Share

FIVE

Aniesha's POV

NAGISING ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking balat. Wala na si Montenegro sa aking tabi pagkabangon ko. I laughed silently, ano pa ba ang ine-expect ko? Malamang iiwanan na ako no'n dahil wala namang pakialam 'yon sa sa 'kin maging sa ibang tao. Tanging sarili niya lang ang mahalaga sa 'kanya.

Nagdesisyon akong kumuha nang tuwalya sa cabinet dito sa Casita na tinutuluyan namin pagkatapos ay dumiretso sa CR.

Ngunit akmang bubuksan ko na sana ang pintuan nang CR nang biglang may nagsalita sa aking likuran dahilan para matigil ako sa pagpihit ng doorknob.

"Breakfast is ready, Zarzuela. I'll go downstairs, follow me at the Xiaoxian restaurant. We will be having a meeting with my business partners," ani Montenegro pagkatapos ay lumabas na sa aming Casita.

Napa-buntong hininga na lang ako bago pumasok sa CR. Pagkatapos kong maligo't magbihis ay nagdesisyon na akong pumunta sa Xiaoxian restaurant. Nadatnan kong nagtatawanan sila Montenegro at ang iba pa nitong mga business partners.

Tingin ko ay tapos na sila.

Agad akong lumapit sa table nila at kagat-labing humarap sa kanila. 

"Hmmm, hi! I'm sorry for being late."

Natigil sila sa pagtawa at tumingin sa akin dahilan para ma-ilang ako at kamot ulong ngumiti. "T-tapos na po ba kayo? I-I guess Mr. Montenegro already explained everything, right?" aligagang tanong ko habang binubuksan sa harapan nila ang mga papeles na hawak ko.

"We're just about to start, Zarzuela. You may take your seat," ani Montenegro pagkatapos ay muling ibinaling ang kanyang paningin sa mga business partners niya. 

Agad silang nag-usap-usap at nagpalitan ng sarili nilang mga ideya habang ako naman ay minabuting abalahin nalang ang aking sarili sa iniinom ko na juice habang nakikinig ako sa kanila.

"Thank you, Mr. Montenegro," ani isang business partner ni Montenegro pagkatapos ay nakipag-shake hands sa 'kanya. 

"Thank you too, Mr. Mortel," si Montenegro. 

Nang makaalis ang mga business partners ni Montenegro ay agad siyang nagsalita dahilan para kagatin ko ang aking pang-ibabang labi.

"You arrived late. Can you still call yourself as an assistant?" kunot-noong tanong niya.

Ako naman ay yumuko nalang habang kagat-kagat ko ang pang-ibaba kong labi.

"I'm sorry, S-sir."

I heard him heaved a deep breath then he spoke, "Jaxson, call me Jaxson. Ayusin mo nalang sa susunod," aniya pagkatapos ay niligpit ang laptop maging ang mga papel niya at agad na umalis sa aking harapan.

Bumuntong hininga ako pagka-alis niya sa aking harapan pagkatapos ay nakangusong inilagay ang mga papeles na dala ko sa clear book.

Akmang kukunin ko na sana ang natitrirang piraso nang papel subalit biglang may humawak sa aking balikat dahilan para mapatingin ako sa lalaking 'yon.

"Excuse me?" Tanong ng lalaking humawak sa aking balikat dahilan para itaas ko ang aking kanang kilay.

"Do I know you?" Balik na tanong ko habang tinitingnan ang kamay niya sa aking balikat dahilan para agad niya itong alisin.

I heard him chuckled then right after that he spoke, "Unfortunately, no. But if you'll give me a chance to know you, why not, right?" nakangiting tanong niya.

I smiled at him bitterly before I speak. "No thanks," tipid na sagot ko at akmang aalis na sana kaso hinarangan niya ako.

"H-hey!" Tawag niyang muli sa 'kin.

I heaved a deep breath trying to control my anger then forced a smile.

Napaka-kulit ng lalaking 'to! Ni hindi nga namin kilala ang isa't-isa tapos kung umasta akala niya close na kami. Psh!

"Ano bang kailangan mo sa 'kin?" Inis na tanong ko.

"Relax! I just wanna know you," nakangiting turan niya.

"Isa pang pigil mo sa 'kin malilintikan ka na," wika ko pagkatapos ay umirap at umalis na sa 'kanyang harapan.

Naiinis 'man pero pinilit ko ang sarili ko na umaktong normal dahil ayaw kong masira ang mood ko. Narito ako sa isla upang mag-trabaho at mag-enjoy kahit na papaano.

Pagkalabas ko sa restaurant ay agad akong dumiretso sa Casita. Padabog kong hiniga ang aking sarili sa kama nang makapasok ako sa aking kwarto.

Ako lang ang mag-isa rito sa Casita. Hindi ko alam kung saan dumiretso si Jaxson kaya wala siya rito. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nagdesisyong lumabas sa Casita upang makapag-muni-muni. Habang nakaupo ako sa tabing dagat ay bahagya kong niyakap ang aking sarili.

Nandidiri ako sa sarili ko. Pakiramdam ko napaka-rumi kong tao dahil pinayagan ko si Jaxson na hawakan ako sa mga sensitibong parte nang katawan ko. At ang malala pa ro'n ay pinayagan ko siyang kunin ang pagka-birhen ko.

Minuto ang lumipas bago ako nagdesisyong tumayo't akmang aalis na sana kaso biglang may humawak sa aking magkabilaang balikat dahilan para mapaigtad ako't mapalingon sa taong humawak sa 'kin.

"Ikaw?! B-bitiwan mo nga ako!!" sigaw ko pagkatapos ay tinapis ang jacket ko sa aking katawan!

Bakit ba napaka-kulit ng lalaking 'to?! Kanina sa restaurant tapos ngayon dito sa tabing dagat?! Ini-stalk niya ba ako?!

"Sino ka ba?! Are you stalking me?!" muling sigaw ko sa 'kanya!

"I'm Israel and yes, I'm stalking you," he honestly said.

I raised my right eyebrow then rolled my eyes at him, "Stop following me. Ayaw kitang maging kaibigan," I said then left him.

"Sungit!" sigaw niya subalit hindi na ako nag-abala pa na lumingon dahil kanina pa kumukulo ang aking dugo sa lalaking 'yon.

KINAUMAGAHAN ay agad akong nagising nang mag-alarm ang aking cellphone.

Alas kwatro na pala.

Minabuti kong pumunta na lang sa balcony at nagdesisyong dutdutin ang aking cellphone. 

Mas mainam pa kung kakamustahin ko na lang ang aking mga kapatid at pamangkin. Paniguradong gising na si Simon dahil t'wing ganitong oras siya nagigising. 

Sandali lang ako nag-antay bago sagutin ni Simon ang tawag ko.

"Hello, Ate?" ani Simon.

Mahihimigan mo ang saya sa tono nang kanyang pananalita dahilan para mapa-ngiti ako.

"K-kamusta na kayo r'yan nila Kuya?" tanong ko habang pinipilit na huwag pumiyok dahil kanina pa gustong tumulo nang aking mga luha.

"Ate, miss na miss ka na namin," turan niya.

Halatang naiiyak siya dahil garalgal ang kanyang boses. Napabuntong hininga na lang ako dahil 'yon lang ang tangi kong magagawa. Kung puwede ko lang yakapin nang mahigpit ang bunso kong kapatid ay kanina ko pa sana ginawa. Subalit masyado siyang malayo sa 'kin. Malayo na kung saan ay tanging salita lang ang maibibigay kong comfort sa 'kanya.

I silently cleared my throat then I spoke, "Miss ko na rin kayo. Alagaan niyo ang sarili  niyo dahil wala ako r'yan para alagaan kayo," halos maluha-luhang turan ko.

Ngayon lang kami nagkahiwalay ng ganito kalayo. Hindi ako sanay na malayo kami sa isa't-isa dahil nasanay ako na magkakasama kaming pamilya. Lalo na ngayon, wala na si Mama sa amin.

Nagsimulang maglaglagan ang aking mga luha nang muli kong maalala ang tunay naming sitwasyon. Wala na si Mama sa amin, iniwan niya na kami para sa 'kanyang lalaki. Nakakatawa lang, nagawa niyang piliin ang ibang tao kaysa sa 'kanyang pamilya.

"Sige na, Ate. Kailangan ko pang sagutan 'yong mga workbooks ko. We miss you, Ate. Mahal na mahal ka namin," ani aking kapatid pagkatapos ay agad niyang pinatay ang linya.

Ngumiti nalang ako nang ibaba niya ang linya at naiwan akong nakatingin sa screen ng cellphone ko.

"Nothing's new. Still a crying baby."

Natigil ako sa pagluha nang bigla kong marinig ang boses ni Jaxson mula sa kung saan. Kasalukuyan niyang pinupunasan ang kanyang buhok gamit ang towel habang basa ito pagkatapos ay nakasuot siya ng bath robe.

Pinunasan ko ang aking mga luha pagkatapos ay ngumiti ng pilit sa 'kanya. "P-pasensya na at nakita mo pa akong umiiyak. Huwag ka hong mag-alala, hindi na ho mauulit," wika ko pagkatapos ay umalis sa balcony at nilagpasan siya palabas sa Casita na tinutuluyan namin.

Nagdesisyon akong magpahangin muna muli sa tabing dagat at doon ko pinalaya ang aking mga luha.

Kung babalikan ko ang nakaraan pipiliin ko bang maranasan ang mga mahihirap at masasakit na bagay na naranasan ko?

Napailing na lang ako sa naisip kong 'yon at bumuntong hininga. Napakasarap sa pakiramdam kapag nasa harapan mo ang dagat pagkatapos ay nararamdaman mo ang sariwang hangin.

"Beautiful, isn't it?" natigil ako sa pagmumuni-muni nang may marinig akong nagsalita sa aking likuran. Hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha dahil may ilaw sa 'kanyang likuran dahilan para hindi ko makilala ang kanyang mukha.

"Yeah," nasisilaw na turan ko.

Muli kong ibinaling ang aking paningin sa dagat matapos kong magsalita. Ilang segundo ang lumipas bago ko naramdaman ang paglapit niya sa 'kin at ang pag-tabi niya sa aking gilid.

"What are you thinking? Seems like you've been drowning because of thinking deeply, aren't you?" tanong niya dahilan para lingunin ko siya.

My eyes automatically became bigger the moment that I saw his face.

Siya na naman?!

I heaved a deep breath then started to speak, "Seriously? What do you need from me?" I asked then started rolling my eyes.

"You. I wanna know you more," mabilis na sagot niya.

"Why do you wanna know me? I'm not interested knowing other people anymore," I said then smiled bitterly.

"I don't care. I just wanna know you. Is there something wrong about that?" tanong nito.

Kunot noo akong tumingin sa 'kanya pagkatapos ay tumawa nang mapakla. "Sino ka ba?" takang tanong ko.

"Like what I've said earlier, I'm Israel." Nakangiting aniya at inabot ang kanyang kamay sa 'kin senyales na gusto niyang makipag-shake hands sa 'kin.

I thought twice before I lend my hand to him, "Aniesh—" hindi ko pa natatapos ang dapat kong sasabihin dahil bigla siyang nagsalita

"Aniesha Zarzuela," aniya na siyang ikinatigil ko.

Kunot-noo akong tumingin sa 'kanya pagkatapos ay umirap. Well, obvious naman na pinagtanong-tanong niya na ang mga business partners ni Jaxson or 'di kaya si Jaxson kaya nalaman niya ang aking pangalan.

"Whatever!" inis na wika ko.

Katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa dahilan para agad na magsalita si Israel. "How long have you been staying here?" tanong niya.

"Two days," matipid na sagot ko.

"Hmmm, I see. Can I call our relationship as friends now?" Aniya na siyang ikinagitla ko.

"Do we even have relationship? We're not close friends or even friends. We're just a stranger to each other. Put that in your mind," masungit na wika ko habang nailing-iling.

Totoo naman 'yon. Hindi kami magkaibigan o 'di kaya'y magkakilala. Masasabi ko lang na estranghero kami sa isa't-isa. Ayaw ko rin siyang maging kaibigan dahil masyado akong busy sa buhay ko para magdagdag pa ng kaibigan.

"Ang sungit naman," halos ma-bulol na wika niya.

May accent ang tagalog niya so I guess he's half. May lahi. Base sa itsura ay mayaman. Bagay na ikinatuwa ko dahil kahit na mayaman siya ay hindi siya maarte at mayabang.

"You're half." siguradong turan ko.

Hindi ko na kailangan pang tanungin siya dahil halata naman na. Kung sakaling tanungin ko man ay magmu-mukha lang akong tanga dahil halata naman na.

"Chinese," wika niya habang nagda-drawing sa buhangin.

"I knew it. Why did you ended up having a vacation here?" Curious na tanong ko.

Maliban sa mahal ang bayad dito sa Amanpulo ay mukha ring expensive ang mga materyales na ginamit sa mga furnitures nila. Malinaw ang tubig at mababait ang mga staff. But I'm wondering why he chose to have a vacation here in the Philippines.

"I'm honestly not having a vacation here in the Philippines. I'm staying here...  staying here for good now that I met you, I guess?" wika nito na siyang ikinatawa ko, maging siya rin.

"It's getting late. I'm going back to my cabin," turan ko pagkatapos ay pinagpag ang aking puwetan.

"That fast?" takang tanong niya habang nakatingala sa 'kin dahil kasalukuyan akong nakatayo habang siya ay naka-upo.

Maayos naman pala siyang kausap. Noong unang kita ko kasi sa 'kanya ay hindi ko gusto ang awra niya subalit sa tingin ko ay kabaliktaran ang pakiramdam ko. Mabait siya, magalang at higit sa lahat ay may sense kausap.

Tumayo siya at pinagpag rin ang kanyang puwetan bago siya magsalita, "I'm bringing you to your cabin," aniya.

"Hindi, ayos lang," nakangiting wika ko habang nailing.

"I insist," seryosong aniya.

Hindi na ako nakatanggi pa at hinayaan siyang ihatid ko sa cabin namin ni Jaxson. Hindi ko na sana siya hahayaang ihatid ako dahil nahihiya ako kay Jaxson kaso makulit siya.

"Salamat," wika ko nang makarating kami sa harapan ng cabin namin ni Jaxson.

"It's nice meeting you, Aniesha," nakangiting aniya at ginulo ang aking buhok pagkatapos ay naglakad palayo mula sa akin.

Inantay ko pa siyang lumayo bago ako nagdesisyong pumasok sa cabin. Subalit saktong pagpasok ko ay nagulat ako nang makita kong kasalukuyang nakatayo si Jaxson sa pintuan.

"I didn't bring you here to flirt with other guys. I brought you here because of business," aniya gamit ang galit na tono nang pananalita.

itutuloy...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status