Share

Chapter 33

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2024-12-18 17:33:56

NAPABUNTONG HININGA SI KATH at pagkatapos ay napasandal sa kanyang swivel chair. Ilang oras na ang lumipas nang makaalis ang tiyahin niya ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya mapakali. Paano ba naman ay iniisip pa rin niya ang mga sinabi niya kanina at ang galit sa mga mata nito. Sa ugali nito ay tiyak na mas matindi pang kahihiyan ang gagawin nito para lang mapaalis siya sa kanyang pwesto. Bigla niya tuloy naisip, what if ibalik na lang niya ulit dito ang pamamahala sa kumpanya at bumalik na lang siya ulit sa ibang bansa kung saan ay mas tahimik pa ang buhay nila ng mga anak niya?

Paano nga kung ganun na lang kaya? Kaysa halos araw-araw naman na sumakit ang ulo niya dahil sa mga ito. Pero kapag ginawa niya iyon ay paano naman ang lolo niya? Paano kung multuhin naman siya nito bigla? Napabuntong-hininga na lang ulit siya at pagkatapos ay narinig niya ang pagkatok sa pinto niya. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at pumasok si Shaira na namumugto pa ang mga mata da
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 103

    “Namukhaan niyo ba sir ang mga taong dumukot sa kaniya?” tanong ng pulis kay Thirdy. Kanina pa nakarating doon ang mga ito at inuumpisahan ng tanungin siya ngunit mariin lang siyang umiling.“Hindi ko sila makilala dahil nakasuot sila ng bonnet. Pwede niyong tingnan ang kuha ng cctv, may cctv sa labas ng gate namin para maging ebidensya.” sabi niya sa mga ito. Mabilis naman na nagtanguan ang mga ito sa kaniya at pagkatapos ay tiningan na nga ang kuha ng cctv kaya lang ay walang malinaw na lead silang nakuha dito.Bukod na nga kasi na naka-bonnet ang mga ito ay wala pang plaka ang ginamit na van na para bang naplano na talaga ang pagdukot. Ngunit ang hindi lubos maintindihan ni Thirdy ay kung sino naman sana ang gagawa nito kay Kath? Sino naman sana ang maglalakas ng loob ng gawin ito sa kaniya?Mahigpit na napakuyom ang kanyang mga kamay. Kasalanan niya! Kasalanan niya talaga ang lahat ng ito! Kung sana ay bumaba na lang siya kanina at hindi pinairal ang kanyang pride e di sana ay nan

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 102

    LAGLAG ang balikat ni Kath na lumabas ng gate ng mga Silvestre. Nagbakasali siya na baka nandoon si Thirdy ngunit ang sabi ng mga kasambahay nila ay kagabi pa raw ito hindi umuuwi at hindi nila alam kung saan daw ito nagpunta. Wala din naman doon ang ama nito na pwede niya sanang pagtanungan dahil umalis din daw ito at dumalaw sa anak nitong si Vena.Napabuntong hininga na lang siya bago sumulyap muli sa napakalaking mansyon. Sa itsura naman ng mga kasambahay nila na sinasabi kanina na wala siya roon ay halata namang nagsasabi ang mga ito ng totoo, kaya nga lang ay may kutob siya na ayaw lang siya nitong harapin.Napakuyom ang kanyang mga kamay dahil sa inis niya sa sarili niya. Hindi niya dapat sinaktan ito. Hindi siya dapat pumayag na halikan siya nito. Napahilamos na lang tuloy siya sa kanyang mukha, paano niya ba nagawang saktan ito.Ilang sandali pa ay naglakad na siya patungo sa kanyang kotse na nakaparada hindi kalayuan sa gate nila Thirdy. Nakatapat na siya sa kanyang kotse at

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 101

    INIABOT ni Lindy ang isang sobre sa lalaking nasa harapan niya. “Mabuti naman at hindi ka pumalpak ngayon.” may kalahating ngiti ang mga labi niyang sabi rito. Ito naman ang napangisi habang nakatingin sa kaniya at pagkatapos ay kinuha ang kanyang inaabot.“Minsan lang ako pumalpak, akala niyo naman ay palagi na akong palpak.” sagot nito sa kaniya at pagkatapos ay binuksan ang sobre bago mas naging lumawak pa ang ngiti. “Ang dami nito ah ma’am. Salamat.”Napataas ang sulok ng kanyang labi at sumandal sa kanyang kotse bago humalukipkip. “Hindi lang yan dahil sa pagpatay mo sa matandang iyon. May paunang bayad ako diyan sa susunod na ipapagawa ko sayo.” sabi niya rito habang nagniningning ang mga mata.Naplano na niya ang lahat. Kailangan na lang na maisakatuparan ang lahat ng iyon para tuluyan na siyang matahimik, sila ni Noah. gusto niyang maging tahimik na ang buhay nila at maging masaya sila na silang dalawa lamang. Yung tipong walang extra at panira sa buhay nila. Gusto niyang mata

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 100

    MALAMIG ang mukha ni Noah na pumasok sa kanyang opisina, walang kaekspre-ekspresyon ang mukha. Napatayo naman kaagad si Alec na nagulat sa pagdating niya. Dumiretso siya sa kanyang mesa at pagkatapos ay tumingin dito. “Paanong nangyari ang lahat ng ito?” nai-stress na tanong niya sa kaibigan.Napailing ito at pagkatapos ay inabot sa kaniya ang mga hawak nitong papel. “Sa totoo lang ay hindi ko rin alam Noah. basta nalaman ko na lang ang tungkol sa bagay na ito. Kung hindi pa nabuko ang ginawa nilang palpak na mga ghost project ay hindi rin ito lilitaw.” sabi nito sa kaniya kasunod ng isang buntong hininga. “Nakasalalay dito ang reputasyon ng kumpanya Noah.” may pag-aalala sa tinig nito.Napahilot siya sa kanyang sentido at pagkatapos ay binasa ang mga dokumento. Malinaw nga na pangalan niya ang nakalagay doon ngunit hindi naman iyon ang pirma niya. Halatang pineke lang ito. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya. Napakaraming nangyayari ngayon sa buhay niya sa totoo lan

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 99

    NAPAHAWAK si Kath sa kanyang ulo nang magising siya. Parang umiikot ang kanyang paligid kapag iminumulat niya ang kanyang mga mata kaya sa halip na magmulat ng mga mata ay pumikit na lang siya. Inaalala kung bakit sumasakit ang ulo niya ng ganun.Ilang sandali pa ay doon na niya naalala ang nangyari kahapon. Ang natuklasan niyang katotohanan at ang pagkumpronta niya sa kanyang ina. Maging ang pagpunta niya sa bar at—Biglang napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang huling tagpo ng nangyari sa kaniya kagabi. Si Thirdy. Si Thirdy iyon hindi ba? Nakipaghalikan siya kay Thirdy at…Niyuko niya ang kanyang sarili. Nakita niyang ang suot niya pa rin namang damit kahapon ang suot niya at wala din siyang kakaibang nararamdaman sa katawan niya so ang ibig sabihin lang nito ay walang nangyari sa kanilang dalawa. Pero ganun pa man ay hindi niya maiwasang hindi mapahilamos ng kanyang mukha ng wala sa oras dahil sa labis na kahihiyan. Ano na lang ang ihaharap niyang mukha kay Thirdy ngayon at h

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 98

    NANLALAKI ang mga mata ni Thirdy at hindi makagalaw. Napakabilis ng tibok ng puso niya ng mga oras na iyon. Sa katunayan ay ito ang unang beses na nagkalapit sila ni Kath ng ganito. Muli siyang napalunok. Akala niya ay lalayo din naman ito kaagad ngunit nagulat na lang siya nang idikit nito ang labi sa kaniya.Hindi siya makagalaw. Para iyong panaginip sa kaniya dahil sinong mag-aakala na ang babaeng gusto niya ay hahalikan na lang siya bigla? Pero tama ba ito? Hindi niya maiwasang hindi itanong sa kanyang isip.Tama ba na mangyari ito sa aming dalawa lalo na at lasing siya?Kaya lang ay nakalimutan niya ang kanyang mga agam-agam nang bigla na lang gumalaw ang labi ni Kath at ipinasok ang dila mula sa bibig niya. Sa puntong iyon ay hindi na niya nagawa pang pigilan ang sarili niya. Napapikit siya at dahan-dahang tumugon sa halik nito habang unti-unti ring nilalamon ng apoy ang katawan niya.Ang kanyang mukha ay namula dahil sa init na unti-unting binubuhay nito sa katawan niya. Ang ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status