Share

Kabanata 18

Blair Castro

MAHIGPIT ang pagkakahawak ko sa kutsara habang kumakain ng tanghalian. Mabuti nalang talaga at namili ako ng stocks noong isang araw dahil hindi talaga ako makalabas ngayong Sabado na nasa tapat lang si Alicia. Palagi kasi siyang nakadungaw sa bintana at panaka-naka pang lumalabas para tumingin sa labas sa hindi ko alam na dahilan.

Feeling niya ba siya si Rapunzel? Umirap ako sa kawalan. Kung pwede ko lang sabitan ng lubid ang leeg niya at hilahin siya pababa mula sa bintana ng kwarto nila ni Lukas.

Napabuntong-hininga ako. Matinding galit pa rin ang hatid ng pamumukha at presensya ni Alicia sa akin pero hindi ko naman siya maaaring sugurin nalang ng basta basta dahil hindi ko pa nasisiguro kung ligtas nga ang dalawa ko pang anak.

Hinayaan kong lumipas ang buong maghapon na nakakulong lamang ako sa bahay at panay ang sulyap sa kabila. Laking tuwa ko naman nang

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status