공유

Chapter 4: Back up Gang

last update 최신 업데이트: 2025-12-09 07:26:44

KINAIN NI JAGO ang distansyang nakapagitan sa kanila. Napapiksi si Fae nang makitang gawin iyon ng asawa. Kabado na siya. Takot sa maaring gawin nito.

“May iba ka pa bang nais na makuha? Ang katawan ko? Hindi mo ba pinagnanasahan at hihilingin ha?”

Inihawak na ni Jago ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ng inuupuang sofa ni Fae. Sa lapit nila sa isa’t-isa ay para na siya nitong niyayakap doon. Nahigit ni Fae ng ilang beses ang hinga. Natatakot na baka may amoy pa iyon ng kape. Panandalian lang iyon. Dahil ilang saglit pa, muling lumaban si Felicity nang titigan ang babae na nagngangalit ang ngipin.

“Hindi ba at iyon na lang naman ang kulang?”

Kung noon iyon ginawa ni Jago sa kanya, malamang abot-langit na ang kilig ni Fae sa lapit. Subalit hindi, puno ng pagkasuklam ang nararamdaman niya ngayon. Marahil dati ay nahiling niyang sana ay mahalin din siya ng lalaki. Bigyan ng pansin, ngunit hindi nangyari ito hanggang sa panabangan na siya.

“Jago…”

“Yes, Felicity? Anong sagot mo? Hmm?”

Gaya ng sabi ni Fae, dapat kinikilig na siya ngunit hindi. Pakiramdam niya ay sakal na sakal na siya dito. Iyonh hinga nitong mainit na dapat kiliti ang hatid ay iba ang kanyang nararamdaman. Pagkapoot na iyon.

“Mali ka, hindi tungkol doon—”

Sinubukan ng babaeng magpaliwanag. Sanay na siyang mag-isa, matagal din ang limang taong iyon. Anong tingin nito sa kanya, patuloy magpapakasira?

“Hindi kita gusto. Wala akong pagtingin sa’yo. Gaya mo. Huwag mo sanang isipin na patay na patay ako.”

Parang may spring ang mga paang napaayos ng tayo si Jago na nilayo na ang katawan. Understandable ‘yun para kay Fae. Wala naman talaga itong gusto sa kanya at hindi rin interesado kung kaya naman hindi siya nito maloloko. Hindi siya madadala sa paglapit-lapit nito at mabulaklak na mga salita doon.

“Felicity, alam kong ika-limang anibersaryo ng kasal natin ngayon, pero wala akong interes na ipagdiwang ito kasama ka. Kung sinusubukan mong gamitin ito para makipaghiwalay sa akin, ipinapayo ko sa iyo na huwag ka ng mag-abala. Masasayang ang effort mo.”

Tumayo si Jago ng tuwid sa harap ni Fae, nakatingin na ng mataman sa asawang babaeng nakatingin din.

“Anniversary na kailanman ay hindi pa natin nagagawang ipagdiwang noon, tama na, Fae, hmm?”

Hindi nagpatalo doon Fae na biglang tumayo na rin ng ayos. Nakipagtagisan pa siya ng titigian kay Jago.

“Pag-isipan mong mabuti ang request ko. Maniwala ka, pasasalamatan mo rin ako ng dahil dito. Tapos na rin naman ang kapakinabangan ko sa iyo. Mas kailangan mo ang kalayaang ito kaysa sa akin, Jago.”

Pagkatapos sabihin iyon, tumalikod na si Fae at umakyat sa kwarto nang hindi lumilingon. Ayaw na niyang magsalita pa. Narinig niya ang pagsara ng pinto sa ibaba, kasunod ang tunog ng makina ng kotse sa labas ng bintana. Masyadong tahimik ang paligid kung kaya dinig na dinig niya iyon. Alam niyang nakaalis na si Jago, pero sa pagkakataong ito ay nakaramdam siya ng kakaibang katahimikan. Katahimikan na unti-unting nanunuot sa buto niya.

“Siya na nga ang ginagawan ko ng pabor, bakit parang ako pa ang mayroong malaking kasalanan? Ayaw niyang maging malaya? Tsk, kalokohan niya.”

Nilingon na niya ang bag na dala kung nasaan ang cellphone. Walang patid ang vibrate noon, sign na may tumatawag. Pasalampak siyang naupo sa kama. Hinahilap ang bag at ng makitang ang kaibigan niya ang tumatawag sa kanya, inayos na niya ang mukha.

“Fae, samahan mo naman kami. Labas tayo!”

Agad na napawi ng malakas na boses ni Lia ang kalungkutan ni Fae. Kaedad lang niya ang kaibigan ngunit wala pa itong asawa. Ini-enjoy pa ang buhay single. Pagkatapos ikasal ni Fae ay bihira na siyang lumabas o gumala. Siyam sa sampung imbitasyon mula sa kaibigan ang kaya niyang tanggihan, kahit na mapilit ito. Pinangako niya sa sariling magbe-behave. Magiging mabuting asawa noon kay Jago, noon iyon.

“Sige!” agad niyang pagsang-ayon, kaya't isang mahabang katahimikan ang bumalot sa pagitan nila.

“Fae, hindi ka nagbibiro? Puampayag ka? Ngayong araw din ang anibersaryo ng kasal niyo ni Jago hindi ba? Sigurado ka bang mas gusto mong lumabas?”

Sa wakas ay nagsalita muli si Lia matapos ang ilang segundong katahimikan. Puno ng pagdududa ang kanyang tono na para bang nabibigla lang si Fae. Sabagay, normal na reaction lang iyon ng kaibigan ng babae na sa loob ng apat na magkakasunod na taon, ginamit niya ang anibersaryo ng kanilang kasal bilang dahilan para paulit-ulit tanggihan noon si Lia.

“Oo nga, ang anibersaryo ng kasal namin ay naging anibersaryo rin ng aking kamatayan.”

“Ha? Anong pinagsasabi mo, Fae?”

“Wala, sabi ko ay pupunta ako. Magkita tayo. Akala ko ba gusto niyo akong makasama? Nagtanong ka pa!”

Pinanindigan ni Fae ang nauna niyang sinabi at ibinaba na ang tawag. Tinungo niya na ang walk in closet. Pagbukas niya doon ay nakita niya ang isang dagat ng puti, itim, at kulay abo ng mga damit; kahit ang asul ay isang medyo bihirang kulay na makikita dito. Sa likod ng bawat luxury brand na mga damit na may iba't ibang magagandang design na naroon ay makikita ang karangyaan ng pamumuhay ng babae.

“Alin kaya ang isusuot ko?”

Pagkatapos ng sampung minutong paghahanap at pamimili ng damit, sa wakas ay napili ni Fae ang isang itim na halter-neck na damit na hindi masyadong malungkot kung titingnan. May malalim na V-neck na halos umabot sa kanyang pusod. Ang pagkahapit nito bandang beywang ay lalong nagpatingkad sa kanyang balingkinitan na pigura. Hindi lang iyon ang nakalantad, halos walang takip ang kanyang likod. Naalala niya ang damit na ito; binili niya iyon noon para akitin sana si Jago. Mahinang natawa si Fae na naalala ang bagay na iyon ng katangahan niya. Muli niyang sinipat ang kabuohan ng katawan sa whole body na salamin.

“Perfect! Sukat na sukat sa akin.”

Ang tanging hindi niya lang ikinatuwa noon ay ang hindi gaanong kalakihan niyang dibdib, hindi ito kapantay ng kaakit-akit na alindog ng suot na damit.

“Noong mataba ako, malusog din siya. Sign na yata ito na kailangan ko ng ibalik ang dati kong katawan.”

Pagkatapos magpalit at mag-makeup, pumunta na siya sa garahe. Namili siya kung aling sasakyan ang dadalhin, sa huli ay kinuha niya ay ang pulang Porsche. Hindi niya kailangan ng driver. Sa isang night club sa lungsod ang kanilang usapang tagpuan ng kaibigang si Lia. Pagkatapos mag-park, walang imik na pumasok na siya sa loob. Doon niya nakita ang kaibigan at ang iba pa nitong mga kasama sa napagkasunduang bar.

Noong nasa unibersidad pa siya, sila nina Lia, Akira at Maya ang pinakasikat sa department nila pagdating sa ganda. Inakala pa ng lahat na porket talented din sila ay makakamit nila ang magagandang bagay pagkatapos ng kanilang graduation. Pero nag-asawa si Fae nang bata pa, si Lia naman ay naging reyna ng nightclub, si Akira ngayon ay isang deputy manager sa kumpanya ng kanyang pamilya, at si Maya na lang ang nananatili sa kanyang mga prinsipyo. Sumasali ito sa mga kompetisyon na may kinalaman sa musika kahit saan, at nangangakong magiging isang sikat na mang-aawit. Ganun ang naging buhay nilang magkakaibigan.

“Kulay puti ba ngayon ang uwak?” sigaw agad ni Lia na tuwang-tuwa, sabay talon pababa mula sa kanyang mataas na upuan para yakapin ang bagong dating na kaibigan na parang sumasalubong sa isang mataas na opisyal. “Narito nga si Fae, oh! Sinipot niya tayo girls!”

이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Ria Me
wow mukhang maganda ang story
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 22.2: At the Bar

    AT NOON, THE banquet began. Lia, Akira, ​​and Fae enjoyed their meal. Jago and the others remained at another table and didn't come over, okay na okay lang iyon kay Fae. After the engagement banquet, agad na bumalik si Akira sa kanyang kompanya para maging workaholic. Lia also received a call from home urging her to return for something. Nahila na si Fae sa isang tabi para makipagkwentuhan sa iba pang mga kakilala niya na naroon at pagkatapos ay nagpaalam na rin kay Maya na aalis na nang magsawa siya. Wala na siyang gagawin doon kundi ang umuwi na lang. Nilinga niya ang paningin, hindi niya mahanap ang asawa kung nasaan. Ipinagkibit na lang niya ng balikat. Baka may mahalaga itong pinuntahan. Bago umalis ay pumunta muna siya sa banyo. Pagkalabas niya, nakita niya agad ang pigura ni Jago na biglang sumulpot hindi kalayuan sa pasilyo, with Odessa standing beside him in her hotel uniform. Naroon lang pala ang asawa.“Kung sakali na kailangan mo ng pera, huwag kang mahihiyang magsabi sa a

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 22.1: Silent Basher

    AN ENGAGEMENT BANQUET is different from a wedding banquet. It's smaller in scale and doesn't have any formal ceremony. It's mainly for inviting relatives, friends, and some important people to eat. The venue has eight round tables, and hotel staff are busy setting them up. A large screen displays celebratory messages about Maya and Kenneth’s engagement with a background of hearts. Punong-puno iyon ng buhay.“OMG! Narito na kayo!” irit ni Maya nang makita silang tatlo, nakahawak ang isang kamay ng babae kay Kenneth na nang makita sila ay mabilis ng hinila ang magiging asawa. “Akala ko hindi kayo pupunta. Ang tagal-tagal niyo naman kasi eh!” “Huwag ka ngang OA, bakit naman kami hindi pupunta aber?” pagtataray pa rin ni Lia na halatang nadala ang mood niya.Maya was dressed in a soft peach gown and with her hair styled in an updo, she looked elegant and beautiful, radiating a pink, blissful glow. Lia couldn't help but sigh. Hindi makapaniwala na mag-aasawa na rin ang isa sa kanyang kaib

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 21.4: Sabay

    THE NIGHT PASSED peacefully. Hindi naman na siya kinulit ni Jago kahit na medyo masakit ang huling sinabi niya. The alarm rang. Fae groggily got up, only to see Jago was already up, dressed in a suit and tie. He might have been a ruthless man, but he was very efficient and disciplined. Ni minsan ay hindi naging late ang lalaki sa mga naging lakad o kaya ay sa meeting. Pahapyaw na sinulyapan siya ni Fae. He had a typical western frame and eastern features. He wasn't just tall, his frame was larger than average, his muscles were strong and muscular, looking slim in clothes but muscular underneath.“Ano pa ang tinitingin-tingin mo sa akin? Bumangon ka na at i-ready mo na ang sarili mo. Hihintayin mo pa bang ma-late tayo?” lingon na ni Jago sa asawa habang inaayos ng lalaki ang kanyang suot na necktie, ilang beses na sinipat ang sarili. Walang imik na bumangon si Fae. She slipped into the dressing room, picked out a white, one-shoulder cocktail dress with a fishtail hem. Matapos na ihand

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 21.3: Lihim na Ngiti

    SA HINUHA NG babae ay malamang binanggit ni Jomar kay Jago ang nangyari sa Body Works last time. Syempre, nasaksihan din ni Jago noong inutusan niyang bumili ng napkin si Stephan kaya malamang ay naghihinala itong kinakalantari niya ang isa sa mga kaibigan niya. Malamang iyon ‘yun. Santiago was a very shrewd man, and any abnormality would arouse his vigilance. Don't be fooled by his young age; when it comes to being cunning, he was no less shrewd than those old foxes who had been in the business world for decades, and perhaps even surpassed them. “Magsusumbong na nga lang, mali-mali naman!” Aminado naman si Fae na medyo close siya ngayon kay Stephan, komportable siya itong kausap pero hanggang doon lang iyon. Sa nakaraang buhay niya, wala silang ibang connection ni Stephan maliban sa kilala niya itong isa sa kaibigan ng napangasawa niya. “Ipaliwanag mo ang sarili mo. Makikinig ako.” “Anong ipapaliwanag ko sa’yo? Gosh, Jago. I’m not even familiar with him!” irap niya ng mga matang

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 21.2: Hinala

    SA MGA SUMUNOD na araw ay naging abala si Fae dahil sinamahan niya si Maya upang pumili ng hotel at pag-usapan ang proseso ng kanilang engagement. Sabi ni Maya, siya lang daw sa kanilang apat na magkakaibigan ang nakapag-asawa na at may kaunting karanasan. Hindi niya napag-ukulan ng pansin si Jago noon na ang alam niya ay hindi umuuwi ng villa.“Anong experience ko ang pinagsasabi mo? Wala nga akong engagement party noon. Diretso na sa wedding. Nakalimutan mo na ba?” pagsasatinig ni Fae sa sinabi ni Maya sa kanya. “Sige na Fae, kita mo namang hindi ko maaasahan si Lia at Akira pagdating dito eh.” Sa bandang huli ay wala pa ‘ring nagawa si Felicity kung hindi ang tulungan ang kaibigan. Pinili nila na ang engagement party ay ganapin sa Uno Hotel. At ang wedding planning team ang siyang magde-design ng naturang lugar. Sinabi rin sa kanila ni Maya na kapag naging matagumpay ang engagement design ay sila na mismo ang kukunin din sa kanyang kasal. “Makakaasa ka sa aming maganda ang kakal

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 21.1: Witness

    LIA’S FIGHTING PROWESS was indeed formidable. If Jomar and Francis adhered to the principle that "men shouldn't hit women," they might have been beaten half to death by her. Masyadong ma-pisikal si Lia kung kaya naman nakakatakot itong makaaway. Fae pulled Lia back. Hindi niya hahayaang magkaroon ng dungis ang kamao ng kaibigan dahil sa kanya.“Lia, a good woman doesn't fight with a man, let's go. Huwag mong sayangin sa kanila ang lakas mo. Huwag kang maton.” “Hmph, Jomar, you just wait and see.” nanlilisik ang mga matang banta nito na halos mabali na ang leeg sa ginagawang paglingon, “Kung mahuli kita ulit, ipapaintindi ko sa iyo bakit maganda ang mga bulaklak na pula.” Lia glared at him.Fae was deeply moved by Lia’s loyalty. She decided to pay for her expenses from then on. Lia loved nightlife but was also very particular about skincare. Pinayuhan niya itong matulog nang maaga at gumising nang late na para sa magandang balat. Iyon umano ang kanyang sekreto na pilyang ikinatawa ni

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status