LOGINMay mga taong dumarating para turuan kang magmahal. May mga taong dumarating para turuan kang masaktan. At may mga taong dumarating sa mismong oras na akala mo ay ayaw mo nang umibig muli. Si Jillian Santos ay minsan nang naniwala sa habang-buhay. Minahal niya si Marco Liwanag nang buong puso, ngunit isang araw, napilitan siyang talikuran ang relasyong akala niya ay hindi na magbabago. Pinili niyang magsimula ulit. Bagong trabaho. Bagong buhay. Bagong siya. Hanggang sa makilala niya si Bryan Chen. Isang lalaking sanay makuha ang lahat ng gusto niya. Mayaman. Makapangyarihan. Matalino. At higit sa lahat, hindi madaling basahin. Hindi niya alam kung bakit sa dami ng taong nakapaligid kay Bryan, siya pa ang napansin nito. At habang unti-unting nagiging espesyal ang bawat pagtatagpo nila, isang bagay ang hindi niya kayang takasan— bumabalik ang nakaraan. Dahil si Marco ay muling pumasok sa buhay niya. Sa pagkakataong ito, hindi na siya basta susuko. May isang lalaking gustong bawiin ang puso niyang minsan nang nasaktan. May isa namang lalaking unti-unting inaangkin ang puso niyang pilit nang pinoprotektahan. At si Jillian? Hindi niya alam kung alin ang mas nakakatakot— ang mahalin muli ang taong minsan nang sumira sa kanya, o ang mahulog sa taong hindi niya kailanman binalak mahalin. Dahil minsan, ang puso ay hindi sumusunod sa kung ano ang tama. At kapag dumating ang araw na kailangan mong pumili, sino ang pipiliin mo—ang pag-ibig na may alaala, o ang pag-ibig na may posibilidad ng bagong simula?
View MoreLumipas ang ilang linggo, at unti-unting bumalik sa normal ang buhay nina Bryan at Jillian. Hindi man agad nawala ang mga alaala ng nangyari, mas naging maayos na ang bawat araw ni Jillian. May mga gabing nagigising pa rin siya dahil sa masasamang panaginip, pero hindi na niya kailangang harapin ang mga iyon nang mag-isa dahil palaging nandoon si Bryan, tahimik na umaalalay at hinahayaan siyang maghilom sa sarili niyang paraan.Mas naging tahimik ang buhay nila pagkatapos ng nangyari kay Marco, at sa katahimikang iyon ay napag-usapan nilang mag-asawa ang isang desisyong matagal na nilang iniisip. Isang gabi, habang mahimbing na natutulog si Ellie sa crib nito, magkatabi silang nakaupo ni Bryan sa sofa. Tahimik ang buong bahay, at tanging mahinang tunog ng air conditioner at maliliit na ingay mula sa kanilang anak ang maririnig.“Sigurado ka na ba?” maingat na tanong ni Bryan habang nakatingin kay Jillian.Sandaling tumingin si Jillian sa anak bago siya bumalik sa asawa. “Sigurado ako.
Matapos suriin ng doktor ang mga sugat ni Jillian, sinabi nitong wala siyang malubhang injury. Nilinis ang sugat sa gilid ng ulo niya at binigyan siya ng gamot para sa pananakit ng katawan. Kailangan lang niyang magpahinga at bantayan ang sarili sa mga susunod na araw dahil sa matinding stress at pagod na pinagdaanan niya.Akala ni Bryan ay iyon na ang huling kailangan nilang gawin bago umuwi, ngunit habang inaayos niya ang mga papeles para sa discharge, biglang nagsalita si Jillian.“Gusto kong makita si Marco bago tayo umuwi.”Napatingin si Bryan sa kanya. Hindi niya inaasahan iyon, lalo na at kakalabas lamang nito sa isang sitwasyong muntik nang magdulot ng mas malala.“Sigurado ka ba?” maingat niyang tanong.Tumango si Jillian. “Kailangan ko lang siyang makita. Pagkatapos noon, gusto ko nang umuwi.”Ilang segundo siyang pinagmasdan ni Bryan bago siya tuluyang pumayag. Ayaw man niyang ilapit muli ang asawa sa taong nanakit dito, alam niyang may dahilan si Jillian kung bakit gusto n
Hindi agad nakita ni Jillian kung sino ang nasa harapan niya.Sobrang liwanag ng headlights kaya halos hindi niya maibuka nang maayos ang kanyang mga mata. Ang tanging nararamdaman niya ay ang malamig na hangin sa paligid at ang bigat ng katawan niyang halos hindi na niya kayang suportahan.Hanggang sa may isang pares ng bisig na mabilis na yumakap sa kanya.Isang jacket ang maingat na ipinalupot sa kanyang katawan upang matakpan ang punit niyang pang-itaas.“Jillian…”Nang marinig niya ang boses, parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.Pamilyar iyon.Pamilyar na pamilyar.Dahan-dahan niyang itinaas ang mukha.Unti-unting nawala ang silaw sa kanyang paningin hanggang sa tuluyan niyang makita ang lalaking nasa harapan niya.Si Bryan.Nanlaki ang mga mata niya.“Bryan…”Halos pabulong lamang ang pangalan nito, ngunit sapat na iyon para tuluyang bumigay ang kanyang emosyon.Mahigpit niyang niyakap ang asawa.“I'm here,” bulong ni Bryan habang hawak siya nang mahigpit. “You'r
Tahimik ang buong silid nang muling bumukas ang pinto.Napalingon si Jillian at agad na nanigas ang katawan nang makita kung sino ang nasa likod nito.Si Marco.Ilang segundo siyang hindi nakagalaw. Kanina lamang ay iniwan siya nito sa loob ng kwarto at isinara ang pinto mula sa labas. Akala niya ay hindi na ito babalik. Akala niya ay kahit papaano ay makakakuha siya ng ilang oras para makapag-isip at makahanap ng paraan upang makatakas.Pero naroon na naman ito.Dahan-dahang isinara ni Marco ang pinto at maingat na ini-lock iyon.Napaatras si Jillian.“Bakit ka bumalik?” tanong niya, pilit na pinatatatag ang boses kahit ramdam niyang nanginginig ang mga daliri niya.Hindi agad sumagot si Marco. Tahimik lamang itong nakatingin sa kanya bago nagsimulang maglakad palapit.“Hindi ako mapakali,” sagot nito. “Gusto kitang makita.”“Marco, huwag kang lalapit.”Hindi nito pinansin ang babala niya.Sa bawat hakbang nito ay lalo namang bumibilis ang tibok ng puso ni Jillian. Napaatras siya han






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews