Lucas's POV"Alam kong may pinag-usapan kayo ni Iris. Tungkol saan? Gusto ko lang malaman Lucas. Hindi ako magagalit kung sasabihin mo ang totoo." Napabuntong hininga ako at napatalikod mula kay Clara. Gusto niyang malaman kung ano ang pinag-usapan namin ni Iris kanina? Alam kong hindi siya matatahimik kapag hindi niya nalaman ito."Tungkol sa bata. Kay Andrie. Gusto niyang humingi ng tulong sa akin para mahanap ang kaniyang anak." Ramdam kong pinagmamasdan ako ni Clara habang nakatalikod ako mula sa kaniya. Narinig kong napabuntong hininga siya sa pagkainis."Sa daming tao sa mundo. Ikaw pa talaga ang lalapitan ni Iris para hanapin ang anak niya? Ano naman ang koneksyon ng anak niya sayo para sayo humingi ng tulong Lucas? Marami naman awtoridad diba?" Ikinanlaki ng mga mata ko ang sinabi ni Clara. May pagdududa ba siya? O gusto lang niyang malaman ang totoo? Biglang gumulo sa isipan ko ang mga sinabi ni Iris na anak namin si Andrie. May nangyari sa amin? Hindi ko matandaan! Hindi
Bahagya kong pinunas ang mga luhang nangingilid sa aking mga mata. Kaba at takot ang nasa puso ko. Parang tinutusok ang dibdib ko ng sakit na nararamdaman ko."Hello!" sagot ko nang sagutin ko ang tawag. Hindi ako mapakali. Labis akong nag-aalala kay Andrie. Ang anak ko! Alam kong ang tumawag ay ang master mind ng mga kidnappers. Kaya agad ko itong sinagot. Gusto kong marinig ang boses ni Andrie kahit sandali lang. Kahit sa phone lang.Miss na miss ko na ang anak ko! Gusto ko na siyang makita at mayakap! Mahaplos ang kaniyang buhok. Mahawakan ang kaniyang mukha.Andrie anak! Hindi ko na kaya! Pagod na pagod na ako! Sana okay ka lang! Alam kong nahihirapan ka anak! I'm sorry! Patawarin mo si mommy! Hindi ko kakayanin ang hindi kita makita. Ikaw ang nag-iisang anak ko! Hindi ko kayang mawala ka! Hindi ko kakayanin Andrie. Umaapaw ang lungkot sa puso ko. Nakakapanghina! Sobrang nakakapagod! Gustuhin ko man ang sumuko pero hindi ko magawa! Ang lungkot sobra."200 million kapalit ng ba
"Huwag kang matakot na harapin ang lahat kapag alam mong may laban ka! Okay! Nandito ako! Handa kitang gabayan anak! Sasamahan kita!" Bahagyang hinaplos ni mom ang mukha ko matapos siyang kumawala mula sa pagkakakap sa akin. Nanunubig lamang ang mga mata ko.Kanina pa ako umiiyak. Gusto kong makalimot kahit sandali pero hindi ko magawa. Sobra akong nag-aalala sa kaligtasan ni Andrie.Alam kong mahinang bata si Andrie. Hindi niya kakayanin ang mawalay sa akin nang matagal. Alam kong sobra siyang nalulungkot sa ngayon.Anak Andrie! Tatagan mo lang ang loob mo! Malayo man ako sayong tabi! Hindi man kita makasama! Hindi man kita mahawakan! Palagi mong tatandaan na lagi kang nasa puso ko!"Mom! Hawak si Andrie ng mga kidnappers. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko? Humihingi sila ng 200 million kapalit ni Andrie! Ayaw kong mapahamak ang anak ko!"Sobrang tension ang nararamdaman ko. Gusto kong gawin na lang panaginip ang lahat. Pero hindi! Ito ang nakatadhana sa akin. Kailangan ko itong
Lucas's POV"I don't need her fucking mercy. Nagkakamali siya. Akala siguro ni Iris maiisahan niya ang mga tauhan ko. Hindi niya alam na minamanmanan ang bawat kilos niya."Halos sumabog ako sa sobrang galit dahil sa ginawa ni Iris. Hindi siya marunong tumupad sa usapan. Niloko niya ang mga tauhan ko.Bago pa mangyari ang lahat. Pinabantayan na ni Daniel sa kaniyang mga kasamahan ang bawat kilos ni Iris. At nakita nga nilang humingi si Iris ng tulong mula sa mga awtoridad. Walang kwentang usapana ang naganap. Dahil sa ginawa ni Iris. Mapapahamak ang mga tauhan ko. Napakawalang kwenta niyang kausap."Mautak siya Lucas! Mahirap siyang kalaban. Sisirain at sisirain niya ang mga plano mo. Kaya kung ako sayo! Gumawa ka na ng paraan para mapatasik na siya sa kompanyang ito."Nagusot ang mga kilay ko dahil sa sinabi ni Clara. Pinagmamasdan niya ako habang hindi ako mapakali. Sobrang galit ang nararamdaman ng puso ko.Alam kong nasabi niya iyon dahil gusto lang niya akong protektahan bilang
"Andrie anak!" hindi ko na mapigilan sarili ko. Kumawala na ang mga luha ko. Napahikbi ako sa pag-iyak. Mahigpit kong niyakap si Andrie. Bahagya kong hinaplos ang buhok niya. Nananabik ako na mayakap siya at mahawakan.Ang tagal niyang nawalay sa akin. Sobra akong nag-aalala sa anak ko. Akala ko hindi na kami magkikita ni Andrie. Akala ko hindi ko na siya mayayakap. Nag-uunahan lamang ang mga luha ko sa pagpatak. Tumatakas ito na parang ulan. Napahagulgol ako sa pag-iyak.Humihikbi lamang si Andrie sa balikat ko. Umiiyak rin siya. Ramdam kong sobra siyang nasasaktan. Alam kong nangungulila siya sa pagkawalay sa akin."Akala ko hindi na tayo magkikita anak! Sobrang lungkot ang naramdaman ko nang mawala ka! Hindi ko kakayanin ang mawala ka sa akin." Bumubuhos lamang ang mga luha ko. Natagpuan ko na ang anak ko pero bakit ang lungkot parin? Bakit hindi parin maalis ang sakit sa dibdib ko?Galing ako sa kompanya kanina. Gusto ko na lang i-focus ang sarili ko sa trabaho para makalimot.
"Mommy! I want to jingle."Kakarating lang namin ng kompanya nang maihi si Andrie. Hawak-hawak niya ang kaniyang harapan. Ang cute niya pagmasdan pero nakaramdam ako ng pagkaawa sa kaniya. Masakit na ata ang kaniyang puson!Agad ko siyang sinamahan sa C.R at pinapasok. Hinintay ko na lamang siya sa labas. Hawak ko lamang ang file na dala ko."Wow! Wow! Wow!" Napalingon naman ako kung sino? Doon ko lang nakita na si Clara Mondragon pala. Kakarating lang niya ng C.R area. Alam kong mag-CC.R siya.She is so elegant and precious while handling her priceless handbag. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.She rolled her eyes secretly at nakita ko 'yon. Oo, maganda siya pero masmaganda ako. Hindi niya kailangan apakan ang pagkatao ko. Nagkakamali siya.Nakakalimutan niya siguro na isa lang siyang sampid sa kompanyang ito. Dahil sa awa kaya nagi siyang member ng kompanya."Have a nice day! Akala ko hindi ka na babalik ng kompanya? Matagal ka kayang nawala! Are you considered yourself as
Lucas's POVPipirmahan ko na sana...But...Bigla kong inurong ang hawak kong ballpen."You can leave this paper with me!" malutong kong sabi.Parang sumabog ang utak ko dahil sa biglang pagbago ng desisyon ko. Hindi ko dapat basta na lang pirmahan ang resignation document na ipinasa ni Iris. Kailangan ko siyang makausap personally.Matapos iwan kami ni Annie. Ang assistant niya. Bahagya naman tumayo si Clara ang asawa ko. Nandito siya sa opisina ko ngayon. Dinampot niya paper sa harapan ko at tiningnan niya ito. Mariin niya pang binuklat ang mga ito para suriin.And..."Bakit hindi mo pinirmahan? Ito na ang pagkakataon mo. I hate this. Kailangan niya nang mawala sa kompanyang ito Lucas."Gusot ang kaniyang mukha dahil sa galit. Alam kong kinamumuhian niya si Iris at ayaw niyang makita ito. Galit ang nasa puso ng asawa ko.Tumayo ako at napalingon sa ibang direction. Kahit galit ang nasa puso ko para kay Iris. Pero kailangan ko parin pag-isipan ang mga gagawin ko. Hindi ko pwedeng pir
Biglang napahinto ang aking mga paa sa paglalakad nang makasalubong ko si Lucas. Gusto ko siyang sugurin dahil sa pag-disapproved niya sa ipinasa kong resignation document.Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Napalunok siya ng marahan. Ikinagulat niya ang makita ako. Dahil sa mga titig niya ay ramdam kong gusto niya akong durugin. Gusto niya akong sakalin. Galit ang nakikita ko sa kaniyang mga mata.Bumaba ang paningin ko sa dibdib niya dahil hindi ko na kayang makipagtagisan ng titig. Lumakas ang pagtibok ng puso ko.We are standing and speechless to each other. Daig pa namin ang hindi magkakilala sa bawat isa!Alam kong pinagmamasdan ako ni Lucas. Alam kong nakatingin siya sa akin. Alam kong kinamumuhian niya ako.Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang sumugod papunta sa akin. Sa pagkakataong ito ay napatingin ako sa kaniya.Umiigting ang kaniyang panga dahil sa sobrang galit. Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Lumakas ang pagpintig ng puso ko. Nakaramdam ak