NAG-IWAS ito ng tingin. "Pero, nahuli ako. Hindi ko siya napigilan."Humigpit ang pagkakahawak niya sa envelop na inaabot nito. "Siya lang diba? N'ong mga panahon na 'yon alam kong hindi lang iisang tao ang pumasok sa kwartong pinagdalhan sa'kin."Kinabahan siya dahil hindi pa rin ito makatingin deritso sa kanyang mga mata. "Marami sila pero pakiramdam ko iisang tao lang ang gumalaw sa'kin. Diba?" Pilit niyang kinukumbense ang sarili. Nandoon pa rin ang pakiramdam ng mga pangyayaring 'yon, maraming boses ang narinig niya kaya't naguguluhan siya kung tama ba ang pakiramdam. Seryosong ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Bakit parang hindi ka sigurado?""Sigurado ako," diin niya. "Pero gusto kong makumpirma mula sa'yo. Si Syete lang diba?" Natatakot siya sa magiging sagot nito. Nagkibit balikat ito. Napamura siya, nagulat rin siya sa lutong ng mga salitang lumabas sa kanyang bibig. "Bakit ayaw mong sabihin? Gusto kong kasohan ang iba
NAKAYUKO si Syete habang nakatulala sa pader. Napakainit ng lugar, walang kain, walang ligo, at walang pahinga. Pagod na pagod ang buong pagkatao niya. Di niya mapigilan ang mapaluha habang iniisip niya si Mari at ang anak nila. Kung normal na araw kayakap niya sana ngayon ang fiancee, pinagsisilbihan ito sa abot ng kanyang makakaya at oras oras na pinaparamdam dito kung gaano niya ito kamahal. Masaya sana sila ngayon habang nag-uusap tungkol sa pagkakaroon nila ng anak. Pinunasan niya ang luha gamit at kwelyo ng damit. Lubos niyang pinagsisisihan ang nagawa noon, kung maibabalik lang niya ang mga araw hinding hindi niya gagawin 'yon. Pati sa kanyang ina ay nahihiya siya, hindi ito nagkulang ng paggabay sa kanya pero naligaw pa rin siya ng landas. Napakawalang kwenta mong tao. Hayop ka. Mas masahol pa sa demonyo ang kasamaan mo. Mapait siyang napangiti habang pinapakinggan ang mga boses sa kanyang isipan. Sa sobrang da
HINAHAPLOS ni Maria ang kanyang tiyan habang nakatanaw sa bintana ng hospital. Kagigising niya lang at nag-iisa siya sa kanyang kwarto, taimtim siyang nagdarasal at nagpapasalamat sa Diyos na ligtas ang kanyang anak. Wala siyang sakit na nararamdaman sa sinapupunan kaya't alam niyang mabuti ang lagay nito. Narinig niya ang pagbukas ng pinto ngunit hindi niya iyon nilingon. Naluluha siya, ramdam niya ang mga bisig ni Syete na nakayakap sa kanya bago siya tuluyang mawalan ng malay. Kailan kaya darating ang araw na magagawa niyang makalimutan ang mga haplos nito? Gusto niya nga bang kalimutan?"Mari," pamilyar na boses ni Tari. Pinahid niya ang mga luha at humarap dito. Kasama nito ang doktor. Lumapit ito sa kanya na may ngiti sa labi. "Glad you are awake, Mrs. Castillion."Natigilan siya sa sinabi nito, may kirot na dumaan sa kanyang dibdib. "Ba-Bayubay po." Hindi siya nagtaka kung bakit iyon ang itinawag nito sa kanya, naging laman sila
NAKAYUKO si Maria, nakakuyom ang mga kamao na nakatago sa ilalim ng mesa. Walang ideyang pumapasok sa isip niya kung ano ang dapat sabihin kay Syete. Napagpasyahan niyang dalawin ito bago siya umuwi sa kanilang probinsya. Tutol ang isipan niya sa desisyong ito ngunit hindi niya matiis ang puso. Gulat na gulat ito ng makita siya. Mag-isa siyang dumalaw, ni hindi niya sinabihan ang kanyang abogado pati na si Tari kung saan ang punta niya. Hindi niya magawang matitigan sa mata ang binata, samantalang ramdam niya ang titig nito mula n'ong makita siya nito. "Ku-Kumusta si baby?" Tumikhim pa ito ng ilang ulit, binasag ang katahimikan. Nasa loob sila ng isang silid, nakaupo sa magkaharap na silya na pinapagitnaan ng lamesa. Huminga siya ng malalim bago tinatagan ang kalooban, tumingin sa mga mata nito. Hinaplos niya ang tiyan. "Ayos lang siya, malusog at walang problema.""Hindi ka ba niya pinapahirapan?" Nangangalumata ito, itim a
KAHIT NA BUNTIS ay nagawa pa rin niyang tumakbo papasok sa morgue kung nasaan ang bangkay ni Doktora Elena. Pagkarating na pagkarating sa Baguio ay agad silang tumuloy doon. Naabutan niya ang mga papalabas na pulis. Hindi niya pinansin ang mga ito at tumuloy sa kung nasaan ang labi. "Calm down," bulong ni Tari sa tabi niya. Dahan dahan siyang lumapit, nanginginig na itinaas ang kamay upang alisin ang kumot sa mukha nito. Gusto niyang masiguro na si Doktora Elena nga iyon.Napatakip siya sa bibig nang bumungad sa kanya ang mukha nito, nakapikit ang mga mata. Dumako ang tingin niya sa leeg nito. Bakas doon kung saan nakatali ang lubid. Halos matumba siya sa sobrang emosyon. Napasandal siya kay Tari, habang ito ay hinahaplos ang likod niya. Umiyak siya ng umiyak. Kahit sandali lamang niya itong nakilala ay malaki ang utang na loob niya dito. "Maricris Bayubay?" Humiwalay siya kay Tari at lumingon sa lalaking tumawag sa pangalan niya. "I'm Esquivel
HINDI SIYA kumukurap. Ano pa bang mas sasakit sa tanawing nasa harap niya ngayon? Ang CCTV footage na ito na siyang laman ng unang USB ang bumuhay sa mga larawang nakita niya. Nandoon siya nakaupo sa may counter habang nakatingin sa paligid, umiinom. Isinandal niya ang ulo sa upuan hanggang sa may lalaking humila sa kanya. Naikuyom niya ang kamao nang makilalang si De Salvo iyon. Nakita niya ang pagpupumiglas niya. Tandang tanda niya pa ang gabing 'yon. Ang kuha ng CCTV ay sa labas lamang ng VIP room. Ilang sandali ay lumabas ang apat na mga lalaki. Halos dumugo na ang kanyang labi sa mariing pagkagat doon. Una niyang nakita si Syete, halos hindi na tuwid ang paglakad nito. Gumegewang. Kasunod nito sina Lhexino, Estefan at Maquir. Nagtatawanan ang magkakaibigan, nag-usap usap sa labas ng silid. Kahit na parang pinupunit ang kanyang puso sa sakit ng pagtuklas sa katotohanan ay mas nananaig ang kagustuhan niyang malaman ang mga pangyayaring hind
UMIIYAK itong nagsalita. Taimtim niyang pinakinggan ang bawat sinasabi nito."I was broken that time. Halos gumuho ang mundo ko dahil wala na sa'kin si Princess. Hindi ko kayang mag-isa 'nong gabi na 'yon. I need a companion who will ease the pain that I am feeling. We own a bar, a place we considered as second home in the times of sadness. De Salvo, Tiangco and Spañano are my only friends aside from my brothers." Umalis ito sa pagkakasandal sa kanyang hita at tulalang tumingin sa pader. Tila naglalakbay ang isip nito. Hindi siya kumibo. "I trusted them like brothers, but little did I know that De Salvo envious what I have. He sees me as his competition. 'Nong gabi na 'yon lasing na lasing ako, gusto ko nalang mamatay sa sakit," yumuko ito upang itago ang panginginig ng mga labi at pag-iyak. "Sa-Sabi nila kailangan ko ng babaeng magpapalimot sa'kin sa sakit. Sabi nila kukuha sila ng babaeng magpapasaya sa'kin. I agreed. Sino ba namang tatangging maging m
NASA IISANG BUBONG sila kasama ang pamilya Castillion, kasama niya rin na lumipat ay si Attorney Allegron. Nasa theater room silang lahat, pinapanood ang latest balita. Nakangisi ang magkakapatid pati ang kanilang ina habang pinapanood ang pag-aresto sa ama ni Maquir Spañano. Halatang gustong gusto ng mga ito ang naging resulta. Siya ay tahimik sa huling parte ng mga upuan. Masama man pero nagbubunyi din ang kalooban niya dahil unti unting nababawasan ang alalahanin niya. "Former Vice President Marquez Spañano, arestado sa salang pagpatay sa dating Gobernador Renaldo Moya."Sa mga nakikita niya ngayon, napatunayan niyang tunay na makapangyarihan ang pamilya ni Syete. Ang sinumang babangga dito ay hinding hindi magtatagumpay. Hindi nagbago ang pakikitungo sa kanya ng pamilya. Kahit na nagkalamat ang samahan dahil sa mga nangyayari sa kanila ng bunso ng pamilya ay hindi siya pinakitaan ng mga ito ng masama. Isa sa mga bagay na hina