ログインHUXLEYNag-uumapaw sa kaligayahan ang puso ko ngayong nakapiling ko ng muli ang babaeng pinakamamahal ko.Nakaunan siya sa aking mga braso habang mahimbing na natutulog matapos ang aming pagniniig.Marahan kong inalis ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang mukha.Hindi ko napigilang mapangiti. Napakaganda niya. At kahit mas matanda siya sa akin ng ilang taon, pero mas bata pa siyang tingnan kesa sa akin.Dahan-dahan kong hinagkan ang kanyang noo."I'm sorry for everything, babe," pabulong kong sabi. "Salamat... dahil hindi ka sumuko sa pagmamahal mo sa akin."Napatingin ako sa kisame habang mahigpit ko siyang niyayakap.Hindi ko maiwasang isipin ang lahat ng nawala sa amin.Ang mga buwang dapat ay magkasama naming sinalubong ang pagbubuntis niya.Ang bawat check-up.Ang unang sipa ng anak namin.Ang unang ultrasound.Ang pagsilang ni Liam.Lahat ng iyon...Hindi ko nasaksihan.At hinding-hindi ko na maibabalik.Napabuntong-hininga ako.Tahimik kong pinunasan ang luha na muli
JENINE"Jenine... Babe." Madamdamin niyang sambit habang mahigpit na nakayakap sa akin.Hindi na namin napigilan ang aking sarili at napahagulgol ako sa dibdib niya."Huxley, nagbalik na nga ang alaala mo." Mahina kong wika sa pagitan ng aking paghikbi. "Salamat at naalala mo na ako, babe.""Yes babe. Naalala ko na lahat, ang tungkol sa ating dalawa, ang mga pangakot natin sa isa't isa, malinaw na ngayon sa isipan ko."Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan, kasabay no'n ay ang pagbuhos ng masaganang luha sa kanyang mga mata.Paulit-ulit niya akong hinahalikan sa noo, sa buhok, at sa magkabilang pisngi habang walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha."I'm sorry..." paulit-ulit niyang bulong."I'm so sorry, babe."Mas lalo akong napaiyak."Huxley..."Mahigpit kong hinawakan ang likod ng kanyang polo, na para bang natatakot akong mawala siyang muli."Please forgive me."Napalunok siya bago marahang lumayo nang kaunti upang makita ang aking mukha.Namumugto ang kanyang mga
JENINEMakalipas ang halos isang oras na biyahe, tuluyan na kaming nakarating sa Tagaytay.Hindi ko man lang napansin ang ganda ng tanawin sa daan. Ang buong isip ko ay nakatuon lamang kay Huxley.Huminto ang van sa harap ng rest house nila ni Marco."Nandito na tayo, anak," mahina kong bulong habang marahang hinahaplos ang malambot na pisngi ng anak ko."Mahimbing pa rin ang kanyang tulog, tila walang kamalay-malay sa lahat ng nangyayari sa paligid namin. Bahagya siyang ngumiti sa kanyang pagkakahimbing kaya hindi ko napigilang mapangiti rin, kahit mabigat pa rin ang dibdib ko."Malapit mo nang makita ang Daddy mo," pagpapatuloy ko habang marahan kong inaayos ang maliit niyang kumot. "Sana magkakasama na tayong tatlo, anak."Napahalik ako sa kanyang noo at napapikit nang mariin."Ma'am Jenine," untag sa akin ni Mabel. "Tayo na sa loob."Marahan akong tumango.Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng lugar. Wala pa rin itong pinag-iba mula noong huli kaming magpunta ni Huxley dito. Itong
JENINEHindi ako nakatulog buong gabi kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko, pero mukha ni Huxley ang lagi kong nakikita. Ngayong araw na 'to nakatakda ang kasal niya kaya sobrang napakabigat sa dibdib. Tumayo ako at lumapit sa crib."Anak, ngayon na ang kasal ng Daddy mo sa ibang babae." Hindi ko mapigilang mapahikbi habang kinakausap ko si Liam.Bigla naman siyang pumalahaw ng iyak kaya dali-dali akong nagpunas ng luha at kinuha siya sa crib. Kakadede pa lang naman niya at bago ko lang pinalitan ang diaper niya."Anak alam kong nalulungkot ka rin, pero may awa ang Diyos sa atin, magiging maayos din ang lahat." Mahina kong sabi sa kanya habang pinapatahan siya.Bumukas naman ang pinto at pumasok si Nanay."Jenine anak..." mahinang sambit niya saka mabilis na lumapit sa amin."Akin na ang apo ko."Mayamaya, tumigil na rin sa pag-iyak si Liam at unti-unting natutulog sa mga bisig ni Nanay. Dahan-dahan niya itong ibinalik sa crib at pagkatapos, umupo siya sa tabi ko sa gilid ng
HUXLEYUnti-unti akong napaupo sa sahig habang hawak ang aking ulo.Pakiramdam ko'y sasabog ito sa dami ng alaalang pilit na bumabalik."Huxley!" muli kong narinig ang boses ni Kuya Harvey. Ngunit hindi ko siya magawang tingnan.Dahil sa isip ko ay parang may pelikulang paulit-ulit na tumatakbo, pero hindi pa gano'n kalinaw."Bro, okay ka lang ba?" tanong ni Kuya."Gusto ko na munang magpahinga Kuya. Sumasakit ang ulo ko."Tumango si Kuya at marahan akong tinapik sa balikat bago lumabas ng kwarto.Kumuha ako ng pain reliever at pagkatapos humiga ako sa kama.Habang nakapikit ako, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga samut saring alaala. Hindi ko na nakayanan pa, masyado ng pagod ang aking utak kaya napapikit ako.********Pasado alas kwatro na ng umaga nang magising ako. Ngunit bigla na namang sumagi sa isipan ko ang mga alaala na kagabi lang hindi malinaw sa akin. Pinilig ko ang aking ulo, hanggang sa unti-unting nagflash sa utak ko ang mukha ng isang babaeng umiiyak."Jenine..."
HUXLEYSa makalawa na ang kasal ko, pero hindi ko alam kung tama bang magpakasal ako sa taong hindi ko kilala.Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Gustuhin ko mang matulog pero ayaw namang mag cooperate ang utak ko."Lord, please bring back my memory. Ito lang ang paraan para mapanatag ang kalooban ko, at nang makapagdesisyon ako ng tama." Mahina kong usal sa sarili saka mariin akong napapikit.Muli na namang sumagi sa isip ko ang mukha ng babaeng ilang beses nang gumugulo sa mga panaginip ko nitong mga nakaraang araw.Isang babaeng umiiyak.Isang babaeng nakangiti.Isang babaeng paulit-ulit na tumatawag sa pangalan ko."Huxley..."Bigla akong napamulat.Kasabay no'n ang mabilis na pagtibok ng puso ko."Jenine..." Bulong ko sa sarili.Bakit parang siya ang nakikita ko sa aking panaginip? Bakit nasasaktan ako kapag naalala ko ang pag-iyak niya at ang pagmamakaawa niyang paniwalaan ko siya."Hindi kita ipinagpalit sa pera."Mariin kong kinuyom ang aking kamao.Bak
JENINEAlas syete pa lamang ng umaga nasa loob na kami ng gym ni Leslie. Konti pa lang ang naroon at wala pa ang mga estudyante ko. Parang excited na ako na makita silang tumuntong ng entablado. Masaya ako dahil 'With Honors' sila at "With High' naman si Huxley. "Besh, excited ka anoh?" tanong sa
HUXLEYMakalipas ang tatlong araw, matagumpay kong nairaos ang final exam. Hindi lang basta pasado—mataas talaga ang nakuha kong scores. Hindi ako nagmamagaling, pero pinaghandaan ko talaga 'yon. Araw-gabi akong nag-review, hindi lang dahil gusto kong pumasa, kundi dahil may gusto akong patunayan.
JENINE Isang linggo ang nakalipas mula noong naging kami ni Huxley. So far wala namang problema. 'Yon nga lang kailangan naming mag-ingat para h'wag mahalata lalo na sa mga kasamahan ko at sa mga iba pang mga estudyante. Masaya naman ako at naintindihan niya ang sitwasyon namin. Pero 'yon na nga,
HUXLEYKahit isang oras lang ang tulog ko pero parang hindi naman ako napapagod. Siguro nga dahil inspired ako. Kami na ni Jenine kaya sobrang happy ako. Ganito pala ang feeling na magkaroon ng girlfriend. At 'yong halik na 'yon, it was definitely my first initiated kiss. Although not my first time







