NIKITA"Sunduin ka nalang namin mamaya sa store." Bilin ni Kent sa akin habang nag-aayos ako ng polo ni Levi. Hindi nalang ako umalma dahil gusto ko rin namang kasabay umuwi ang anak ko. Naisip kasi ni Kent na ipasyal si Levi bilang bonding na rin nilang dalawa. Pasasamahin pa nga sana ako kaso mas pinili kong magtrabaho nalang. Ang dami ko rin kasing aasikasuhin sa office mamaya. "You behave, okay? Always listen to your dad." Bilin ko pa sa anak ko kahit alam kong alam niya na ang dapat niyang gawin. "Yes, mommy." Bumaling ako kay Kent na nakatingin lang sa akin habang inaayusan ko ang anak niya. "Kent, mahilig 'tong umalis-alis sa mall kaya bantayan mo talaga 'to. Nawawala nalang bigla kapag nakakakita ng bookstore or arcade." Saad ko naman sa lalaki. "Don't worry, basang-basa ko na rin ugali niya kasi ganoon ako noong bata pa 'ko." Sabi nito saka tumawa nang mahina. 'Edi wow?' Hindi na ako umimik pa hanggang sa makalabas kami. Humalik muna sa pisngi ko si Levi at nagpaalam
NIKITA"Okay, that's enough. The food is ready so let's eat." Pagtatawag ko sa anak ko na tutok na tutok sa telebisyon kasama ni Kent. They're watching Insidious. Mag-ama nga talaga silang tunay, mahilig manood ng horror movie. Prente silang nakaupo sa sofa at walang alisan ng tingin sa pinapanood, ni hindi nga sila kumakain ng popcorn na binigay ko sa kanila. Nakalagay lang 'yun tuloy sa gitna nila. "Kent, dito ka na rin kumain. Marami naman akong nilutong ulam." Saka lang inalis ni Kent ang paningin niya sa TV. "Mommy's calling us, let's eat first." Sabi ni Kent sa anak namin saka kinuha ang remote para i-pause."Levi, go wash your hands." Utos ko sa anak ko saka kumuha ng mga plato at kubyertos. "What's that stinky smell, Mom?" Nalukot ang ilong ni Levi nang maamoy ang bagoong na niluto ko. "It's called bagoong. Levi, anak you can't say that in public." Saad ko sa anak ko. Baka kasi ma-misinterpret siya ng mga taong makakarinig sa kaniya. Akalain palang yayamanin 'tong anak k
NIKITA"Becoming a parent is the most noble role that anyone can be." I said as I hold my tummy. 'Yan ang katagang nababasa ko dati sa mga libro at ngayon ay unti-unti ko ng naiintindihan. ['Babe, kita tayo ngayon, may sasabihin ako sayo.']Basa ko sa text sa akin ni Kent, ang boyfriend ko. Tamang-tama, may sasabihin din ako sa kaniya. 'We'll be having our baby Kent.' Napapangiti ako sa isipin kong iyun. We're both graduating students kaya hindi na rin magiging hadlang pa ang pagbubuntis kong ito sa pag-aaral ko. Ilang buwan na rin lang at gagraduate na kami. I took Bachelor of Science in Business Administration o BSBA, pareho kay Kent.Hindi ko pa nasasabi sa kanila ni mama ang tungkol sa pagbubuntis kong ito dahil ngayon ko palang din naman nalaman sa doktor, I'm three weeks pregnant. Nagpatingin na ako dahil napapadalas ang pagsusuka ko at pagkahilo.Ngayon ay kakausapin ko si Kent para siya ang unang makaalam dito. Labis-labis man ang saya ko, kinakabahan pa rin ako sa kung an
NIKITAI look into my phone when I heard it beeped again. Napatigil ako sa pagbukas ng message nang mukha ni Kent ang bumungad sa lock screen ko. He's my lock screen. He's holding my hand while I was the one who took the photo. We're like a loving couple here, but if only I know it's just one-sided.Masakit pa rin. Nasasaktan pa rin ako. Hindi ko alam kung tama ba na ilihim sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Pero baka kapag sinabi ko, magiging dahilan lang ito para 'di sila magkatuluyan o maikasal ni Lauren at ayokong pagsisihan niya na nakipagrelasyon siya sa 'kin dati. Alam ko naman na wala siyang pananagutan sa nangyari sa amin dahil wala siya sa katinuan noong ginawa namin iyun.Napangiti nalang ako ng mapakla nang masagi sa isipan ko ang salitang kasal. Kaya ko kayang makita siyang matali sa iba samantalang ang anak niya ay naghahanap sa kaniya? Aabot din ba kaya ako sa punto na maaaring pagsisihan kong di ko sinabi sa kaniya ang tungkol dito? Makakaya ko kayang makita na a
NIKITA "Huh?" Maang-maangan kong turan sa kaibigan ko. Kailangan kong pigilang manginig hangga't maaari dahil alam nito ang bawat ikot ng bituka ko. Nahahalata niya agad ako na may tinatago. "What? I know you're hiding something. Come on, tell me. Parang hindi kaibigan." Seryosong ani niya kaya mas lalo akong natakot. Bakit kasi ngayon niya pa naisipang magtanong kung kailan kumakain kami? Baka mawalan ako ng gana kumain nito. "A-ano ba yun?" "Ano nga ba yun? May tinatago ka ba?" Balik tanong niya sakin. "A-aba malay ko sayo. Kung anu-ano nalang naiisip mo diyan eh." Pinipigilan ko ang sarili kong h'wag mabulol dahil mas lalo lang 'tong mangungulit kakatanong sa akin hangga't 'di ko sinasabi. Daig pa nito ang NBI kung magtanong. Masyadong mapanghinala. "Sige na nga 'di na kita kukulutin. Tutal mukhang nawawalan na rin naman ng saysay pagiging magkaibigan natin sa 'yo." Saad niya. Alam niya talaga kung paano ako konsensyahin. "Wait..." Sambit ko sabay hawak sa tiyan ko. "Nang
NIKITA Isang linggo na ang nakalipas simula noong sinabi ko kay Hanz ang tungkol sa kalagayan ko. Nagalit man siya dahil sa kat*ngahan ko pero nagpapasalamat ako sa kaniya dahil hindi siya nawala sa tabi ko. Hindi niya 'ko hinusgahan. Ako lang talaga nag-iisip na parang hinuhusgahan nang sabihin niya kung bakit ko naggawa 'yun kahit alam kong hindi pa kami kasal ng kung sino mang ama ng anak ko. Best friend ko nga siya. Ang swerte ko sa kaniya. [Flashback] "Hanz, buntis ako." Pagsabi ko ng totoo sa kaibigan ko habang nagpupunas ng luhang hindi magkamayaw ang pagpatak mula sa mga mata kong sagana sa lungkot. Hindi siya nagsalita kaya kumalas muna ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. Gulat na unti-unting napapalitan ng lungkot ang nakita ko sa mga mata niya. Dahan-dahan itong nangilid saka pumatak ang isa niyang luha. Ngunit agad niya rin itong pinunasan at hinarap ako. "P-paano nangyari 'yun? May boyfriend ka? I mean.." Bumuga pa ito ng hangin na para bang hindi pa rin makapaniwa
NIKITANagising ako na parang may humahaplos sa ulo ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay ang mukha ni mama ang bumungad sa akin. "Nagising ba kita?" Tanong nito sa akin. Dahan-dahan akong bumangon para magpantay kami ni mama. Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Hinawakan nito ang kamay ko at bahagyang pinisil."Kamusta pakiramdam mo, anak?" Tanong nito."Ayos lang po, ma." Sagot ko. Hindi ko alam kung tama ba ang sinagot ko basta 'yun nalang ang napili kong isagot. Hindi rin kasi ako sigurado sa nararamdaman ko. "I'm sorry kung nagalit ako sa 'yo noong isang araw. Nagulat lang ako sa sinabi mo kaya ganoon kaagad ang reaksyon 'ko. Honestly, I wasn't expecting that from you. Now I feel bad when I realized that I haven't even ask you yet about your decision. Napangunahan ako ng galit. Inuna ko ang magalit kaysa makinig sa 'yo. Don't worry, I haven't told your father about this. Gusto ko ikaw mismo ang magpaliwanag sa ama mo para mas maintindihan ka niya." Pakikipag-usap ng nanay
HANZ Hindi ako umuwi ng bahay. Dumiretso ako sa bar kung nasaan ang iba ko pang mga kaibigan. Gusto kong uminom at makapag-isip para sa sarili ko. "Oy pareng Hanz, buti pumunta ka!" Pasigaw na bati sa akin ni Ley dahil masyadong malakas ang tugtog dito sa bar. Hindi kami nagkakarinigan. "Oo nga. 'Kala ko mag-wa-one on one kami dito ni Ley." Saad naman ni Fred at hinila pa ako para makaupo sa bakanteng upuan sa gitna nila. "Kung 'di sinabi sa 'kin ni Hansel na nandito na kayo sa Pilipinas ay hindi rin sana namin malalaman na nandito na kayo." Pagdadrama ni Ley. Hindi kasi ako nakapagsabi sa kanila na nandito na 'ko sa Pilipinas dahil pagkababa ko palang ng eroplano ay dumiretso agad ako sa bahay para ihatid lang ang mga maletang dala ko saka ako nagpunta sa bahay nila Nikita. Sa sobrang excited kong makita ang mangkukulam na babaeng 'yun ay siya ang una kong pinuntahan at unang nakaalam sa pagdating ko. Akala ko siya amg masosorpresa sa pagdating ko bigla, ako pala ang susorpr