Parehong mugto ang kanilang mga mata. Nakatulugan nila ang pag-iyak, pero kahit papaano ay naging magaan ang kanyang kalooban. Nasabi na niya ang lahat kay Syete at walang nagbago sa pakikitungo nito sa kanya. Mas lalo itong naging sweet at maalaga sa kanya. Wala na siyang ibang lalaking hihilingin sa kanyang buhay. She's wearing a plain white Gucci shirt paired with silky black jeans and her Balenciaga heels. Ngayon ang plano nilang pumunta sa apartment niya. Gusto iyong makita ni Syete. "I thought we will have our shopping today." Malungkot na sabi ng ina ni Syete. Nasa hapag silang buong pamilya.Ngumiti siya. Mabuti nalang at nagawa niyang itago sa likod ng concealer ang eyebags niya kung hindi alam niyang magtatanong ang mga ito. "Yes po, mamaya po pagbalik na'min.""Hindi kami magtatagal, mom. Don't worry about it." Tulad ng lagi nitong ginagawa ay nilagyan siya nito ng pagkain sa pinggan. Kahit pigilan niya ay hindi ito nagpapigil. R
NANLULUMONG napaupo siya sa kanyang kutson pagkatapos halughugin ang mga envelop na pinaglagyaan noon ng pera. Muli niyang binalikan ang mga mensahing naroon, paulit ulit na sinasabing poprotektahan siya. Sumasagot ang ulo niya kakaisip kung sino nga ba ang taong 'to."Wag mong pilitin ang sarili mo, baka magkasakit ka." Tumabi ng upo sa kanya ang nobyo. Isinandal niya ang ulo sa braso nito. "Hindi na ako makapaghintay na malaman kung kaninong fingerprints ang nandito.""I will call my brother Sais, he have connections."Iniyakap niya ang mga braso sa bewang nito. "Maraming salamat dahil lagi kang nandiyan para sa'kin.""Palagi akong nandito."Humiwalay siya at idinipa ang buong paligid. "Dito ako nakatira noon n'ong hindi pa tayo magkakilala. Dapat pala akong magpasalamat sa mga taong humahabol sa'kin ng araw na 'yon dahil sila ang rason kung bakit ako napilitan magtago sa kotse mo.""Kilala mo ba ang mga hum
ABOT LANGIT ang ngiti nila pareho ng kanyang future mother in law. Natupad din ang gusto nitong na magshopping sila. Matapos nilang magdate ni Syete, na sobrang naging masaya siya ay ang ina naman nito ang nakasama niya kinahapunan. Malapit na ang gabi ng makauwi sila. Nalula siya sa presyo ng mga pinamili nila. Para silang mga batang nagpilitan bago siya nito napapayag na bilhan ng mga mamahaling damit. Sa totoo lang ay hindi niya iyon kailangan dahil kahit sa tyangge lang siya bumili ng mga kasuotan ay ayos na ayos na.But, Mrs. Castillion is always a Castillion. Pabiro pa siya nitong sinabihan na magtatampo ito kapag hindi siya pumayag. She wants to please her mother-in-law like her own mother, she has no choice but to agree. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, ganyan talaga ang mga 'yan mga mana sa ama, mga paranoid pagdating sa mga babaeng mahal nila," natatawang sambit nito bago inilapag ang mga paperbag sa couch. "Ayos lang po, masasanay rin po siguro ako." Kanina ay napansin
ILANG araw matapos ang proposal ni Syete ay napagpasyahan nilang bumalik sa Baguio. Tinapos nito ang trabaho sa Maynila ng mga isang linggo, nagpasalamat pa ito dahil pinakawalan siya ng mommy nito. Dalawang buwan na ang lumipas mula n'ong naging fiance niya ito. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na malapit na silang ikasal. Napag-usapan na rin ng pamilya kung kailan at saan gaganapin ang pinakamasayang parte ng kanilang buhay. Hindi niya ang pagiging mabilis ng mga pangyayari dahil sigurado siyang mahal niya ng labis ang nobyo kaya't handa siyang makasama ito habang buhay. "Ga, breakfast is ready," rinig niyang tawag ni Syete. Nakaharap siya sa kanyang vanity mirror habang tinititigan ang napakagandang singsing sa kanyang daliri, hindi pa rin makapaniwala na nagpropose na nga ito sa kanya. Walang humpay na ligaya ang ipinaparanas nito sa kanya. Parang napakagandang fairytale matapos ang malungkot na buhay. Nakangiti siyang
AKMANG lalapit ito sa kanya pero sumigaw siya. Ayaw niyang makita ito, ayaw niyang muling mapalapit sa balat nito. "Layuan mo ako, layuan mo ako." Halos magwala na siya. Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito, pero wala iyon sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Halos mamilipit siya sa paghagulhol. Pakiramdam niya ay lumulutang ang kanyang isip, wala siyang matinong maisip. Para siyang paulit ulit na pinapatay habang humihinga. Mariin niyang kinagat ang labi, kuyom ang mga kamao. Mas lalo siyang napapahikbi kapag nakikita ang mga larawang nagkalat sa sahig. Siguro'y itinapon iyon ng kung sino sa dalawa habang nagtatalo. "La-Langga," sambit ni Syete. Nagtangka ulit itong lumapit sa kanya pero umatras siya upang mapalayo dito. Kung noon ay ayaw niyang makita ang mga luha nito, ang nasasaktan nitong ekspresyon ngayon ay nasasabi niyang dapat lang iyon sa lalaki. "Wag mo akong tawaging langga," umiling siya habang pinagsisisihan a
NANGINGINIG ang kanyang tuhod ngunit pinilit niyang tumayo. Malalaki ang naging hakbang niya upang lapitan si Syete bago pa man ito tuluyang makapunta sa veranda. Mahigpit niya itong niyakap. Hindi niya alam kung kaya niya itong patawarin ngayon pero ayaw niyang makita itong masaktan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at isinandal ang luhaang mukha sa likod nito. Sabay bulong. "Ma-May babalikan ka." Natigilan ito. Nanlaki ang mga matang humarap sa kanya. Nagsisinungaling siya, pero mas pipiliin niyang magsinungaling dito kaysa ang saktan nito ang sarili. "Sumuko ka, wag mong saktan ang sarili mo."Mahigpit siya nitong niyakap. Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Iniiwas niya ang mukha ng akmang hahalikan siya nito. Hindi siya makatingin diretso sa mukha nito. Nakakalungkot na ang dating halik nito na hinahanap hanap niya ay pinandidirian na niya. "Pangako? Magpapakabait ako, pagbabayaran ko ang lahat ng kasalanan ko sa'yo." Bago pa man
NAG-IWAS ito ng tingin. "Pero, nahuli ako. Hindi ko siya napigilan."Humigpit ang pagkakahawak niya sa envelop na inaabot nito. "Siya lang diba? N'ong mga panahon na 'yon alam kong hindi lang iisang tao ang pumasok sa kwartong pinagdalhan sa'kin."Kinabahan siya dahil hindi pa rin ito makatingin deritso sa kanyang mga mata. "Marami sila pero pakiramdam ko iisang tao lang ang gumalaw sa'kin. Diba?" Pilit niyang kinukumbense ang sarili. Nandoon pa rin ang pakiramdam ng mga pangyayaring 'yon, maraming boses ang narinig niya kaya't naguguluhan siya kung tama ba ang pakiramdam. Seryosong ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Bakit parang hindi ka sigurado?""Sigurado ako," diin niya. "Pero gusto kong makumpirma mula sa'yo. Si Syete lang diba?" Natatakot siya sa magiging sagot nito. Nagkibit balikat ito. Napamura siya, nagulat rin siya sa lutong ng mga salitang lumabas sa kanyang bibig. "Bakit ayaw mong sabihin? Gusto kong kasohan ang iba
NAKAYUKO si Syete habang nakatulala sa pader. Napakainit ng lugar, walang kain, walang ligo, at walang pahinga. Pagod na pagod ang buong pagkatao niya. Di niya mapigilan ang mapaluha habang iniisip niya si Mari at ang anak nila. Kung normal na araw kayakap niya sana ngayon ang fiancee, pinagsisilbihan ito sa abot ng kanyang makakaya at oras oras na pinaparamdam dito kung gaano niya ito kamahal. Masaya sana sila ngayon habang nag-uusap tungkol sa pagkakaroon nila ng anak. Pinunasan niya ang luha gamit at kwelyo ng damit. Lubos niyang pinagsisisihan ang nagawa noon, kung maibabalik lang niya ang mga araw hinding hindi niya gagawin 'yon. Pati sa kanyang ina ay nahihiya siya, hindi ito nagkulang ng paggabay sa kanya pero naligaw pa rin siya ng landas. Napakawalang kwenta mong tao. Hayop ka. Mas masahol pa sa demonyo ang kasamaan mo. Mapait siyang napangiti habang pinapakinggan ang mga boses sa kanyang isipan. Sa sobrang da