แชร์

Chapter 156

ผู้เขียน: Bluish Blue
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2026-03-02 20:59:12

Isinara ko ang pinto sa likod ko nang marahan, pero hindi dahil maingat ako sa ingay. Kundi dahil mabigat ang laman ng isip ko. Ang hallway ay madilim. Ang bintana sa sala ay bukas nang bahagya, sapat para pumasok ang hangin ng gabi.

Cebu felt closer kaysa sa Maynila.

Mas malapit ang mga sagot. Mas malapit din ang panganib.

Ibinaba ko ang bag ko sa mesa, tinanggal ang sapatos, at hindi na nag-abala pang magpalit ng damit. Diretso akong umupo sa sahig, sandaling nakasandal sa couch, pagkatapos a
Bluish Blue

Sorry guys, sa last chapter nasulat ko is five years, twenty years po talaga...

| ชอบ
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 156

    Isinara ko ang pinto sa likod ko nang marahan, pero hindi dahil maingat ako sa ingay. Kundi dahil mabigat ang laman ng isip ko. Ang hallway ay madilim. Ang bintana sa sala ay bukas nang bahagya, sapat para pumasok ang hangin ng gabi.Cebu felt closer kaysa sa Maynila.Mas malapit ang mga sagot. Mas malapit din ang panganib.Ibinaba ko ang bag ko sa mesa, tinanggal ang sapatos, at hindi na nag-abala pang magpalit ng damit. Diretso akong umupo sa sahig, sandaling nakasandal sa couch, pagkatapos ay inangat ko ang kamay ko at tinap ang relo.Encrypted line.Isang vibration.Connected.“Natapos mo na ba ang pangangalap ng data kay Eli El Zamora?” tanong ko agad.Walang hello.Si Atlas ay hindi rin mahilig sa unnecessary words.“May partial reconstruction na,” sagot niya, kalmado, mechanical, pero may bahagyang diin sa huling salita.“Partial is not enough,” sagot ko.“Hindi simple ang profile niya.”Tumayo ako at lumapit sa bintana. Sa ibaba, may ilang ilaw ng sasakyan. Normal ang mundo. T

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 155

    Hindi ako agad bumangon kahit nagising na ako.Ikatlong araw.Huling araw sa Cebu.Ang kisame ng suite ay kulay abo pa sa maagang liwanag. Tahimik ang air-conditioning. Tahimik ang hallway. Pero sa loob ng dibdib ko, may galaw na hindi maipaliwanag.Kahapon, may nabanggit na pangalan.Eli.May mensahe si Atlas.Daughter present in Cebu.Hindi ko alam kung sino siya. Hindi ko alam kung bakit narito. Pero hindi ako naniniwala sa pagkakataon lang.Umupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang relo ko.Isang maikling vibration.Encrypted update.Monitoring active.Huminga ako nang mabagal.Hindi ito ang unang beses na naramdaman kong mas malalim ang sitwasyon kaysa sa nakasulat sa itinerary.Pero ngayon, iba.Mas personal ang pakiramdam. Mas malapit.7:10 a.m., nasa restaurant floor ako ng hotel.Buffet breakfast ang naka-set para sa mga delegate.Nakasuot ako ng structured cream blouse at charcoal skirt. Professional. Polished. Walang bakas ng kagabi.Nandoon na si Leon.Hindi siya nakaupo

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 154

    Hindi ako agad nakatulog kagabi.Hindi dahil sa pagod. Sanay ang katawan ko sa mas mabibigat na operasyon kaysa sa tatlong oras na negotiation at social maneuvering.Ang hindi ko sanay ay ang pakiramdam na parang may dalawang mundo na unti-unting nag-o-overlap.At lagi niyang binabalik ang pangalan kong Nyx.Hindi ko alam kung aksidente iyon. Hindi ko alam kung test. Hindi ko alam kung instinct.Pero alam ko ang bigat ng paraan ng pagbigkas niya.Nagising ako bago tumunog ang alarm.5:02 a.m.Madilim pa ang langit sa labas ng glass wall ng suite ko. Tahimik ang dagat. May manipis na kulay abo sa horizon, parang naghihintay pa ang araw kung lalabas ba siya o hindi.Tumayo ako at lumapit sa salamin.Sa repleksyon, hindi ko makita ang assistant. Hindi ko makita ang corporate attire. Ang nakikita ko ay isang babae na nasa gitna ng dalawang pangalan.Mara. Nyx.At isang pangatlo na hindi ko pa kayang tawagin.Janine.Huminga ako nang malalim.Pangalawang araw ngayon. Site immersion. Priva

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 153

    Hindi ako agad bumalik sa dati kong ritmo kinabukasan.Maaga akong dumating sa opisina, pero iba ang pakiramdam ng bawat hakbang ko sa hallway. Parang may bagong bigat ang sapatos ko. Parang may mas malalim na dahilan kung bakit ako nandito.Hindi lang misyon.Hindi lang infiltration.May dugo na kasangkot.Umupo ako sa desk ko at binuksan ang system. Tahimik pa ang floor. Ilang staff pa lang ang naroon. Ang salamin sa dulo ng hallway ay nagbalik ng repleksyon ko—maayos, composed, propesyonal.Walang bakas ng babaeng kahapon ay nakatayo sa ilalim ng puno, nakatingin sa isang babaeng baka ina niya.7:58 a.m. nang bumukas ang elevator.Hindi ko kailangang tumingin para malaman na siya iyon.May kakaibang presensya si Leon kapag dumarating. Hindi maingay. Hindi dramatic. Pero parang may bahagyang pagbabago sa hangin.“Good morning,” sabi niya habang naglalakad papunta sa opisina niya.“Good morning, sir,” sagot ko, steady.Huminto siya sa harap ng mesa ko.“May update ka ba sa Singapore

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 152

    Hindi agad nagsalita si Atlas nang tumawag ako isang umaga, day off ko.Sanay ako sa katahimikan niya. Pero iba ang uri ng katahimikang iyon. Mas mabigat. Mas may laman.“May nahanap ka?” tanong ko diretso.May marahang pag-click sa kabilang linya. Keyboard iyon. Processing. Verification.“Confirmed match,” sagot niya sa wakas.Nanikip ang dibdib ko kahit hindi ko alam kung bakit.“Identity?” tanong ko.Sandaling paghinto.“Name: Sol.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa likod ko.Sol.Hindi ko alam kung bakit tumama ang pangalan sa kung anong bahagi ng utak ko. Wala akong alaala ng isang Sol. Wala akong mukha na naaalala mula pagkabata maliban sa malamig na ilaw ng ospital at mga aninong nakapaligid sa akin.Pero ang pangalan—Sol.“Full name?” pilit kong steady ang boses."Soleign De Alegre."Hindi pamilyar sa pandinig ko. Pero may kirot sa loob ko na hindi ko maipaliwanag.“Status?” tanong ko.Mahabang segundo ang lumipas.“Alive.”Hindi ko namalayang napahawak ako sa gilid

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 151

    Hindi ako agad natulog pag-uwi ko.Nakaupo lang ako sa sahig ng sala, nakasandal ang likod sa couch, patay ang ilaw, bukas ang laptop sa harap ko. Hindi para magtrabaho.Para mag-isip.May mukha sa isip ko bukod kay Amanda.Isang babaeng nasa litrato sa laptop ni Leon kanina. Hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi ko alam kung sino siya sa pamilya nila. Hindi ko alam kung bakit siya wala sa file na ibinigay sa akin ng Astra Noctis.Pero alam ko ang pakiramdam nang makita ko siya.Parang may hinila sa loob ko. Parang may ugat na matagal nang nakabaon sa laman ang biglang gumalaw.Hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon. Hindi ako sanay sa mga bagay na hindi ko maipaliwanag.Kaya tinawagan ko ang taong dapat kong tawagan.Si Atlas.Hindi siya ang tipo ng handler na madaldal. Hindi rin siya sentimental. Siya ang nag-oorganisa ng logistics ko. Siya ang nagbubukas ng pinto kapag kailangan kong pumasok. Siya ang nagsasara ng system kapag kailangan kong mawala.Hindi kami madalas mag-usap kung

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status