Share

Carrying the VAMPIRE'S BABY
Carrying the VAMPIRE'S BABY
Author: SECRET_PYUNG

PROLOGUE

Hevean POV

Nagising ako dahil parang nababaliktad ang sikmura ko. Bumangon ako kaagad at tinungo ang Cr, agad akong naduwal sa lababo, wala naman akong naisusuka maliban sa tubig. Ilang araw na akong ganito. Anong bang nangyayari saakin?

Naghilamos nalang ako at lumabas nang kwarto. Nagugutom ako, parang nahihilo rin ako. Feeling ko magkakasakit yata ako?

Naabutan ko si Zia na nangluluto. Umupo ako ako at hinintay ang niluluto niya.

"Matagal paba yan?" reklamo ko. Nahahalata ko rin na palaging nag babago ang mood ko. Minsan mabilis akong magalit tapos minsan parang gusto ko nalang umiyak.

"Maka demand ka naman wagas ah! Maghintay ka mahal na prinsesa at malapit na itong maluto." Sarkastiko nitong saad at inirapan ako.

Excited ako ng inilapag nito ang nilutong kare-kare. Bigla akong napa hawak sa ilong ko. Ambaho! Bakit ang baho ng amoy? Parang panis na hindi ko maintindihan.

"Ano ba yan Zi, ambaho!" reklamo ko at inilayo ang niluto niya.

"Wow ha? Yan kaya ang request mo nung isang araw, tapos maka reklamo ka!" Singhal nito saakin.

Diko nalang siya pinansin at tumakbo sa lalabo nitong kusina. Agad akong naduwal. Shit!! Bakit ba ganito?

Lumapit naman saakin si Zia at hinagod ang likod ko. May inabot itong tubig at agad ko iyong ininom.

"Napapadalas nayan Vean. Mag pa check up kana kaya?" suhestiyon niya. Umiling ako. Dagdag gastos lang yun.

"Baka dahil lang to sa init."

Bumalik nako sa kina uupuan ko kanina at ganun din si Zia.

"Hindi kaya buntis ka?" Tanong nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Sira ulo kaba? Wala nga akong boyfriend tapos buntis pa?"

Napangiwi naman ito at nag isip. Tumayo nalang ako at kinuha ang adobo sa ref. Kahit malamig agad ko iyong kinain. Gutom na gutom nako.

Isang linggo ang lumipas at ganito parin ang nararamdaman ko kaya naman bumili ako kanina sa pharmacy ng pregnancy test. Tatlo ang binili ko para malaman ko talaga kung buntis ako o hindi. Nakapagtataka talaga, lahat ng sintomas ng pagiging buntis e nararamdaman ko.

Sino naman ang bumuntis saakin? Wala nga akong jowa man lang o ka fling. Na strestress ako, napa hawak ako sa sintido ko at minasahe iyon.

Biglang nag ring ang cellphone ko at   agad ko itong sinagot.

"Ohh kamusta? Ano ang resulta?" Agad na tanong ni Zia sa kabilang linya. Napaka excited naman ng babaeng to!

"Hinaan mo nga bunganga mo! Masisira eardrums ko sayo." Sigaw ko sa kanya.

"Oo na. Oh ano na?" napairap ako sa hangin at tumingin sa tatlong pregnancy test na nasa ibabaw ng sink.

Halos mabitawan ko ang cellphone sa nakita. P-parehong Positive. Pero paanong nangyari yun? This can't be real!

"Vean? Anyari?" tanong ni Zia sa kabilang linya.

Napatakip ako sa bibig ko. How did this happen? No! Baka expired lang ang mga pregnacy test nato! Napaiyak nako. Paanong nabuntis ako? Sinong ama ng dinadala ko?

"P-positive."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status