MasukKababalik lang ni Scarlett mula sa Meridian Investment Partners. Nagreport naman siya agad kay Alfonso ng mga pinag-usapan nila ni Darius tungkol sa projects. Hindi mapigilang mapangiti ni Alfonso habang nakikinig sa mga sinasabi ni Scarlett, halatang satisfied sa task na ibinigay.Nakaupo ito sa likod ng mesa habang binubuklat ang mga kontratang isinumite ni Scarlett, ang bawat isa pirmahan ni Darius.Pagkatapos suriin, tumango si Alfonso at ngumiti. “Araw-araw mo akong pinabibilib, Scarlett. I knew I made the right call. These deals have always been tough to lock in, yet you pulled it off like it was nothing. At this rate, I’ll need to give you a bigger role. Otherwise, we’re wasting your potential.”Ngumiti pabalik si Scarlett. “Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Mr. Santibañez.”“Magkakaroon tayo ng celebratory dinner mamaya kasama ang mga project heads. Syempre, kasama ka sa listahan. At may dagdag din sa sahod mo ngayong buwan, kasama ng mga ipinangako ko.”Biglang sumagi sa isip
Mabilis kumilos si Darius. Hinila nito si Scarlett papalapit at agad itong tumalikod sa pinto para takpan si Scarlett at hindi makita ni Devine."Darius—" Akmang aalma pa si Scarlett nang bigla na lamang siyang yakapin ni Darius.Nanlaki ang mga mata niya nang magdikit ang dibdib nito sa tainga niya. Ramdam niya ang tibok ng puso nito, mabilis iyon na para bang may naghahabulan sa loob. Naamoy pa niya ang amoy nitong manly at nakakaadik, at lalo lang siyang nataranta.Nanatiling nakapako si Scarlett sa kinatatayuan niya. Halos hindi siya humihinga, takot na baka marinig kahit ang mahina niyang paghinga. Pareho silang tahimik, at ang tanging maririnig lang ay ang tibok ng puso ni Darius sa sandaling iyon.Doon niya napagtanto na talaga ngang nahulog na ang loob niya sa tiyuhin ng kanyang asawa. Ayaw man niya iyon tanggapin, pero iyon ang katotohanan. Ang tanging magagawa na lamang niya ay itago iyon kay Darius at huwag magpahalata.Kung may makakita sa kanila sa ganitong ayos, sigurado
Nang dumating si Scarlett sa meeting room, wala pa roon si Darius. Tahimik ang buong loob ng silid, maayos na ang mga upuan, at naka-set na rin ang projector, pero ni anino nito ay wala. Sinabihan naman siya ng secretary ni Darius na-postpone pala ang meeting ng kalahating oras dahil may kailangan munang asikasuhin si Darius.Dapat pala ay nag-almusal muna siya. Kumakalam ang tiyan niya. Hindi niya tinanggap ang pagkain na binili sa kanya ni Tobias, ni kape ay hindi pa rin siya umiinom.Mamaya pa naman ang meeting niya kay Darius kaya napagdesisyunan niyang bumaba muna sa canteen para kumain kahit mabilis lang.Habang palabas siya, may tinitingnan siya sa phone niya kaya hindi niya napansin ang papasok na babae. Nagkasalpukan sila at may tumilamsik na malamig na gatas sa sahig, pati sa laylayan ng skirt ng babae."Pasensya ka na. Hindi ko sinasadya." Mabilis na umaksyon si Scarlett at kinuha ang panyo sa bag niya para iabot sa babae.Pero napahinto siya sa ere nang makita kung sino an
Pakiramdam ni Scarlett ay totoong-totoo ang panaginip niya. Sobrang totoo na parang nararamdaman pa rin niya ang mainit na hinga at bawat malalambot na haplos, kahit nagising na siya.Doon sa panaginip niya, yakap siya ni Darius mula sa likuran. Pinipigilan siya nitong gumalaw habang ang mga labi nito ay dumadampi sa balikat niya, paakyat sa leeg niya. Mabagal ang mga halik nito, mainit, na para bang sinasadya nitong ipadama ang ginagawa nito.Ilang sandali pa ay bahagya nang sinisipsip ni Darius ang balat niya at nag-iiwan doon ng marka. Napapasinghap siya at napapikit na lang dahil sa sensasyong nararamdaman.Matapos pagsawaan ang leeg at balikat niya, hinila siya ni Darius paharap. Halos wala nang espasyo sa pagitan nilang dalawa. Naririnig niya ang tibok ng puso nito habang nakapulupot ang malaki nitong braso sa bewang niya, parang kaya siyang baliin kung gugustuhin.Dahan-dahang hinaplos ni Darius ang mukha niya gamit ang isa nitong kamay. Titig na titig ito sa mukha niya, tila b
"Kahit anong gawin mo ay wala nang aayusin pa," mahinang usal ni Scarlett, nakatitig sa mga mata ni Tobias.Napahinto naman si Tobias at nanigas sa kinatatayuan, habang mahigpit ang kapit ng kamay sa balikat ni Scarlett. Ramdam sa hangin ang bigat ng tensyon sa pagitan nila."Alam kong nagkamali ako," piyok na tugon ni Tobias, halos pakiusap na ang tono. Nakatitig ito kay Scarlett, umaasang may konting awa o lambing pa rin sa mga mata ng asawa. "Nagbago na ako. Gusto kong ayusin lahat. Nangangako ako, hindi na kita sasaktan ulit.""Huli na ang lahat." Tinulak ito ni Scarlett palayo at pinunasan ang parte ng balikat niyang nahawakan ni Tobias, parang gusto niyang burahin ang bakas nito. "Ituloy na lang natin ang annulment. Habang mas pinapatagal mo 'to, mas lalo lang tayong nasasaktan pareho."Sandaling natahimik ang paligid. Tanging tunog lang ng mga yabag na papalapit at papaalis ang maririnig. Ilang minuto rin silang nasa ganong posisyon, walang kumikibo.Maya-maya pa, dumating ang
Bakit ganon ang pakiramdam niya? Bakit sa tuwing naglalapit sila ni Darius ay bumibilis ang tibok ng puso niya?Hindi kaya may nararamdaman na siya rito?Imposible. Hindi pwede. Uncle ni Tobias si Darius. Hindi pa niya napapatawad ang sarili niya nang aksidente siyang sumiping dito. Isusumpa niya talaga ang sarili niya kapag nagustuhan niya ito.Magdadala siya ng malaking gulo sa pamilya Aldama kapag nangyari iyon. Kung anuman itong nararamdaman niya sa loob ng dibdib niya ay kailangan niyang alisin.Hinila ni Scarlett ang kamay niya mula kay Darius at tumingala rito. "I still need to go back to the company. I can't stay long. Marami pa akong naiwan na trabaho sa opisina.""I'll talk to Alfonso about this. I'm sure you can spare a few minutes," seryosong sagot ni Darius nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.Bubuka sana ang bibig ni Scarlett para sumagot pero inalis na ni Darius ang atensyon sa kanya at humarap sa sekretarya.“Ihanda mo ang piano. Si Scarlett ang tutugtog,” pinal na







