Share

Chapter 3 Wedding

"L-Lucas! Hindi ko iyon ginawa. Hindi ko ninakaw ang yaman ng corporation companies. Mahal kita! Hindi ko iyon magagawa sayo."

Lumalandas lamang ang mga luha sa aking mukha. Nakatingin sa akin ang lahat na mga guests.

Alam kong naguguluhan sila sa nangyayari?

Pero sana maintindihan nila na hindi ko iyon magagawa kay Lucas. Mahal ko si Lucas. Hindi ko siya kayang lukuhin.

Nakatingin lamang ako sa mga mata ni Lucas. Napailing siya ng ilang beses. Huwag niyang sabibin na pati siya naniniwala na ninakaw ko ang yaman kompanya.

"Lucas! Hindi ko iyon magagawa sayo. Hindi ko ninakaw ang yaman ng kompanya. Mahal kita. Hindi ko iyon magagawa sayo."

"Stop explaining Iris. Whatever your proof. Ninakaw mo ang yaman ng kompanya. You must say that you are a gold digger." umiksena ang malakas na boses ng mom ni Lucas.

Nanginig ang mga labi ko sa takot. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Napako ang mga paa ko sa sahig.

Nakahawak lamang ako sa gown ko habang pinagtitinginan ako ng mga tao. Para akong maglaho sa kanilang paningin.

Napayuko ako at napahagulgol sa pag-iyak. Kahit kailan. Hindi ko kayang nakawin ang yaman ng mga Vontero. Hindi ko kayang sirain ang dignidad ko dahil lang sa yaman.

"You are a liar. A big gold digger. Hindi pagmamahal ang habol mo sa anak ko kundi ang yaman ng kompanya. Yaman ng isang Vontero."

Iniangat ko ang mukha ko sa mommy ni Lucas. Wala akong alam sa ibinibintang niya sa akin. Inosente ako.

"Hindi ko po iyon magagawa sa anak niyo. Hindi ko ninakaw ang yaman ng kompanya. Hindi ko kayang lukuhin si Lucas." humahagulgol lamang ako sa pag-iyak.

Tinaasan ako ng kilay ng mommy ni Lucas. Napailing siya. Ang inis sa kaniyang mga mata ay lumiliyab.

Kinuha niya ang kaniyang gold handbag at pinuksan niya ito. Kuminang ang kaniyang gold handbag sa pagitan namin.

Kumuha siya ng checque at ibinungad sa harapan ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa kuryusidad. Bakit binibigyan ako ng checque ng mommy ni Lucas?

"10 million dollars. Just get away my son. I won't you to be my daughter-in-law." gumuhit ang galit sa mukha niya.

I shook my head. Nanlumo ang mga tuhod ko. Hindi ko kayang tanggapin ang ibinibigay niya sa akin. Hindi ako mukhang yaman para kunin ang checque na ibinibigay niya sa akin.

Bumubuhos lamang ang aking mga luha. Minahal ko si Lucas hindi sa yaman.

Hindi sa yaman ng Vontero. Minahal ko si Lucas sa tunay kong pagkatao. Sa tunay kong nararamdaman.

"Hindi ko po matatanggap ang ibinibigay niyo sa akin. Mahal ko po si Lucas hindi dahil sa yaman. Mahal ko siya dahil siya ang itinitibok ng puso ko."

Binitiwan ko ang aking gown at napahaplos ako sa mukha ko. Nanunubig lamang ang mga mata ko. Muli kong iniangat ang paningin ko sa mom ni Lucas.

"So ayaw mong kunin? Ilan ang gusto mo iha? Sabihin mo lang dahil dadagdagan ko pa." madiing tanong niya sa akin.

"Hindi ko po matatanggap iyon. Kahit hulihin niyo po ang lahat na bituin at ibigay sa akin. Maspipiliin ko pa si Lucas dahil mahal ko siya." pagpapaliwanag ko.

"I hated a big liar." sambit ng mom ni Lucas.

Nanlaki ang mga mata ko nang punitin ng mom ni Lucas ang hawak niyang checque sa harapan ko.

"Layuan mo son ang babaeng ito. Hindi siya karapat-dapat na mapangasawa mo. A liar and a gold digger. Yaman lang ang habol niya sayo."

Kung makatingin sa akin ang mga visitors halos pandirian ako. Daig ko pa ang may sakit na nakakahawa. Nagbubulungan lamang sila. They mocking my dignity.

"Tama na. Hindi magnanakaw ang anak ko. Hindi siya gold digger. Hindi iyon magagawa ni Iris."

Napalingon ako kay mom. Alam kung gusto niya akong ipagtanggol. Alam kong nasasaktan siya ang makita akong nagkakaganito.

"Tayo na anak!" yaya ni mom sa akin. Ngunit hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

I shook my head habang nakatingin ako sa mga mata ni mom. Ayaw kong sumama sa kaniya.

Gusto kong magpakasal kami ni Lucas dahil matagal kong hinintay ang pagkakataong ito.

Gusto kong patunayan sa mga tao na hindi ko ginawa ang bagay na iyon.

Hindi ko ninakaw ang yaman ng kompanya.

Iniangat ko ang aking mga mata para tingnan si Lucas. Kita ko ang pagkainis sa kaniyang mukha.

Hinawakan ni Lucas ang braso ko at hinila ako papalayo sa kanila. Mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Lucas. Nasasaktan ako.

Sa pagkaladkad ni Lucas sa akin palabas ng venue ay pinigilan ko siya. Pati ba ang pinakamamahal kong tao ay kinamumuhian ako ngayon?

Iniangat ko ang paningin ko sa kaniya. Naniningkit lamang ang mga mata ni Lucas sa inis.

"Akala ko matinong babae ka Iris? Pinahiya mo ako. Bakit mo ito nagawa sa akin? Bakit mo ako niloko?" singhal sa akin ni Lucas.

"Lucas. Hindi ko iyon magagawa. Hindi ko kayang nakawin ang yaman ng kompanya. Wala akong alam sa ibinibintang nila sa akin." pagpapaliwanag ko. Bumubuhos lamang mga luha ko.

"Dahil sa ginawa mo. Sinira mo ang pagkatao ko Iris. Sinira mo ang identity ko sa taong nagtitiwala sa akin. Nakakatakot ka Iris." napailing si Lucas sa kaniyang pagsisisi. Naiinis siya sa akin.

Hindi niya ako naiitindihan. Hindi ko iyon magagawa sa kaniya. Sana pakinggan niya ang puso niya.

"Lucas mahal kita. Hindi ko iyon magagawa sayo. Hindi ko kayang lukuhin ka." tumaas ang boses ko sa kaniya. Gusto kong ipaunawa sa kaniya na hindi ko iyon magagawa.

Nalason na rin ang isip ni Lucas. Naniwala na rin siya sa bagay na ibinibintang nila sa akin.

Wala na akong pakialam kung sabibin nilang desperada ako. Basta mahal ko si Lucas. Siya ang taong papakasalan ko.

Wala akong pakialam kung ipagsiksikan ko ang sarili ko sa kaniya. Desperada na kung desperada basta mahal ko siya.

Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga sa harapan niya. Wala akong pakialam kung kamuhian niya ako. Mahal ko siya at iyon ang papakinggan ko.

"Itigil mo na ito Iris. Nakakahiya na sa mga tao. Nakakahiya ka na."

Dahan-dahan akong lumingon sa mga taong nasa paligid namin. Hindi ko ikinahihiya ang sarili ko. Wala akong kasalanan. Wala akong alam kung ano ang iniisip nila.

Muli akong napalingon kay Lucas. Kita ko sa kaniyang labi ang pagkainis. Kita ko ang galit sa kaniyang mga mata.

Hindi ko alam kung bakit pati si Lucas naniwala sa kanila? Bakit nag-iba ang paningin niya sa pagkatao ko? Akala ko ba mahal niya ako? Bakit ganoon siya sa akin?

Hinawakan ko ang magara kong wedding gown. Umiiyak lamang akong nakatingin sa mga mata ni Lucas.

I shook my head.

Kumilos ang mga paa ko at tumakbo papalayo sa kanila. Napahagulgol ako sa pag-iyak.

Agad kong pinara ang taxi na dumaan. Agad akong sumakay rito upang umalis. Gusto kong tumakas sa paningin nila. Nasasaktan ako.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hindi ka totoong mahal ni lucas irish dahil ang totoong pagmamahal ay marunong makinig at hindi agad agad naniniwala kung ano ang naririnig na paninira sa taong mahal nya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status