Share

Chapter 63

Noong bata pa ako, marami akong tanong. 

Bakit si lola ang kasama ko?

Sino ang nanay at tatay ko?

Nasaan sila?

Bakit nila ako iniwan?

Ngayon na nasagot na ang mga katanungan na iyon, imbes na mabuo ako, pakiramdam ko'y mas lalo lamang akong nawasak.

Sa nagdaang ilang araw ay makailang ulit akong tumanggi sa alok ni Harrieth na muling mamasyal kasama ang aming ina.

Isa akong pangit na alaala para kay Orca Lapuz at alam kong kahit ano ang aking gawin ay hindi nito mababago ang pagtingin niya sa akin.

Ang pag-iwas sa kan'ya at paglimot na lamang sa aking pinagmulan ang natatangi kong solusyon.

"Sa wakas," masayang bungad sa akin ni Zid nang lumabas ako sa kwarto.

Madaling araw pa lang ay narinig ko na ang pagdating niya sa bahay. Naka-lock ang aking kwarto kung kaya't hindi siya nakapasok. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa sala habang nakahiga ako sa kama.

Kagabi niya pa ipinaalala sa akin ang salo-salo sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status