Share

Chapter 29

HINAHAPLOS ni Maria ang kanyang tiyan habang nakatanaw sa bintana ng hospital. Kagigising niya lang at nag-iisa siya sa kanyang kwarto, taimtim siyang nagdarasal at nagpapasalamat sa Diyos na ligtas ang kanyang anak. Wala siyang sakit na nararamdaman sa sinapupunan kaya't alam niyang mabuti ang lagay nito.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto ngunit hindi niya iyon nilingon. Naluluha siya, ramdam niya ang mga bisig ni Syete na nakayakap sa kanya bago siya tuluyang mawalan ng malay.

Kailan kaya darating ang araw na magagawa niyang makalimutan ang mga haplos nito? Gusto niya nga bang kalimutan?

"Mari," pamilyar na boses ni Tari. Pinahid niya ang mga luha at humarap dito.

Kasama nito ang doktor. Lumapit ito sa kanya na may ngiti sa labi. "Glad you are awake, Mrs. Castillion."

Natigilan siya sa sinabi nito, may kirot na dumaan sa kanyang dibdib. "Ba-Bayubay po." Hindi siya nagtaka kung bakit iyon ang itinawag nito sa kanya, naging laman sila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status