Share

Chapter 2: Kunsumisyon

last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-09 05:33:37

SA NAKARAAN NIYANG buhay, pinag-isipan niya ang tanong na ito bago siya namatay. Pinagsisihan din dahil huli na nang mahanapan niya ng tamang sagot. Sagot na naging bulag siya kahit isinasampal na iyon..

“Pasensya na po, Madam. Napansin ko lang na mukhang wala kang pa-surprise ngayong taon kay Sir.” kinakabahan ng tawa pa sa kanya ng driver doon.

Bago pa makasagot si Fae ay huminto na ang sasakyan sa harap ng bahay nila ng asawa. Napahamak na sa salaming bintana si Fae na humagod na ang mga mata sa labas ng kotse. Ang villa na iyon ay regalo sa kanila ng mga magulang pagkatapos ng kanilang kasal. Malaki at marangya iyong manor villa, na may 1000 square meter ang sukat. May sariling malaking garden, pool, lanai. Lahat ng amenities na kailangan nila ay naroon na rin. Hindi na nila kailangan pang lumabas para dito.

“Narito na po tayo, Madam.” untag ng driver kay Fae na panandaliang napatulala, parang ayaw bumaba.

Hindi dahil sa trauma kundi dahil sa gulat na ang pamilyar na sasakyan ng asawa niyang si Jago na madalas gamitin ay naroon na. Prenteng naka-park na sa garahe. Bago iyon sa kanyang paningin. Naisip niya na dahil ba bumalik siya sa nakaraan kaya naiba rin ang gawi ni Jago? Imposible iyon. Hindi niya tuloy maiwasang mapatanong na naman sa sarili kung bakit umuwi ng ganun kaaga ang lalaki sa araw na iyon? Dahil anniversary nila? Napaka-imposible iyon.

“Uh, oo nga, Manong. Kitang-kita ng mga mata ko.”

Pinagbuksan siya ng pintuan ng driver ngunit may pag-aalinlangan kay Fae kung bababa na ba siya o may pupuntahan pang lugar para iwasan si Jago. Sariwa pa sa kanyang isipan ang malagim na kanyang sinapit na kagagawan ng asawa; kaya baka kapag nakita niya ito ay kung ano ang magawa niya. Biglang naging masalimuot ang damdamin niya. Minsan na siyang namatay sa kagagawan ng asawa na nasa loob na ng villa nila, ano bang klaseng ekspresyon sa mukha ang dapat niyang isuot kapag nakita niya ang salarin pagkatapos niyang bumalik? Poker face? Normal? Sa tingin niya ay hindi iyon kayang gawin.

“T-Thanks…” nauutal niyang baling pa sa driver.

Buong akala ni Fae ay kamumuhian niya si Jago dahil para lang sa kabit nito, nagawa rin nitong paslangin ang kanyang mga magulang sa nakaraang buhay kung kaya naman abot-abot ang galit niya sa asawa. Kumbaga, lintik lang ang walang ganti. Subalit nang makita niyang muli si Jago, natuklasan niyang hindi niya maramdam ang matinding poot na dala-dala; sa halip ay nakaramdam siya ng labis doong ginhawa.

Bakit?

Binigyan siya ni Jago ng pagkakataon na payapang makipaghiwalay sa kanya at hindi na abutin ang sinapit niya dati. Baguhin ang kanilang kapalaran. Ang kanyang magiging kabayaran umano doon noon ay ilang porsyento ng bahagi ng shares sa kumpanya ni Jago, sapat na iyon sa kanya para mamuhay ng marangya hanggang sa pagtanda niya. Ngunit tumanggi siyang gawin iyon. Inilaban niya ang matagal nilang pagsasama kahit wala namang nangyayari sa kanila. Ayaw niya itong pakawalan. Umatikabo pa ang galit niya dahil sa katotohanang sa tagal nilang nagsasama, magagawa lang palang maagaw ang asawa ng isang pipitsuging babae sa loob lang ng isang taon nilang pagkakakilala. Para kay Fae ay sobrang unfair ng asawa pagdating doon.

Sa ngayon, wala pa sa mga iyon ang nangyayari sa kanilang buhay. Sa halip na kamuhian siya, gusto ni Fae na baguhin ang sarili niyang kapalaran sa dati.

“Bakit nakatayo ka lang diyan, Feli? Wala ka pang planong pumasok?” untag ni Jago na nagtataka na kung bakit nasa may pintuan lang ang asawa niya.

Hindi namalayan ni Fae na nasa may pinto na siya ng villa sa lalim ng kanyang iniisip. Nakatunghay kay Jago na nasa sala noon, prenteng nakaupo. Kaswal na magka-krus ang kanyang mahahabang mga binti. Naupos na ang sigarilyo nito sa pagitan ng kanyang mga daliri. Hindi inaalis kay Fae ang tingin na nilagay na iyon sa ashtray. Gaya ng dati, walang emosyon ng kahit ano ang kanyang mga matang nasa asawa. Medyo kumunot ang noo niya nang makitang iba ang aura ni Fae. Kung paano? Hindi niya ito mapaliwanag.

“May gusto ka bang sabihin sa akin?”

Noong araw ng kanilang kasal, hindi tinangkang itago ni Jago ang tunay nilang relasyon na pinagbuklod lang naman ng kanilang mga magulang dahil sa negosyo. Lumalabas na magka-roommate lang din sila ng babae. Walang nararamdaman sa isa’t-isa, walang pakialamanan ngunit kapag nariyan ang mga magulang at may mahalagang okasyon ay nagpapanggap silang sweet na mag-asawa. Sa kanilang dalawa, si Fae lang ang may totoong pagmamahal na hindi rin ng babae itinago kung kaya naman kampante si Jago na gawin din ang gusto niya.

“Wala, hindi ko lang inaasahan na uuwi ka ng maaga.” sagot ni Fae nang makabawi na ng kanyang reaction.

Yumuko ang babae upang hubarin na ang suot na sapatos at magpalit ng tsinelas pambahay. Sinundan siya ng tingin ni Jago na nagtataka pa rin kung bakit parang may unusual sa galaw ngayon ng asawa niya. Hindi niya ma-explain pero mayroong kakaiba. Hindi niya rin napansin ang paghahanda nito para sa araw na iyon na yearly nitong gawa. Mukhang walang plano ang asawa na kumain sila ng dinner kahit peke. Sa pagtitig pa lang din nito sa kanya na hindi naman nito madalas gawin. Sa totoo lang ay abot-abot na ang kaba ni Fae. Dama niyang pinapanood na siya ni Jago.

“Saan ka ba galing?”

“Sa labas, uminom lang ng kape.” hindi tumitingin na sagot ni Fae. “Saan pa naman ako ibang pupunta?”

Naalala niyang bigla ang babae sa coffee shop. Biglang dumilim ang isipan niya. Binalot na naman ng kakaibang galit ang kanyang puso para kay Jago.

“Ang tagal mo naman yatang uminom ng kape.”

“Nagmuni-muni pa ako, masama bang gawin ko ‘yun? Kung may duda ka na nagsisinungaling ako, bakit hindi mo itanong sa driver na kasa-kasama ko?”

Nangunot na ang noo ni Jago, may mali talaga sa kanyang asawa. Kung sagutin siya nito ng pabalagbag ngayon, hindi iyon ang ugali ng kanyang asawa. Kada pagsasalitaan niya ito ay tatahimik lang ang babae. Ito pa ang madalas na mag-sorry noon sa kanya kahit siya naman ang may pagkukulang at nagawang mali.

“Kaya ka payat eh, inom ka nang inom ng kape. Hindi healthy ang drinks na iyon. Dapat gatas ang iniinom mo. Para lang sa mga taong stress ang kape, Feli…”

Sa litanyang iyon ay lumipad ang paningin ni Fae sa salamin ng sala kung saan hagip ang kabuohan niya. Tama si Jago, payat siya pero hindi dahil sa kape. Dahil iyon sa kunsumisyon niya sa kanyang asawa ng ilang taon niyang pinagtiyagaan na tiisin lamang. Hinagod ng mga mata ni Fae ang kanyang kabuohan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 22.2: At the Bar

    AT NOON, THE banquet began. Lia, Akira, ​​and Fae enjoyed their meal. Jago and the others remained at another table and didn't come over, okay na okay lang iyon kay Fae. After the engagement banquet, agad na bumalik si Akira sa kanyang kompanya para maging workaholic. Lia also received a call from home urging her to return for something. Nahila na si Fae sa isang tabi para makipagkwentuhan sa iba pang mga kakilala niya na naroon at pagkatapos ay nagpaalam na rin kay Maya na aalis na nang magsawa siya. Wala na siyang gagawin doon kundi ang umuwi na lang. Nilinga niya ang paningin, hindi niya mahanap ang asawa kung nasaan. Ipinagkibit na lang niya ng balikat. Baka may mahalaga itong pinuntahan. Bago umalis ay pumunta muna siya sa banyo. Pagkalabas niya, nakita niya agad ang pigura ni Jago na biglang sumulpot hindi kalayuan sa pasilyo, with Odessa standing beside him in her hotel uniform. Naroon lang pala ang asawa.“Kung sakali na kailangan mo ng pera, huwag kang mahihiyang magsabi sa a

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 22.1: Silent Basher

    AN ENGAGEMENT BANQUET is different from a wedding banquet. It's smaller in scale and doesn't have any formal ceremony. It's mainly for inviting relatives, friends, and some important people to eat. The venue has eight round tables, and hotel staff are busy setting them up. A large screen displays celebratory messages about Maya and Kenneth’s engagement with a background of hearts. Punong-puno iyon ng buhay.“OMG! Narito na kayo!” irit ni Maya nang makita silang tatlo, nakahawak ang isang kamay ng babae kay Kenneth na nang makita sila ay mabilis ng hinila ang magiging asawa. “Akala ko hindi kayo pupunta. Ang tagal-tagal niyo naman kasi eh!” “Huwag ka ngang OA, bakit naman kami hindi pupunta aber?” pagtataray pa rin ni Lia na halatang nadala ang mood niya.Maya was dressed in a soft peach gown and with her hair styled in an updo, she looked elegant and beautiful, radiating a pink, blissful glow. Lia couldn't help but sigh. Hindi makapaniwala na mag-aasawa na rin ang isa sa kanyang kaib

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 21.4: Sabay

    THE NIGHT PASSED peacefully. Hindi naman na siya kinulit ni Jago kahit na medyo masakit ang huling sinabi niya. The alarm rang. Fae groggily got up, only to see Jago was already up, dressed in a suit and tie. He might have been a ruthless man, but he was very efficient and disciplined. Ni minsan ay hindi naging late ang lalaki sa mga naging lakad o kaya ay sa meeting. Pahapyaw na sinulyapan siya ni Fae. He had a typical western frame and eastern features. He wasn't just tall, his frame was larger than average, his muscles were strong and muscular, looking slim in clothes but muscular underneath.“Ano pa ang tinitingin-tingin mo sa akin? Bumangon ka na at i-ready mo na ang sarili mo. Hihintayin mo pa bang ma-late tayo?” lingon na ni Jago sa asawa habang inaayos ng lalaki ang kanyang suot na necktie, ilang beses na sinipat ang sarili. Walang imik na bumangon si Fae. She slipped into the dressing room, picked out a white, one-shoulder cocktail dress with a fishtail hem. Matapos na ihand

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 21.3: Lihim na Ngiti

    SA HINUHA NG babae ay malamang binanggit ni Jomar kay Jago ang nangyari sa Body Works last time. Syempre, nasaksihan din ni Jago noong inutusan niyang bumili ng napkin si Stephan kaya malamang ay naghihinala itong kinakalantari niya ang isa sa mga kaibigan niya. Malamang iyon ‘yun. Santiago was a very shrewd man, and any abnormality would arouse his vigilance. Don't be fooled by his young age; when it comes to being cunning, he was no less shrewd than those old foxes who had been in the business world for decades, and perhaps even surpassed them. “Magsusumbong na nga lang, mali-mali naman!” Aminado naman si Fae na medyo close siya ngayon kay Stephan, komportable siya itong kausap pero hanggang doon lang iyon. Sa nakaraang buhay niya, wala silang ibang connection ni Stephan maliban sa kilala niya itong isa sa kaibigan ng napangasawa niya. “Ipaliwanag mo ang sarili mo. Makikinig ako.” “Anong ipapaliwanag ko sa’yo? Gosh, Jago. I’m not even familiar with him!” irap niya ng mga matang

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 21.2: Hinala

    SA MGA SUMUNOD na araw ay naging abala si Fae dahil sinamahan niya si Maya upang pumili ng hotel at pag-usapan ang proseso ng kanilang engagement. Sabi ni Maya, siya lang daw sa kanilang apat na magkakaibigan ang nakapag-asawa na at may kaunting karanasan. Hindi niya napag-ukulan ng pansin si Jago noon na ang alam niya ay hindi umuuwi ng villa.“Anong experience ko ang pinagsasabi mo? Wala nga akong engagement party noon. Diretso na sa wedding. Nakalimutan mo na ba?” pagsasatinig ni Fae sa sinabi ni Maya sa kanya. “Sige na Fae, kita mo namang hindi ko maaasahan si Lia at Akira pagdating dito eh.” Sa bandang huli ay wala pa ‘ring nagawa si Felicity kung hindi ang tulungan ang kaibigan. Pinili nila na ang engagement party ay ganapin sa Uno Hotel. At ang wedding planning team ang siyang magde-design ng naturang lugar. Sinabi rin sa kanila ni Maya na kapag naging matagumpay ang engagement design ay sila na mismo ang kukunin din sa kanyang kasal. “Makakaasa ka sa aming maganda ang kakal

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 21.1: Witness

    LIA’S FIGHTING PROWESS was indeed formidable. If Jomar and Francis adhered to the principle that "men shouldn't hit women," they might have been beaten half to death by her. Masyadong ma-pisikal si Lia kung kaya naman nakakatakot itong makaaway. Fae pulled Lia back. Hindi niya hahayaang magkaroon ng dungis ang kamao ng kaibigan dahil sa kanya.“Lia, a good woman doesn't fight with a man, let's go. Huwag mong sayangin sa kanila ang lakas mo. Huwag kang maton.” “Hmph, Jomar, you just wait and see.” nanlilisik ang mga matang banta nito na halos mabali na ang leeg sa ginagawang paglingon, “Kung mahuli kita ulit, ipapaintindi ko sa iyo bakit maganda ang mga bulaklak na pula.” Lia glared at him.Fae was deeply moved by Lia’s loyalty. She decided to pay for her expenses from then on. Lia loved nightlife but was also very particular about skincare. Pinayuhan niya itong matulog nang maaga at gumising nang late na para sa magandang balat. Iyon umano ang kanyang sekreto na pilyang ikinatawa ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status