Share

Kabanata 52

Blair Castro

“ANONG nawawala? Anong sinasabi mo? Paano sila nawala?” sunod-sunod ang tanong ko matapos kong mabingi ng ilang sandali. Ayaw tanggapin ng isip ko ang sinabi ni Cloud. Bakit mawawala ang kambal? Paano sila mawawala? Hindi pwede 'yon!

“Hindi ko rin alam. Aalamin ko pa pagtawag ulit ng private investigator ko,” sagot ni Cloud na bakas sa tono ang pagkabahala.

Napaupo ako sa hagdanan saka pinagsiklop ang mga palad ko. Diyos ko! Anong gagawin ko? Nawawala ang mga anak ko! Kasalanan 'to ni Alicia. Mananagot sa 'kin ang babaeng 'yon!

Tumayo ako at lumabas ng bahay. Hinabol naman ako ni Cloud. “Blair, sandali!”

Hindi ko siya pinansin. Tamang-tama naman na kadarating lang ng kotse ni Lukas at agad siyang bumaba nang makita ako hindi pa man naipaparada ng maayos ang sasakyan niya.

&l

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status