Chapter 13We accidentally kissed. Napapikit ako at muli kong naalala ang nangyari. Kahit pa nandito na ako sa quarters namin ay hindi pa rin maalis sa isip ko. Wala sa sariling napahawak ako sa mga labi ko.That was just one second. Isang segundo lang pero parang halos mabaliw na ako.Nakakahiya.Matapos ang nangyari kanina ay pumasok sa loob ng mansyon si Sir Armiel na parang walang nangyari at ako pinabalik ni Manang Juanita dito sa quarters. At mula kanina ay hindi pa ako nakakalabas dito. Nahihiya at natatakot rin ako. Nawala ako sa pagkakatulala nang makarinig ako ng malakas na tikhim. Kaagad ko iyong nilingon at nakita ko si Helga na malaki ang ngisi.“Ang swerte naman ng babaeng ito,” biro niya saka ako marahang niyugyog.Napalunok ako at kaagad na nag-iwas ng tingin. Muli pa sanang manunukso si Helga nang pumasok si Ate Ana.“Ang daming trabaho sa labas tapos nandito lang kayo nag-iinarte. Pare-pareho tayo ng sahod kaya umayos naman kayo,” sabi niya saka padabog na kumuha ng
Chapter 14“Sir!” sigaw ko at mabilis akong lumayo sa kanya. Mahina siyang natawa dahil doon saka dahan-dahan na humiga ng maayos.“I need some meds,” pag-ulit niya pero hindi ko na alam ang gagawin ko. Napako na ako sa kinatatayuan ko at kung hindi niya ako nilingon muli ay hindi ako makakagalaw.Mabilis akong tumakbo palabas dala ang nagwawala kong puso. At hingal na hingal ako nang makababa na halos mabangga ko na si Manang Juanita.“Anong nangyari?” gulat at nag-aalala na sambit niya na mahina kong ikinailing.“Masakit daw po ang ulo ni Sir Armiel. Nanghihingi po ng gamit,” hingal na hingal na sambit ko.“Ang batang iyon naman. Walang pasabi kung dumating. Ano pa ba ang kailangan niya? Nanghihingi ba ng pagkain?” sunod-sunod na sambit ni Manang Juanita at tanging pag-iling lang ang sinagot ko.Nang makuha ko ang gamot na sinamahan ko na rin ng tubig ay maingat na akong bumalik sa taas. Alam kong posibleng tulog si Sir Armiel pero kumatok pa rin ako. At nang walang umimik sa loob a
Chapter 15Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong nananaginip. Gusto kong isipin na hindi ito totoo. Parang pinaglalaruan lang ako ng isip ko.I was about to close my eyes but I heard his low chuckle. At doon ako unti-unting nakaramdam ng hiya. “Cute,” iyon lang ang sinabi niya bago niya ako talikuran para lumapit sa lamesa kung saan ko nilagay ang pagkain dala ko kanina. Halod uminit ang pisngi ko sa sobrang hiya na gusto ko na lang sana na hingin sa kinatatayuan ko na kainin na ako.Napapikit ako ng mariin at mahigpit na napahawak sa unipormeng suot ko. Gusto ng isip kong tumakbo ng sobrang bilis at huwag nang lumingon pa pero ang katawan ko ay hindi na makagalaw. Nanigas na ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung paano ulit ako makakagalaw.Sobrang hiya ang nararamdaman ko. Ano ba ang iniisip ko kanina? Bakit balak ko pang pumikit? Nabingi na ako kanina. Nabaliw na rin ako. Nakakahiya.Sir Armiel started to eat. Nakamasid lang ako na parang tuod. Matapos ang unang subo
Chapter 16Is he advance thinking? Ako ba ang iniisip niyang mabubuntis?“Sir—”“Stop calling me Sir!” Napasiksik ako sa pinto ng kotse dahil sa galit niyang pagsigaw. Pilit kong pinakalma ang paghinga ko dahil ayaw kong makagawa pa ng ibang rason para mas magalit siya lalo. Ilang sandali pa ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko na umigting ang panga niya at ang paghigpit ng hawak niya sa manibela.Walang nagsalita sa amin. Nanatili akong tahimik at ganoon rin siya hanggang sa makarating kami sa mansyon. Nang huminto ang kotse ay mabilis siyang bumaba at hindi ko inaasahan ang pagbukas niya ng pinto mula sa labas para sa akin. Pero nandoon pa rin ang inis sa mukha niya.“Bring me a beer inside my room after five minutes,” he ordered before turning his back at me. Napalunok na lang ako saka napahigpit ang pagkakahawak ko sa mga pinamili bago dahan-dahan na dumiretso sa kusina sa likuran. Kaagad akong humingi ng paumanhin kay Manang Juanita dahil hindi ko nabili lahat ng pinabibili niya
Chapter 17Para akong hinahabol ng lambot ng mga labi niya. Nanginginig ang katawan ko at para akong mawawalan ng bait. Hindi ko alam kung bakit nangyari iyon. Hindi ko alam kung bakit ako nagpadala.Napapikit ako ng mariin saka marahan na napasabunot sa buhok ko. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat at walang katotohanan pero alam kong imposible. Hindi ko alam kung magagawa ko pang tumingin sa mga mata ni Sir Armiel matapos ang nangyaring iyon. Hindi ko alam kung paano ko nalampasan ang araw na iyon na hindi na muling nakikita si Sir Armiel. Halos hindi ako umalis sa quarters at nagawa ko pang mag dahilan na masama ang pakiramdam ko. Oo, masama ang pakiramdam ko dahil sa nangyari pero ginamit ko iyon para sa dahilan na gusto kong iwasan si sir Armiel lalo na dahil sa nangyari.Hindi ako nakatulog sa gabing iyon. Mulat na mulat ang mga mata ko kaya bumangon na ako alas kuwatro ng umaga. Tulog pa silang lahat kaya walang tunog akong lumabas para makalanghap man lang ng presko
Chapter 18Hindi ko maipaliwanag pero parang mas naging malungkot ang mansyon para sa akin sa sumunod sa mga araw. Ang sabi ni Manang Juanita ay baka sa susunod na buwan ay babalik na si Don Frederick at may posibilidad na kasama ang mga magulang ni Sir Armiel.Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.At sabi ni Manang Juanita hindi nagsasabi si Sir Armiel kung kailan siya muling babalik. Para akong dinurog. Para akong tinapakan at sobrang nahihiya ako sa sarili ko. Sa totoo lang, may parte sa akin na umaasang makita siya isang umaga duto na pakalat-kalat. Tulad noong mga nakaraang araw na bigla siyang susulpot pero hindi iyon nangyari kaya nawalan na rin ako ng pag-asa.Gusto kong matawa. Sobra-sobra ang epekto sa akin ng halik na iyon. Hindi lang halik. Sobra pa sa halik ang nangyari. Pero sabi nga ni Manang Juanita, iba ang mga lalaking lumaki sa siyudad. Iba siya. Ibang-ibang siya. Ang layo-layo niya.“Kaunti na lang talaga iisipin kong heartbroken ka. Pero wala ka namang boyf
Chapter 19Nanginginig ako habang nagbibihis. Lahat kami ay kinakabahan pero sobra-sobra ang kaba ko dahil sa mga nangyari. Hindi panaginip ang lahat ng ito. Hindi ito imahinasyon. Totong nanduto muli si Sir Armiel. Totoong naglapat ang mga labi namin kanina.Hindi magkamayaw ang lahat sa pag-aayos at paglilinis ng pool habang ako ay nakatulala dito sa quarters namin. Nanginginig ako hindi dahil sa lamig kung hindi dahil sa mga emosyon na nabuhay sa katawan ko.Nagmamadali ako pero hindi ko mahanap ang uniporme ko kaya hinablot ko ang damit na unang nakita ko sa drawer ko para suotin. Lampas isang minuto na ako at gusto ko nang umiyak sa sobrang taranta. Minadali ko ang pagsuot ng isang maluwang na sleeveless at ang shorts na nabunlot ko na manipis na maikli na sobrang maluwang sa hita na parte. Pero maglilimang minuto na kaya wala na akong oras pa para maghalungkat ng maayos na susuotin.Nang makalabas ako sa quarters ay tumakbo ako sa loob ng mansyon. At sa likod ako dumaan para dum
Chapter 20Dire-diretso akong pumasok sa quarters at hindi ko na sila hinayaan pang magtanong ng kahit ano dahil kaagad kong tinaklob ang kumot sa buo kong katawan. Nanginginig ang buo kong katawan habang nakapikit ako ng mariin.Nagwawala ang puso ko at paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari. Muntik nang may mangyari sa amin. Kung walang kumatok at tumawag sa kanya ay baka hindi lang iyon ang nangyari. Hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin ang sarili ko o hindi. Para akong sunod-sunuran sa kanya na sa bawat lapit at haplos niya ay kaagad akong bumibigay.Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Sa dami-dami ng pumapasok sa isip ko ay nanatili na lang akong tulala buong gabi. Kung saan-saan na umabot ang utak ko. Hindi ko na matukoy kung ang gusto kong gawin. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang gusto kong mangyari. Hindi ko na alam kung paano ako gagalaw at humarap sa bawat tao dito sa mansyon.Hiyang-hiya ako. Sobra akong nahihiya kahit wala namang nakakalaam. Hindi