Chapter 5
Kung pwede lang mamili ng trabaho ay gagawin ko. Sobrang takot na takot ako kay Sir Armiel na kung sakali mang uutusan ako ni Manang Juanita na may gawin para kay Sir Armiel ay gustong-gusto kong tanggihan. Sa nangyari kahapon ay nabuhay lalo ang kaba ko at takot ko. Nanginginig ako dahil baka dumating ang oras na hindi na lang masasakit na salita ang marinig ko.“Maayos na ba ang kamay mo?” tanong ni Helga nang makita akong nakatingin sa sugat kong maayos na nababalot ng band aid sa umaga. Marahan akong ngumiti sa kanya at tumango. Doon naman siya napatitig sa akin ng matagal na tila manghang-mangha. At nang bahagyang kumunot ang noo ko sa pagtataka ay tumawa siya ng mahina.“Yen, ang ganda-ganda mo talaga! Para kang inosente na walang alam sa hirap ng mundo. Ang ganda mo!” sabi niya kaya kaagad akong nakaramdam ng hiya.“Hindi naman po,” nahihiyang sabi ko saka tumayo na mula sa pagkakaupo ko sa kama ko para makatulong na sa labas kaya umayos na rin ng tayo si Helga. Masyado pang maaga pero lahat kami ay nakabihis na para magtrabaho. Si Manang Juanita ay may sariling kwarto na katabi lang rin nitong sa amin at alam kong kanina pa siya nasa mansyon para manguna sa pag-aayos ng kusina para sa pagluluto mamaya.Kanina pa dapat ako lalabas pero binalot ko muna ng maayos ang sugat ko na gawa ng nabasag kong mga baso kahapon. Mabuti na lang at hindi ako napagalitan ni Manang Juanita at hindi ako pinagbayad. Pero sobra-sobra na naman siguro ang galit na natanggap ko kay Sir Armiel. Parang na-trauma na akong makaharap pa siya.“Alam mo noon, minsan lang talaga bumisita si Sir Armiel dito sa mansyon. Kaya ngayong nandito siya ay todo ingat kaming lahat. Ang strikto kasi at perfectionist. Ang gwapo-gwapo nga ang sungit-sungit naman,” sabi ni Helga nang magsimula kaming maglakad palabas ng quarter namin.Mahina namn akong tumango dahil sang-ayon ako. Masungit talaga si Sir Armiel.“Ang malas mo lang talaga dahil laging natutuon ang trabaho mo sa kanya at bago ka pa lang dito kaya hindi ka pa sanay. Hayaan mo at masasanay ka rin. Ilabas mo na lang sa kabilang tainga ang maririnig mo. Kung gaano kabait si Don Frederick ay iyon namang sungit ng nag-iisi niyang apo. Mabait rin si Sir Dos, promise,” dagdag niya pa.Dumiretso kami sa rooftop para maglinis at kaagad akong namangha. Medyo madumi dito kumpara sa loob ng mansyon at sobrang mahangin rin kagabi kaya madaming kalat. Nagsimula kaming maglinis habang si Helga ay hindi mahinto sa mga sinasabi niya.“Perfect na sana si Sir Armiel kung mabait eh! Napansin mo ba kung paano siya tumingin sa mga katulong? Nakakaliit, hindi ba? Ganoon naman ang karamihan sa mga mayayaman! Hayst, ang gwapo-gwapo kaya kahit ganoon ang ugali walang problema!” malakas na sabi niya habang ako ay tahimik lang na nakikinig.Patuloy kami sa paglilinis at wala yatang katapusan ang mga kwento ni Helga. Nadadala rin naman ako sa mga pinagsasabi niya dahil marami akong nalalaman para dito sa trabaho ko.“Ikaw pa? Gusto mo ba dito? Hindi ka ba aalis? Ilang araw ka pa lang pero nakita na kitang umiyak,” sabi niya na ikinailing ko.“Hindi naman po,” sabi ko. Wala pa sa isipan ko ang umalis sa trabahong ‘to. Siguradong mapapagalitan ako ni Tita.Nang dumaan si Tita sa isip ko ay bigla akong natigilan. Naalala ko bigla ang mga gusto niyang gawin ko dito. “Okay lang, hindi ba? Kahit masungit ay gwapo naman ang amo natin. Sana magtagal pa siya dito. Kaunti lang ang gwapo dito sa Laveda kaya lubos-lubusin na natin,” dagdag niya pa.Nginitian ko naman ng kaunti sana tinanguan.“Ang tahimik mo no? Saka ang pino ng mga galaw mo? Sa purok kwatro kayo, hindi ba?” tanong niya kaya napatigil na ako sa mga ginagawa ko para tingnan siya.“Opo,” sagot ko pero lumagpas ang tingin ko kay Helga dahil sa biglang pumasok sa pintuan ng rooftop. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Sir Armiel na pawis na pawis at walang damit pang-itaas.Puno siya ng pawis at kaagad nangunot ang noo niya nang mamataan kami. Ganoon nalang ang kaba ko nang magtama ang mga mata namin. Mabilis akong umatras at sinubukan kong kunin ang atensyon ni Helga na hindi pa napapansin si Sir.“Gusto mo ba itong trabaho mo? Kahit palagi kang sinusungitan ni Sir Armiel?” tanong ni Helga at mas dumaan ang inis sa mukha ni Sir Armiel dahil dito.“Helga,” mahina kong tawag sa kasama kaya kuryuso niya akong tiningnan. At nang makita ang ekspresyon ko ay kaagad siyang nakatunog dahilan para mabilis rin siyang tumingin kay Sir na sobra na ang inis sa mukha.“Magandang umaga po, Sir,” tarantang bati ni Helga at doon lang rin ako nakaalalang bumati.“What are you doing? Gossiping while working?” malamig na sambit niya pero ang atensyon ko ay nakuha ng pawis na tumutulo sa dibdib niya. He’s skin is sparking because of his sweat.“Nagli-linis po,” kabadong sagot ni Helga at nang bumaling sa akin si Sir Armiel ay mabilis akong yumuko sa takot na baka magalit siya sa mga titig ko.“Do your work properly. Gossiping isn’t part of your work,” malamig na sambit niya saka mabilis kaming tinalikuran kaya kapwa na lang kaming napatitig ni Helga sa likuran niya hanggang sa tuluyan siyang lumabas sa pinto ng rooftop.At nang mawala siya sa paningin namin ay kapwa kaming nakahinga ng maluwag.“Bilisan na natin baka mapagalitan tayo ulit,” sabi ni Helga kaya minadali nga namin ang paglilinis at matapos iyon ay bumaba na kami. At saktong tapos nang mag-breakfast sina Sir Armiel at Don Frederick kaya mabilisan na rin kaming kumain at muling bumalik sa trabaho.“Yen, may iuutos ako sa’yo,” biglang tawag ni Manang Juanita habang abala ako sa pagpupunas ng mga malalaking banga.“Po?” tanong ko.“Nagsabi si Sir Armiel kanina na linisin ang kwarto niyo. Ikaw na lang ang gumawa. Mag doble ingat ka,” sabi niya at hindi ko talaga naiwasang magulat. Gusto kong tumanggi pero dahil parte ito ng trabaho ko ay dahan-dahan akong tumango kahit pa kinakabahan ako at natatakot na mapagalitan.Mabilis akong pumunta sa itaas habang pilit na kinakalma ang sarili.“Kaya ‘to, Aryen,” bulong ko sa sarili ko bago dahan-dahan na kumatok sa pinto ng kwarto ni Sir.“What?” malamig na sagot nito sa unang katok ko. At mabilis akong umatras sa biglaang pagbukas ng pinto. “Napag-utusan po ako ni Manang Juanita na maglinis sa kwarto mo,” mahinang sambit ko at doon dumaan ang inis sa mukha niya.“Don’t do stupid things. I don’t want any noise while you’re cleaning,” sabi niya saka nilakihan ang bukas ng pinto at mabilis rin siyang naglakad pabalik sa isang lamesa kung nasaan ang isang laptop at tambak na mga papeles.Dahan-dahan naman akong pumasok sa kwarto niya at kaagad na pumasok sa ilong ko ang panlalaking amoy na tila nakakaadik. At sa pagpasok ko ay inilibot ko ang tingin sa malawak na kwarto at kahit isang dumi ay wala akong nakita. Maliban sa kama na medyo hindi nakaayos ay wala na. Wala sa sariling napatingin muli ako kay Sir Armiel. At nakita kong nakatutok na siya sa laptop habang may seryosong mukha. Ilang segundo akong napatitig sa kanya at hindi ko maiwasang humango lalo na sa mga papeles na sobrang kapal na mukhang pinagkakaabalahan niya ngayon.“What? You won’t start your work? Better call another maid. I have no time for someone stupid,” inis na sambit niya bigla na tila bang nakikita akong nakatitig sa kanya kahit nakatuon naman ang mga mata niya sa laptop.Napatikhim ako ng mahina saka maingat nang nagsimula sa pag-aayos ng higaan niya. At hindi ko mapigilan na magustuhan ang amoy. Amoy na hindi masakit sa ilong pero sobrang bango. Hindi ko maipaliwanag ang bango dahil kailanman ay wala pa akong naamoy na ganito.“D*mn,” biglang mura niya kaya bigla akong napatigil sa ginagawa para lingunin siya. At doon nakita ko ang pagpikit niya ng mariin at ang paghilot sa sintido.Napatitig ako sa kanya lalo na sa pagtaas baba ng adams apple niya.“F*ck,” muling mura niya at nang lumingon siya sa akin ay taranta akong bumalik sa pag-aayos.Nanginginig ang kamay ko.“I want an iced coffee. Now,” seryoso at may inis na utos niya. “Dadalhin ko po dito, Sir?” mahinang tanong ko at mas lalo lang siyang nainis.“D*mn, of course you’ll bring it here!” sigaw niya kaya mabilis akong tumango at halos tumakbo na palabas.Dali-dali akong bumaba at sinabi kay Manang Juanita ang ipinag-utos ni Sir kaya mabilis rin iyong ginawa ng isang katulong.“Ingatan mo. Baka masugatan ka na naman,” sabi ni Manang Juanita kaya ngumiti ako bago tumango. Maingat akong bumalik sa itaas dala ang isang baso ng iced coffee. At isang katok ang ginawa ko sa bukas na pinto bago tuluyang pumasok. At naabutan ko si Sir sa ganoon pa ring ayos.“Faster,” sabi niya kaya nilapag ko kaagad sa tabi niya ang hiningi niya. At kaagad niya iyong ininom na tila iyon ang nagpapakalma sa kanya.“Babalik na po ako sa paglilinis,” sabi ko saka bumalik na sa pag-aayos at hindi nagtagal ay natapos na rin ako dahil sobrang linis naman talaga ng kwarto.At dahil natapos na ako ay hinayaan ko ang sarili kong tingnan ang bawat sulok. Ang gray na makakapal na kurtina ay nakabukas kaya mas lalong maaliwalas ang buong kwarto. Kitang-kita ang mga salamin na pinto na siyang konektado sa balcony. At ang buong kwarto ay sobrang simple. Gray na kama, at puting sahig. Tatlong beses ang laki nito sa bahay namin at may sarili pang malaking tv sa harap. May sofa set rin na kulay gray at ang kulay ng lahat ng gamit ay malamig sa mata.“You’re done, right? Anong pang ginagawa mo dito? Umalis ka na,” inis na sambit niya saka bahagyang sumulyap sa akin.Mahina naman akong yumuko saka naglakad na palabas ng kwarto. At hindi pa ako nakakalabas ng tuluyan ang may narinig akong pagbasag kaya gulat akong napatingin.At doon ko nakita ang basong may iced coffee kanina na nasa sahig at basag-basag na at si Sir Armiel at inis na nakahawak sa sintido niya na tila nagpipigil na ng inis pero hindi niya talaga magawang pigilan.“F*ck!” sigaw niya saka siya mabilis na lumabas ng kwarto.“Sir,” mahinang tawag ko pero mabilis na siyang bumaba kaya dahan-dahan rin akong bumaba para kumuha ng gamit sa paglilinis sa nabasag.Maingat kong nilinis iyon at natapos ko naman bago muling pumasok si Sir Armiel. At hindi ko inaasahan ang pagsunod ni Don Frederick na kaagad ngumiti sa akin kaya marahan akong yumuko at bumati.“Yen, you are here? Are you cleaning? Can you leave me and Third alone, first?” marahan na sambit nito.“Tapos na po ako, Don,” magalang na sagot ko.“Come on, Lo. Stop being so softhearted,” sarkastiko na sambit ni Sir Armiel.“Third, you tone. Ito lang ang hindi ko gusto sa mga prinsipyo mo,” striktong sabi ni Don Frederick kaya mabilis na akong umalis doon bago ko pa marinig lahat ng mga pag-uusapan nila.“A maid is a maid. Why would I respect them? We are paying them, right?” Iyon lang ang huling narinig ko. At nakaramdam ako ng lungkot doon. His principles are hard to understand. Well, maybe for me because I am a maid and I am offended. But I am just a maid, so I have no right to get offended.Epilogue “What? You impregnant her again without putting a ring on her finger?” nanliliit ang mga matang tanong sa akin ni Daddy. We just got here in Laveda after our Trip from Russia. At wala pa kaming nasasabihan tungkol sa engagement. But we need to plan as soon as possible. I don’t want her to walk down the aisle with her huge tummy. Natawa ako nang mahina pero hindi ko na siya nasagot dahil natanaw kong bumababa sa hagdanan ang mag-ina ko. Mabilis ko silang sinalubong at binuhat si Tehm na nakasuot na ng panligo. He’ll swim today and we’ll just watch. “Dad, sa baba lang kami,” paalam ko na tinanguan lang naman ni Daddy kaya bumaba na kami sa dalampasigan. “Papa, let’s go!” malakas na sigaw ni Tehm saka tumakbo na patungo sa dagat. I slightly touched Yen’s elbow before following Tehm just to make sure that he’s fine. “Slow down,” paalala ko dahil hindi siya pwedeng mapagod ng husto. Sinenyasan ko ang maraming mga katulong at ibang mga bodyguards na magbantay sa kanya bago bum
Chapter 58 Thank you for making this far! I know that the progress of this story was very slow yet you are still here. Thank you so much! This will be Third’s POV and will also be the last chapter before the epilogue. Thank you! *** Facing a lot of businesses gave me a headache. I am still learning yet there are already a lot of problems that I must solve and I have no choice but to deal with it. But I need to breathe. I need to clear my mind first before I deal with those problems again. The fresh air of Laveda isn’t helping, though. Mas lalo lang akong naiinis. Ang kaunting-kaunti na pasensya ko ay mas lalo pang nababawasan. “Stupid maid,” inis na sambit ko nang umalis ang baguhan na katulong na biglang pumasok. I smirked pissfully. May katulong bang ganoon ang itsura? Marunong ba iyon ng mga gawaing bahay? O baka kaya siya nandito para sa ibang rason? Maybe, using her face for easy money? I immediately feel disgusted by the desperate moves of commoners. “Third, hindi ka
Chapter 57Isang linggo muli ang lumipas at napakiusapan ko si Third para kamustahin ulit si Tita. Pinayagan niya ako pero hindi sila kasama ni Tehm dahil may importante siyang meeting at si Tehm ay sinundo ng Mommy ng Lola niya. Pumunta ako sa lugar kung saan ko huling nakita si Tita na maraming dalang mga bodyguards dahil iyon ang gusto ni Third kaya hindi na ako umangal.May dala akong iilang groceries para ibigay para makatulong kahit kaunti.“Tita, natagalan po akong makabalik kasi may inaayos lang,” sabi ko nang makalapit sa kanila. Ngumiti siya ng marahan saka napatingin sa mga bodyguards na kasama ko kaya bahagya akong nakaramdam ng hiya.“Salamat dito, Yen. Sa kabila ng mga ginawa namin sa’yo ay nagiging mabuti ka pa rin. Patawarin mo sana kami sa lahat-lahat,” sabi ni Tita at marahan naman akong napangiti doon saka tumango ng dahan-dahan.Hindi ako kailanman nagtanim ng galit pero iba talaga kapag nakarinig ng paghingi ng paumanhin.“Wala po iyon, Tita,” nakangiting sabi ko
Chapter 56Tuluyan ko nang naamin sa sarili ko na nandito pa rin si Third sa puso ko. Hindi ko matukoy kung nakalimutan ko na ba siya noon at muli lang akong nahulog ngayon o hindi ako totoong nakalimot at mas lumalim lang ang nararamdaman ko ngayon.Pero hindi nawawala ang takot sa akin. Takot ako sa posibilidad na baka pilit lang akong tinatanggap at pinakikisamahan ni Third dahil may anak kami. Na hindi naman niya nararamdaman ang nararamdaman ko.Sobrang aga nang magising ako kinabukasan at tulog pa ang dalawa kaya walang ingay akong lumabas at dumiretso sa ibaba para magluto ng pagkain. Pero hindi pa ako nakakapag-umpisa nang matanaw ko ang pagsunod ni Third na may antok pa ring mga mata at parang hindi pa nagigising ng tuluyan.“You get up so early,” marahang sambit niya saka ako niyakap mula sa likuran at siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.“Magtatrabaho ka ba ngayon?” tanong ko at hinayaan ko na siya sa ganoong posisyon.“No,” tamad na sagot niya saka ilang beses na sinin
Chapter 55Hindi nawala sa isipan ko ang nakita ko. Hindi ako makapaniwala na sina Tita iyon. Sinabi ko kay Kayla pero natuwa pa siya hindi kagaya ko na nakakaramdam ng awa. Nahihirapan rin ako pero hindi tulad nila na halos namamalimos at walang matirhan.“Karma nila ‘yan. Hayaan mo,” inis na sabi ni Kayla kaya huminga ako ng malalim at hanggang sa gumabi ay dala-dala ko iyon.Paano ko ulit sila makikita?Nakatulog na si Tehm habang ako ay nanatili pa ring mulat. Si Third ay abala sa laptop niya sa kabila pero nang mapansin niyang galaw ako ng galaw ay sinara niya iyon para tingnan ako.“You’re not sleepy yet?” marahang tanong niya saka lumipat siya sa tabi ko ng hindi nagigising si Tehm.“Wala,” mahinang sagot ko pero tuluyan na niyang pinagkasya ang sarili niya sa tabi ko. Sobrang sikip na kinailangan ko pang iusog si Tehm para tuluyan siyang maskasya.“What is it?” muling tanong niya saka nagsimulang patakan ako ng halik sa noo pababa sa ilong.“Sina Tita kasi,” mahinang sambit ko
Chapter 54 Naramdaman ko ang lambot ng kama sa likuran ko at hindi nagtagal ay napaungol ako sa bigat niya nang pumaibabaw siya sa akin. Patuloy pa rin kami sa paghahalikan pero hindi na ako makatugon ng maayos dahil nagsimulang maglakbay ang mga kamay niya sa katawan ko. Napaungol ako ng malakas nang marahang padaanan ng kamay niya ang kabilang dibdib ko. Bumaba ang halik niya patungong leeg ko at ang isang kamay niya ay tuluyan nang natagpuan ang dibdib ko. Mas lalong sumabog ang init ng sensasyon sa buo kong katawan nang dahan-dahang paglaruan ng kamay niya ang dibdib. I moaned so hard. At hindi ko napigilan ang pagkalmot sa likuran niya dahil sa sensasyong umaapaw. “I missed these. These are mine,” bulong niya nang matagpuan ng mga labi niya ang mga dibdib ko. He alternately sucked my breasts and I pulled his hair so much for that. Hindi siya tumigil hangga’t hindi siya nakukuntento. At nang makuntento sa dibdib ko ay dahan-dahang gumapang pababa ang mga labi niya. Napau