Share

Chapter 3: Babaguhing Kapalaran

last update Last Updated: 2025-12-09 07:04:08

HINDI LANG SIYA basta payat. Napakaputla rin ng kanyang balat na pagkakamalan din siyang hindi nasisikatan ng araw mula ng ipanganak. Ibang-iba ang hitsura niya kay Odessa na malaman kahit halatang mas bata sa kanila ang edad. Sariwa ito. Hindi gaya niyang marangya nga ang buhay, lahat ay nasa kanya na ngunit bakit buto at balat ang hitsura.

“Sabi ko naman sa’yo, uminom ka rin ng vitamins. Hindi ka marunong makinig. Iwasan mo na ang mga inuming walang dulot na ayos sa katawan mo. Kung hindi kape, milk tea, soft drinks at kung anu-ano pa.” rant ni Jago na noon lang din ginawa ng asawa niya. “Paano ka magiging healthy sa mga inuming iyon, Feli? Lahat iyon ay walang dulot na maganda sa’yo!”

Hindi pinansin ni Fae ang huling sinabi ni Jago. Ang mga taon ng malungkot nilang pagsasama ang nagdulot noon sa kanya ng maraming problema sa kalusugan at hindi ang mga binanggit nito. Nawalan din siya ng interes sa pagkain ng mga healthy foods na naging malaking factor sa pagbagsak ng timbang. Madalas siyang magpalipas ng gutom dala ng stress, kaya't pumayat siya nang pumayat, hanggang magmukha na siyang kalansay. Hindi iyon alam ni Jago na iniisip ni Fae kung ano ang initial nitong reaction kapag nalaman. Magugulat ba o mas galit pa?

“Jago…” mahina niyang tawag sa pangalan ng lalaki.

“Hmm? May sasabihin ka?”

Sa mga sandaling iyon ay nakatingin na ang asawa sa hawak nitong cellphone. Naagaw ang atensyon nito doon kanina nang mag-vibrate. Buong akala pa naman ni Fae, magkakaroon na sila ng heart to heart talk. Mukhang namaling akala na naman siya dito. Hindi mapigilan ni Fae na pasadahan ng tingin ang asawa. As usual, suot nito ang walang kamatayang tuxedo nang dahil sa uri ng kanyang trabaho. Balingkinitan ang perpekto nitong pigura. Gwapo ang asawa niya kaya hindi na nakakapagtaka na habulin ito ng mga babae noong wala pa itong asawa.

“Maghiwalay na tayo, napapagod na ako sa set up natin na ganito. Matagal-tagal na rin naman—”

Natigil sa kanyang ginagawang pag-e-scroll ng cellphone si Jago. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi niya mapigilan na magpanting na ang tainga.

Siya? Hahamunin ni Fae ng hiwalayan?

Malaking kalokohan!

“Anong sinabi mo?!”

Madilim na agad ang mga tinging pinupukol ni Jago. Malamang, isang malakas na sampal ang sinabi ni Fae sa kanya tungkol sa pakikipaghiwalay. Siya na pinipilahan ng maraming babae, mapangahas na hihiwalayan ng asawa niya? Anong kahibangan iyon?!

“Felicity, anong kalokohan mo ‘yan?!”

Binitawan na ni Jago ang hawak na cellphone. Hindi alintana kung mahalaga man ang binabasa niya doon. Nais ng harapin ang kalokohang sinasabi ng asawa.

“Ano bang problema mo at ganyan ka ngayon umasta? Ibang-iba ka ng ugali. Nasapian ka ba, Feli?”

Nameywang na si Jago na nakatunghay na sa asawa ang dalawang pares ng matang nagliliyab sa galit. Tila naapakan nito ang kanyang pride. Dumalas ang hinga niya mula sa dibdib na parang bulkang sasabog noon.

“Anong dahilan? Bakit hindi ka makasagot? Ako pa ang hahamunin mo? Hindi ako nakikipagbiruan!”

“Seryoso ako, Jago. Nakakapagod ang ganito.”

Umupo nang tuwid si Fae sa may kalayuang sofa, sinalubong ang nagbabagang titig ni Jago sa kanya. Alam niyang magagalit ang asawa sa sinabi niya at lakas-loob na ginagawa niya, pero sabi nga niya ay uunahan na niya si Jago bago maulit ang lahat. Hindi na kailangang hintayin na maulit ang nangyari noon; ang malagim niyang sinapit sa mga kamay nito bago pa siya kumilos. Uunahan na niya ang plano ni Jago.

“Limang taon na rin naman. Matagal-tagal na. Alam ko rin namang hindi mo ako magagawang mahalin. Hayaan na lang natin ang isa't-isa na maging malaya.”

Isang buwan mula sa araw na iyon ay isang malaking conference sa negosyo ang gaganapin sa lungsod at doon makikilala ni Jago si Odessa na nagtatrabaho ng part-time bilang receptionist doon sa paggaganapan. Mai-in-love sa unang tingin si Jago sa babaeng iyon at handang pilitin ang sarili sa kanya na angkinin pa rin siya kahit marami ang masasaktan. Sa loob-loob ni Fae ay hindi siya magiging pabigat at singit sa isang dramatikong kwento ng pag-iibigan nila. Siya na ang kusang maglalayo sa kanyang sarili sa kapahamakan.

“Feli, ano bang meron sa kapeng ininom mo at pumasok iyan sa utak mo? Tigil-tigilan mo nga ako!”

Marahil ay tunay na seryoso ang titig ni Fae na naging dahilan upang agad na dumilim ang mukha ni Jago. Noon pa man ay mainitin na ang ulo niya; kung may ayaw sa kanya, hindi siya magpapakita ng awa o hindi siya manlilimos ng atensyon. Iiwasan na niya.

“Ano bang tingin mo sa akin? Tanga? Mapapaikot mo at mapapapayag sa gusto kapag sinabi mong pagod ka na? Alalahanin mong ikaw ang nagpumilit sa akin na pakasalan ka at hindi naman ako. Tapos ngayon, ikaw pa ang may lakas ng loob na makipaghiwalay?!”

Hindi sumagot si Fae. Inaasahan na niya iyon, sa katunayan may sagot siya dito ngunit ngayong nakikita niya ang reaction ng asawa. Nablangko ang isipan niya at hindi na mahagilap ang mga sasabihin.

“Pinaglalaruan mo ba ako?”

Limang taon na ang nakalilipas, maayos ang relasyon ng kanilang mga pamilya kaya inayos nila ang kasal. Dahil sa personalidad ni Jago na hindi siya magiging ganoon ka-masunurin sa kagustuhan ng magulang. Mariin niyang tinanggihan ang kasal. Paulit-ulit iyon. Dumating ang punto ng pagbabago ni Jago sa desisyon nang magkasakit nang malubha ang lolo nito, kaya naman napilitan siyang pakasalan si Fae.

Isang malaking kahihiyan iyon para kay Jago. Hindi maganda ang unang buwan ng kanilang pagsasama, ngunit di naglaon nakapag-adjust din sila. Unti-unti niyang pinangasiwaan ang negosyo ng pamilya El Gueco. No commitments iyon ang napagkasunduan nila ni Fae, ngunit di inaasahan ni Jago ang hiwalayang mungkahi ng asawa kaya sinong hindi iinit talaga ang ulo sa vow na kanilang binitawan?

Habangbuhay na magsasama hanggang pagtanda.

Good mood pa naman ang lalaking maagang umuwi ng araw na iyon tapos ganito lang ang mangyayari?

“Gusto mo pa bang ituloy ang kasal na ito sa pangalan lang? Hindi mo ba ako narinig? Pagod na ako, Jago…”

“Sa pangalan lamang? Pagod? Sa tingin mo hindi ko rin nararamdaman ang pagod na sinasabi mo? Hindi ko naman ikaw inoobliga na gampanan mo ang pagiging asawa, Feli. Ginamit ko ba ang katawan mo? Hindi naman di ba? Huwag mo akong paandaran!”

Pinanliitan siya ng mga mata ni Jago, iba na ang naiisip na dahilan kung bakit siya nakikipaghiwalay.

“Bakit? Nakahanap ka ba ng ibang lalaki at matapos mong makipaghiwalay ay sasama ka na sa kanya?”

“W-Wala akong lalaki—”

“Ganun naman pala, bakit kailangan natin maghiwalay? Malungkot ba ang mag-isa, Felicity? Ano pang gusto mo? Nakukuha mo ang lahat-lahat.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ria Me
ang hirap nmn gnyan situation ng mag asawa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 22.2: At the Bar

    AT NOON, THE banquet began. Lia, Akira, ​​and Fae enjoyed their meal. Jago and the others remained at another table and didn't come over, okay na okay lang iyon kay Fae. After the engagement banquet, agad na bumalik si Akira sa kanyang kompanya para maging workaholic. Lia also received a call from home urging her to return for something. Nahila na si Fae sa isang tabi para makipagkwentuhan sa iba pang mga kakilala niya na naroon at pagkatapos ay nagpaalam na rin kay Maya na aalis na nang magsawa siya. Wala na siyang gagawin doon kundi ang umuwi na lang. Nilinga niya ang paningin, hindi niya mahanap ang asawa kung nasaan. Ipinagkibit na lang niya ng balikat. Baka may mahalaga itong pinuntahan. Bago umalis ay pumunta muna siya sa banyo. Pagkalabas niya, nakita niya agad ang pigura ni Jago na biglang sumulpot hindi kalayuan sa pasilyo, with Odessa standing beside him in her hotel uniform. Naroon lang pala ang asawa.“Kung sakali na kailangan mo ng pera, huwag kang mahihiyang magsabi sa a

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 22.1: Silent Basher

    AN ENGAGEMENT BANQUET is different from a wedding banquet. It's smaller in scale and doesn't have any formal ceremony. It's mainly for inviting relatives, friends, and some important people to eat. The venue has eight round tables, and hotel staff are busy setting them up. A large screen displays celebratory messages about Maya and Kenneth’s engagement with a background of hearts. Punong-puno iyon ng buhay.“OMG! Narito na kayo!” irit ni Maya nang makita silang tatlo, nakahawak ang isang kamay ng babae kay Kenneth na nang makita sila ay mabilis ng hinila ang magiging asawa. “Akala ko hindi kayo pupunta. Ang tagal-tagal niyo naman kasi eh!” “Huwag ka ngang OA, bakit naman kami hindi pupunta aber?” pagtataray pa rin ni Lia na halatang nadala ang mood niya.Maya was dressed in a soft peach gown and with her hair styled in an updo, she looked elegant and beautiful, radiating a pink, blissful glow. Lia couldn't help but sigh. Hindi makapaniwala na mag-aasawa na rin ang isa sa kanyang kaib

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 21.4: Sabay

    THE NIGHT PASSED peacefully. Hindi naman na siya kinulit ni Jago kahit na medyo masakit ang huling sinabi niya. The alarm rang. Fae groggily got up, only to see Jago was already up, dressed in a suit and tie. He might have been a ruthless man, but he was very efficient and disciplined. Ni minsan ay hindi naging late ang lalaki sa mga naging lakad o kaya ay sa meeting. Pahapyaw na sinulyapan siya ni Fae. He had a typical western frame and eastern features. He wasn't just tall, his frame was larger than average, his muscles were strong and muscular, looking slim in clothes but muscular underneath.“Ano pa ang tinitingin-tingin mo sa akin? Bumangon ka na at i-ready mo na ang sarili mo. Hihintayin mo pa bang ma-late tayo?” lingon na ni Jago sa asawa habang inaayos ng lalaki ang kanyang suot na necktie, ilang beses na sinipat ang sarili. Walang imik na bumangon si Fae. She slipped into the dressing room, picked out a white, one-shoulder cocktail dress with a fishtail hem. Matapos na ihand

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 21.3: Lihim na Ngiti

    SA HINUHA NG babae ay malamang binanggit ni Jomar kay Jago ang nangyari sa Body Works last time. Syempre, nasaksihan din ni Jago noong inutusan niyang bumili ng napkin si Stephan kaya malamang ay naghihinala itong kinakalantari niya ang isa sa mga kaibigan niya. Malamang iyon ‘yun. Santiago was a very shrewd man, and any abnormality would arouse his vigilance. Don't be fooled by his young age; when it comes to being cunning, he was no less shrewd than those old foxes who had been in the business world for decades, and perhaps even surpassed them. “Magsusumbong na nga lang, mali-mali naman!” Aminado naman si Fae na medyo close siya ngayon kay Stephan, komportable siya itong kausap pero hanggang doon lang iyon. Sa nakaraang buhay niya, wala silang ibang connection ni Stephan maliban sa kilala niya itong isa sa kaibigan ng napangasawa niya. “Ipaliwanag mo ang sarili mo. Makikinig ako.” “Anong ipapaliwanag ko sa’yo? Gosh, Jago. I’m not even familiar with him!” irap niya ng mga matang

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 21.2: Hinala

    SA MGA SUMUNOD na araw ay naging abala si Fae dahil sinamahan niya si Maya upang pumili ng hotel at pag-usapan ang proseso ng kanilang engagement. Sabi ni Maya, siya lang daw sa kanilang apat na magkakaibigan ang nakapag-asawa na at may kaunting karanasan. Hindi niya napag-ukulan ng pansin si Jago noon na ang alam niya ay hindi umuuwi ng villa.“Anong experience ko ang pinagsasabi mo? Wala nga akong engagement party noon. Diretso na sa wedding. Nakalimutan mo na ba?” pagsasatinig ni Fae sa sinabi ni Maya sa kanya. “Sige na Fae, kita mo namang hindi ko maaasahan si Lia at Akira pagdating dito eh.” Sa bandang huli ay wala pa ‘ring nagawa si Felicity kung hindi ang tulungan ang kaibigan. Pinili nila na ang engagement party ay ganapin sa Uno Hotel. At ang wedding planning team ang siyang magde-design ng naturang lugar. Sinabi rin sa kanila ni Maya na kapag naging matagumpay ang engagement design ay sila na mismo ang kukunin din sa kanyang kasal. “Makakaasa ka sa aming maganda ang kakal

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 21.1: Witness

    LIA’S FIGHTING PROWESS was indeed formidable. If Jomar and Francis adhered to the principle that "men shouldn't hit women," they might have been beaten half to death by her. Masyadong ma-pisikal si Lia kung kaya naman nakakatakot itong makaaway. Fae pulled Lia back. Hindi niya hahayaang magkaroon ng dungis ang kamao ng kaibigan dahil sa kanya.“Lia, a good woman doesn't fight with a man, let's go. Huwag mong sayangin sa kanila ang lakas mo. Huwag kang maton.” “Hmph, Jomar, you just wait and see.” nanlilisik ang mga matang banta nito na halos mabali na ang leeg sa ginagawang paglingon, “Kung mahuli kita ulit, ipapaintindi ko sa iyo bakit maganda ang mga bulaklak na pula.” Lia glared at him.Fae was deeply moved by Lia’s loyalty. She decided to pay for her expenses from then on. Lia loved nightlife but was also very particular about skincare. Pinayuhan niya itong matulog nang maaga at gumising nang late na para sa magandang balat. Iyon umano ang kanyang sekreto na pilyang ikinatawa ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status