Share

Castiello
Castiello
Penulis: I'mJustMysterious143

Chapter One

Juliet's Point of View

I wanted to be a rich person. Hindi ko gustong makita ang pamilya ko na nag- hihirap sa trabaho. I don't want to see my mother struggling with her work. Kita ko rin ang namumula nitong kamay minsan dahil sa pag-lalabada. 

“Juliet! Bumili ka muna ng pancit canton doon, kila Aling Bebang!” tawag ni Mama dahilan upang mawala ako sa malalim na pag-iisip.

“ Ilan Mama?”

“Tatlo. ”

“ Sige po. Puwede bang akin na lang ‘yung sukli, Mama?” 

“Ano na namang gagawin mo sa sukli? ”  Napa -atras ako dahil sa pag-sigaw nito. 

“ Nag-iipon ‘yan ng pang load. Siguro pang ml. ”

“ I'm playing mobile legends pero talo naman ako.  ”

“ Sige na bumili ka na, gagabihin ka na naman n’yan,” wika nito pa nito.

“Sige alis na ako!” Sabay labas ko.

“Bilis-bilisan mo ah nagugutom ako!” sigaw pa nito.

Nasa gitna na ako ng paglalakad ng may narinig akong nagbubulungan. Kaya napahinto ako.

“ Hoy! Nabalitaan mo ba? ‘Yung anak ni Teresa maagang nabuntis!”

“Ay oo! Ano bang bata ‘yan! Ang bata pa! ” Eh? Itong si Aling Marites laging may chismis. But I'm not sure if they are saying is true. Itatanong ko na lang kay Aling Bebang mamaya. 

Nang makarating na ako ng tindahan at binalewala ko na lamang sila Aling Cecilia at Marites. 

" Aling Bebang? Tao po! ”

" Oh! Juliet! Ilang pancit canton?" Bungad nito sa loob ng tindahan.

"  T- Tatlo po. " Medyo nagulat ako sa boses nito dahil sa biglang pag sulpot. 

" Aling Bebang? Totoo po bang buntis ‘yung anak ni Aling Teresa? "

tanong ko habang iniaabot ang bayad.

" Hay, nako! ‘Yang si Marites! Kay aga- aga may balita na! At ikaw Juliet  ‘wag mo na lamang silang pansinin. Kay ganda-ganda mong bata manang-mana ka sa iyong ama." Itong si Bebang mapag biro. Wala na naman akong Papa eh. 

" Sige salamat po." Sabay kuha ko ng sukli  at umalis.

May nakita akong aso sa daan. Napahinto ako nang lumapit ito sa akin at inamoy-amoy ang binti ko. Why now! Takot ako sa aso!

" S-Shooo! Alis!" Medyo lumayo naman ito, ako naman ay tumakbo. Napalingon ako sa likod ko nang makita ko ang aso na hinahabol ako. Damn! Bakit nangyari ‘to at ngayon pa?

Bibili lang ako ng pancit canton! Ba't may aso pa! My brother was right after all. Hindi dapat ako nag-papagabi since kadalasan gabi lumalabas at nag-papauli-uli ang ibang mga aso.

Maaga akong nagising upang pumasok sa trabaho. Tamang taga- linis lang ako at taga mop sa 8/11.

" Ma! Kuya! Alis na ako!" paalam ko. Hindi ko na inintay pa ang sagot nila. Nagmamadali ako ngayon. Baka magalit si Ma'am Freya! Late na naman ako sa trabaho ko. Yes, nag ta-trabaho din ako.

Nilakad ko na lang ang Store na yon medyo nalapit lang naman kaya maaga ako nakaka-uwi depende kung anong oras matapos ang sermon ni Ma'am Freya.

Napahinto ako sa paglalakad at napaisip.

Kung nag-aaral lang ba kami ni Kuya siguro may nakuha kaming magandang trabaho ngayon di tulad nito ako janitress at si Kuya construction worker. At si mama labandera. Kung mayaman lang sana kami-siguro hindi kami mag hihirap. Minsan napapatingin ako sa ibang estudyante. I wish I could go to school and wear a uniform like them. Napangiti na lang ako sa kanila 

“ J-Juliet, bilisan mo!” Napatingin ako sa babaeng tumawag sa’kin. Si Kristin, nakita na naman n’ya akong  malalim ang ini-isip.

“Oo na, andyan na,” sabi ko. Nagpalit ako ng uniform na pantrabaho. Pagkatapos ko mag mop ay ini-ayos ko ang ibang paninda na nagsihulog. Pati ba naman paninda nahuhulog. Kulang na lang maglagay ako ng sulat na sana ayusin nila ang pag-dampot nila. 

“ Juliet, pinapatawag ka ni Ma'am Freya,” sabi ni Oscar.

“ Okay, sige. Papunta na ako.” Saka ako dali-daling nagtungo sa office ni Ma'am Freya. Si Ma'am Freya ang manager sa store na ito. Medyo ‘di kalakihan pero maganda ang pagpapatakbo. 

Bukas naman ang pinto kaya nag derederetso na ako.

“Hello, Ma'am.” Nakatayo ito at may kausap agad syang lumingon sa akin pagka-baba ng cellphone nya.

“ Oh, andyan ka na pala. Birthday mo bukas, ‘di ba?” Alam ni Ma'am Freya?

“Opo, pero mas masaya po sana kung bibigyan n’yo ako ng regalo, ” nakangiti kong tugon. Napataas naman ang kilay nito. 

" Biro lang naman po.  S'ya nga po pala Ma'am Freya, ba’t nyo po ako pinatawag?" Dagdag ko pa.

" Day off mo muna bukas. Para naman ma-celebrate mo ang birthday mo. Yun na lang ang regalo ko sa’yo, " nakangiti nitong wika.

“ P-Po?”

" Binabawi ko na sinabi-" bago pa mag bago isip n’ya ay pinutol ko s’ya. Malay ko ba na baka nag-bibiro lang sya.

“ Uhmm. ‘Wag na po Ma'am, thank you po sa regalo n’yo tatanggapin ko po,” sabi ko at ngumiti. Kahit may pag ka masungit ‘tong si Ma'am Freya ang bait pa rin nya. Who knows baka may tao rin na nagkaka-gusto sa  kanya.

“Sige, ituloy mo na ‘yong gawain mong naiwan,” sabi nito ‘saka ako lumabas.

Sa dami kong gawain nakalimutan ko na birthday ko. Which is yun din ang araw na namatay si Papa. Kaya sabi ko kay  Mama ‘wag ng mag celebrate. Naalala ko na naman yung aso. Trauma na trauma ako. Imagine mo bibili ka lang ng pancit canton may aso pa. Kaya sabi ko kay Kuya hinding-hindi ba ako bibili. No, never! 

Kinuha ko na lang ang b****a sa tabi ng cashier at inilabas yon. Ngunit napahinto ako ng may lalaking matangkad na humarang sa daan ko. Napatingala ako dahil medyo may katangkaran ito.

He's wearing a simple shirt but it's look attractive.  Kung titingnan ang postura nya ay halatang  mayaman ito. Agaw pansin din ang itim at magandang buhok nito na animo’y hindi nadadapuan ng alikabok sa sobrang kintab at halatang malambot din ito. 

“Miss, you look like someone that I know. ” Saka ito yumuko at medyo inilapit ang muka n’ya na naging dahilan ng pag- atras ko at iki-nabigla ko kaya nabitawan ko ang basurahan kong hawak. Sinisipat nya ako mula ulo hanggang paa. 

“ H-Hoy!” Sabay tulak ko sa kaniya at pinulot ang nagkalat na b****a at inilagay ito sa lalagyan. Napahinto ako sa ginagawa ko ng magsalita ito.

“ Alice, its been a long time. I finally found you.”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status