Chapter 4
“Hindi po, t-tinutulungan ko lang po si Don Frederick,” nanginginig na sambit ko habang patuloy ako sa pag-iyak pero wala lang siyang naging reaksyon. Patuloy lang niya akong pinanood sa pag-iyak. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.Pinaghalong galit, at gulat sa patuloy na pagragasa ng mga luha ko.Ilang sandali pa ay umatras siya. Pero hindi ako tuluyang nakahinga ng maluwag dahil doon. Mas nanghina ang mga tuhod ko at gustuhin ko mang punasan ang mga luha ko ay wala akong lakas. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.“Leave,” matigas na sambit niya habang diretso sa akin ang tingin.Hindi ako nakagalaw kaya mas lalong umigting ang panga niya. Kita ko rin ang paglabas ng mga ugat sa leeg niya na tila sobrang nagtitimpi ng galit.“I said leave!” Dumagundong ang boses niya sa buong palapag. At doon ako nagkaroon ng lakas para tumakbo palayo habang hindi inaalintana ang mga luha kong patuloy sa pagbagsak.Tumakbo ako pababa at tuloy-tuloy na tumungo sa maid’s quarter.“Anong nangyari?” tanong ni Helga dahil siya ang naabutan ko doon.Sumalampak ako sa sahig at doon humagulgol sa ingak. Kaagad niya akong dinaluhan at tinanong kung ano ang dahilan ng pag-iyak ko pero umiiling lang ako. Hindi na siya nagtanong pa ng marami at hinayaan na lang akong umiyak hanggang sa ako mismo ang kusang tumigil.“Okay ka lang?” tanong niya nang kumalma ako.Mahina akong tumango saka ngumiti ng kaunti bago ko pinunasan ang mga natirang luha sa pisngi ko. Dahan-dahan niya rin akong tinulungan na tumayo hanggang sa tuluyan akong makaramdam ng kaunting lakas.“Okay na p-po. Salamat,” mahinang sambit ko na ikinabuntong hininga niya.“Napagalitan ka ba ulit ni Sir Armiel?” mahinang tanong niya at marahan na ngiti lang ang sinagot ko bago ako umiling.Napabuntong hininga ulit siya bago ako tinapik sa balikat.“Parte ito ng trabaho natin, Yen. Kailangan mo lang talagang lakasan ang loob mo,” mahinang sambit niya na siyang ikinatango ko.“Sorry po sa abala,” mahinang sabi ko saka ko marahang pinasahan ng mga daliri ko ang nakapusod kong buhok na magulo na.“Sige na, mauna na ako sa labas. Sasabihin ko na lang kay Manang Juanita ang nangyari para huwag kang pagsabihan. Basta sumunod ka kaagad,” sabi niya na ikitango ko naman at ipinagpasalamat.Nang makalabas si Helga ay mabilis kong inayos ang sarili ko. At nang tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin ay doon ko nakita ang namumula kong mga mata pati na rin ang ilong ko. Huminga na lang ako ng malalim saka pilit kong nilunok lahat ng nangyari at lumabas na para magtrabaho ulit.“Nasabi sa akin ni Helga na umiyak ka raw,” bungad kaagad ni Manang Juanita nang makita ako.“Okay na po ako. Pasensya na po,” mahinang sambit ko.“Strikto talaga si Sir Armiel. Huwag ka na lang ulit gumawa ng rason para magalit siya,” mahinang sabi niya na ikinatango ko ng dahan-dahan. Kahit alam kong wala naman akong ginagawang masama ay hindi ko dapat sabihin iyon dahil katulong lang ako dito.At pagiging katulong lang ang gagawin ko.Natapos ang araw na iyon ng matiwasay kaya laking pasasalamat ko. Tumulong lang ako sa paglilinis sa mansyon kaya hindi ko ulit nakita si Sir Armiel na lubos ko ring ipinagpasalamat dahil sobra-sobra ang kaba at takot ko sa kanya.Sa sumunod na araw ay pinasama ako ni Manang Juanita sa pamamalengke kaya tinanghali na kaming nakauwi sa mansyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagagawa kong maglabas-masok sa ganitong uri ng bahay na kahit kailanman alam kong hindi ko makakamit.“Yen, mag-agahan ka na dahil ikaw ang uutusan ko ngayong maglinis ng library,” sabi ni Manang Juanita na mabilis ko namang sinunod.Sa dirty kitchen na ako kumain at matapos ko ngang kumain ay nagtungo na ako sa ikatlong palapag kung nasaan ang library. Hindi pa ako nakakapasok sa library kaya nang mabuksan ko ang malaking pinto nito ay napasinghap ako ng malakas. Ang daming libro at ang lawak. Kaagad na pumasok sa ilong ko ang amoy ng mga libro at imbes na maglinis kaagad ay excited lang akong lumapit sa mga bookshelves. Masaya kong pinadaan ang kamay ko sa mga librong nakaayos at gusto kong magtatalon sa tuwa dahil gusto kong basahin lahat ng iyon.Libo-libo yata ang mga librong nandito.Ilang minuto kong sinuyod ng mga mata ko ang mga bookshelves na puno ng libro bago ko ako nagpasya na tumuloy sa trabaho. Walang gaanong dumi dito dahil araw-araw naman nililinisan kaya nag-mop lang ako saglit.Matapos kong mag-mop at magpunas ay hindinko na napigilan ang sarili kong kumuha ng mga libro. I scanned the books that I got and I got even more excited. I don’t like reading a lot but these books excites me. Ang kakapal ng mga libro na hindi ko alam kung magagawa kong makatapos ng isa. Patuloy ako sa pagkuha at pagbalik ng mga libro hanggang sa nakuha ng isang magazine ang atensyon ko. The cover of the magazine was a huge photo of Sir Armiel. Mabilis ko iyong kinuha at dinala sa isang maliit na lamesa. Tinitigan ko ang mukha ni Sir Armiel sa cover ng magazine at wala sa sariling napangiti ako. His face looks so serious. Itsura palang ay halatang masungit na siya.Unti-unti kong binasa ang nasa magazine. At hindi ko mapigilang mamangha sa bawat salitang nababasa. Doon ko napatunayan na sobrang laki ng mundo. Ang dami-dami kong hindi alam.“Armiel Frederick Lizares, twenty-three years old, graduated from Enderun Colleges. He’s six foot tall and he plays chess. One of the eligible bachelors of Asia,” mahinang pagbasa ko.I traced his photos and I got even more curious.Chess?I was about to flip the page when I heard a footsteps. Mabilis kong nilingon kung sino ang pumasok at iyon na lang ang pagtayo ko ng tuwid nang matanaw si Sir Armiel na naglalakad papasok.Hindi niya pa ako nakikita kaya dali-dali kong kinuha ang magazine para sana ibalik kung saan ko kinuha pero bigla na siyang napatingin sa direksyon ko. His thick brows furrowed when he saw me and I immediately got so nervous.“Magandang umaga po,” mahinang bati ko saka marahan na yumuko.Dumapo ang mga mata niya sa magazine na hawak ko kaya dali-dali ko iyong tinagk sa likuran ko kahit alam kong nakita na niya.“What are you doing here?” malamig na tanong niya.“Naglilinis—”“You are not cleaning.” He cut me off.“Tapos na po,” kabadong sagot ko habang pilit na iniiwasan ang mga titig niya.“Then you should leave if you’re done,” he coldly said and I nodded a lot of times.“Aalis na po ako,” nagmamadaling sambit ko at kaagad na naglakad pero napatigil ako nang hulihin niya ang kaliwang palapulsuhan ko.“Sinong nagsabi sayo na pwede kang makialam ng mga gamit dito? Are you that stupid?” inis na sambit ko niya habang nakatingin sa magazine na hawak ko.Bahagya na iyong nalukot dahil sa paghigpit ko ng hawak at nadagdagan pa dahil ang higpit rin ang hawak niya sa palapulsuhan ko kaya mas lalong hindi ko makontrol ang kamay ko.“I-Ibabalik ko po,” mahinang sambit ko pero nilipat niya lang ang tingin sa mukha ko. Ngayon ay sobrang inis na niya.“Stop stuttering. It’s pissing me off,” inis na sambit niya kaya nakagat ko ang pang-ibabang mga labi ko para pigilan ang sarili ko sa pagsasalita. At dahil doon ay napatingin siya sa mga labi ko at mas lalo pang nainis.I tried pulling my wrist from his hold but I couldn't.“What character are you playing? Innocent little maid who wants her master’s attention?” My eyes widened. I saw the rage in his eyes. Natakot ako.“Answer me,” he demanded. Pinakawalan niya ang palapulsuhan ko pero hindi ako tuluyang nakaalis dahil lumapit siya sa akin. Imbes na tumakbo ay napaatras lang ako hanggang sa tumama ang likod ko sa isang shelf. At dahil doon ay nahulog ang iba’t-ibang klase ng mga libro na nagbigay sa akin ng mas malaking kaba.Tiningnan lang niya ang mga libro pero kaagad ring binalik ang galit na tingin sa akin.“Answer me!” Dumagundong ang boses niya sa buong library kaya bahagya akong napatalon.“Wala po, wala po,” gulat na sagot. I heard him chuckled without humor.“Fix your mess. Kung may masira man dito ay ibabawas ko sa sahod mo. Stop being stupid. If you still do I won’t even blink to fire you. I don’t care about my grandfather’s opinion,” malamig na sambit niya saka na naglakad paalis doon dala ang isang libro na hindi ko alam kung saan niya kinuha.Nang makaalis siya ay doon ko naramdaman ang puso ko na tila hinahabol sa sobrang bilis ng tibok. Napabuga ako ng hangin saka napatingin sa mga librong nagkalat.Isa-isa ko iyong binalik sa shelf pati na rin ang magazine na kanina ko pa hawak bago tuluyang bumaba.“Yen, mabuti at tapos ka na. Pakihatid ito kay Sir Armiel. Nandoon siya sa pool. Siguraduhin mong huwag kang gagawa ng ikaiinis o ikagagalit niya,” sabi ni Manang Juanita na wala naman akong choice kung hindi sundin.Kinuha ko ang tray na may lamang isang basong kristal kung saan nandoon ang kape na may gatas na may maraming yelo saka may isang tinapay rin na hindi ko alam ang tawag. Dahan-dahan akong naglakad patungong pool at malayo pa lang ay nakita ko na kaagad si Sir Armiel na nakaupo sa isang lounger at nasa hita niya ang isang laptop habang katabi niya naman ang libro. Buong akala ko ang may kasama siya kaya bahagya akong nagpalinga-linga at nang makitang wala siyang kasama ay mas lumapit ako.He immediately felt my presence so his eyes left his laptop to look at me.Dahan-dahan kong nilapag ang dala sa isang babasagin na lamesa.“What’s that?” malamig na tanong niya.“Pinadadala po ni Manang Juanita,” sagot ko. Kaagad niya namang kinuha ang kape saka iyon ininom. At iyon na lang ang pag-atras ko nang bigla niya iyong tinapon sa harap ko mismo habang kunot ang noo.“That’s too sweet. Palitan mo,” malamig na sambit niya saka mabilis ring binalik ang mga mata sa laptop.Bumalik ako sa kusina at sinabi kay Manang Juanita ang nangyari kaya nagtimpla siya ng bago. Muli ko iyong dinala kay Sir Armiel pero tinapon niya lang ito ulit pagkatapos niyang tikman.“I want more coffee. That tastes like milk,” he coldly said.Muli ko iyong sinabi kay Manang Juanita kaya pinalitan niya ulit. Pero kagaya ng dalawang nauna ay tinapon niya ulit ng may inis sa mukha.“Did you even put milk? The coffee is too strong!” sigaw niya saka tinapon ang baso ng malakas dahilan para mag pira-piraso iyon.“Sasabihin ko po kay Manang Juanita—”“Stupid!” sigaw niya kaya dali-dali kong pinulot ang mga basag na baso ng hindi nag-iisip. At napasinghap na lang ako sa sakit ng masugatan ang kamay ko at dumugo iyon ng marami.“Papalitan ko po,” sabi ko habang pilit na pinupulot ang mga basag na piraso pero narinig ko lang ang pagmumura niya.“Stand,” he coldly said but I didn’t. Ipinagpatuloy ko lang ang pagpulot sa mga bubog kahit pa masugatan ako ng husto.“I said stand up!” sobrang lakas na sigaw niya kaya bigla ako napatayo.Nanlilisik na ang mga mata niya ngayon habang nakatingin sa akin. He towered me and his jaw is clenching. Mas lalo lang nanlisik ang mga mata niya nang makita ang mga dugo sa kamay ko.“Why are you so stupid? Hindi ka ba marunong makinig? Don’t you have a brain?” mahina ngunit puno ng galit na sambit niya habang diretso ang tingin sa akin. “Papalitan ko na lang po ang inumin niyo,” kabadong sambit ko pero umiling na siya saka sarkastikong natawa.“You know what? Why don’t you put your blood on a glass and add a lot of ice on it?” sarkastikong sambit niya.Napalunok naman ako saka dahan-dahan na yumuko dahil sa insultong narinig.“The f*ck, the most stupid person is indeed you,” malamig na sambit niya saka tuloy-tuloy na umalis doon na tila nawalan ng gana dahil sa akin.Napatingin na lang ako sa kamay kong dumudugo. This should be painful. Pero mas nasasaktan pa ako sa mga salitang binitawan ni Sir Armiel.Epilogue “What? You impregnant her again without putting a ring on her finger?” nanliliit ang mga matang tanong sa akin ni Daddy. We just got here in Laveda after our Trip from Russia. At wala pa kaming nasasabihan tungkol sa engagement. But we need to plan as soon as possible. I don’t want her to walk down the aisle with her huge tummy. Natawa ako nang mahina pero hindi ko na siya nasagot dahil natanaw kong bumababa sa hagdanan ang mag-ina ko. Mabilis ko silang sinalubong at binuhat si Tehm na nakasuot na ng panligo. He’ll swim today and we’ll just watch. “Dad, sa baba lang kami,” paalam ko na tinanguan lang naman ni Daddy kaya bumaba na kami sa dalampasigan. “Papa, let’s go!” malakas na sigaw ni Tehm saka tumakbo na patungo sa dagat. I slightly touched Yen’s elbow before following Tehm just to make sure that he’s fine. “Slow down,” paalala ko dahil hindi siya pwedeng mapagod ng husto. Sinenyasan ko ang maraming mga katulong at ibang mga bodyguards na magbantay sa kanya bago bum
Chapter 58 Thank you for making this far! I know that the progress of this story was very slow yet you are still here. Thank you so much! This will be Third’s POV and will also be the last chapter before the epilogue. Thank you! *** Facing a lot of businesses gave me a headache. I am still learning yet there are already a lot of problems that I must solve and I have no choice but to deal with it. But I need to breathe. I need to clear my mind first before I deal with those problems again. The fresh air of Laveda isn’t helping, though. Mas lalo lang akong naiinis. Ang kaunting-kaunti na pasensya ko ay mas lalo pang nababawasan. “Stupid maid,” inis na sambit ko nang umalis ang baguhan na katulong na biglang pumasok. I smirked pissfully. May katulong bang ganoon ang itsura? Marunong ba iyon ng mga gawaing bahay? O baka kaya siya nandito para sa ibang rason? Maybe, using her face for easy money? I immediately feel disgusted by the desperate moves of commoners. “Third, hindi ka
Chapter 57Isang linggo muli ang lumipas at napakiusapan ko si Third para kamustahin ulit si Tita. Pinayagan niya ako pero hindi sila kasama ni Tehm dahil may importante siyang meeting at si Tehm ay sinundo ng Mommy ng Lola niya. Pumunta ako sa lugar kung saan ko huling nakita si Tita na maraming dalang mga bodyguards dahil iyon ang gusto ni Third kaya hindi na ako umangal.May dala akong iilang groceries para ibigay para makatulong kahit kaunti.“Tita, natagalan po akong makabalik kasi may inaayos lang,” sabi ko nang makalapit sa kanila. Ngumiti siya ng marahan saka napatingin sa mga bodyguards na kasama ko kaya bahagya akong nakaramdam ng hiya.“Salamat dito, Yen. Sa kabila ng mga ginawa namin sa’yo ay nagiging mabuti ka pa rin. Patawarin mo sana kami sa lahat-lahat,” sabi ni Tita at marahan naman akong napangiti doon saka tumango ng dahan-dahan.Hindi ako kailanman nagtanim ng galit pero iba talaga kapag nakarinig ng paghingi ng paumanhin.“Wala po iyon, Tita,” nakangiting sabi ko
Chapter 56Tuluyan ko nang naamin sa sarili ko na nandito pa rin si Third sa puso ko. Hindi ko matukoy kung nakalimutan ko na ba siya noon at muli lang akong nahulog ngayon o hindi ako totoong nakalimot at mas lumalim lang ang nararamdaman ko ngayon.Pero hindi nawawala ang takot sa akin. Takot ako sa posibilidad na baka pilit lang akong tinatanggap at pinakikisamahan ni Third dahil may anak kami. Na hindi naman niya nararamdaman ang nararamdaman ko.Sobrang aga nang magising ako kinabukasan at tulog pa ang dalawa kaya walang ingay akong lumabas at dumiretso sa ibaba para magluto ng pagkain. Pero hindi pa ako nakakapag-umpisa nang matanaw ko ang pagsunod ni Third na may antok pa ring mga mata at parang hindi pa nagigising ng tuluyan.“You get up so early,” marahang sambit niya saka ako niyakap mula sa likuran at siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.“Magtatrabaho ka ba ngayon?” tanong ko at hinayaan ko na siya sa ganoong posisyon.“No,” tamad na sagot niya saka ilang beses na sinin
Chapter 55Hindi nawala sa isipan ko ang nakita ko. Hindi ako makapaniwala na sina Tita iyon. Sinabi ko kay Kayla pero natuwa pa siya hindi kagaya ko na nakakaramdam ng awa. Nahihirapan rin ako pero hindi tulad nila na halos namamalimos at walang matirhan.“Karma nila ‘yan. Hayaan mo,” inis na sabi ni Kayla kaya huminga ako ng malalim at hanggang sa gumabi ay dala-dala ko iyon.Paano ko ulit sila makikita?Nakatulog na si Tehm habang ako ay nanatili pa ring mulat. Si Third ay abala sa laptop niya sa kabila pero nang mapansin niyang galaw ako ng galaw ay sinara niya iyon para tingnan ako.“You’re not sleepy yet?” marahang tanong niya saka lumipat siya sa tabi ko ng hindi nagigising si Tehm.“Wala,” mahinang sagot ko pero tuluyan na niyang pinagkasya ang sarili niya sa tabi ko. Sobrang sikip na kinailangan ko pang iusog si Tehm para tuluyan siyang maskasya.“What is it?” muling tanong niya saka nagsimulang patakan ako ng halik sa noo pababa sa ilong.“Sina Tita kasi,” mahinang sambit ko
Chapter 54 Naramdaman ko ang lambot ng kama sa likuran ko at hindi nagtagal ay napaungol ako sa bigat niya nang pumaibabaw siya sa akin. Patuloy pa rin kami sa paghahalikan pero hindi na ako makatugon ng maayos dahil nagsimulang maglakbay ang mga kamay niya sa katawan ko. Napaungol ako ng malakas nang marahang padaanan ng kamay niya ang kabilang dibdib ko. Bumaba ang halik niya patungong leeg ko at ang isang kamay niya ay tuluyan nang natagpuan ang dibdib ko. Mas lalong sumabog ang init ng sensasyon sa buo kong katawan nang dahan-dahang paglaruan ng kamay niya ang dibdib. I moaned so hard. At hindi ko napigilan ang pagkalmot sa likuran niya dahil sa sensasyong umaapaw. “I missed these. These are mine,” bulong niya nang matagpuan ng mga labi niya ang mga dibdib ko. He alternately sucked my breasts and I pulled his hair so much for that. Hindi siya tumigil hangga’t hindi siya nakukuntento. At nang makuntento sa dibdib ko ay dahan-dahang gumapang pababa ang mga labi niya. Napau