Share

Chapter 7

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2024-12-05 19:57:54

Hindi na nga nagtagal pa si Kath sa pananatili sa ospital. Kinabukasan rin ay tuluyan na siyang pinayagan ng doktor upang umuwi dahil wala namang nakitang injury sa kaniya. Sadyang nawalan lang talaga siya ng malay dahil sa pinaghalong gutom at pagod.

Nang mga oras nga na iyon ay patungon na sila ni Silvia sa bahay nito. Naging seryoso nga ito sa pagkupkop sa kaniya dahil marahil ay naawa ito sa kalagayan niya dahil sino ba naman ang hindi maawa sa kaniya kung sariling pamilya niya mismo ay itinakwil na siya ng tuluyan at wala na rin talaga siyang iba pan mapuntahan.

Hindi naman siya pumayag na basta na lamang kupkupin ni Silvia, syempre kahit papano ay tumatanaw siya ng utang na loob rito kaya ipinangako niya rito na siya na ang bahala sa lahat ng gawaing bahay kapalit ng pagpapakain at pagpapatira nito sa kaniya sa bahay nito.

Sobra pa sa sobra ang pasalamat niya rito dahil kahit hindi sila magkaano- ano ay hindi ito nagdalawang isip na tulungan siya. Ngayon niya lang napatunayan na totoo pala ang sabi- sabi na kung sino pa ang hindi mo kadugo ay siya ang mas tutulong sayo kaysa sa kadugo mo mismo.

Kung sino pa kasi ang kadugo niya ay siya pa ang nagtakwil sa kaniya at ni hindi man lang inisip ng mga ito na wala siyang ibang mapupuntahan idagdag pa na walang- wala siyang pera nang mga oras na iyon. Ni hindi man lang inisip ng mga ito ang kalagayan niya. Ni katiting na awa ay wala man lang ipinakita ang mga ito sa kaniya..

Gusto niya tuloy kwestyunin kung totoo nga bang magkakamag- anak sila at bakit ganuon na lamang ang trato ng mga ito sa kaniya. Mas mainam pa sana na alam niyang ampon siya para wala siyang hinanakit na maramdaman pero alam niyang anak siya ng kaniyang ama kaya sobra- sobra ang hinanakit na nararamdaman niya.

Galing siya sa isang mayaman at kilalang pamilya pero ganuon ang naging kinahinatnan ng buhay niya. Kulang na lamang ay mamalimos na siya sa daan kung wala lang ang katulad ni Silvia na tumulong sa kawawang katulad niya. Daig pa niya ang basang sisiw dahil sa naging sitwasyon niya.

“Nandito na tayo.” sabi ni Silvia sa kaniya na ikinahila niya mula sa kaniyang pag- iisip.

Nakatigil na pala ang sasakyan ng mga oras na iyon na hindi niya napansin dahil sa malalim na iniisip niya. Ilang sandali pa nga ay pinagbuksan na sila ng driver ni Silvia na ipinakilala niyang si Mang Juan.

Agad naman silang lumabas mula sa kotse at tahimik siyang sumunod lamang rito. Si Mang Juan na ang bumitbit ng kaniyang bag dahil kailangan pa daw niyang magpahinga ayon kay Silvia. Napatingala siya sa bahay ni Silvia, napakalaki nito. Hindi kaya may asawa ito at mga anak? Ano na lamang ang sasabihin ng mga ito kapag nalaman nila na inampon siya nito at hindi man lang sinabi sa mga ito?

Paano na lamang siya? Saan na naman siya pupunta kapag nagkataon? Habang nag- iisip ng kung ano- ano ay tahimik siyang sumunod kay Silvia papasok ng bahay. Sa loob ay walang tao kundi isang naka- unipormeng kasambahay lamang ang sumalubong sa kaniya.

Nang makita sila ng kasambahay ay agad itong ngumiti. Tumigil sa paglalakad si Silvia at pagkatapos ay humarap sa kaniya.

“Ito nga pala si Kath, Nina.” pagpapakilala ni Silvia sa kaniya.

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito at pagkatapos ay nginitian siya.

“Magandang umaga Miss Kath.” saad nito sa kaniya.

“Naku, Kath na lang po ate Nina.” nahihiyang saad niya rito dahil sa pagtawag nito sa kaniyang Miss.

Napaka- feeling niya naman kung magpapatawag siya rito ng Miss sa mantalang magiging palamunin lang din naman siya sa bahay na iyon pero syempre ay tutulungan niya si Nina sa mga gawaing bahay.

Mas lumawak naman lalo ang ngiti nito dahil sa tinuran niya.

“Halika at ipapasyal kita sa magiging silid mo.” sabi sa kaniya ni Silvia kaya agad na siyang nagpaalam kay Nina upang sumunod rito.

Tinungo nito ang hagdan kung saan ay tahimik lang siyang nakamasid sa kaniyang bagong magiging tahanan. Akala niya tyaka lang niya makikita ang mga pamilya ni Silvia kapag nasa pangalawang palapag na sila ng bahay ngunit wala siyang nakita kahit isang tao sa pangalawang palag kaya hindi na niya naiwasan ang magtaka.

Ilang sandali pa nga ay nagbukas na ito ng isang silid at pagkatapos ay pumasok kung saan ay agad naman siyang sumunod rito. Namangha naman siya dahil sa luwang ng magiging silid niya. Pero syempre ay mas maluwang pa rin ang silid nila ni Noah kumpara rito pero mas masaya na siya doon kesa sa maluwang na silid kasama niya naman ay isang halimaw at itaong walang puso.

“Nagustuhan mo ba?” rinig niyang tanong nito sa kaniya na ikinalingon niya rito.

“Opo, napakaganda.” nakangiting saad niya rito.

Naramdaman niya ang paglapit nito sa kaniya at pagkatapos ay muling hinaplos ang kaniyang buhok.

“Dito magiging payapa na ang buhay mo.” sabi pa nito na mas lalo lamang niyang ikinangiti.

“O siya, magpahinga ka na muna. Tatawagin na lang kita mamaya kapag kakain na.” sabi nito sa kaniya at akmang aalis na sana ngunit nalingon niya ito.

“Teka lang po, Miss Silvia.”

Napatigil naman ito kaagad sa paglalakad at pagkatapos ay napalingon sa kaniya na nakataas ang kilay, naghihintay kung ano ang sasabihin niya.

“Napansin ko lang po, wala po ba kayong pamilya? Parang wala po kasi akong ibang nakitang tao na —”

“Mag- isa lang akong nakatira rito.” nakangiting sabi nito.

Isang tango ang ginawa niya at pagkatapos ay tuluyan ng lumabas ng silid na ikinatampal naman niya sa kaniyang noo dahil parang pakiramdam niya ay mali ang naging tanong niya. Pakiramdam niya ay tila ba na- offend niya ito dahil sa ginawa niyang pagtatanong at hindi niya naman iyon sinasadya.

Napapailing na lamang siya na napaupo sa kama at pagkatapos ay napahiga bago tuluyang napapikit at napabuntung- hininga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 94

    NAPA buntong hininga si Kath. nakasakay na siya sa kanyang kotse at patungo na sa bahay ng kanyang lolo. Sisilipin niya lang ito dahil kaninang umaga ay nag-hire siya ng maglilinis doon. Halos alas tres na ng hapon at dahil sa dami ng trabaho niya ay talaga namang pagod na pagod siya. Idagdag pa na dahil nga pinag day off niya ng ilang araw si Shaira ay mas nadagdagan pa lalo ang trabaho niya.Pumikit na lang muna siya. Nagpasundo siya sa kanilang driver at sinabi na doon nga siya pupunta. Sa kanyang pagpikit ay hindi niya namalaya na nakaidlip na pala siya hanggang sa narinig na lang niya ang paulit ulit na pagtawag sa kaniya ng driver.Napahawak siya sa kanyang ulo. “Nakaidlip pala ako Manong.” sabi niya.“Oo nga po ma’am e. Mukhang pagod na pagod po kayo.” ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala habang nakatingin sa kaniya.“Hindi naman po masyado, Manong.” sagot niya na lang at pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan.Pagbaba niya ay napatingala siya sa bahay kung saan siya lumaki. Ni

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 93

    HINDI pa man tumutunog ang alarm ni Kath ay nagising na siya. Napahawak siya sa kanyang noo at pagkatapos ay napahilamos sa kanyang mukha. Hindi niya na namalayan na nakatulog na pala siya. Anong oras na kagabi ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok dahil napakaraming tumatakbo sa isip niya. Napabuntong hininga siya. Kagigising niya lang pero pakiramdam niya ay pagod na pagod siya.Bumangon siya at pagkatapos ay naupo sa kanyang kama. Muli siyang napabuntong hininga bago tuluyang tumayo at naglakad patungo sa bintana ng kanyang silid. Nitong mga nakaraang araw ay palagi na lang siyang hindi nakakatulog ng maayos dahil napakaraming nangyayari sa buhay niya. Paulit ulit na tumakbo sa isip niya kagabi ang tanong ng anak niya.Bakit ba kasi napakahirap mabuhay sa mundo? Bakit napakaraming problemang dumarating? Ganito ba talaga?Sana lang ay hindi ikwento ni Ace sa dalawa ang lahat dahil ayaw niya ring masaktan ang mga ito. Sa halip ay bumaba na siya pagkatapos ay dumiretso siya sa min

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 92

    ILANG minuto nang nakasara ang gate ngunit nanatili pa ring nakatayo si Noah sa kanyang kinatatayuan. Gusto niyang pumasok para makita ang dalawa pa niyang anak ngunit nagalit sa kaniya si Kath at alam niya na may karapatan naman talaga itong magalit sa kaniya. Dahil sa kapabayaan niya ay nasaktan si Ace. kung hindi niya sana ito iniwan doon basta ay baka hindi ito nasaktan.Nagdadalawang isip pa nga siya kanina kung ihahatid niya ba ito ngunit nang tanungin niya ito kung gusto ba nitong matulog kasama siya ay mabilis itong tumanggi at sinabing gusto niyang makita ang ina nito kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang ihatid ito.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya tuluyang tumalikod at sumakay sa kanyang sasakyan ngunit nanatili muna siya doon ng ilang minuto. Naihilamos niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha at napasandal. Hindi pa nga sila ayos ni Kath ngunit mayroon na naman itong dahilan para magalit sa kaniya.Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang ka

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 91

    HALOS nasa sampung minuto nang magkaharap sina Thirdy at Kath ngunit wala pa rin ni isa sa kanila ang umiimik. Napabuntong hininga na lang siya pagkalipas ng ilang sandali bago niya ibinuka ang bibig. “So, may kailangan ka ba?” tanong niya rito. Siya na ang bumasag sa katahimikan sa pagitan nila dahil mukhang walang balak magsalita ito.Tumingin ito sa kaniya ngunit nag-iwas din ito kaagad ng tingin. Isa pang buntong hininga ulit ang pinakawalan niya. Alam niya na napakaraming gustong itanong sa kaniya nito. Marahil ay nagulat din ito nang makita ang dalawa. Napakuyom tuloy bigla ang kanyang mga kamay. Hindi naman sa ikinahihiya niya ang mga anak niya kaya lang ay parang hindi pa siya handang ilabas sila sa publiko lalo pa at hindi naman lahat ay matinong mag-isip. Paano na lang kung i-bully ang mga ito?“Nabalitaan kong nasunog daw ang warehouse.” sagot nito pagkalipas ng ilang sandali.“Oo nga.”“Ang sabi pa ay hindi daw aksidente ang nangyaring sunog. Nahuli na ba ang may kasalanan

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 90

    HALOS bumaon ang mga kuko ni Noah sa kanyang palad dahil sa matinding galit. Rinig na rinig niya ang mga paghikbi ni Ace habang ginagamot ang gasgas nito sa tuhod. Paglabas niya kanina sa silid ng kanyang ina ay halos hindi niya alam ang kanyang gagawin nang makita niyang wala doon si Ace. binilinan niya pa naman itong huwag aalis doon at base sa ugali nito ay hindi naman ito basta basta aalis.Mas lalo pa siyang kinabahan nang makita niyang wala doon si Lindy, alam niya pa namang labis ang galit nito sa mga anak niya kaya dali-dali siyang tumakbo palabas dahil baka kung ano ang mangyari sa anak niya at hindi nga siya nagkamali. Mabuti na lang at nakapagtimpi pa siya kanina dahil kung hindi ay baka kung ano lang ang nagawa niya kay Lindy.Hindi niya tuloy maiwasang hindi makaramdam ng pagsisisi na iniwan na lang niya basta ang anak sa labas. Ang akala pa naman kasi niya ay okay lang ito doon ngunit mapapasama lang pala. Hindi kasi pwedeng papasukin ang bata sa ICU. napahilamos na lang

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 89

    NAPATAYO si Lindy mula sa kanyang kinauupuan nang makita niya si Noah na naglalakad patungo sa direksyon niya. Ilang araw pa lang niyang hindi ito nakikita ngunit sobrang miss na miss na niya ito at handa na siyang humingi rito ng tawad sana dahil nga sa inasal niya bago ito umalis. Parang nakalimutan niya ang lahat ng sama ng loob niya.“Noah—” natigilan siya nang may mapansin. Bumaba ang kanyang mga mata sa kamay nito at nabura ang kanyang ngiti nang makita ang isang batang lalaki na akay nito na kamukhang kamukha ni Noah mismo. Agad na nagdilim ang kanyang mga mata ang nagtagis ang kanyang mga ngipin. Kung kanina ay handa na siyang humingi ng tawad, ngayon ay umahon na naman ang matinding galit sa dibdib niya dahil sa kasama nito.Ibubuka na sana niya ang kanyang bibig dahil nasa harap na niya ito nang bigla na lang siya nitong nilampasan na akala mo ay walang nakita. Mas lalo pang sumama ang loob niya at mahigpit na napakuyom ang mga kamay niya. Ang tanging nagawa na lang niya ay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status