Share

Chapter 4: Did You Even Love Me, Kent?

NIKITA

Nagising ako na parang may humahaplos sa ulo ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay ang mukha ni mama ang bumungad sa akin. 

"Nagising ba kita?" Tanong nito sa akin. 

Dahan-dahan akong bumangon para magpantay kami ni mama. Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Hinawakan nito ang kamay ko at bahagyang pinisil.

"Kamusta pakiramdam mo, anak?" Tanong nito.

"Ayos lang po, ma." Sagot ko. Hindi ko alam kung tama ba ang sinagot ko basta 'yun nalang ang napili kong isagot. Hindi rin kasi ako sigurado sa nararamdaman ko. 

"I'm sorry kung nagalit ako sa 'yo noong isang araw. Nagulat lang ako sa sinabi mo kaya ganoon kaagad ang reaksyon 'ko. Honestly, I wasn't expecting that from you. Now I feel bad when I realized that I haven't even ask you yet about your decision. Napangunahan ako ng galit. Inuna ko ang magalit kaysa makinig sa 'yo. Don't worry, I haven't told your father about this. Gusto ko ikaw mismo ang magpaliwanag sa ama mo para mas maintindihan ka niya." Pakikipag-usap ng nanay ko sa 'kin.

Napangiti ang puso ko sa sinabi ng ina ko. Masaya na rin ako dahil kinakamusta ako ni mama. Akala ko'y mahabang panahon bago nila ako mapatawad. I know she's still disappointed on me but she chose to hear me out. Ang gusto ko lang naman ay taong makakaramay ko at alam kong hindi ako iiwan katulad ng ginawa sa akin ni Kent. 

"I'm sorry, ma." My voice suddenly broke na sinundan ng pagpatak ng masasaganang luha galing sa mga mata ko. "Gusto kong palakihin ang anak ko nang mag-isa. I don't want to drag his father to this. He doesn't know about what happened to us."

"What do you mean by doesn't know about what happened to you?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Hindi niya alam na may nangyari sa amin." I paused for a bit before continuing. Napalunok ako habang pinipigilan ang patuloy na pag-agos ng luha. "That night when he was drunk, may nangyari sa amin. Pero wala siyang maalala at hindi na rin siya nakapaghinala dahil nakaalis na ako noong nagising siya."

"Bakit hindi mo sinabi sa kaniya?" Naguguluhang turan ng aking ina.

"Hindi ko na rin sinabi, ma sa sobrang hiya ko marahil noon at sobrang busy na rin kaya hindi ako nagkaroon pa ng pagkakataon na sabihin. Noong araw na nagpatingin ako sa doktor.." 

Napahinto ako saglit nang maalala ko ang araw na 'yun. Akala ko siya ang masosorpresa ko eh, ako pala. 

"Noong araw na napag-alaman kong buntis ako, nagkita kami ni Kent. I was about to tell him.. pero naunahan niya 'ko eh. Nakipaghiwalay siya sa 'kin at ang masakit pa roon ma, pinagtapat niya sa 'kin na mahal niya pa rin ang ex-girlfriend niyang minsan na siyang iniwan." That's when my tears fall from my eyes. My mother quickly hugged me, sympathetically. "Sa isang taon mahigit naming pagsasama akala ko ako 'yung mahal niya. Akala ko napalitan ko na ang nasa puso niya. Kung hindi pala nawala ang pagmamahal niya sa dati niyang girlfriend, saan ako noong mga araw na magkasama kami?"

Kumalas ako saglit sa pagkakayakap sa akin ni mama at pinahiran ang mga luha ko dahil sobrang bigat na sa dibdib. Buntis pa 'kong tao kaya hindi nakabubuti sa akin ang panay iyak.

"Kaya hindi ko sinabi sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil ayokong palakihin ang anak ko sa isang pilit na pamilya. Kapag sinabi ko sa kaniya ang tungkol dito ay alam kong mapipilitan siyang magpakasal sa akin dahil kilala ko ang lalaking 'yun. Paniguradong ganoon ang iisipin no'n. Pero dahil hindi niya ginusto ang may mangyari sa amin ay ayaw ko siyang obligahing panagutan ang batang nabuo namin. Habang-buhay itong responsibilidad kaya ayokong habang-buhay niya rin akong sisisihin." Mahabang paliwanag ko sa ina ko. 

"Anak, nanay rin ako. Alam kong mahirap magpalaki ng anak. Kung ako nga kahit kasama ko ang daddy mo nahihirapan din noon, ikaw pa kaya na mag-isa lang? Kailangan mo ng kasama sa pagpapalaki ng anak mo. Isa pa darating ang panahon na maghahanap ng ama ang anak mo. Ano'ng isasagot mo sa kaniya?" Paalala sa akin ng ina ko. 

Hindi ko pa napaghahandaan ang sagot ko sa tanong na 'yan. Gusto ko maintindihan ng anak ko ang ginawa ko. Hindi ko alam kung magagalit siya o mauunawaan niya ako pero kung sakaling magalit man siya ay handa akong akuin ang lahat ng sisi at siya na ang magdedesisyon kung ano ang gusto niyang mangyari. Ang anak ko na ang bahala kapag gusto niyang makilala ang ama niya at tatanggapin ko nalang ang lahat ng sisi sa akin ni Kent. 

"Don't you think it's too unfair for your baby? Iniisip mo ang tingin mong makabubuti sa ama niya samantalang siya ay ayos lang sa 'yo na lumaking hindi buo ang pamilya?" Dagdag pa sa 'kin ni mama.

Parang natutop ang bibig ko sa sinabi ni mama. Ganoon nga siguro ako kat*nga dahil kahit sinaktan niya na 'ko, ang kaligayahan niya pa rin ang hangad 'ko. Pero iba-iba kami ng prinsipyo sa buhay. Ginagawa ko 'to para sa anak ko, para sa kanilang dalawa 'di bale ng huwag na ako.

"Masama na ba 'kong ina, ma?" Tanging natanong ko sa nanay ko. "Masama na ba 'ko dahil pinagkakaitan ko siya ng ama? Masama na ba 'ko kasi hindi pa man siya nakakalabas ay tinanggalan ko na siya ng karapatang makasama ang ama niya?"

"I cannot answer that yet, 'nak. Pero ito ang tatandaan mo dahil magiging ina ka na, your child's sake should be your first priority and in whatever decision you make you must think first of your child at sa kung ano ang maidudulot nito sa kaniya." Iyun lamang ang binilin sa akin ni mama bago ito nagpaalam para makapagpahinga na rin daw ako. Gagawan niya raw ako ng fruit shake para sa apo niya.

Bago pumasok ng university ay dumaan muna ako sa cafe para bumili ng frappe. Paborito namin ni Kent itong bilhan. Just how fast the night changes? Dati magkasama kaming bumibili dito, ngayon iba na ang kasama niya.

Napalingon ako sa kapapasok lang na si Lauren at Kent. Inaalalayan pa ni Kent si Lauren sa pinto. Ang aga naman yata nilang magkasama. Napahinto si Kent nang makita ako sa counter. Ako na rin ang umiwas dahil pakiramdam ko'y iiyak na naman ako kapag nagkatitigan kami.

Walang-lingon akong lumabas na ng cafe at dumiretso sa favorite spot ko dito sa mini garden ng school. Maraming students na rin, ang iba'y gumagawa ng assignment ng ganitong oras. Pinapanood ko lang ang mga kilos ng tao sa paligid nang may tumabi sa akin. Sa amoy palang niya ay alam kung si Kent ito. 

"Aga-aga frappe hawak mo ah?" Pambungad nito sa akin habang hawak ang kape niya. Hindi iyun ang madalas niyang bilhin kapag bumibili kami ng kape. 

"Nasaan si Lauren? Bakit hindi mo siya kasama?" Tanong ko agad dito. Na-miss ko siyang kausap. It feels like it's been years since we last talk. 

"Umalis na, may aasikasuhin pa raw siya." Turan nito bago sumimsim sa kape niya.

"Ahh." Tanging nasabi ko lang, nauubusan ng mga salita. 

"How are you?" Seryosong tanong nito na unti-unting nagpabigat sa dibdib ko.

Gusto kong maglabas ng sakit at sama ng loob kay Kent. Gusto ko siyang tanungin kung nasaan ako noong mga panahon na magkasama kami. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang naging papel ko sa buhay niya. Pero natatakot ako sa magiging sagot niya. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin ang mga salitang babanggitin niya.

"Ayos lang, doing better." I lied. Diyan naman ako magaling eh, sa pagsisinungaling.

"Kumakain ka pa rin ba sa hindi tamang oras? You know you eat your lunch at 2:00 PM, you eat dinner at 9:00 PM." Pabiro nitong sabi. Naalala niya pa rin pala 'yan. Laging siya kasi ang nagpapaalala sa akin na kumain sa tamang oras. 

"Kumakain pa naman." Maikli kong sabi rito.

"Baka lagi ka pa ring nakikinig sa earbuds mo habang natutulog, alam mong masama 'yun, Nikita." 

I don't know why he still saying this to me. Maybe he just love to torture me. Hindi ko alam kung paano niya pa naggagawa akong kausapin ng ganito. Hindi na rin naman siya required gawin o paalalahanan ako dahil tapos na ang meron kami. 

Pero ano nga ba ang meron kami noon?

"Kent, nasaan ako?" 'Yan ang biglang lumabas sa bibig ko. Gusto kong bawiin pero alam kong narinig niya na rin ang sinabi ko.

"Nandito." He said.

"Nasaan ako noong mga panahong tayo pa? Kung si Lauren ang dati pang namuhay sa puso mo, nasaan ako noong nilagawan mo 'ko, noong sinagot kita, noong naging tayo, nasaan ako? O nagkaroon man lang ba ako ng puwang sa puso mo?" Hindi ko mapigilang sambit ng mga labi ko habang sa mga tao nakatuon ang paningin. I don't want to look at him dahil baka mag-breakdown na naman ako. Ayoko ng umiyak lalo na sa harapan niya.

"Nikita.. I'm sorry. I don't know, I'm confused. That day when I saw Lauren again, my heart skipped a beat. It feels like it have found what he is longing for." Lintaya nito. 

"Ang tanong ko lang naman Kent kung minsan ba ay minahal mo 'ko o siya pa rin ang mahal mo noong mga panahong naging masaya tayo?" Tanong ko pa. Hindi niya nasagot ang tanong ko kanina.

"I promise, I loved you. Aaminin kong naging masaya ako kasama ka. Ang gaan ng pakiramdam ko sa tuwing nakikita kita. You felt like home to me." Paliwanag nito pero maski isa ay walang pumapasok sa utak ko. Parang ang hirap paniwalaan. 

"Pero hindi kasing saya noong makita mo ulit si Lauren?" Tanong ko sa kaniya.

Nilingon ko ito nang hindi siya magbigay ng sagot. Nanatiling nakatungo ito habang nakahawak sa kape niya. Napainom ako sa dala kong frappe bago tuluyang tumayo na parang walang nangyari.

"Tama na nga 'yan. Halika na, pasok na tayo sa classroom. Mag-aalas nuwebe na rin." Pagyayaya ko rito at agad na tumalikod sabay lakad ng mabilis. I don't want to hear more from him. Masyado ko ng sinasaktan ang sarili ko kapag pinagpatuloy ko pa ang pakikipag-usap sa kaniya. 

Gagawin nalang kitang ala-ala sa akin, Kent. Isang trauma na gusto ko nalang ibaon sa limot.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status