MasukTUMANGO LANG NAMAN ang dalawa nilang kasama pa bilang pagsang-ayon, nakangisi na noon nang malaki. Nauunawaan iyon ni Fae dahil halos nawala na siya sa ganitong gathering nila pagkatapos ng kanyang kasal. Ano pa bang ipagtataka niya sa opinyon ng mga kaibigan? Para kay Jago, tinalikuran niya na ang kanyang social circle para lang sa gago.
“At dahil diyan, kailangan mong uminom ng welcome shot!” si Maya na inabot na ang cocktail drinks nito. Walang gatol na tinanggap iyon ni Fae, nilagok hanggang sa tuluyang maubos. Namilog ang mata ng tatlong kaibigan na nakasaksi sa pagiging uhaw niya. “Ayon! Wala pa ‘ring kupas ang isang Felicity Gambello.” korong saad nila na pumalakpak pa. “Fae, kung hindi ka sumipot sa pagkakataong ito, iniisip ko kung dumalo ba ako sa kasal mo o sa libing mo limang taon na ang nakalilipas.” lambing ni Akira. “Oo nga, kahit ako nagulat. Wala ka bang pa-candle light dinner ngayon kasama ang asawa mo ha? Anniversary niyo at iyon ang laging senaryo niyo.” si Lia na may mausisang mga matang nakatunghay pa. “Wala—” “Aba isa na namang himala!” si Maya na hinila na si Fae upang makaupo na sa kanilang table tabi, sumalo. “Huhulaan ko, nagsawa ka na? Sabi sa’yo eh, sa una lang masaya ang pag-aasawa.” himok muli ni Lia. Sinubukan ni Lia na tingnang mabuti ang kanyang mga mata. Hindi pa nakuntento doon ang kaibigan na hinawakan pa iyon upang mas suriin ng malapit. Pinalo na ni Fae ang kamay ni Lia at Akira na kung makabukas ng kanyang mga mata animo wallet lang upang kumuha ng pera. Natawa na doon si Maya. “Tanggalin niyo nga ang kamay niyo, masisira ang false eyelashes ko ano ba ‘yan?! Pinaghirapan ko eh!” Napuno pa ng malakas na tawanan ang table nila. “Gagi, ano bang hinahanap niyong dalawa sa mata ni Fae? Kung makabukas kayo parang wallet lang ah.” ‘di pa rin maka-move on dito sa tawang tanong ni Maya. Sa kanyang nakaraang buhay, ang pamilya niya ay winasak ni Jago na nahuhumaling sa pag-ibig noon kay Odessa. Ang tatlong kaibigan ang tumulong sa kanya upang bumangon at huwag bumigay ang katawan. Doon niya napatunayan na tunay nga silang mga kaibigan. Hindi lang sa mga panahong maganda ang sikat ng araw, maging sa tag-ulan ng problema ay naroon din sila. Hinding-hindi malilimutan ni Fae ang katapatan nila. Kaya naman binanggit ng babae sa kanila na gusto niyang hiwalayan si Jago. Hindi na niya iyon inilihim pa. Maliban na lang sa katotohanang muli siyang bumalik sa nakaraan. Pinanatili ni Fae na lihim iyon at sarili lang may alam. “Tama lang iyan, kung hindi ka na masaya bakit magtatagal ka pa? Pilitin mong palayain ang sarili. Tayong mga babae, hindi natin kailangang magtiis.” si Maya na para bang relate na relate sa mga sinasabi. “Oo nga, kung alam mo namang hindi ka niya kayang suklian ng pagmamahal na binibigay mo anupa’t magtitiis ka? Go, Felicity! Nasa likod mo lang kami.” si Akira na marahang hinagod pa ang bukas na likod ni Fae, napangisi na ang babaeng noon lang ito napuna. “Ang wild ha? Burles queen ka ba ngayong gabi, Fae?” “How about you, Lia? Anong masasabi mo?” Bumaling na ang tatlo sa kanya na tahimik umiinom. “Cheers!” taas nito sa kanyang hawak na baso, walang masabi dahil nasabi na ng mga kasama nila lahat. “Ipagdiwang na natin ngayon pa lang ang tagumpay mong makaalis sa puder ng asawa mo. Uminom tayo hanggang sa maubos ang ating ulirat ngayong gabi!” “Cheers!” sabay-sabay nilang taas ng baso. Ngayon pa lang ay nakikita na ni Fae ang sarili pagkatapos hiwalayan si Jago, ang kalayaang tahakin ang daan patungo sa panibagong buhay na hindi kasama ang lalaki. Iiwan niya ng tahimik ang trahedya ng nakaraan niyang buhay at aayusin ang sarili. Kung kinakailangang maging matandang dalaga siya, gagawin niya upang hindi lang mapahamak. O kung kaya naman ay gumamit ng ibang lalaki. At sisiguraduhin niya iyong mangyayari. Walang makakadlang dahil ayaw na niyang maulit ang nangyari sa nakaraan. Hindi na siya magiging maramot para sa kanyang sarili. Pagbibigyan niya itong huminga at lumaya. Gawin ang lahat na ng nais. “Para sa pakikipaghiwalay ni Fae!” “Cheers!” “Para sa panibagong buhay!” “Cheers!” Pagkatapos ng ilang baso ng cocktail ay medyo nalasing na ang apat na babae. Mabilis na lumakas na rin ang loob ng apat na magkakaibigan. Tinapik ni Maya ang isang balikat ni Fae upang kausapin ito. “Pagmasdan mo ang paligid, may mga gwapo ba na gusto mo? Huwag kang matakot, sige lang lumandi ka. Ako ang bahalang pagkilalanin kayo. Ako ang magiging cupid niyo. Lagi na lang gumagawa ng mga eskandalo si Jago, hindi tayo sa kanya magpapatalo!” Napabuntong-hininga si Fae, ininspeksyon na ang paligid ng nanlalabo niyang mga mata. Dumapo ang mga mata niya sa isang matangkad at payat na pigura hindi kalayuan. Base sa kanyang pananamit, mukhang bata pa siya sa kanila. Isang estudyante sa kolehiyo? Hindi niya matukoy kung tama ang hula. Sinundan ni Maya ang tinitingnan niya at napangiti. “Kung makakahanap si Jago ng babaeng estudyante sa kolehiyo, makakahanap ka din ng lalaki. Patas na kayo.” patuloy ni Maya habang abala si Lia at Akira sa kung anuman ang pinag-uusapan doon ng dalawa. Tumawa si Fae, inilihis na ang mga mata. Hindi niya sinabing babaero ito kaya naman ay hihiwalayan niya. “Ganito ang gawin mo, kunwari matatapid ang paa mo. Doon mo gawin sa malapit sa kanilang banda ha?” briefing pa ni Maya na ikinatawa na ni Fae dito. Excited na ang babae sa mga kalokohan niya. “Huwag mo akong tawanan, proven at tested iyan nitong dalawang ito. Hindi ka na kasi updated sa mga gala.” “Oo na,” kasa niya na biglang mas naging excited. Sa gabing iyon, wala siyang ibang iisipin. Wala siyang asawa, malaya siya. Hindi masama ang gagawin niya. “You're wish is my command, Maya.” Tumayo na si Fae, inihanda na ang kanyang sarili sa pamemeke ng pagkatisod. Mahigpit ang hawak niya sa baso ng inumin. Baka kasi mamaya ay mabitawan niya at mabasag, makaaksidente pa siya o siya ang masugatan noon kapag nagkataon at hindi nag-ingat. Nang gawin niya ang napag-usapan nila ni Maya, biglang may humawak sa kanyang isang braso. Tila slowmotion niya itong nilingon gamit ang inosente niyang mukha, tiningnan na ang lalaki ng malagkit. “Oops, careful!” may diin nitong sambit pero banayad. “Sorry..” Ngumiti lang ang lalaki na sa paningin ng apat na magkakaibigan ay gwapo, papasa na sa panlasa nila. “You want some drinks? Treat ko…” Nasapok na ng tatlong kaibigan ni Fae ang kanilang noo. Ang usapan lang nila ay magpapapansin siya hindi mag-aalok na parang hinihimok itong maging instant asukal de mama siya ng lalaking kausap niya. “Pambihira, nasa script niyo ba iyon?” si Lia na dinampot na ang inumin, siya ang kinakabahan dito. “Wala, talaga naman ‘tong si Fae.” iling ni Maya sa biglaang diskarte ng kaibigang halatang lasing na. “Hindi siya papasang maging artista. Kulang sa utak.” “Hayaan niyo lang siyang mag-enjoy. Iyon naman ang pinunta niya dito. Tingnan niyo nga, ang saya niya.” si Akira na hindi inaalis ang mga mata sa kaibigan nila.NAGING PULA ANG ilaw sa unahan, huminto ang kanilang sasakyan, at sa wakas ay iginalaw ni Jago ang kanyang leeg at doon pa lang siya lumingon sa asawa. Napansin niya kasing tutok na tutok ito sa kanyang cellphone na bihira lang nitong gawin noon. Na-curious na siya kung sino ang kausap kaya umulyap na siya noon sa asawa. Doon niya napansin ang kakaibang anyo ng ayos ni Fae ngayon. Sa halip na papuri ang lumabas sa bibig, iba ang nasabi niya. “Mukhang pinaghandaan mong mabuti ang party. Kailangan ba talagang ganyan ang damit mo, Feli?”“Ano bang inaasahan mo? Cocktail party ‘yun di ba? Malamang magbibihis ako ng maganda. Ano bang inaasahan mong suot ko, Jago? Terno na pantulog?”Tinaasan siya ni Jago ng isang kilay. Mukhang tama nga ang mga drama sa TV kung saan binago ng bidang babae ang kanyang istilo at ginulat ang bidang lalaki ay peke lamang. Sa halip na magustuhan nito ang pagbabagong anyo niya, kabaliktaran iyon doon. Tumagal pa ang titig ni Jago sa kanyang hinaharap. Ibinaba
SA TOTOO LANG, hindi pa naman ganoon katanda si Fae; ang 27 ay hindi naman 72. Ngunit ang limang taon ng isang nakakapigil-hiningang pagsasama nila ni Jago at bunga ng isang pangmatagalang anorexia ay nagpamukha sa kanya na mas matanda ang babae sa kanyang edad. Daig niya pa ang mayroon ng ilang anak ang hitsura. Sa isip at pisikal niya iyon makikita. Tumango lang si Fae at habang pabalik ng villa kasama ang driver ay huminto sila sa isang botika upang bumili lang ng maraming food supplements at mga kailangan niyang vitamins para sa kanya.“Manong, komontak ka nga sa isang housekeeping company at maghanap ng ilang maaasahang magiging kasambahay, ‘yung mahusay magluto, mas mabuti kung may sertipiko rin ng isang nutritionist.” Naupo si Fae sa likurang upuan dala ang isang bag ng mga pinamili habang patuloy kinakausap ang driver.“Masusunod po, Madam.” Pagkatapos pakasalan si Jago, iminungkahi ng magkabila nilang angkan na kumuha ng mga katulong para maglinis, mag-ayos ng bakuran, at m
LUMAPAD PA ANG ngisi ng lalaki na animo puri ang narinig kay Odessa. Hindi na maalis noon ang mata sa nobya na halatang inlove na inlove na siya dito.“Namimigay ako ng mga flyers diyan lang sa malapit dito kaya naisipan kong dumaan saglit para makita ka. Dinalhan din kita ng takoyaki. Your favorite!” yabang pa ng lalaki na tinaas na ang bitbit nito doon.Ang ngiti ng lalaking iyon ay katulad ng kay Odessa, ang mga mata niya ay kumukurba na parang gasuklay na buwan sa madilim na kalangitan. Perpektong tugma ito sa babae, ngunit malupit silang pinaghiwalay ni Jago noon dahil sa isang trahedya. Hindi mapigilan ni Fae na makaramdam ng lungkot, kung siya magagawa niyang iwasan ang mas masaktan ang lalaking may pangalang Ryan, paano niya kaya iyon magagawang iwasan? Hindi niya alam.“Ano ka ba? Ang makita mo lang ako at makita kita kahit saglit ay sapat na, Ryan. Sobrang laki kaya ng hirap mo sa pamamahagi ng mga flyers para kumita lang kaya huwag mong sayangin ang pera mo sa pagdadala sa
SA KADAHILANANG MINSAN ng namatay si Fae kaya dapat ay kalmado at payapa na ang puso niya habang nauulit ang mga nakaraan nilang scene ng kanyang asawa. Naalala niya na sa panahong iyon ay nagawa na ng asawang makuha ang kanyang pagkababae na binigay niya sa ikalimang taong anniversary nila na sa panahon ngayon ay hindi pa nangyayari dahil nga nabago ang takbo ng timeline ng kanilang buhay mag-asawa. Hindi si Fae naghanda noong fifth anniversary nila. Kumalabog pa ang puso ni Fae nang maalala ng isipan ang tagpo gayong napagdaanan niya naman ang lahat ng mga ito. Tila may sariling buhay ang kamay ni Fae na umangat at malakas na niyang sinampal ang gwapong mukha ni Santiago.“Anong tingin mo sa akin, babaeng kaladkarin?!” Nagagalit si Fae dahil batid naman nitong birhen pa siya ngunit kung makapagbintang ay akala mo ay nahuli siyang may kaniig na lalaki. Syempre hindi ito maniniwala, saka pa lang ito naniwala noong may nangyari na at buong akala nito ngayon ay wala na siyang puri. Sa
NAGSALUBONG NA ANG mga kilay ni Jago. Kumunot na rin ang noo dahil hindi maintindihan ang sinasabi ng asawa. Sa pakiwari niya ay nasa dreamland pa ito at wala pa sa realidad kaya naman kung anu-ano ang sinasabi.“Ang lalaki kagabi, Jago. Saan mo siya itinago?” Ipinakita pa ni Fae ang kanyang kamay na mayroong benda. Hindi iyon pwedeng pabulaanan na hindi totoo. Sigurado siyang may kinalaman ang asawa kung nasaan ang lalaki. Iniisip pa nga niyang baka may ginawa na itong masama dito.“Hindi ba at siya ang naghatid sa akin dito?” Isang buwan na lang, mababaliw na ang asawa ni Fae na si Jago sa ibang babae; kaya bago iyon mangyari kailangang may lalaking sasalo sa kanya nang sa ganun ay hindi naman siya gaanong masasaktan at malulungkot. Ngayon pa lang ay kailangan na niyang maghanap ng papalit sa lalaki kahit bata ito sa kanya. Ibabaling na niya dito ang pagmamahal niya. “Anong sinasabi mo, Fae? Tulog ka pa ba?” Agad na namula sa galit ang guwapong mukha ni Jago nang ma-realize ang
PAYAK ANG NAGING ngiti ni Fae na parang gusto ng magmartsa palayo bunga ng pagkapahiya. Nababasa niyang hindi iyon kakagatin ng sariwang isdang binibingwit niya. Namutla na sa gulat na lumingon ang lalaki na hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang pa. Kapagdaka ay ilang beses itong paulit-ulit na umiling ang uli na may bakas ng takot.“Pasensya na, iba na lang. May girlfriend na ako.”Aw, buti pa ang lalaking ito girlfriend pa lang loyal na.“Ah, ganoon ba? Oh, pasensya na, hahanap na lang ako ng lalaking walang kasintahan…” kindat niya pa upang buuin ang kumpiyansang nayurakan ng lalaki.Yumuko na doon si Fae, oo, pinamanhid ng alak ang ilang bahagi ng katawan niya at hindi na alam ang ibang sinasabi ngunit malinaw sa kanya ang tugon ng lalaki. Tinanggihan siya nito. Ni-reject. Hindi gumana ang alindog ng katawan niya. Nag-iba siya ng direksyon para magpatuloy sa paghahanap ng lalaki. “Saan na pupunta ‘yun?”“Hayaan niyo lang siyang mag-explore. Ang OA mo, Akira. Parang hindi mo na







