Share

Carrying The Zillionaire Triplets
Carrying The Zillionaire Triplets
Author: eleb_heart

Chapter 1

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2024-12-03 06:46:11

Pabagsak na binitawan ni Noah ang isang envelop sa kaniyang harapan. Hindi niya alam kung ano ang laman nito. Kadadating lamang nito galing sa opisina nito ng mga oras na iyon at kanina pa niya ito hinihintay. Balak niyang kausapin ito na kailangan na nilang lumipat ng bahay.

Kasalukuyan silang nakatira sa bahay ng pamilya ni Noah kung saan ay kabahay niya ang byanan niya. Dalawang taon na ang nakakaraan simula nang makasal sila ni Noah at ni minsan ay hindi siya itinuring na manugang ng byanan niya. Mas tamang tawagin siyang kasambahay ng mga ito dahil simula nang magpakasal sila ay pinaalis nito ang lahat ng kasambahay ng mga ito at siya ang ipinalit sa mga ito.

Ang pagpapakasal sa isang taong katulad ni Noah ay wala sa hinagap niya at kailanman ay hindi niya naman pinangarap. Isa siyang graduating student sa kurso niyang accountancy nang malaman niya ang nakatakdang pagpapakasal niya kay Noah. noong una ay wala naman talaga siyang balak na magpakasal rito.

Ngunit nang tumutol siya sa harap ng kaniyang lolo na siyang nagpalaki at bumuhay sa kaniya ay wala na lamang siyang nagawa kundi ang sundin ang inuutos nito. Galing sa mayamang pamilya ang kaniyang ama, kaya lang ay hindi siya itinuring na kapamilya kung saan lahat ng ginagastos at kinakain niya ay halos paghirapan niya.

Wala siyang pagpipilian kundi ang tiisin lahat ng iyon dahil alam niya na wala din naman siyang alam na mapupuntahan kahit pa maglayas siya. Okay lang sa kaniya na maging ganuon ang buhay basta ang mahalaga ay nakakakain siya at may maayos na tinutulugan.

Napakunot ang kaniyang noo habang pinupulot ang envelop na nasa kaniyang harapan. Wala siyang ideya kung ano iyon. Ang balak niya sanang sabihin kanina kay Noah ay nakalimutan na niya dahil nga sa envelop na dala nito. Naupo ito sa kama at pagkatapos ay niluwagan nito ang suot- suot nitong neck- tie.

Nag- isang linya ang mga mata ni Kath ng tuluyan na niyang mabasa ang nakasulat sa taas ng papel. Isa iyong divorce paper. Hindi makapaniwalang napalingon siya kay Noah.

“A- anong ibig sabihin nito?” halos bulong lamang iyon.

Napalingon ito sa kaniya na tila ba bagot na bagot at pagkatapos ay sumeryoso ang mukha.

“Hindi mo ba nababasa?” walang emosyong saad nito habang patuloy sa pagtatanggal ng damit sa harap niya.

“This is ridiculous!” anas niya at pagkatapos ay napatayo mula sa kinauupuan niya.

Hindi niya ito hinintay na dumating para lamang divorce paper ang iabot nito sa kaniya. Wala naman silang problema. Tiniis niya ang lahat ng pang- aapi at kung paano siya itrato ng nanay nito tapos ay ganito lamang ang gagawin nito. Wala siyang makitang maging dahilan nito na makipag- hiwalay sa kaniya.

“Ridiculous?” hindi makapaniwalang balik nitong tanong sa kaniya at pagkatapos ay napailing. “Anong silbi mo Kath kung hindi mo naman ako kayang bigyan ng magiging tagapagmana ko?” dagdag nito.

Hindi niya alam kung anong sinasabi nito. Wala siyang ideya. Sa dalawang taon nilang pagsasama ay ginawa naman niya ang lahat ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin naman silang nabubuo. Ibubuka sana niya ang kaniyang bibig upang magsalita ngunit muli itong nagsalita kaya natigil siya.

“Lumabas na ang resulta ng check- up mo at ayon sa result ay baog ka! I married a woman who cannot even bear a child!” nagtatagis ang mga bagang nitong sambit.

Alam niyang napilitan lang din ito na magpakasal sa kaniya. Sino ba naman ang gugustuhing magpakasal sa taong hindi mo naman mahal hindi ba? Pero ang sabihin nitong baog siya ay sobra na. At check- up? Hindi naman siya lumalabas ng bahay para magpacheck up. Saan nito nakuha ang balitang iyon?

“What?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. “Anong check- up ang sinasabi mo Noah?” dagdag niya.

Sa puntong iyon ay may pinulot itong muli sa tabi nito na isang envelop at ibinato nito sa kaniya na dahilan kung bakit nagsiliparan ang mga papel sa harapan niya. Pinulot niya ang isa at pagkatapos ay binasa. Doon niya nabasa ang pangalan niya at ang resulta nga ng isang exam kung saan ay sinasabi ngang baog siya.

Awtomatikong napanganga siya dahil sa nabasa. Wala siyang matandaan na lumabas siya, lalo na ang magpacheck up. Hindi kaniya iyon!

“This is not mine! Ni hindi ako lumalabas ng bahay!” pagdedepensa niya sa kaniyang sarili habang nanginginig ang kamay niyang hawak- hawak ang papel.

Paanong nangyari ito? Paanong nangyari na may resulta ng exam sa kaniya samantalang hindi naman siya nagpa- check up. Hindi kaya, hindi kaya kagagawan ito ng magaling niyang byanan? Ginawan siya nito ng pekeng resulta para tuluyan na siyang mapalayas doon lalo pa at alam niyang sukang- suka ito sa pagmumukha niya.

Narinig niya ang pagtawa nito ngunit ang mga mata nito ay tila ba maglalabas ng apoy dahil sa sobrang galit nito.

“Pwede ba Kath. Hindi ako tanga. Nandiyan na nga sa harap mo yang ebidensiya, bakit hindi mo ba matanggap?” tanong nito sa kaniya na punong- puno ng pangungutya.

Hindi siya makapagsalita. Hindi niya maibuka ang kaniyang bibig para sumagot rito. Gusto niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili sa harap nito at sabihin ritong hindi sa kaniya ang resultang iyon. Peke iyon at nasisiguro niyang ginawa ito ng ina ni Noah na una pa lamang ay ayaw na sa kaniya.

“This is your last day on this house. Bukas na bukas pagsikat ng araw ay lumayas ka.” walang emosyong sabi nito bago siya nito iwan at naglakad patungo sa banyo.

Hindi niya napigilan ang mapahigpit ang hawak niya sa papel na hanggang sa mga oras na iyon pala ay hawak pa rin niya. Nanginginig ang kamay niya dahil sa sobrang galit. Ang kaniyang mga mata ay ayaw umiyak ng mga oras na iyon dahil nga galit siya at hindi lang basta galit kundi galit na galit.

Hindi niya akalaing aabot sa ganito ang pagkamuhi sa kaniya ng byanan niya o mas tamang sabihin na demonyita sa katauhan ng isang tao.

Kaya pala kanina ay bigla itong natawa at sinabi sa knaiyang malapit na siyang umalis doon sa bahay nito. Ito na pala iyon. Ang hindi niya lang lubos maisip ay kung bakit paniwalang- paniwala si Noah rito. Hindi niya akalaing sa tanda nito ang ina pa rin nito ang pinaniniwalaan nito.

Kung sabagay, sa ilang taon nilang pagsasama ay lagi na lamang siya ang mali. Kapag sinusubukan niyang isumbong ang ina rito ay siya pa ang kinagagalitan nito dahil aniya ay hindi naman daw sasabihin ng nanay nito ang mga bagay na isinusumbong niya kung maayos lamang siya.

Hindi niya tuloy maiwasan ang hindi mapaisip at mapatong sa kaniyang sarili kung bakit noon ay hindi na lamang siya naglayas sa bahay ng kaniyang lolo para hindi matuloy ang kasal. Akala niya kasi ay giginhawa na ang buhay niya at magiging payapa na siya, ngunit mas malala pa pala ang magiging buhay niya sa piling ni Noah.

Sa dalawang taong pagsasama nila ay hindi naman siya nito itinuring na asawa. Maalala lang siya nito kapag kailangan nito ng pagpapalipasan nito ng init nito sa katawan at iyon lamang ang naging silbi niya sa buhay nito, ang maging parausan nito.

Naisip na nga niya noon pa na makipaghiwalay na rito ngunit alam niya na wala siyang pupuntahan kapag ginawa niya iyon dahil wala naman siyang pera. Hindi naman siya binibigyan nito ng kahit isnag kusing man lang at ni hindi niya nga mabili ang mga gusto niya para sa sarili niya dahil wala naman siyang sariling pera.

Idagdag pa na wala naman siyang alam na pupuntahan kapag nakipag hiwalay siya rito dahil panigurado kapag ginawa niya iyon ay palalayasin lang din siya ng kaniyang lolo kapag umuwi siya sa bahay nito. Wala naman itong pagmamahal sa kanya kahit katiting lamang dahil maging sa ama naman niya ay wala din itong pagmamahal.

Itinakwil nito ang kaniyang ama dahil lang sa pakikipagrelasyon nito sa kaniyang ina kung saan nagdulot ng napakalaking eskandalo sa kanilang pamilya. Simula nga noon ay naging masama na ang tingin ng mga tao sa kaniyang ama at hanggang sa namatay ito ay hindi pa rin napapatawad ng kaniyang lolo.

Ni pangalan ng kaniyang ina ay wala siyang ideya dahil wala ni sinuman sa kanilang pamilya ang nagtangkang banggitin sa kaniya iyon.

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi at pagkatapos ay napatawa ng walang tunog.

Bakit ang lupit ng mundo? Natanong niya mula sa kaniyang isip bago niya nilukot ang papel sa kaniyang kamay at pagkatapos ay ibinato sa kama.

—---------------------

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 96

    PAGPASOK na pagpasok ni Kath sa loob ng bahay nila ay agad na niyang hinanap ang kanyang ina. Nakita niya ang kanyang Tita Silvia sa sala. “Oh Kath, dumating ka na pala. Teka, bat ganyan ang itsura mo? Umiyak ka ba?” magkakasunod na tanong nito sa kaniya ngunit sa halip na sagutin niya ito ay tinanong na lamang niya ito.“Tita, nasaan si Mama?”Bahagya naman itong nagulat. “Ah, nasa taas yata sa may sala doon.” sagot nito sa kaniya. Hindi na niya ito sinagot pa dahil nagdire-diretso na siya sa taas. Sinundan lang naman siya ng kanyang Tita Silvia habang nakakunot ang noo.Pagdating niya sa taas ay agad niyang nakita ang kanyang ina, wala ito sa sala kundi nasa silid nito habang nakaupo sa kama. Nang pumasok siya nang hindi man lang kumakatok ay awtomatiko itong napatingin sa kaniya habang nakataas ang kilay.“May problema ba?” tanong nito sa kaniya.Hindi siya kaagad na nagsalita sa halip ay inilabas mula sa kanyang bag ang larawan na nakuha niya sa vault kasama ng mga sulat na iniwa

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 95

    NAG-umpisang manginig ang mga kamay ni Kath lalong lalo nang tuluyan nang bumukas ang vault. Dahan-dahan niyang inilabas ang lahat ng nasa loob at doon niya nakita na may ilang sulat na naka-address sa kaniya. Bukod pa doon ay may ilang mga passbook na nakalagay doon at isang larawan.Nang titigan niya ang larawan ay sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Larawan iyon ng isang babae na kamukhang-kamukha ng kanyang ina ngunit ang pagkakaiba lang ay may nunal ito sa mukha. Hindi niya alam ngunit ng mga oras na iyon ay parang may bumuhos na malamig na tubig sa kanyang katawan. Ang kanyang mga balahibo ay nagsitayuan bigla.Isang tagpo ang bumalik sa kaniya. ‘Amanda?’ tawag ng ama ni Thirdy sa kaniya.Amanda? Nang mga oras na iyon ay kabang kaba siya. Parang ang tanong niya sa kanyang isip ng mga oras na iyon ay tuluyan nang masasagot. Napalunok siya at pagkatapos ay dahan dahan nang binuksan ang sulat na iniwan sa kaniya ng kanyang lolo.Hindi niya alam kung ano ang nakasulat doon pero, k

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 94

    NAPA buntong hininga si Kath. nakasakay na siya sa kanyang kotse at patungo na sa bahay ng kanyang lolo. Sisilipin niya lang ito dahil kaninang umaga ay nag-hire siya ng maglilinis doon. Halos alas tres na ng hapon at dahil sa dami ng trabaho niya ay talaga namang pagod na pagod siya. Idagdag pa na dahil nga pinag day off niya ng ilang araw si Shaira ay mas nadagdagan pa lalo ang trabaho niya.Pumikit na lang muna siya. Nagpasundo siya sa kanilang driver at sinabi na doon nga siya pupunta. Sa kanyang pagpikit ay hindi niya namalaya na nakaidlip na pala siya hanggang sa narinig na lang niya ang paulit ulit na pagtawag sa kaniya ng driver.Napahawak siya sa kanyang ulo. “Nakaidlip pala ako Manong.” sabi niya.“Oo nga po ma’am e. Mukhang pagod na pagod po kayo.” ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala habang nakatingin sa kaniya.“Hindi naman po masyado, Manong.” sagot niya na lang at pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan.Pagbaba niya ay napatingala siya sa bahay kung saan siya lumaki. Ni

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 93

    HINDI pa man tumutunog ang alarm ni Kath ay nagising na siya. Napahawak siya sa kanyang noo at pagkatapos ay napahilamos sa kanyang mukha. Hindi niya na namalayan na nakatulog na pala siya. Anong oras na kagabi ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok dahil napakaraming tumatakbo sa isip niya. Napabuntong hininga siya. Kagigising niya lang pero pakiramdam niya ay pagod na pagod siya.Bumangon siya at pagkatapos ay naupo sa kanyang kama. Muli siyang napabuntong hininga bago tuluyang tumayo at naglakad patungo sa bintana ng kanyang silid. Nitong mga nakaraang araw ay palagi na lang siyang hindi nakakatulog ng maayos dahil napakaraming nangyayari sa buhay niya. Paulit ulit na tumakbo sa isip niya kagabi ang tanong ng anak niya.Bakit ba kasi napakahirap mabuhay sa mundo? Bakit napakaraming problemang dumarating? Ganito ba talaga?Sana lang ay hindi ikwento ni Ace sa dalawa ang lahat dahil ayaw niya ring masaktan ang mga ito. Sa halip ay bumaba na siya pagkatapos ay dumiretso siya sa min

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 92

    ILANG minuto nang nakasara ang gate ngunit nanatili pa ring nakatayo si Noah sa kanyang kinatatayuan. Gusto niyang pumasok para makita ang dalawa pa niyang anak ngunit nagalit sa kaniya si Kath at alam niya na may karapatan naman talaga itong magalit sa kaniya. Dahil sa kapabayaan niya ay nasaktan si Ace. kung hindi niya sana ito iniwan doon basta ay baka hindi ito nasaktan.Nagdadalawang isip pa nga siya kanina kung ihahatid niya ba ito ngunit nang tanungin niya ito kung gusto ba nitong matulog kasama siya ay mabilis itong tumanggi at sinabing gusto niyang makita ang ina nito kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang ihatid ito.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya tuluyang tumalikod at sumakay sa kanyang sasakyan ngunit nanatili muna siya doon ng ilang minuto. Naihilamos niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha at napasandal. Hindi pa nga sila ayos ni Kath ngunit mayroon na naman itong dahilan para magalit sa kaniya.Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang ka

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 91

    HALOS nasa sampung minuto nang magkaharap sina Thirdy at Kath ngunit wala pa rin ni isa sa kanila ang umiimik. Napabuntong hininga na lang siya pagkalipas ng ilang sandali bago niya ibinuka ang bibig. “So, may kailangan ka ba?” tanong niya rito. Siya na ang bumasag sa katahimikan sa pagitan nila dahil mukhang walang balak magsalita ito.Tumingin ito sa kaniya ngunit nag-iwas din ito kaagad ng tingin. Isa pang buntong hininga ulit ang pinakawalan niya. Alam niya na napakaraming gustong itanong sa kaniya nito. Marahil ay nagulat din ito nang makita ang dalawa. Napakuyom tuloy bigla ang kanyang mga kamay. Hindi naman sa ikinahihiya niya ang mga anak niya kaya lang ay parang hindi pa siya handang ilabas sila sa publiko lalo pa at hindi naman lahat ay matinong mag-isip. Paano na lang kung i-bully ang mga ito?“Nabalitaan kong nasunog daw ang warehouse.” sagot nito pagkalipas ng ilang sandali.“Oo nga.”“Ang sabi pa ay hindi daw aksidente ang nangyaring sunog. Nahuli na ba ang may kasalanan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status