Share

Chapter 2

Author: eleb_heart
last update publish date: 2024-12-03 06:46:33

Walang emosyon si Kath habang bitbit ang maliit na bag habang pababa ng hagdan. Alas- syete na ng mga oras na iyon at katatapos niya lang ipunin lahat ng gamit niya. Isang maliit lang na bag ang pinagkasiyahan ng kaniyang mga gamit dahil wala naman siyang masyadong gamit.

Sa baba ng hagdan ay naroon na si Donya Elsa, ang ina ni Noah na demonyita at nang makita siya na pababa ng hagdan ay bigla itong napatayo. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito ng makita siya. Ngiting tagumpay.

Hindi niya itinago ang iritasyon at disgusto na nakaguhit sa kaniyang mukha. Wala nang dahilan pa para irespeto niya ito. Isa pa ay hindi nito deserve ang respeto niya dahil sa pag- uugali nito.

“I told you…” masayang saad nito na halos humalakhak pa dahil tila ba sa pakiramdam nito ay tila nanalo sa isang pustahan.

Ang mga katulad nitong tao ay hindi niya dapat pag- aksayahan ng oras. Akmang lalampasan na sana niya ito ng bigla na lamang siya nitong harangin. Tinapunan niya ito ng masamang tingin. Ano pa kaya ang kailangan nito sa kaniya? Ayaw niya namang gumawa ng eksena kahit pa sobra- sobra ang galit niya sa babaeng kaharap niya.

“Hindi ka pwedeng umalis na hindi nache- check yang gamit mo.” saad nito na ikinapanlaki ng mata niya.

Hindi siya makapaniwala sa ugaling mayroon ito. Ano ang inaakala nito? Na nagnakaw muna siya bago siya umalis sa bahay nito? Kahit naman hindi siya binbigyan ng pera ni Noah ay wala sa isip niya na magnakaw o magdala ng kahit anumang hindi naman sa kaniya. Hindi niya ugali iyon.

“Auring lumabas ka diyan at inspeksyunin mo ang laman ng bag ng babaeng ito!” sigaw nito.

Mabilis namang lumitaw mula sa kusina si Auring na tinapunan muna siya ng isang tingin na sa tantiya niya ay may kalakip na awa. Hindi niya tuloy maiwasan ang manliit sa kaniyang sarili nang mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay tila siya isang batang hindi alam kung saan pupunta.

Kung sabagay, sino ba naman ang hindi maaawa sa kaniya sa kalagayan niya. Tila siya isang basura na pinapalayas sa pamamahay ng mga ito. Isa pa ay saksi ang mga ito kung paano siya ituring ng mga ito sa bahay na iyon kapag wala si Noah. saka lang naman siya pinapakitunguhan ng medyo maayos kapag naroon na ito pero syempre ay alam niyang peke lamang ang ipinapakita ng mga ito sa kaniya.

Pabagsak niyang ibinaba ang bag niya sa sahig at napakrus ng kanyang mga kamay sa kaniyang dibdib. Kung may mga damit lang siyang natititra pa ay hindi na niya hihintayin pang matapos sa ginagawa si Auring. Pero wala na siyang mga damit na natitira kaya wala siyang choice kundi ang hintayin itong matapos.

Inilabas nito ang lahat ng damit niya at inisa- isa.

“Baklatin mo at tyaka mo ipagpag dahil baka mamaya ay may nakaipit diyan.” sabi ng matandang ipokrita na nasa harapan niya.

Kung nakakamatay lang ang titig niya, paniguradong kanina pa ito nakabulagta sa sahig. Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng inis at galit sa inaasta ng ipokritang matanda. Aalis na nga siya’t lahat na yun naman ang gusto nito ngunit hindi pa siya maka- alis alis dahil nga pinapacheck pa nito ang mga dala niya.

Napaikot na lamang ang mga mata niya. Grabe talaga sa kasamaan ito ng ugali. Hindi niya akalaing may ganitong klaseng ugali ang mga tao. Mabuti na lamang kahit hindi siya ganu kamahal ng lolo niya ay hindi siya ganito kung itrato. Mas masasbai niya pang may puso ang kaniyang abuelo kaysa sa matandang ito.

Mabuti na lamang at wala ang isa nitong anak na isa ring m*****a. Siguro ay hindi na naman umuwi at sa kung saan na naman natulog. Nakakasuka ang pag- uugali nilang mag- iina sa totoo lang lalo na ang bunsong anak nito. Tatlo ang anak nito at si Noah lamang ang lalaki. Ang panganay ay babae kung saan ay may asawa na at ang bunsing anak nito ang tinutukoy niya kanina.

Bagay na bagay silang magkakabahay sa totoo lang dahil sa kasamaan ng pag- uugali nila at masasabi niyang parang hindi sila astang mayaman dahil sa sobrang sama ng pag- uugali nila. Napaka- matapobre sa totoo lang at halos yurakan ang buo niyang pagkatao. Halos isampal din sa kaniyang pagmumukha na hindi siya mahal ni Noah at napilitan lamang itong magpakasal sa kaniya dahil ayon di umano sa last will and testament ng ama nito ay wala daw itong mamanahin kapag hindi siya sumunod sa pinagkasunduan ng dalwang pamilya.

Sino ba naman ang may ayaw ng bilyones na mana at gugustuhing mawalan ng mana hindi ba? Baka maging siya kapag siya ang gagawan ng kundisyon na ganuon ay mapipilitan siya. Sa dalawang taon, araw- araw siyang minamata ng mga ito at inaapi.

Tiniis niya lahat ng iyon dahil akala niya ay magiging maayos din naman ang pagsasama nila ni Noah. akala niya ay matutunan nitong mahalin siya idagdag pa na ang bilin sa kaniya ng kaniyang abuelo ay huwag na huwag niya raw dudungisan ang kahit kanino mang pamilya dahil napakataas daw ng respeto sa pamilya Montenegro ng mga tao.

Ang dinaranas niya sa piling ng ina ni Noah at sa mga kapatid nito ay walang nakakaalam kundi sila- sila lang. Ang ilang tauhan ng mga ito ngunit hindi ng ibang tao. Kapag may okasyon sa mansiyon ay pinapakitunguhan siya ng maayos ng mga ito dahil maraming taong nakapaligid.

Pinoproteksiyonan ng mga ito lagi ang kanilang image na akala mo mga banal, pero nagtatago ang mga ito sa mga mala- anghel na mga mukha at nakakubli sa kani- kanilang mga pagkatao ang masama nilang mga budhi.

Sa kaniyang palagay nga ay malayo ang agwat ng ugali ni Noah sa mga kapatid nito lalo na sa ina nito at minsan ay gusto niyang isipin na ampon ito. Malamig makitungo ito sa kaniya pero sa ibang taong nakakausao nito minsan ay hindi naman ito ganuon.

Sadyang hindi lang siguro siya nito mahal kaya ganuon na lamang ang pagtrato nito sa kaniya.

“Wala pong nakaipit maam.” narinig niyang sabi ni Auring.

Ngunit hindi pa rin ito nakuntento.

“Kapkapan mo siya at baka itinago niya sa katawan niya.”

“Ano namang akala mo sa akin? Magnanakaw?” hindi makapaniwala niyang tanong rito.

Hindi niya akalaing sagad sa buti talaga ang kasamaan nito ng pag- uugali.

“Mahirap na, dahil alam ko namang ang kagaya mo ay hayok sa mga bagay na wala siya.” saad nito na tinapunan siya ng tingin pataas- pababa.

Ilang sandali pa nha ay natapos na din sa wakas si Auring sa pagbabalik ng mga gamit niya sa kaniyang bag. Tumayo ito at pagkatapos ay inumpisahan siyang nitong kinapkapan hanggang sa kaniyang mga paa. Nakasuot siya ng faded jeans. Iyon lamang kasi ang gusto niyang isuot, isa pa ay ang mga binili sa kaniya ni Noah na mga damit ay hindi niya dinala.

Wala siyang rason para dalhin pa ang mga iyon dahil hindi naman niya iyon mga ginagamit dahil hindi naman siya sanay na mag- suot ng mga ganuong klase ng damit.

Napailing na lamang siya.

“Wala po siyang kinuha maam.” sabi ni Auring.

Pagkatapos sabihin iyon ni Auring ay mabilis siyang naglakad para pulutin ang kaniyang bag. Kanina pa siya kating- kati na makaalis sa lugar na iyon. Idagdag pa na sukang- suka na siya na makita ang pagmumukha ng demonyitang matanda.

“Huwag na huwag ka na ulit babalik rito.” sabi nito sa kaniya na tila ba nandidiri.

Pinulot niya ang kaniyang bag at pagkatapos ay tinalikuran na ito ngunit pagkahakbang niya ng ilang dipa mula rito ay muli siyang lumingon rito.

“Sana masaya ka sa kasinungalingang ginawa mo.” sabi niya at pagkatapos ay tuluyan nang lumabas sa front door ng bahay.

Sa wakas ay makakaalis na siya sa impyernong bahay na iyon, ngunit kasabay ng pagkaisip niya nun ay napabuntung- hininga naman siya. Wala pala siyang pera para pambayad niya man lang ng taxi pauwi sa bahay ng lolo niya. Wala naman siyang alam na ibang pupuntahan na iba kundi doon.

Kahit naman siguro papano ay tatanggapin pa rin siya nito sa pamamahay nito. Halos isang taon na nga rin pala ang nakalipas nang huli niya itong makita. Hindi naman kasi siya nito dinadalaw at wala naman siyang nababalitaan tungkol rito.

Medyo malayo- layo pa naman ang bahay ng kaniyang abuelo mula doon. Hindi nga pala niya naisip na kailangan nga pala niya ng pera kahit pamasahe man lang.

—----------

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Carrying The Zillionaire Triplets   WAKAS

    ISANG buwan na matapos ikasal ni Noah at Kath. masasabi niyang masaya na sila kasama ang mga anak nila. Tinanggap din ni Kath si ALexa, ang anak ni Noah na ipinakilala ng asawa nitong si Lindy noon. Ngayon ay halos mag-iisang taon na ito. Sa bahay na lang siya ngayon. Hindi na siya hinahayaan pa ni Noah na pumunta sa kumpanya pero paminsan minsa ay gusto niya pa ring tulungan ito hanggang sa isang imbitasyon ang natanggap nila galing sa kaibigan nitong si Alec.Ayon kay Noah ay engagement party na nito iyon dahil sa wakas ay dumating na raw o bumalik na sa bansa ang babaeng pinakamamahal nito. “You ready?” tanong sa kaniya ni Noah nang pumasok ito sa kanilang silid.Sinuyod niya ng tingin ang kanyang sarili sa salamin bago napangiti. Nilingon niya si Noah at tumango. “Let’s go.” sabi niya tyaka lumapit dito.Nakita niya na napatitig ito sa kaniya habang ang mga mata ay punong-puno ng emosyon. “You look stunning. Alam mo ba iyon?” tanong nito sa akniya tyaka siya nito sinalubong at kaa

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 151

    TATLONG araw na ang lumipas mula noong lumabas silang magkasama.O ayon kay Noah—"Hindi date."Pero ayon sa triplets?"First date ni Mama at Daddy."At hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang tatlo sa pang-aasar."Mama!"Nasa kusina si Kath nang marinig niya ang boses ni Parker.Paglabas niya ay nakita niyang seryosong nakaupo sa sofa ang triplets.Nakatupi pa ang mga kamay.Parang may meeting."...Bakit kayo ganyan?"Tahimik silang nagkatinginan.Pagkatapos ay si Pierce ang nagsalita."Mama.""...Hmm?""We need to talk."Napataas ang kilay niya.Napaka-seryoso ng tono nito.Lumapit siya at umupo sa harap nila."Tungkol saan?"Tahimik.Maya-maya ay tumayo si Ace."Mama..."Ngumuso ito."Miss mo ba si Daddy?"Halos mabulunan si Kath sa iniinom niyang tubig."A-anong?!"Nagtataka siyang tumingin sa tatlo.Pero mukhang seryoso ang mga ito.Hindi mukhang nang-aasar.Hindi mukhang nagbibiro.Napalunok siya."...Bakit ninyo tinatanong?"Si Parker ang sumagot."Kasi lagi kang nakangit

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 150

    TAHIMIK na nakatayo si Kath sa harap ng salamin habang inaayos ang buhok niya. At hindi niya maintindihan ang sarili niya. Hindi niya talaga maintindihan. Bakit ba siya kinakabahan?Hindi naman date ang pupuntahan nila diba? Hindi.Hindi talaga. Npa buntong hininga nalang tuloy siya ng wala sa oras.Paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa sarili habang inaayos ang simpleng damit na suot niya—isang light blue na dress na hanggang tuhod at puting sandals.Simple lang.Hindi siya nag-ayos nang sobra.Hindi siya nag-effort.Hindi talaga."Mommy." Napatalon siya sa sobrang gulat. Hindi niya namalayan ang pagdating doon ng anak niya. Paglingon niya ay nakita niyang nakatayo sa pintuan si Pierce habang seryosong nakatingin sa kanya."Bakit?" salubong ang kilay niyang tanong dito.Tahimik itong tumingin mula ulo hanggang paa niya. Pagkatapos ay tumango. "Approved."Napakurap siya."Ano?" Mula sa likod ni Pierce ay sumilip sina Parker at Ace."Wow!" sabay na bulalas ng mga ito."Mommy you are so

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 149

    LUMIPAS ang ilang araw matapos ang "Mission: Balikan si Mama" ng triplets.At mula noon, mas naging kahina-hinala ang tatlong bata.Masyadong tahimik.Masyadong mababait.At iyon ang pinaka-delikadong klase ng katahimikan.Dahil sa karanasan ni Kath bilang ina, alam niyang kapag tahimik ang mga bata, may pinaplano ang mga iyon.At mukhang tama nga siya.Hapon noon.Nasa sala siya habang nagtitiklop ng mga damit.Sa sahig naman ay abalang gumuguhit sina Parker at Ace habang si Pierce ay seryosong nagbabasa ng picture book.Tahimik ang buong bahay.Masyadong tahimik.Napatingin siya sa kanila."Bakit ang tahimik ninyo?"Agad na umiling si Parker."Wala.""Wala?" taas-kilay niyang tanong."Wala talaga," mabilis na sagot ni Ace.Dahan-dahang lumingon si Kath kay Pierce.Tahimik itong nakatingin sa libro."Pierce."Walang sagot."Pierce.""Ayoko maging traydor."Napasinghap sina Parker at Ace."Pierce!"Napapikit si Kath."Aha."Napangiwi si Pierce."Mommy... I tried."Bago pa siya makapag

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 148

    MAAGANG nagising si Kath kinabukasan dahil sa maliliit na yabag at mahinang bulungan sa labas ng kwarto niya. Napakunot ang noo niya.Alas-sais pa lang ng umaga. Sino namang maagang gumagawa ng ingay? Dahan-dahan siyang bumangon at sumilip sa bahagyang nakabukas na pinto. At ang bumungad sa kanya ay ang tatlong anak niya na nakatayo sa hallway habang seryosong nakapalibot sa isang maliit na papel.Parang may ginagawang mission."Anong ginagawa ninyo?" tanong niya habang nakapamewang.Halos mapatalon sina Parker at Ace."Mommy!"Biglang itinago ni Parker ang papel sa likod niya."Wala!"Napakrus ng braso si Kath."Wala?"Mabagal siyang tumingin kay Pierce.Dahil sa tatlo, ito ang pinaka-hindi marunong magsinungaling.Tahimik na tumingin pabalik si Pierce."secret mission."Napaangat ang kilay niya."Anong mission?"Tumahimik ang tatlo.Pagkatapos sabay-sabay silang tumingin sa isa't isa.At tumakbo."Mga bata!"Pero nagtatawanan lang silang bumaba ng hagdan.Napailing siya.Mga bata ta

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 147

    DALAWANG linggo na ang lumipas mula nang gabing iyon. Dalawang linggo mula nang sabihin ni Noah ang mga salitang hindi inakalang maririnig ni Kath mula sa kanya."Mahal kita.""At magbabago ako."Hindi na muling nabanggit ni Kath ang usapan nilang iyon. At si Noah? Hindi rin siya nagtanong. Hindi siya humingi ng sagot. Hindi siya nangulit. Pero may isang bagay na napansin ni Kath. Hindi nagsisinungaling si Noah. Talagang nagbabago ito.Maagang umaga pa lang ay abala na si Kath sa kusina habang naghahanda ng almusal para sa tatlo njyang nga anak. Habang nagsasalansan siya ng pancakes sa plato ay narinig niya ang maliliit na yabag mula sa hagdan."Mommy!" Unang bumaba si Parker na magulo ang buhok. Kasunod si Ace na yakap-yakap pa ang unan niya. At sa likod nila, seryosong bumababa si Pierce habang maayos ang suot na salamin nitong laruan. Parang maliit na CEO."Mommy..." seryosong tawag sa kaniya ni Pierce."Hmm?" sagot niya naman ng hindi ito nililingon dahil nga may ginagawa siya."

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 37

    HABANG KUMAKAIN SILA ng almusal ay bigla niyang narinig ang tanong ng kanyang ina. “Pupunta ka ba sa welcome party ng dati mong asawa?” tanong nito sa kaniya.Dahil sa pagbanggit nito sa salitang dating asawa ay hindi niya napigilan na mapatigil sa kanyang pagsubo sana at hindi sinasadyang mapasuly

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 36

    PAGDATING na pagdating ni Kath sa kanilang bahay ay agad niyang hinanap ang kanyang ina na nasa study naman nito. Ang kanyang anak ay pinapatulog na ng kanyang Tita Silvia dahil medyo mag-aalas otso na rin nang makauwi siya sa bahay nila. Kumatok muna siya sa pinto at pagkatapos ay pumasok sa loob.

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 35

    SA DI KALAYUAN, bigla namang napatigil sa paglalakad si Thirdy nang makita na may nagsasabunutan sa loob ng isang boutique. Nagkibit balikat na lang siya at lalampasan na sana ito nang makita niya ang pamilyar na mukha, walang iba kung hindi si Kath kaya dali-dali siyang pumasok at inawat ang mga it

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 34

    DAHIL NGA MAAGA PA NAMAN ay napagdesisyunan ni Kath na pumunta ng mall para maghanap ng pwede niyang maisuot sa gaganaping welcome party bukas ng gabi. Wala pa tuloy siyang ideya kung ano ba ang dapat niyang isuot. Siguro ay mamimili na lang siya ng isang formal dress na simple lang. Wala kasi siyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status