登入HINGAL na hingal at halos lumabas na ang kaniyang dila sa magkahalong uhaw at pagod. Halos magdadalawang oras na yata siyang naglalakad at ramdam na rin niya ang matinding sikat ng araw sa kaniyang balat. Mabuti na lamang at sa wakas ay nasa tapat na siya ng gate ng bahay na kinalakihan niya.
Dali- dali siyang lumapit sa gate kung saan siya nag- doorbell. Pagkatapos ng ilang doorbell ay kaagad naman binuksan ng guard ang gate at pagkatapos ay sumilip. Nang makita siya nito ay halos magulat pa ito. Mabilis siya nitong pinagbuksan nang makita niya at pagkatapos ay binitbit nito ang bag niya. Kulang na lamang at mahihimatay na siya sa sobrang pagod ng mga oras na iyon. Dali- dali siyang pumasok sa loob ng bahay kung saan nang makita siya ng mga kasambahay ang nagunot ang mga noo ng mga ito. Maging siya ay napakunot rin ang kaniyang noo dahil ang mga kasambahay na kaharap niya ng mga oras na iyon ay mga hindi niya kilala. Wala na ang mga dating kasambahay at napalitan na ng mga bago. Mabuti na lang at ang guard ay siya pa rin. “Bigyan niyo si maam Kath ng tubig!” sabi ni Mang Berto sa mga ito. Pinaupo siya ni Mang Berto sa sofa. Nagtinginan muna ang mga kasambahay bago tumakbo ang isa samantalang ang isa ay nakatingin lang sa kaniya habang nakakunot ang noo. Kitang- kita niya rin na pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at hindi niya maiwasang hindi mainis. Ilang sandali pa ay bumalik ang isa na may dala ng tubig na kaagad naman niyang ininom dahil sa sobrang uhaw niya. Pagkainom niya ay humugot siya ng ilang malalim na hininga bago niya tuluyang hinarap si Mang Berto na hanggang sa mga oras na iyon ay nasa harap niya. “Nasaan si ang Lolo?” tanong niya rito. Naglikot ang mga mata nito at pagkatapos ay tila hindi mapalagay na napahawak sa mga kamay nito. Halos hindi rin siya nito matingnan ng maayos sa kaniyang mga mata na nagpkunot ng noo niya. May problema ba? Tanong niya sa kaniyang isip bago siya umayos ng upo at muling tinanong ito. “Mang Berto tinatanong ko kayo, asan si Lolo?” muling tanong niya rito. “May sakit po ang Lolo niyo Maam Kath, at- at halos isang taon na siyang mahigit nakaratay sa kaniyang higaan.” sabi nito na hindi nakatingin sa knaiya. Nag- isang linya ang mga kilay niya dahil sa narinig. Bago siya umalis ng bahay na iyon nang magpakasal siya kay Noah ay sobrang lakas pa nito at hindi kakikitaan ng pagkahina. May sakit kaya ito na inilihim sa kanila? Pero halos buwan- buwan ay nagpapacheck- up ito sa asawa ng Tita niya na isang doktor. Ano kaya ang problema? May sakit kaya ito? “Ano ang dahilan? May sakit ba siya?” tanong niya at pagkatapos ay napatayo. Bagamat masama ang trato sa kaniya ng kaniyang abuelo ay hindi niya pa rin maiwasan ang mag- alala rito. Kahit ganun ang ipinakita sa kaniya ay tumatanaw pa rin siya ng utang na loob rito kahit papano dahil alam niya na kung wala ito ay baka sa lansangan na siya pinulot. Agad siyang tumayo at pagkatapos ay napatingin sa dalawang kasambahay na nakatayo malapit sa kaniya at nakamasid sa kaniya na tila ba binabantayan siya. “Gusto kong makita ang Lolo–” “Hindi po pwedeng pumasok sa silid niya maam kahit sino.” sabi ng isa. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa mga ito. Anong klaseng patakaran iyon? Kahit sino hindi pwedeng pumasok? Bakit? Sa anong dahilan bakit hindi pwedeng pumasok? Tinaasan niya ito ng mga kilay at pagkatapos ay nagtuloy- tuloy siya sa paglalakad patungo sa hagdan. Wala siyang pakialam sa mga ito. Kaagad na sumunod ang mga ito at pagkatapos ay nilampasan pa siya at humarang sila sa dadaaanan niya. “Hindi po talaga pwede.” sabi ng isa. Napaikot ang kaniyang mga mata dahil sa sobrang inis, ano ba ang problema ng mga ito at ano ba ang dahilan para ayaw magpapasok ng mga ito sa silid ng kaniyang lolo. Naglakad siya patungo sa gitna ng dalawa at mabilis na hinawi ang mga ito na halos ikatumba pa nila. Wala siyang pakialam kung masubsob pa ang mga ito. Lolo niya iyon at kahit papano ay may karapatan siyang alamin ang kalagayan nito. Dali- dali niyang tinahak ang daan patungo sa silid ng kaniyang abuelo na agad niya namang nakita. Sa tagal niyang hindi nakapasyal doon ay napansin niya ang napakaraming pagbabago sa loob ng mansiyon. Idagdag pa na napalitan na ang mga paintings na nakasabit sa hallway. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siyang nakarating sa tapat ng pinto ng kaniyang abuelo at binuksan iyon. Bumungad sa kaniya ang madilim na silid na halos hindi pasukan ng ilaw at isang amoy na tila amoy gamot. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mapatakip ng kaniyang ilong dahil sa amoy nito. Kaya ayaw niya ring pumapasok ng ospital dahil sa amoy na kagaya nito. Kaagad niyang kinapa ang switch ng ilaw na alam niyang nasa tabi lamang ng pinto at binuksan iyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang nakahigang matanda sa kama kung saan ay halos butot- balat na lamang ito. Tila siya natulos sa kaniyang kinatatayuan ng mga oras na iyon habang nakatingin rito. Paanong naging ganito ang itsura ng kaniyang Lolo? Malayong- malayo na ang itsura nito sa dati at halos hindi na nito kayang tumayo pa. Kitang- kita niya mula sa kinatatayuan niya ang pag- ikot ng mga mata nito at pagkatapos ay napatingin sa kaniya. Dahan- dahan siyang naglakad palapit rito na halos hindi niya maihakbang ang kaniyang mga paa. Hindi niya inakalang aabutin nito ang ganuong klase ng itsura at madami naman itong pera bakit ayaw nitong magpagamot sa ospital. Nang makalapit siya ay nakita niyang nag- iba ang itsura nito na sa unang pagkakataon niya lamang nakita, tila ba masaya ito na makita siya. “Lolo…” mahinang sambit niya at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay nito. “Anong nangyari sa inyo?” dagdag niya. Nakita niyang gumalaw muli ang mga mata nito at kitang- kita ng dalawang mata niya ang pangingilid ng luha nito na unti- unting bumagsak sa mga mata nito. Sa unang pagkakatao ay nakita niya ang kahinaan nito na dati ay wala siyang mabanaag na kahit katiting lamang sa mukha nito. Bumuka ang bibig nito ngunit walang lumabas na salita mula doon, ngunit unti- unti ay naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya. Hindi niya maiwasan ang mapakagat- labi ng mga oras na iyon, tila ba may pumipiga sa kaniyang puso habang pinapanuod ito. Tila ba malungkot ito dahil ang mga mata nito ay iyon ang sinasabi nito. Hinaplos niya ang buhok nito at pagkatapos ay naupo siya sa gilid ng kama nito. “Lolo, nakipag- divorce na sa akin si Noah…” hindi niya alam pero inumpisahan niyang magkwento. Alam niya na kapag malakas pa ito ay hindi nito pagtyatyagaan ang kwento niya dahil ni halos ayaw siya nitong makita pero ngayon ay alam niyang wala na itong lakas pa kaya paniguradong wala itong choice kundi pakinggan siya. Isa pa ay naisip niya kanina nang makita niya ito ay siguro ay dapat lang nitong marinig sa kaniya lahat ng hinanakit niya sa kung paano siya nito trinato noon. Isa pa ay pakiramdam niya ay napakabigat ng dibdib niya at wala man lang siyang maipag- kwentuhan. Kaya naisip niya na dito na lamang magkwento isa pa ay alam niyang makikinig ito. “Inakusahan niya na baog ako Lolo.” tumigil siya at pagkatapos ay napa- buntung hininga. “Hindi ko ba kasi alam sa inyo kung bakit niyo ginustong ipakasal ako sa lalaking iyon. Tapos napakasama ng ugali ng nanay niya.” dagdag niya. “Pero okay lang yun Lolo, siguro may malalim kang dahilan kung bakit mo ginawa iyon.” tumingin siya rito. Nakatingin rin ito sa kaniya. Ngumiti siya ng isang malungkot na ngiti. “Alam niyo, sobrang laki ng tampo ko sa inyo. Pamilya niyo naman ang Papa ko, anak niyo mismo pero bakit ganito niyo ako trinato? Samantalang sina Jessy paboritong- paborito ninyo.” may himig na hinanakit na sabi niya. Totoo naman kasi iyon, pagdating sa kaniyang mga pinsa ay grabe ito kung mag- spoiled sa kanila samantalang sa knaiya ay para siyang isang anak ng kasambahay kung ituring. Pinapakain siya oo, pero hindi siya pwedeng humarap sa lamesa. Naiiyak na nga lang siya noon sa kalagayan niya pero wala siyang magawa. Tapos ay lagi siyang pinagtatawanan ng mga pinsan niya. Kapag minsan nakikita niya ang mga itong naglalaro at walang ginagawa samnatalang siya ay lagi siyang pinaglilinis. Kahit ang kapatid ng kaniyang ama ay hindi siya nito itinuring na kapamilya. Wala ni sinuman ang nagturing sa kaniya na kapamilya sa bahay na iyon at hindi niya nga tuloy maiwasan noon ang mapatanong kung totoo nga bang kapamilya niya ang mga ito. “Pero ganun pa man, hindi ako nagtanim ng galit sa inyo.” bulong niya habang nakatitig sa kaniyang abuelo. Hinaplos niya rin ang buhok nito. Nakatitig ito sa kaniya at hanggang sa mga oras na iyon ay tumutulo pa rin ang tubig mula sa mata nito. Hindi niya tuloy alam kung umiiyak ba ito o ano. “Alam niyo Lolo inggit na inggit ako kina Jessy kasi minsan hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal ninyo. Pero ganun pa man, masaya pa rin ako na kahit papano ay tinanggap at pinatira niyo ako sa bahay na ito.” sabi niya at pagkatapos ay nginitian ito. Pinunasan niya ang mga mata nito. “Huwag na kayong umiyak Lolo, baka sabihin nila pinapaiyak ko kayo.” sabi niya at pagkatapos ay niyakap niya ito. “Sana ay gumaling na kayo dahil mas gugustuhin ko yung sinisigaw- sigawan niyo ako kaysa makita kayong nakahiga katulad nito.” sabi niya. Nasa ganuon siyang sitawasyon ng bigla na lamang bumukas ang pinto na ikinalingon niya. Paglingon niya ay nakita niya ang hindi maipintang mukha ng kaniya Auntie Melinda na nag- aapoy din ang mga mata nang makita siya. Mas galit pa ang tingin nito kaysa sa huli niya itong nakita na tila ba mayroon siyang napakalaking kasalanang nagawa. “Auntie…” mahinang sambit niya. Nagmartsa ito palapit sa kaniya at pagkatapos nagulat siya ng bigla na lamang nitong hinawakan ang braso niya ng napakahigpit. Hindi niya tuloy maiwasan ang hindi mapaigik dahil sa sobrang sakit ng pagkakahawak nito sa kaniyang braso. Napahawak na nga rin siya doon upang sana tanggalin iyon ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak nito kung saan ay halos bumaon ang kuko nito sa kaniyang balat. Nanlalaki ang kaniyang mga mata at lumalim din ang kaniyang paghinga dahil sa ginawa nito ngunit wala siyang ibang alam sabihin. Nasasaktan siya. “A- auntie…” halos bulong niya at napapapikit pa dahil sa sakit na dulot ng pagkakahawak nito sa kaniyang kamay. Hindi siya nito pinansin at pagkatapos ay hinila siya nito hanggang sa labas ng silid ng kaniyang Lolo. nang makalabas siya ay bigla na lamang siya nitong binitiwan ng patulak at muntik pa siyang masubsob sa pader ng hallway. Mabuti na lamang at kahit papano ay naitukod niya ang kamay upang pigilan ang pagkakasubsob niya. Tiningnan niya ito. Halos hindi niya makilala ang kaniyang Auntie ng mga oras na iyon. Tila ba hindi ito ang kaharap niya dahil nanlilisk ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya ng mga oras na iyon. “Wala kang karapatang tumapak pa sa bahay na ito!” umalingawngaw ang sigaw nito sa buong bahay. Nanginginig ang laman nito sa sobrang galit. Hindi siya makagalaw at nakatingala lang rito habang ang isa niyang kamay ay hawak- hawak ang bahagi ng braso niya kung saan hinawakan nito kanina. Nakita niya doon ang patak ng dugo. “Lumayas ka! At kailanman ay huwag na huwag ka ng babalik pa!” sabi pa nito sa kaniya. Gusto niyang sumagot rito ng mga oras na iyon ngunit ayaw bumuka ng kaniyang bibig. Tinatanong ang kanyang sarili kung ano ba ang kasalanan niya nakit ganun siya itrato ng mga kamag- anak niya. Para lang siyang isang basura na itinatapon. “Lannie! Sonya! Palabasin niyo ang babaeng ito!” sigaw nito. Agad naman niyang narinig ang mga yabag ng papaakyat. Nakita niya nga ang dalawang kasambahay kanina na nag- aapurang pumunta roon at mabilis siyang nilapitan at pagkatapos ay hinawakan siya sa magkabila niyang mga braso. Wala siyang lakas na makipag- argumento ng mga oras na iyon dahil nga ramdam niya pa rin hanggang sa mga oras na iyon ang pagod niya sa kaniyang paglalakad patungo doon kanina. Tila siya lantang gulay na inalalayan ng dalawa pababa ng hagdan. Sumunod naman sa kanila ang kaniyang Auntie na hanggang sa mga oras na iyon ay alam niyang galit na galit pa rin. Tila siya isang magnanakaw na pinapalayas nito ng mga oras na iyon samantalang kahit hindi siya minahal ng kaniyang lolo noon ay hindi naman siya nito pinalayas kahit pa sinisigaw- sigawan siya nito. Inihatid siya hanggang sa labas ng gate. Hindi niya mapigilan ang mapadausdos at mapaupo sa sahig dahil sa panghihina. Pakiramdam niya rin ay parang mawawalan siya ng ulirat. Napapikit siya. Hindi niya alintana ang init ng semento at ang sikat ng mga oras na iyon kahit pa tirik na tirik ito. Halos matumba siya nang bigla na lamang may kung anong bagay ang tumama sa kaniyang mukha at nang pagmulat niya ay nakita niya ang bag niya kung saan nakalagay ang mga damit niya. Sa pangalawang pagkakataon sa iisang araw ay pinalayas siya. Napakalupit naman ng tadhana para sa kaniya.“What?” hindi makapaniwalang napatitig si Lindy sa lalaking nakatayo sa harap niya. Ito ang unang beses niyang narinig ang bagay na iyon pagkatapos ng ilang taon nila bilang mag-asawa at pre-nup? Wala siyang pinirmahang ganun. Umiling siya at naningkita ang mga mata. “Don’t joke Noah.” matigas na sabi niya. “Asawa mo ako kaya irespeto mo ang desisyon ko at—”“Hell, no!” sagot nito sa kaniya. “Wala kang karapatan na pigilan akong iuwi dito ang mga anak ko.” mariin din nitong sagot sa kaniya at ipinagdiinan pa ang mga huling salita. Nagtagis ang kanyang mga bagang. Hindi niya akalain na magdedesisyon itong iuwi doon ang mga anak nito galing sa babaeng iyon.“So, ipipilit mo ang gusto mo?” walang ekspresyon ang mukha niyang tanong dito.Sinalubong nito ang kanyang mga mata. “Yes, at wala kang magagawa tungkol dito.” sagot nito sa kaniya dahilan para mapamura na lang siya ng wala sa oras at lumabas dala ang kanyang cellphone. Kailangan niyang masiguro ang sinasabi nitong pumirma siyang pr
MABILIS na dumating si Noah sa bahay nila Kath. kaagad siyang nag-doorbell at hindi nagtagal ay bumukas ang gate. Pinagbuksan siya ng isang nasa mid-fifties ng babae ngunit hindi naman ito ang ina ni Kath at kung hindi siya nagkakamali ay ito ang kaibigan ng Mommy ni Kath.Tumaas ang kilay nito. “Yes?” tanong nito sa kaniya.Bahagya siyang ngumiti. “Uhm ako po si Noah at—” ngunit bago pa man siya matapos sa kanyang sinasabi ay mabilis siyang pinutol nito. “Kilala kita peroa anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa kaniya. Walang ekspresyon ang mukha.“Well, uhm nandito po ako dahil narinig ko ang tungkol kay Kath at—”“At ano? Magtatanong ka kung nasaan siya? Wala pang nakakalap na impormasyon tungkol sa kanya kung iyon ang gusto mong malaman.” mabilis na sagot nito sa kaniya. Ramdam niya ang animosity sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya at hindi niya naman ito masisisi dahil alam niyang malapit ito kay Kath at kung anuman ang nagawa niya rito ay talaga namang hindi kapata-p
NANLAKI ang mga mata ni Kath at gulat na gulat ng naramdaman niyang may nagtakip sa kanyang ilong at bibig. Wala siyang nagawa at hindi na nakapag pumiglas pa at unti-unti ng lumabo ang kanyang paningin.Nang muling imulat ni Kath ang kanyang mga mata ay nasa loob siya ng isang silid. Nakahiga siya sa malamig na silid at nakakadena ang kanyang paa. Kaagad na nabalot ang kanyang pagkatao ng labis na takot ng mga oras na iyon dahil sino kaya ang mga taong dumukot sa kaniya.Inikot niya ang kanyang paningin sa loob at wala siyang ibang makikita kundi silid na walang laman. Tanging isang ilaw lang ang naroon at nakapwesto pa ito sa gitna. Ang pinto ay walang sara kaya sa labas ay rinig na rinig niya pa ang tawanan ng mga lalaki. Naging madilim ang kanyang mga mata, sila ang dumukot sa kaniya. Hindi niya maiwasang hindi mapaisip kung ano kaya ang kailangan ng mga ito sa kaniya.Tiningnan niya ang bintana at nakita niyang madilim pa ng mga oras na iyon. Ano na kaya ang iniisip ng kanyang in
INIS na inis na naghihintay si Lindy sa may kotse ni Noah. kanina ay apurang apura itong umalis pero ngayon na nakabihis na siya ay ito naman ang babagal bagal. Kung bakit kasi hindi na lang nito hayaan ang batang iyon sa nag-aalaga hindi yung siya pa mismo ang magpapatulog rito. Nainis na naman tuloy siya ng wala sa oras.Hindi nagtagal ay bumaba na rin naman ito. May hindi ito maipintang mukha ngunit hindi niya na lang ito pinansin at pumasok sa loob ng sasakyan. Sumunod din naman ito sa kanyang sumakay ngunit bago nio paandarin ang sasakyan ay nilingon muna siya nito. “Hindi mo man lang hinalikan ang anak mo bago ka umalis. Anong klase ka ba talagang ina?” bakas sa mga mata nito ang galit sa kaniya ng mga oras na iyon. Siya naman ang naging matalim ang mga mata ng mga oras na iyon dahil sa narinig niyang tanong nito.Anong klaseng tanong iyon? Hindi pa ba sapat na ina siya nito? Isa pa, kailangan ba talaga niyang alagaan ang batang iyon oras oras e wala na itong ibang ginawa kundi a
MUGTO na ang mga mata ni Viviane sa kaiiyak ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin silang makuhang impormasyon tungkol sa dumukot sa kanyang anak. Wala siyang kaalam-alam na lumabas ito. Dahil sa nangyari ay hindi niya maiwasang matakot. Habang lumilipas ang oras ay patindi ng patindi ang nararamdaman niyang pagka balisa.“Wala po ba kayong alam na may galit sa kaniya?” muling tanong ng pulis sa kaniya. Sunod-sunod lang siyang napailing. “Wala naman po.” sagot niya habang nagpupunas ng mga mata. Wala siyang kasama sa istasyon ng pulis kundi tanging si Thirdy lamang. Ito raw ang pinuntahan ni Kath. Ayon sa kwento nito ay kalalabas lang nila ng gate ng mga oras na iyon dahil nagpaalam na nga itong umalis kaya nga lang ay bago pa man ito makasakay sa kotse nito ay dumating nga ang mga lalaking dumukot sa anak niya.“Pamilya? Kaibigan? Wala po ba?” muling tanong sa kaniya nito. Kanina pa siya tinatanong ng mga pulis kung meron bang kaaway ang anak niya na pwedeng gumawa ng ba
PALINGON lingon sa kanyang likod si Lindy. Baka kasi mamaya ay sumunod sa kaniya si Noah. alam niya na hindi rin naman ito magtatagal sa bahay nila dahil babalik din ito kaagad sa burol ng kanyang ina. Alam niyang wala naman itong pakialam sa kanya kaya hindi na niya pinansin pa ang kakaibang titig nito sa kaniya kanina nang tumunog ang cellphone niya. Hindi niya pwedeng hindi sagutin iyon dahil ang tauhan niya ang tumatawag at tiyak na may balita ito sa kaniya.Mahigpit niyang isinara ang pinto at nagtungo sa banyo para sagutin ang tawag. Nanatiling bukas ang pinto ng banyo para makita niya kung papasok ba doon si Noah o ano. Nag-iingat na lang din siya at baka marinig pa nito ang pag-uusapan nila ang taong tumatawag sa kaniya. “Anong balita?” kaagad niyang tanong pagkasagot na pagkasagot niya sa tawag.Narinig niya ang pagtawa ng lalaki sa kabilang linya. “Success boss, nakuha ko na siya.” masayang balita nito sa kaniya at masasabi niyang kahit papano ay hindi pa rin siya nito binig
PAGDATING na pagdating ni Kath sa kanilang bahay ay agad niyang hinanap ang kanyang ina na nasa study naman nito. Ang kanyang anak ay pinapatulog na ng kanyang Tita Silvia dahil medyo mag-aalas otso na rin nang makauwi siya sa bahay nila. Kumatok muna siya sa pinto at pagkatapos ay pumasok sa loob.
SA DI KALAYUAN, bigla namang napatigil sa paglalakad si Thirdy nang makita na may nagsasabunutan sa loob ng isang boutique. Nagkibit balikat na lang siya at lalampasan na sana ito nang makita niya ang pamilyar na mukha, walang iba kung hindi si Kath kaya dali-dali siyang pumasok at inawat ang mga it
DAHIL NGA MAAGA PA NAMAN ay napagdesisyunan ni Kath na pumunta ng mall para maghanap ng pwede niyang maisuot sa gaganaping welcome party bukas ng gabi. Wala pa tuloy siyang ideya kung ano ba ang dapat niyang isuot. Siguro ay mamimili na lang siya ng isang formal dress na simple lang. Wala kasi siyan
NAPABUNTONG HININGA SI KATH at pagkatapos ay napasandal sa kanyang swivel chair. Ilang oras na ang lumipas nang makaalis ang tiyahin niya ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya mapakali. Paano ba naman ay iniisip pa rin niya ang mga sinabi niya kanina at ang galit sa mga mata nito.







