Home / Romance / Carrying My Ex-Boyfriend's Child / Chapter 3: Nikita's Confession To Hanz

Share

Chapter 3: Nikita's Confession To Hanz

Author: Misshimichi
last update Last Updated: 2022-09-05 21:42:06

NIKITA

Isang linggo na ang nakalipas simula noong sinabi ko kay Hanz ang tungkol sa kalagayan ko. Nagalit man siya dahil sa kat*ngahan ko pero nagpapasalamat ako sa kaniya dahil hindi siya nawala sa tabi ko. Hindi niya 'ko hinusgahan. Ako lang talaga nag-iisip na parang hinuhusgahan nang sabihin niya kung bakit ko naggawa 'yun kahit alam kong hindi pa kami kasal ng kung sino mang ama ng anak ko. Best friend ko nga siya. Ang swerte ko sa kaniya. 

[Flashback]

"Hanz, buntis ako." Pagsabi ko ng totoo sa kaibigan ko habang nagpupunas ng luhang hindi magkamayaw ang pagpatak mula sa mga mata kong sagana sa lungkot.

Hindi siya nagsalita kaya kumalas muna ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. Gulat na unti-unting napapalitan ng lungkot ang nakita ko sa mga mata niya. Dahan-dahan itong nangilid saka pumatak ang isa niyang luha. Ngunit agad niya rin itong pinunasan at hinarap ako. 

"P-paano nangyari 'yun? May boyfriend ka? I mean.." Bumuga pa ito ng hangin na para bang hindi pa rin makapaniwala sa narinig mula sa bibig ko. "I mean, you did that with someone kahit hindi pa kayo kasal? P-paano? Pinilit ka ba? Minolestya or what? Tell me." May bahid ng lungkot na sabi niya sa 'kin habang nakahawak sa mga balikat ko.

Nanahimik nalang ako. Feeling ko ang dumi ko sa mga sinabi niya. Alam kong hindi niya ineexpect na ang isang conservative na babae ay gagawa ng ganoon kahit hindi pa kasal. Hindi niya akalain na ang isang babaeng hindi nga halos magkamayaw sa pagsuot ng palda sa school dati para hindi lang masilipan ay naging disgrasyada ngayon. 

"S-sinong ama?" Tanong niya sa 'kin habang dumadaloy sa gwapong pagmumukha ng best friend ko ang kaniyang mga luha. I know he was hurt because of me. Alam kong alam niya na hindi ko 'to plinano dahil sa pag-iyak ko kanina.

"I-iniwan niya na 'ko." I said while remembering the day he broke up with me. That's the worst day of my life. I wish that was all a dream na gigising nalang ako na nandiyan pa rin si Kent.

"A-ano?" This time, tumingin na siya sakin na animo'y galit na't makakapatay ng tao. This is what I frightened the most. Alam kong magwawala 'to kapag sinabi ko sa kaniya 'yan.

"H-he doesn't love me, Hanz. He broke up with me before I even tell him that I'm having his baby." Umiiyak kong kwento sa kaniya. 

"Shh-shh! That dumb-ass! H'wag kang umiyak, makakasama 'yan sa baby mo. Where is he? I want to see him and kick his ass off. Anong tingin niya sa 'yo, parausan na pagkatapos gamitin ay iiwan?" Galit nitong turan habang hinahaplos pa rin ang likuran ko. Parang manununtok na siya sa inis.

"A-ayokong sabihin sa kaniya dahil alam kong mahal niya ang babaeng 'yun at ayokong mapilitan siyang magpakasal sa akin nang dahil lang sa baby namin. Ayokong mamuhay ang anak ko sa isang pilit na pamilya at lahat ng pinapakita namin ay purong pagkukunwari lamang." Sabi ko pa.

"Just let him know. Besides, he's the father of your child. He has the right to know." Sabi sa akin ni Hanz.

Alam kong 'yan ang sasabihin niya sa 'kin. Ganyan din naman magiging katwiran ng ibang tao. Pero sadyang iba ang pananaw ko tungkol sa konsepto ng pagpapamilya.

"Pero kapag sinabi ko sa kaniya, mapipilitan siyang pakasalan ako and I don't want to get married without love. Gusto ko kapag nagpakasal man kami 'yun ay dahil sa mahal namin ang isa't isa hindi lang dahil sa may responsibilidad lang siya na kailangan gampanan kahit hindi niya naman talaga ginusto." Humihikbi pa ring katwiran ko sa kaniya.

"Paanong hindi ginusto? Nikita, noong may mangyari sa inyo alam kong alam niya rin ang kahahantungan kapag hindi siya nag-ingat sa paggala--"

"No he doesn't know about that. Hindi niya alam na may nangyari sa amin. Lasing siya noon and hindi niya maalala ang lahat ng ginawa namin. Hindi ko na rin naman nabanggit pa sa kaniya iyun dahil nahihiya ako. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nabuntis at wala siyang kinalaman doon kaya aakuin ko ang bata. Kaya nakikiusap ako sa 'yo, Hanz, huwag mo na sana pang sabihin sa kaniya ang tungkol dito. Sapat na sa 'kin na nandiyan ka para damayan ako." Putol ko sa sasabihin niya sana. Umiling-iling nalang ito, hindi makapaniwala sa mga katagang lumalabas sa bibig ko. I know I'm being unreasonable for him.

"Kanina ba, habang nasa fourth floor tayo, kaya hindi ka sumunod sakin at basta mo nalang akong hinila dahil ba sa nakita mo siya?" Dahan-dahan naman akong tumango sa sinabi niya. "That man! I swear 'pag nagkita kami. Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya sayo. Hindi ko na siya hahayaang makalapit pa sa 'yo at sa anak mo." Saad niya habang nakakuyom ang mga kamao. "Tara, iuuwi na kita. You need some rest. Sana pala 'di na kita pinaalis ng bahay. I'm sorry."

"No! Namiss din naman kita Panot! Salamat nga pala at nandito ka. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko. Ang laki ng disappointment na binigay ko sa mga magulang 'ko." Sabi ko sabay pahid ng luha ko at mukhang tangang tumatawa.

"You're not a disappointment, tandaan mo 'yan. Napakabait mo kayang anak. Besides, hindi mo naman pinabayaan ang pag-aaral mo. Graduating ka na nga 'di ba? Kaya nga rin ako umuwi para makita kang naka-toga sa stage." Pag-aalo pa niya sa 'kin.

"Ang plastic mo ngayon, Panot. Parang bumait ka bigla. May sakit ka ba? Ano? Bagong buhay ka na ba?" Pagbibiro ko rito.

"Eh kung paanakin kita diyan nang wala sa oras, Witch?" Biro niya pa kaya tumawa nalang din kami hanggang hinatid niya na 'ko sa bahay.

[End of Flashback]

"Uy Witch na buntis, time for your check-up." Bungad sa akin ni Hanz pagkapasok niya ng kuwarto ko.

Nanonood ako sa cellphone ko ng Tom and Jerry dahil tinatamad pa 'kong bumangon. Ganyan siya, simula nong sinabi ko na sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Pinaayusan niya agad ako ng date for check up and since walang pasok ng saturday ay 'yun ang pinaggawa niyang schedule sa 'kin.

"'Di ka babangon diyan o ako na magpapaanak sa 'yo kahit fetus pa 'yan?" Banta niya.

As if kaya mo naman!

Dahil nasa mood ako---thanks to Tom and Jerry--- ay tumayo nalang ako para iwas away. Buntis na nga ko't lahat-lahat, inaaway pa rin ako ng Panot na Wizard na yan.

"Babangon ka rin pala. Bilisan mo but with care ah. Hintayin kita sa baba, Witch na buntis."

"Oo na, Panot na Wizard!" Asar ko rin sa kaniya pero inirapan niya lang ako sabay sara ng pinto.

Oh see? Nakakaduda talaga kung bakla siya 'di ba? Ang galing mang-irap eh. Ikutan ng eyeballs, 360 degrees!

Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin saka bumaba nang may pag-iingat dahil baka madulas ako sa hagdanan. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang kumakain ng cookies ko.

"Hoy Panot na Wizard! Who gave you the permission to eat my cookies?" Sigaw ko sa kaniya.

"At bwaket mway pwermisswion pwa?" Sabi niya habang ngumunguya ng cookies. Walang manners! "Napakaramot mo naman. Baka cookies laman ng tiyan mo ah, hindi bata."

"Akin na 'yan. Tara na! Malaking cookies 'to, 'no? May utak na cookies." Pagyayaya ko sabay hila sa kaniya kaya nilapag niya nalang ang cookies sa mesa.

Sumakay na kami sa kotse niya. Actually, tapos na siyang mag-aral. Ahead siya sakin ng isang taon kaya matagal-tagal kaming nagkita since doon siya nag-aral sa America. Nanatili pa siya ng isang taon pa doon para maasikasl ang kinakailangan niya pa para mailipat sa pangalan niya ang kompanya nila.

We're heading now to Dr. Sulania's Hospital. Private 'yan at siya raw ang magbabayad sa check-up. Siya rin ang nagbayad sa ospital. Aayaw pa ba ko? Eh kailangan ko rin mag-ipon para sa panganganak ko. Isa pa, pinilit ko siyang ako na ang magbabayad kaso nagalit siya dahil gagastos pa raw ako kahit alam ng wala pa 'kong trabaho at nagbigay rin siya ng kondisyon na kapag nakapagtrabaho na 'ko ay saka ko na siya babayaran sa lahat ng gastos. Bibigay niya raw sa 'kin ang mga resibo kung gusto ko. Mahilig magwaldas ng pera kani-kanino. Sugar-daddy ko 'yan!

Thank you Hanz at nandiyan ka lagi sa 'kin. Kung 'di lang talaga kita best friend baka magustuhan kitang Panot na Iyakin na Wizard na Bakla!

"Oh? Nabaliw ka na naman, Witch na buntis? Nakangiti ka nalang bigla diyan! Ang creepy ha." Sabi ni sa 'kin nang mahuli niya 'kong nakangiti sa kawalan.

"Thank you Hanz for always being here for me. Kung 'di lang talaga kita naging best friend baka nagkagusto na 'ko sa 'yo. I love you, Panot na Wizard!" Madamdamin kong sabi sa kaniya.

"Ok na sana eh, dama ko na sana ang paggiging knight and shining armor ko sa 'yo kung 'di mo lang dinugtungan ng 'Panot na Wizard'!" Singhal niya kaya napatawa nalang ako.

Ilang minuto lang din ay nasa Hospital na kami pero separated ang clinic sa hospital kaya 'di kami sa mismong hospital huminto.

"Oh Hanz." Bati nang doktor pagkapasok namin at lumingon kay Hanz saka bumaling sa 'kin. "You must be Nikita." Nakangiting tanong ng doktora sa 'kin kaya nginitian ko nalang siya sabay tango.

Pinahiga niya 'ko sa higaan at tinapat ang gamit pang-ultrasound sakin. Nakakakiliti nga eh. Hindi pa rin ako makapaniwala na dati ay napapanood ko lang 'to sa movie pero ngayon ay ako na mismo ang nakahiga sa kamang ito.

"You're one month pregnant. You know that right?" Tanong sa akin ng doctor sakin kaya tumango ako. "You're progesterone level is rising and its normal since you're pregnant. As of now, 'di mo pa talaga maaanigan ang baby kasi nga one month pa naman and we cannot tell yet his sex. Sa sixth month pa natin malalaman pagbalik mo rito." Sabi niya habang ginagalaw-galaw ang bagay na pang-ultrasound sa tiyan ko. "His heartbeat is normal, same as yours and normal naman ang ayos ni baby sa tummy mo, Mommy. Everything is normal." 

Marami pa siyang sinabi bago niya tanggalin ang bagay na iyun sa tiyan ko.

"Now, Mommy, be careful lang sa kilos mo ah. Balik kayo dito next month or maybe two weeks from now for follow up. Eat healthy foods, huwag magpapakastress sa school ah since nag-aaral ka pa naman. Avoid eating fatty foods para 'di ka tumaba or lumaki. Exercise daily and drink lots of water. As of now, 'yan lang muna ang sasabihin ko sa 'yo dahil one month ka pa namang buntis. Maybe next next week or next month, marami na 'kong ihahabilin sa 'yo. Be careful always, Mommy." Nakangiting bilin sa akin ni Doktora. "And for you Hanz, alagaan mo 'to ah and be patient to her kasi madalas talaga ang mood swings ng mga buntis. Hayaan mo nalang siyang kurutin ka." Tumatawang sabi ni doktora kay Han kaya napahagikgik kami ng tawa.

"Aba! Bahala ka nga diyan, Witch na Buntis." Sabi nalang ni Hanz saka nang-irap. Ngumuso ako kaya napatawa naman silang dalawa. 

"Oh siya, ingatan mo ang sarili mo, Mommy. Huwag pupunta-punta sa maraming tao para iwas sakit." Huling bilin ni doktora kaya nagpaalam na kami sa kaniya.

"Ang tahimik mo naman ata, Panot na Wizard?" Sabi ko kasi pansin ko kanina, isang beses lang siya nagsalita.

"Wala." Maikling sagot niya. Ayoko siyang kulitin kung ano ang problema dahil kusa namang nagsasabi 'yang kaibigan ko. Maybe he want to keep it to himself. Saka nalang kapag hindi na siya mukhang pagod. Tahimik nalang kaming dalawa hanggang makauwi ng bahay. "Oh, sundin mo ang payo ng doktor ah, Witch na Buntis. Huwag matigas ang ulo. Aalis na muna ako, may gagawin lang." Sabi niya sa 'kin nang mababa niya na 'ko sa tapat ng bahay namin.

Ano nangyari sa Panot na Wizard na 'yun? Bukas ko nalang siguro siya tatanungin o kukulitin kasi mukhang pagod nga talaga siya at humanap lang ng oras para samahan ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Author's Note

    Hi! You're reading this now which means you've reached the epilogue. Before anything else, I just want to thank each and everyone of you for being with me throughout the story. It took me almost 3 years, I think, to finish this one and I'm very sorry for that. I was very busy with school and now that I'm already a Civil Engineer (just passed the boards) that is when I started writing again. Thank you for being patient and understanding. I enjoyed reading all of your comments. I hope this is not the last time that we will meet. I'll be more responsible in my next story (if given a chance again, lol). Nikita and Kent are now signing off!

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Epilogue

    KENT"Noah, kailan ka magbabagong bata ka? Tingin mo nakakatuwa 'yung ganyan? Nakakatuwa bang manakit?" Rinig kong kausap ni Nikita sa pangalawa naming anak na si Noah."Mom, hindi ko talaga 'yun girlfriend. I don't know why she's insisting." Pagtatanggol ni Noah sa sarili niya."What's happening here?" Singit ko na dahil paniguradong magagalit na naman si Nikita sa kaniya. "Hi, babe.""Ito kasing si Noah, may pumunta na naman ditong babae na nagpakilalang girlfriend niya na naman. Jusme, Kent! Hindi ka naman babaero dati, hindi rin naman ako lalakero, pero bakit 'yung anak mo, napakababaero?" Frustrated na pagsusumbong sa akin ni Nikita."Mom, I told you hindi ko po siya girlfriend. E sa.. sa.. nahalikan ko siya kahapon. Kasi naman, 'yung tropa niyang baliw sinadyang patirin siya kaya sa 'kin siya bumagsak. Tapos.. tapos.." Pahina nang pahina ang boses nito. "Tapos?" Sambit ko."Tapos ayun, hinalikan ko-""Anak ka ng batang maharot! Ilang taon ka nga lang ulit?" Labis na pahtitimpi

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Chapter 59: Where It All Started

    KENT"Hoy!" Pagtawag pansin ko sa kaklase kong umiiyak ngayon sa ilalim ng puno. "Hoy!" Tawag ko ulit nang hindi man lang ako nililingon. Kilala ko siya pero hindi ko pa nakakausap. She's always with the girls at lalong hindi rin ako palakaibigan. I only talk to my classmates about school. "Hoy may pasok pa tayo." Tawag ko ulit sa kaniya. Nag-angat ito ng tingin pero hindi pa rin inaalis ang kamay sa mata. Para siyang bata na nagtatakip ng mata habang umiiyak kasi inaway ng mga kalaro. I tried to sit near her. Maganda itong lugar na napili niya para umiyak. Kaunti lang ang mga tao na dumadaan. Harap kasi ito ng field at parang kagubatan na ang likod. "Are you okay?" Tanong ko pa rin sa kaniya kahit napaka-estupido ng tanong kong iyun. Kita ko na ngang umiiyak, tatanungin ko pa. Hindi niya 'ko sinagot at bumalik sa pagkakayuko. I'm not the type of person na mahilig manghimasok sa buhay ng iba but I always see her smile and laugh in class. I know she has a boyfriend kaya nakakapagt

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Chapter 58: Proposal

    NIKITANakauwi na kami galing sa Paris. Limang araw lang kami doon dahil may trabaho pa kami ni Kent.Kasama ko ngayon si Levi sa bahay. Ngayon namin bibisitahin si papa at mamaya ay isasama ko rin si Levi sa trabaho. Basta may hawak lang siyang libro na babasahin ay hindi siya mahirap isama kahit saan. Mabuti na rin 'to kaysa magbabad sa iPad o cellphone. He also doesn't like nursery rhyme. He thinks it's too young for him. Akala mo dalawampung taong gulang na kung makapagsalita. I just make sure na hindi pangit ang mga libro na binabasa niya. Malay ko ba kung may bed scene na pala siyang nababasa. Mabuti ng nag-iingat.Going back sa naging trip namin sa Paris, ang dami naming pinuntahan. Kakapagod ang mag-ama kapag nagsama. Ginagawa akong taga-picture slash yaya.Naalala ko pa nga 'yung paghahanap ng anak ko nong portrait ni Mona Lisa sa Louvre Museum. Tinatawanan pa namin siya. N

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Chapter 57: à quoi s'attendre?

    NIKITA"Babe?" Napalingon ako kay Kent nang marinig kong tawagin nito ang pangalan ko. "Is there anything wrong?""Ah, no. Nagchat sa 'kin si mama, gising na raw si papa." Banggit ko rito. "That's good news." Tumango ako sa sinabi nito. I'm very happy na sa wakas ay gising na si papa. I can't wait na umuwi na ng Pilipinas. Pero alam kong hindi naman pwede 'yun. Kent still has business to do here at masaya ang anak kong makapamasyal kaya hindi nalang siguro muna kami uuwi. Besides, limang araw nalang naman kami rito. I'll just give mama a call once we go back to our hotel. "I'll call mama later sa hotel." Tumango naman si Kent sa sinabi ko. I'm so glad na gising na rin sa wakas si papa. I know hindi pa kayang magtrabaho ni papa kaya siguradong hindi pa ako makakabalik ng America. America? Ngayon ay napapaisip na 'ko. Hindi ko alam kung babalik pa ba 'ko ng America or are we going to stay here for good. I mean, I haven't talk to Kent about his plan or kung ano ba talaga ang estado

  • Carrying My Ex-Boyfriend's Child   Chapter 56: Des moments à Paris

    NIKITA"How's work, babe?" He asked me when I enter the car. "Tiring. Ang aga mo naman atang matapos sa trabaho mo?" Sabi ko. This past few days he's so busy working on his proposal na ipepresenta niya raw sa Paris. Halos sa kumpanya na nga siya natutulog dahil doon. Gustong-gusto niyang sinusundo ako pero ako 'yung umaayaw dahil pagod nga naman siya. Baka kung ano pa mangyari sa kaniya kapag nagdrive nang puyat. Besides, he has his mini rest room in his office kaya doon ko nalang din siya pinapatulog. "Well, I missed you. I wanna see you both." He said as he reach for my seatbelt at siya na ang nagtuck in. "Where's my kiss?" Dahil naaawa ako sa kaniya ay 'di na rin ako nagpabebe pa at binigyan nalang siya ng halik sa pisngi. Pero dahil sugapa 'tong unggoy na 'to, humabol pa ng halik sa labi. "Babe, can you clear your schedule for me next week? I want to visit Paris with you two. It'll be our first family vacation." We're on our way to hospital para sunduin si Levi. Si mama na mu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status