko sa tinanong niya. 

"Hindi! Never! Hinding-hindi," eksaheradang sabi ko.

Natawa si Heaven sa reaksyon ko. Nagtakip pa ito ng bibig. Mahinhin ang kan'yang itsura at kilos. Ang sabi niya'y kaka-debut niya pa lamang daw nang nakaraang buwan.

Hindi na kami nakanood dahil nauwi na iyon sa kwento tungkol sa kan'yang debut. Isang bagay na hindi ko naranasanan. 

Marami siyang kwento, naaaliw naman ako kaya lang ay gusto ko na talagang makaalis habang nasa isang kwarto pa dito sa sala ang mga lalaki kabilang si Zid.

Sarado na ang pinto ng kwartong iyon kaya hindi na maririnig ang boses mula sa loob hindi katulad kanina na naririnig hanggang second floor ang tawanan nila.

Ano kayang pinagkakaabalahan nila?

Bakit ko ba iniisip iyon? Ano bang pakialam ko?

"Nagtatrabaho sila dyan ate. Bawal daw pumasok sa loob," sabi ni Heaven. Nahalata niya sigurong kanina pa ako nakatingin sa pinto ng kwartong iyon.

Trabaho? Ang saya naman ng trabaho nila nasa bahay lang.

Baka nag-o-online selling sila. Online selling ng ano?

Saka parang wala naman sa itsura nila ang mag-online selling. Mag-model pwede pa. Sabi din ni Fredo CEO daw ang Zid na 'yon.

Hala!

Baka katawan ang binebenta nila kaya closed door  at dito sa bahay sa ginagawa. Mukhang marami pa namang mga pandesal ang mga lalaking iyon for sure marami ang magiging customer nila.

"Okay ka lang ate? Parang namumula ka po?" tanong sa'kin ni Heaven.

Napaka-concern naman niya sa'kin simula pa kanina. Pakiramdam ko tuloy mas matanda siya sa'kin kung asikasuhin niya ako.

Bago pa man ako makasagot sa kan'ya ay sabay na kaming napalingon sa pinto ng lumabas si Zid.

Napadako ang tingin niya sa'kin at hindi na inalis iyon hanggang makalapit sa inuupuan naming sofa.

"Let's talk," maotoridad niyang sabi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Capturing The Bachelor   Special Chapter

    Dear Beautiful and Handsome Readers, Hello! Kung nakarating ka hanggang dito sobrang thank you! I just wanted to say na, sobra akong nagpapasalamat sa mga nagbigay ng gems at nagbayad para sa novel na ito. I hope na nagustuhan n'yo ang kwento. Magpapatuloy po ako sa pagsusulat at sana suportahan n'yo pa rin ang mga darating kong nobela. Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Don't forget to smile, pray and always choose to be kind. Mahal ko kayo! As a token of appreciation, here's a special chapter for you guys. Enjoy! "Harrieth sit down, hindi ka kasama sa sasalo ng bouquet." Kanina ko pa pinapaupo si Harrieth subalit irap lamang ang natanggap ko mula sa kan'ya. Nasa unahan pa nga siya at handang saluhin ang bulaklak na itatapon ng aking asawa. Asawa. My wife, Kaileen. Akala ko hanggang imagination na lamang ako na ikakasal kami ni Kai at bubuo ng pamilya. Na

  • Capturing The Bachelor   Epilogue

    I was once an orphan. Mag-isa at sarili lamang ang inaasahan. Bawat desisyon ko sa buhay ay walang ibang basehan kun'di ang aking nararamdaman.Masayang mamuhay mag-isa dahil hindi ka magigising sa away at gulo sa loob ng pamilya. Subalit hindi sa lahat ng panahon.Mas gusto kong magising sa umaga sa ingay ng aking kapatid at sa sermon ng aking mga magulang, dahil kahit gan'on alam kung mayroong mag-aalala sa akin kapag wala pa ako sa gabi.Hindi ko iyon naranasan simula nang mawala si lola. Naging miserable ang aking buhay subalit dumating si Zid. Hindi na ako kailanman naging mag-isa.Ang sarap sa pakiramdam na bawat galaw mo ngayon ay may kasama ka na. Mayroon nang mag-aalala para sa'yo. Kapag nawala ka ay may maghahanap na sa'yo.Zid spare me from the fear and hatred.Naipakulong niya ang aking tiyuhin. Malaya na ako. Wala na ang bangungot na matagal ko nang kinikimkim noon pa man.Hindi man kami nagkaroon ng maayos na relas

  • Capturing The Bachelor   Chapter 75

    "Yes nandito ako sa location. I'll send you the pictures. Ipakita mo sa client kung gusto nilang dito gawin ang photoshoot."Ibinaba ko ang cellphone matapos magbigay ng instruction sa aking secretary. Isang linggo na akong nasa Pilipinas at hindi ko inaasahan na magiging abala ako sa kompanya ni Mr. Davis.Golden hour. Ginto rin ang kalangitan nang araw na nagtanong sa akin si Zid kung gusto niya akong ligawan. Parehong lugar at parehong oras.Sa tuwing mayroong kliyente na naghihingi ng romantikong lokasyon para sa kanilang photoshoot ay palagi kong sinasagot na mas magandang sa taas ng burol kung saan nakikita ang paglubog ng araw.Isa iyon sa pinakamasayang tagpo sa aking buhay na gusto kong paulit-ulit na alalahanin.Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya siya? Ang isiping iyon ang nagpalungkot sa akin. Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot akong magpakita sa kan'ya ay dahil ayokong malaman na may asawa't anak na siya.Hi

  • Capturing The Bachelor   Chapter 74

    Hindi ko kailanman pinangarap na mamatay sa ibang bansa. Ayos na nga sa akin na basta na lang ihulog sa ilog basta sa Pilipinas, atleast mga Pilipinong isda ang makikinabang sa akin.Bigo kami ni Blue na tumakas. Pagkabukas pa lamang namin ng pintuan ng aking kwarto sa ospital ay bumungad na sa amin ang naglalakihang katawan ng mga foreigner na lalaki.Mabilis ang mga sumunod na pangyayari nang araw na iyon. Naisakay nila ako sa kotse nang walang pumipigil bukod kay Blue na nagpumilit na humabol subalit hindi niya kami naabutan.Nang araw din na iyon ay maluwag ko nang tinanggap ang kaparusahan na nag-aabang sa akin. Dinala nila ako sa New York taliwas sa iniisip kong itatapon nila ako sa tulay na dinaraanan namin patungong airport.Pagdating sa New York ay dumiretso kami sa main headquarters. Doon ay nakita kong muli si Duke. Gwapo pa din siya, pero mas gusto kong makita sa huling sandali si Zid.Makakaya niya naman sigurong mabuhay na wala ako 'd

  • Capturing The Bachelor   Chapter 73

    Zid Kai's blood stain on my hands stabs my heart a million times. Paano ko hinayaan na mapahamak ang babaeng pinakamamahal ko? Bakit hindi ko siya pinaniwalaan? How can I doubt her? Siya na handang itaya ang buhay para sa akin. Ano'ng sumagi sa isip ko para pagdudahan siya? I should be the first one to believe her, dahil iyon ang ipinangako ko sa sarili nang mga panahon na mag-isa siya. I promised myself to be the person who will stand up for her. Ang taong hindi siya lilisanin kahit iwanan na siya ng mundo. Pero ano'ng ginawa ko? Kung sana'y hindi ko siya iniwan. Kung sana kahit nalilito ang isip ko'y pinanatili ko lang siya sa aking tabi ay hindi ganito ang sasapitin niya. Alam kong hindi na mababago ng 'sorry' ko ang mga nangyari pero sana ay huwag ilagay sa panganib ang kan'yang buhay dahil hindi ko kakayanin. "Zid, maupo ka muna." Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room at kanina pa din ako pinapaka

  • Capturing The Bachelor   Chapter 72

    "What do you want to eat?" Kanina pa ako tinatanong ni Zid kung ano ang gusto kong kainin. Sinabi kong wala pero mukhang hindi niya narinig sa dami ng pagkain na in-order niya. Sumagi ang mata ko sa pulang rosas na nasa flower vase sa gilid ng aking kama. Isang araw niya na akong binabantayan at sa tingin ko'y wala pa din siyang tulog. Pinagmasdan ko siyang kunin ang isang bowl na mayroong sopas. Base sa pagngiwi ng kan'yang labi ay alam kong napaso siya sa init nito. Ipinatong niya ito sa isang tuwalya sa kan'yang kamay bago umupo sa aking tabi. Kumuha siya ng isang kutsarang sopas at hinipan ito. Tinikpan niya nang kaunti bago inilapit sa aking mga labi. Tahimik niya akong sinubuan ng pagkain. Naniniwala na kaya siyang hindi ako ang nagpakalat ng video? Alam niya na kayang ang mommy niya ang nasa likod ng kaguluhan ngayon? Alam na kaya ng buong bansa na isa ako sa mga undercover agent ng The Veracity? Sa dam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status