Share

Chapter Three

Juliet Point of View

Alice...” Napabangon ako ng mag ring ang cellphone ko. May naka-set na alarm sa cellphone ko para maaga naman akong magising.

Alice?

Nag-kuwento lang ako about that missing girl pumasok na name n'ya sa utak ko. Is she really a precious person? Pati pangalan n'ya binabanggit ng isip ko.

“ Happy birthday!” bungad ni Mama pagkalabas ko ng pinto. May hawak ng cake. Chocolate flavor. Nang mapadako ang tingin ko sa gilid muntikan na akong matawa. Well, Kuya Jake was holding a pink balloon. Para itong batang sumama sa parke at binilhan ng lobo ng mama n'ya.

“ Juliet, blow the candle na.” hihipihan ko na sana ang kandila—

“ Saglit!” Napataas naman ang kilay ko habang nakatingin kay Kuya.

“Nag toothbrush ka ba? Baka 'di lang kandila mamatay nyan sa baho ng hininga mo baka pati si Mama na may hawak ng cake.” Napa-kunot na lang ang noo ko.

" Jake, ano ka ba? Hayaan mo na kapatid mo. Birthday n'ya ngayon! " suway ni Mama.

" Nag bibiro lang naman, ‘di naman kayo mabiro. Happy birthday, bunso!"  ‘Saka sya ngumiti. I smiled back at him. But I did smile in a plastic way though.

“ ‘Wag kang kakain Kuya, ah?"

ngiti kong sambit. Nakakapikon talaga ang taong ‘to.

“Joke lang naman. Ayaw mo ba ng regalo? Mula sa guwapo mong kuya? ”

“ Saang banda? ” tanong ko.

“ Sa muka s’yempre, ” wika nya.

“ Hindi ko makita, ” wika ko sa kaniya.

“ Puno kase ng muta mata mo, ” Sa sinabi n'yang ‘yon ay napabuntong hininga ako, I lost.  Sa asaran talaga talo ako pagdating sa kapatid ko.

“ Wait lang Ma’ palit lang ako ng damit. Maliligo na rin ako. ”  Tumango naman ito. Sa asaran pinababayaan na lang kami ni Mama kase alam n’yang mga biro lang naman 'yon. Pagkatapos kong maligo at makapag palit ng damit ay nag simula kaming magsalo- salo.

“ Thank you pala dito sa sorpresa!” sabi ko.

“ Mukang ‘di ka naman na sorpresa,” bulong ni Kuya Jake pero tama lang na madinig ko. Hindi ko na lang pinansin ito baka mamaya masapak ko pa. Minsan kase nakakapikon. And I'm a short tempered person.

“ Walang ano man 'yon anak. Sige kain ka pa.” Naka-ngiti naman akong tumango.

Pagkatapos ng salo salo ay niyaya ako ni kuyang lumabas at mamasyal. At bilhin ang gusto ko. Hindi sana ako papayag ngunit pinilit lang ako ni Mama. Nasa likod lang ako ni Kuya nang bigla-biglaan na lang itong huminto kaya nabangga ko ang likod nito.

" Kuya? Bakit ang lalim yata ng iniisip mo? " tanong ko. Ininda ko na lang ang sakit ng ulo ko.

" Oh? May problema ba? May bumastos ba sayo sa daan? Sino sasapakin ko,"  sabi nito. Gusto ko talagang batukan ang taong ito.

" Wala! Tinatanong kita kung bakit kako ang lalim ng iniisip mo!" anya ko.

" Bakit? Nahukay mo ba? Ga'no kalalim?" Nang gigigil ako. Jusko! Magtimpi ka lang Juliet.

" Hoy, Tara na! Nag bibiro lang ako. Iniisip ko lang kung anong gusto mong regalo!" sabi nito. Kaya napatingin ako sa kaniya habang pinag-patuloy ang pag lalakad. Anong gusto kong regalo?

" Ayos lang kahit pagkain." Sabi ko. Hinarap naman n'ya ako at nakita ko ang muka nito na nakangiwi. Napataas din ang kilay nito. Wow!

" S- Sigurado kang pagkain lang ang gusto mo? " Tsk! Alam Kong nasa isip nito *( ka- kakain lang nitong babaeng 'to kanina ah?)*

Napangiwi na lang rin ako. Oo nga, kakakain ko lang.

Minsan lang 'to mangyari sa buhay ko at minsan rin lang mabait ang Kuya ko kaya susulitin ko. " A-Ah, gusto ko ng... kahit ano! " sabi ko.

" Sure ka? Puwede mong sabihin sa akin ang gusto mo. Matagal ko rin itong pinag- ipunan," sabi nito. Pinag ipunan nya birthday ko? Nakaka- touch naman. Napangiti naman ako. Curious lang ako kung may girlfriend na ito. Kung sino ka man na babae ka, na magiging soon to be wife ni Kuya ang swerte mo.

Napahinto kami sa isang boutique. Walang ano- ano ay bigla s'yang pumasok do'n at sumunod agad ako. Nakasunod lang ako sa likod n'ya. Habang nag titingin s'ya ng damit. Ako naman ay nag inililibot ang mata sa paligid.  Hindi ko alam na merong ganito dito. Ang ga-ganda ng dress. Halatang mamahalin laha— wait! Mamahalin! S-Si Kuya! Nasan na ‘yon?

Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong nagtatanong ito sa sale's lady. Pupunta pa lang ako do'n ng may nakabanggaan ako. Kaya napatungo ako sa kahihiyan.

" Are you blind, Miss?" This voice seems familiar. Iniangat ko ang paningin ko. At hindi nga ako nag kamali. S'ya 'yung lalaki sa store .

Nabigla ang muka nito at nakita ko sa mata na may halo itong saya.

" A- Alice?? " Ang seryoso nitong boses  kanina ay agad na naglaho .

Napataas ang kilay ko sa reaksyon nito. Bipolar ba ‘tong taong ‘to?

Sasabihin ko sana uli sa kaniya na hindi ako yung Alice na sinasabi n'ya ngunit tinawag na ako ni Kuya kaya nilampsan ko na lang ito at hindi pinansin.

" S-Sorry, Kuya. Inilibot ko kase ang paningin ko nagandahan lang ako. By the way—" Napahinto ako sa pag- sasalita ng may iniabot s'ya sa akin. Bubuksan ko sana ang paper bag kaso pinigilan n'ya ako.

" Sa bahay mo na buksan 'yan. Tara na! " sabi nito at hinila ako. Napansin ko ang pagka-taranta nito.

" W- Wait lang—" may sasabihin sana ako sa kaniya tungkol do'n sa lalaki kaso pinutol na naman n'ya ako.

" Wag kang makikipag- usap sa hindi mo kilala, Juliet. " biglang seryosong sabi nito kaya napatahimik ako. Hindi ko makita ang reaksyon nito para masabi ko kung galit ba ito, o ano.

Habang hawak na ang kamay ko ay napalingon ako sa lalaki nasa labas na ito ng boutique at nakatingin ng seryoso. Sinundan ko pa rin ang paglakad nito hanggang papunta sa kotse nito na halatang mamahalin. Napansin kong hindi lang s’ya nag iisa dahil binati pa nito ang isang lalaki na ngayon ko lang napansin. Siguro ay kaibigan n'ya ito na hinihintay lang s’ya. Nakasandal ito sa kotse n’yang pula. Naka- itim ito na damit. Napatingin ito sa akin at nakita ko ang gulat sa mata n’ya. Kaya iniwas ko ang paningin ko. Napahinto ako ng binitawan ni Kuya Jake ang kamay ko. Humarap ito sa akin, hindi ko alam pero may halong lungkot at pangamba ang nakikita ko sa mata n'ya.

K-Kuya...

Ngayon ko lang s’yang nakitang ganito.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status