Share

Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO
Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO
Author: Purple Moonlight

Chapter 1: Lason ng Relasyon

last update publish date: 2025-12-09 05:08:50

MAHABA ANG PILA ng mga sasakyan na naipit sa trapiko kung kaya naman maingay ang mga busina nito. Nakakainis tingnan ang usad-pagong na kaganapan sa harapan ni Fae. Dalawang oras ng nakaupo sa isang café na tinatawag na The Gathering Grounds ang babae. Nasa isang upuan siya sa sulok na bahagi nito at nakaharap sa counter. Isang dalagang nakasuot ng maroon na apron ang abala sa paghahanda ng iba't ibang inumin sa bar counter na kanina niya pa panaka-nakang lihim na pinapanood. Matangkad, bilugan ang katawan, maputi ang balat at may pagka-tsinita ang mga mata na kapag ngumingiti ay nawawala. Maliwanag at puno ng pag-asa ang malaki niyang ngiti na parang walang anumang problema. Ang makapal at itim na buhok ay nakatali ng mataas. Lahat ng iyon ay hantad sa paningin ni Fae. Nauunawaan niya si Jago kung bakit.

“Ma’am, gusto niyo pa po ba ng refill?” tanong niya, habang papalapit kay Fae na may masigla pang ngiti.

Ilang segundong nawala sa sarili si Fae, sandaling nabighani sa hitsura ng dalaga. Mabuti na lang at babae rin siya, kung di ay baka napagkamalan na siyang manyakis sa paraan ng pagtitig niya sa babae.

“Sige, isang baso pa ng black coffee.” sagot ni Fae, hindi magawang makatanggi sa alok ng babae.

Hindi nagtagal, dinala ng dalaga ang isa pang tasa ng mapait na black coffee na inorder niya. Kasing pait iyon ng nagtatagong poot sa puso ni Fae. Hindi agad umalis ang babae sa tabi ng kanyang table na parang may nais sabihin, bahagyang nag-atubili ito sandali ngunit kalaunan ay nagawa pa rin niya ang ninanais.

“Ma’am, huwag niyo po sanang masamain ang sasabihin ko pero kanina ko pa po kayo napapansin. Dalawang tasa na po ng black coffee ang naiinom niyo mula noong dumating kayo. Bagama't nakakapresko ito sa pakiramdam pero anumang sobra ay masama sa iyong kalusugan. Hindi sa pagiging pakialamera po ako, pero marami pa naman sigurong pagkakataon na pwede kayong uminom?”

Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Fae na hindi nagawang makita ng babae na ngiting-ngiti pa rin.

‘Wow! Concern siya sa akin?’

Mukhang mabait at palakaibigan naman ang babae. Malambing din ang kanyang boses kaya muli ay naiintindihan niya si Jago. Pahapyaw ni Fae sinulyapan ang nametag ng babae upang kilalanin ito. Wala iyon sa kanyang plano, nais niya lang makita ito.

Odessa.

Sinulyapan ni Faw ang itim na kape sa kanyang mesa, pagkatapos ay kinuha ang kanyang bag at tumayo.

“Alam mo, Odessa, tama ka. Sige, bayaran ko na.”

Natuwa ang babae na nakinig si Fae sa kanyang payo. Tinanggap niya ang ini-abot nitong card upang dalhin sa cashier. Sinundan pa rin siya ng tingin ni Fae. Ilang buntong-hininga ang ginawa niya doon.

“Sabi nga nila, mas mahinhin mas malandi. Nasa ilalim ang kulo. Nakakabulag ang panlabas na anyo.”

Nang bumalik si Odessa sa kanyang table ay nakangiti niyang tinanggap ang card. Tahimik siyang lumabas ng coffee shop. Nagawa pa ngang pagbuksan siya ng pinto ng babae, magalang na nagpaalam dito.

“Please come again, Ma’am.”

Nilingon lang ni Fae si Odessa at kapagdaka ay tumango. Sinalubong na siya ng driver nang makita ang ginawa niyang paglabas ng coffee shop. Tumango pa ito nang may paggalang at binuksan ang pinto ng kotse para sa kanya. Diretso namang pumasok doon si Fae na lingid sa kaalaman niya ay tanaw ni Odessa.

“Saan na po tayo Madam—”

“Umuwi na tayo.”

Nakaupo na sa likod na bahagi ng kotse si Fae. Matapos bitawan ang bag na dala sa kanyang tabi ay sinandal na niya ang likod sa upuan. Ipinikit ng babae ang kanyang mga mata upang magpahinga. Walang pakundangan na malinaw na lumabas ang imahe ng dalaga sa kanyang balintataw mula sa coffee shop.

Bata pa ito, masayahin. Doon ba nahulog ang asawa?

Sariwa rin naman siya, maganda rin, ano ang iba?

Alam ni Fae na siya ang babaeng iyon na pagkalipas ng isang taon na makilala ng asawa niyang si Jago ay makikipaghiwalay ang asawa sa kanya. Ito ang magiging rason ng matindi nilang away. Hindi niya nakakalimutan ang eksenang iyon na bumabagabag sa kanya nang paulit-ulit. Hindi kailanman inakala ni Fae na ang unang gagawin niya matapos niyang bumalik sa nakaraan pagkatapos ng malagim niyang kamatayan ay ang hanapin ang babaeng naging lason sa kanilang relasyon. Hanapin ang kanyang kasalukuyang pinagtatrabahuhan at obserbahan siya. Alamin kung ano ang special sa babaeng iyon at nagawa siyang ipagpalit dito ng kanyang asawa sa papel. Labis pa siyang na-curious kung anong klaseng babae siya upang maagaw ang lalaking minamahal niya sa loob ng mahabang panahon. Gusto niyang ikumpara ang sarili kung ano ang mali.

“Ano bang lamang niya? Wala naman.”

Napatingin ang driver sa rearview mirror upang tingnan kung siya ba ang kinakausap ng amo. Nang makitang nakapikit ito ay nanatili na siyang tahimik.

“Normal. Sa ugali kaya?” muling tanong ni Fae na malalim ng bumuntong-hininga para pagaanin ang nararamdaman na namimigat na naman noon.

Sa nakaraang buhay ni Fae, hindi niya lubusang nakikilala si Odessa; ang pangalan at ilang larawan lang ang nakita niya ng babae. Ganun siya prinotektahan ni Jago sa kanya na para bang isang kayamanan na tanging siya lang ang may alam. Wala siyang kaalam-alam sa kanila. Ngayong nabigyan siya ng isa pang pagkakataon, sisiguraduhin niyang hindi siya magkakamali. Hindi mauulit ang nakaraan nila ni Jago. Hangga't maaari ay siya na ang kusang lalayo.

Bata, maganda, mabait, maalaga at masayahin, lahat ng magagandang ugali na mga ito ay akmang-akma sa dalagang iyon ayon sa kanyang obserbasyon. Ang tanging kahinaan ng babae ay wala siyang mayaman na pinagmulang pamilya, ito ang isang malaking agwat sa katayuan nila sa pagitan ni Odessa at Jago.

“Madam, hindi po ba at ngayon ang anibersaryo ng iyong kasal kay Sir? Wala po kayong ibang gagawin?”

Dahan-dahang iminulat ni Fae ang mga mata, sandali siyang natulala sa rearview mirror ng sasakyan nila. Kung bibilangin niya ay ngayong taon ang ikalimang taon ng kasal niya sa asawa. Bawat taon din ng kanilang anibersaryo ng kasal ay nagiging abala siya buong araw sa paghahanda ng hapunan nilang mag-asawa. Hindi rin niya nakakaligtaan ang regalo niya. Umangat ang sulok ng kanyang bibig sa inis.

“Alam ko,” sagot ni Fae na hinimas ang nananakit na sentido. Dala marahil iyon ng pag-iisip niya ng mga bagay-bagay na nangyari sa kanila at sa bagong pag-adopt ng oras. “Hindi mo na kailangang ipaalala.”

Malamang ay napansin nito na iba ang kilos niya kaysa sa mga nakaraang taon, kaya niya pinapalala iyon. Todo effort kasi siya dati para mapasaya niya ang asawa, na hindi niya rin gagawin sa taong iyon.

Bakit ako lagi ang nagbibigay?

Bakit ko kailangang mahalin ang lalaking iyon at pahalagahan kung hindi niya kayang ibalik sa akin?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 82.2: Blind Date

    AT DAHIL KAILANGAN ng kaibigan ni Felicity ang tulong niya, at wala nga naman siyang ibang gagawin kaya hindi rin siya makatanggi. Matapos magkasundo sa lugar kung saan sila magkikita, tinapos na rin nila ang tawag doon. Sa BGC magaganap ang date. Sa top floor ng isa sa pinakamatayog na building doon kung saan may restaurant na perfect ang view for couples lalo kapag gabi. Tanaw na buong area. “Hindi ko kailangang sobrang magpaganda, hindi naman ako ang may blind date, si Akira.” That evening, Felicity arrived as agreed. Akira was waiting for her in a business suit, her makeup as light as water, showing how dismissive she was of this blind date. Felicity knew she'd do this, so she dressed very simply and went out without makeup. Mahirap na, baka siya pa ang mapagkamalang blind date e. Akira blind date was name Simeon, pangalawang anak ito. He was mixed-race, his mother was Italian, but Felicity heard he didn't inherit his mother's beauty and was quite average-looking. He didn't usu

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 82.1: Kind Citizen

    LOST IN THOUGHT, natagpuan na lang ni Fae ang kanyang sarili na nagmamaneho na patungo sa chemical plant na pag-aari ng mga El Gueco. The project was underway there. The small building where Odessa’s family used to live was now razed to the ground, with a few excavators parked on top. Nagbago na ang lahat sa loob lang ng dalawang taon at hindi napigilan ni Fae ang mapabuntong-hininga na.“Noon, masaya ang pamilya nilang naninirahan dito. Masyado lang silang nabulag. Kung marunong sana si Odessa na makuntento, baka ‘di ito nangyari sa kanila.”Just as Fae was about to leave, a group of people walked towards the construction site. The man leading them wore a brightly colored jacket, had a shaved head, and dressed like a seventeen or eighteen-year-old when he was in his forties or fifties. His face was burly and menacing, and he was followed by a group of thugs. They clearly had bad intentions there.Tiningnan ni Felicity ang oras. Pasado alas-

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 81.4: Odessa's Disappearance

    MARAHANG NAPAKURAP NA si Fae ng kanyang mga mata na tila nag-hang ang utak ng ilang sandali pa. Bakas sa mukha niya ang gulat sa sinabing iyon ni Francis na para sa kanya ay matagal ng balewala at kinalimutan niya. Ganun pa man ay ayos na rin iyon, at least alam ni Francis na nagkamali rin siya.“Ayos na ako, Francis. Sana ikaw rin. Nakaraan na iyon at hindi na kailangan pang ating balikan. Wala na lang din sa akin iyon ngayon.”The main reason was that Francis' misunderstanding hadn't affected Felicity much. Francis hadn't interfered, and apart from the words he said at the time, which made Fae feel a little uncomfortable, nothing else really bothered her.  Kaya para kay Felicity ay maliit na bagay lang ang kasalanan din nito.“Thank you. Dapat matagal na akong humingi ng tawad sa iyo, pero nahihiya ako. Nahihiya ako sa mga salitang binitawan ko. Kumampi ako sa mali. Masyado akong naging bulag. At ngayong araw, nakita ko na magandang opport

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 81.3: Francis Apology

    MALUTONG ANG NAGING hagalpak ng tawa ni Maya, tiningnan na niya si Felicity sa mukha na biglang namula na ang mga pisngi. Hindi man aminin ni Fae, alam niya na may epekto pa ang pang-aasar na ng mga kaibigan.“Bakit? Kaya nga may tinatawag na second chance. Malay naman natin this time, tuluyan ng magbago si Jago. Kita mo ngang in two years, walang babaeng na-link sa kanya Fae. Tapos panay tulong pa niya. Alam mo ‘yun? Para siyang naging ibang tao. Para siyang ipinanganak muli at bumabawi sa mga mali.”Napakurap ng kanyang mga mata si Felicity. Biglang kinabahan sa huling sinabi ni Maya. “Asus, hindi ako sang-ayon Maya.” si Lia iyon na halatang ayaw na talaga kay Jago, “Kung ako si Fae, si Stephan ang pipiliin ko—”“Kaso di ka naman si Fae, si Lia ka. Huwag mo ng guluhin ang isip ni Fae. Alam ng puso niya ang sagot. Saka ikaw, kapag narinig ka ni Jomar tingnan mo. Mag-aaway talaga kayo.”“At bakit naman kami mag-a

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 81.2: Love Triangle

    TIG-ISANG KINUHA AT binuhat na ang mga bata nina Jomar at Lia upang ipakilala na sila sa kanilang bagong Tita na si Felicity na naroon.“Hi!” excited na kaway ni Fae sa mukha ng dalawang bata. Lumapit pa siya para mas makita siya nila. “Anong mga pangalan niyo?” Hindi maikakaila ang dumaang lungkot sa mga matahm habang nakatitig sa dalawang bata. Saglit lang naman iyon dahil agad itong naitaboy ni Fae paalis ng mukha niya. Kung natuloy kasi ang pagbubuntis niya, malamang hindi nalalayo ang laki ng baby niya sa kanila. Nanganak na rin sana siya. Nakakarga at nayayakap na rin niya iyon. Kaso, nawala ito sa kanya dahil lang sa demonyetang si Odessa.“Ito si Lily.” “At ito naman si Corbin.” “Hi Lily, hello Corbin!” Sobrang laki ng ngiti ni Fae sa dalawang bata na para bang ina rin siya ng mga ito. Hindi niya tuloy mapigilan na maging emosyonal. “Give niyo ng kiss at hug ang Tita Felici

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 81.1: The Twins

    BINANGGIT NI LIA ang address ng kanilang bahay kung nasaan na sila nakatira ngayon. “Baka mamaya niyan maligaw ka pa.” “Oo na, gagamit na lang ako ng waze—” “Ay hindi, susunduin na lang pala kita. Hindi ako tiwala diyan sa waze na sinasabi mo, Girl.” Just then, Felicity heard a child crying on the other end of the line. Napangiti si Fae ngunit may kirot ang puso niya sa tunog ng iyak ng baby. Walang paalam na biglang sumigaw si Lia mula sa kabilang linya na halos ay ikabingi.“Jomar, watch your kids! Ano bang ginagawa mo? Nasaan ka ba? May kausap naman ako!” Natawa si Felicity, ang bossy pa rin ni Lia dito. “Wait lang—”“Anong wait? Ngayon na!”Pagkatapos noon ay naputol na bigla ang tawag ng kaibigan. Sa palagay ni Fae, sinugod na ng kaibigan ang asawa dahil sa sagot nito. “They probably have a happy family right now with their twins.” b

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 39.1: Stephan, the Virgin

    AS EXPECTED, JOMAR’S good brother took the initiative to draw the fire. Duwag kasi lagi ito.“Oo nga naman, Lia. Ngayon pa lang naman tayo magkakasama-sama ng ganito. Huwag mong sirain ang momentum. Palampasin mo na. Plano ko pa namang maglaro ng truth or dare. Sali na lang kayo sa amin, hmm? Pleas

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 38.1: Hiram

    HINDI MAPIGILAN NI Fae ang sarili kundi ang mapaisip nang mga sandaling iyon. Hindi ba nagkaroon man lang ng love at first sight si Stephan kay Odessa? Why did he seem like such an uncultured straight man? Napaka-imposible kasi noon eh. Sa nakaraang buhay niya, hibang na hibang ang lalaki dito. Pa

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 37.2: Huli sa Akto

    NAPAIGIK NA SI Fae sa nakita niyang reaction ni Stephan na hindi na maipinta.“How did you know my inspiration came from melodramatic dramas?” “Saan pala galing ang idea mong iyon kung hindi doon? Gagawin mo pa akong masama sa propesyon ko.” Hindi na muling nagsalita si Fae. “Pwede kang humingi

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 37.1: Felicity Scheme

    SA HALIP NA magalit ang ina na pinalabas niya ang isyu ng kanilang pamilya, ngumiti lang ito kay Lia. “Salamat, hija. Isa kang tapat na kaibigan nitong si Fae…”“Walang anuman, Tita. I love precisely targeting mistresses! Kung pwede lang silang balatan ng buhay eh!” As soon as she finished speaki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status