Share

Kabanata 6

last update Dernière mise à jour: 2021-02-26 11:46:12

Kabanata 6

Matindi ang pagkaka-igting ng panga ni Keios habang nakatingin sa ibang direksyon. Nakaupo ang kapatid niya sa gilid ng kama, pilit siyang kinukumbinse na manatili si Eunice sa kanilang serbisyo pero ayaw niyang pumayag.

"I said I want a new nurse, Klinn." Matalim niyang tinignan ang kapatid sa mga mata.

Klinn frustratingly rubbed his palm on his face. "Bakit ba kasi? Eunice seemed nice."

Inis na napaismid si Keios. "Nice?" Tumaas ang kanyang kilay. "Nice people cannot take my attitude, Klinn."

"Try her." Tila naghahamong ani ni Klinn saka ito tumayo at nilagay ang magkabilang palad sa baywang. "Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataong magstay bilang nurse mo at hintayin mo na siya mismo ang mapundi sayo?"

Lalong dumilim ang ekspresyon ni Keios dahil hindi pa rin nagpapatalo ang kanyang kapatid. "She's fucking pregnant, Klinn." He fired back with gritted teeth. Bakit kasi hindi na lang siya sundin ng kapatid niya?

Oo nga pala. Kailan pa nga ba siya nagkaroon ng boses sa pamilya nila? It had always been Keeno and Krei who can speak their minds. Sila ni Klinn? Lalo na siya? Walang halaga ang kanilang opinyon, kaya nga gumawa siya ng sarili niyang mundo. Iyong hindi siya pwedeng basta diktahan ng tatay niya at mga nakakatandang kapatid.

Well, that was before he met that accident. Ngayon babalik na naman siya sa pagiging mababang Ducani. Worse, he cannot even walk out when he wanted to!

Dumagdag pang si Eunice ang kanyang nurse. Hindi pa niya nakakalimutan kung paano niyang pinangakong hahanapin niya ito kapag nakaligtas siya sa aksidenteng iyon pero ngayong ganito na ang kalagayan niya at buntis pa si Eunice, nairita siya bigla na nasa malapit na ito ngunit hindi pa rin niya maaaring sunggaban.

"I know, but she badly needs this job, Keios." Lumambot ang ekspresyong nakaguhit sa mukha ni Klinn.

Marahas tuloy na bumuntong hininga si Keios. "Ibalik mo na siya sa asawa niya, Klinn. Masama sa buntis ang stress at pagod. Baka kapag may nangyari pang masama sa babaeng 'yon eh kasalanan pa natin."

Tiniklop ni Klin ang mga braso nito sa tapat ng dibdib saka siya sandaling pinagmasdan, tila binabasa ang kanyang isip. It had always been Klinn's way of assessing the person he's talking to. Pipilitin nitong intindihin ang kausap, but will still try to talk things out to the person. Kaya siguro nito nakuha ang loob niya dahil ito ang nakakaintindi at nakakapangumbinsi sa kanya.

At naiinis siya ngayon na mukhang gagamitin na naman iyon sa kanya ng magaling niyang kapatid.

"Is this really because she's pregnant or it's because you worry she'll feel sorry for you?" Malumanay na tanong ni Klinn.

Iniwas niya ang tingin at kinuyom ang mga kamao. "Just get me a new nurse. End of story."

Ilang sandaling binalot ang silid ng katahimikan, hanggang sa tuluyang nagpakawala ng marahas na buntong hininga si Klinn. "Fine. Whatever you want, Keios." Ani Klinn bago nito tinahak ang pinto at lumabas ng silid.

Keios wanted to throw everything upside-down but he couldn't. Ni hindi niya nga magawang bumaba ng kama nang walang tulong mula sa iba. The mere fact of being crippled scarred his ego so much. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng silbi.

The feeling of being less than the man he used to be pained him so much that his chest might explode anytime now. He never cried his whole goddamn life, pero nang ibagsak niya ang kanyang ulo sa unan saka siya humugot ng hininga, humapdi ang sulok ng kanyang mga mata.

Keios stared at the ceiling for hours, wondering what future has for him now that he's no longer the Keios the world know. Nakikita niya ang pagtagos ng sinag ng papalubog na araw sa salaming bintana, at sa unang pagkakataon, nagawa niyang pansinin ang simpleng bagay tulad ng dapit-hapon.

Maybe he was already in his sunset. Baka tapos na ang mga panahong tirik ang araw sa kanyang buhay at ngayon ay yayakapin na siya ng dilim. Kung hanggang kailan iyon ay hindi niya sigurado, at hindi rin niya alam kung kakayanin niyang maghintay hanggang sa tuluyan iyong matapos.

Bakit kasi siya pa? Ito ba ang karma niya sa pagiging gago? He was never into drugs. Naging matigas lang naman ang ulo niya dahil may sarili rin siyang pangarap na gusto niyang abutin. Hindi siya naiintindihan ng mga magulang niya kaya sinubukan niyang solohin ang buhay niya. Dahil ba roon? Dahil ba isa siyang suwail na anak at malayong-malayo siya sa mga kapatid niya?

Then fuck life if that's the reason. Hindi niya iyon matatanggap kung iyon lamang ang dahilan para kunin sa kanya ang lahat.

Sandali niyang ipinikit ang kanyang ga mata at pilit kinalma ang kanyang mabigat na dibdib. He doesn't know how long he'll be able to take this. Kung sana ay pwedeng ang puso na lamang niya ang mamanhid hindi ang kanyang mga binti. Pero kahit baliktarin niya ang mundo, nangyari na ang aksidente at wala na siyang silbi ngayon.

PINUNASAN ni Eunice ang kanyang pawis gamit ang bimpo nang tuluyan niyang natapos ang nilutong hapunan. Gusto niya sanang isakop ang mag-asawang Klinn at Cassy sa niluto niya bilang pasasalamat pero nagpaalam ang mga ito na pupuntahan ang ina nina Klinn para sabihan tungkol sa kalagayan ni Keios.

Sadly, Keios wanted her out, but Klinn was generous enough to hire her as a helper instead. Oo nga at kukuha si Klinn ng panibagong nurse para kay Keioa ngunit hindi siya pinaalis ng mag-asawa dahil delikado raw para sa kanila ng pinagbubuntis niya.

Walang kaso sa kanya ang binigay na bagong trabaho. Kahit paano naman ay marunong siya sa bahay lalo na sa kusina kaya kahit hindi ang propesyon niya ang pina-practice niya ay wala siyang reklamo.

She placed the wanton soup in the bowl. Ang fish fillet ay nilagyan niya ng mustard at pinitikan ng pepper and sesame seed bago nilagay sa tray. Iyon ang ihinanda niyang hapunan para kay Keios at sa totoo lang ay excited siya. Terrence used to tell her that she cooks well. Sana ay hindi siya binobola noon ng asawa para hindi naman siya mapahiya sa amo niya.

Nilagay muna niya ang tray sa mesa bago siya nagtungo sa kanyang silid upang maligo. Nakakahiya ang pawis niya kung ganoon ang itsura niyang dadalhin ang pagkain kay Keios. Baka isipin pa nito na hindi malinis ang pagkaing ihinanda niya.

She picked a pair of boy shorts and simple tops. Iyon naman ang kanyang pambahay. Hindi siya sanay sa mga masyadong pambabaeng kasuotan kaya nga minsan ay napagkakamalan siyang hindi asawa ni Terrence.

Nang matapos siyang magshower ay nilagyan niya ng lotion ang buong katawan saka dali-daling nagbihis. Hinayaan niya ang medyo basa pang buhok na kusang matuyo.

Hawak ang tray ng pagkain, kabadong tinungo ni Eunice ang silid ni Keios. Tahimik iyon mula sa labas kaya naman nang itulak niya ang pinto para pumasok, halos manlambot ang kanyang mga tuhod sa nakita.

Nabitiwan ni Eunice ang tray ng pagkain. Bumagsak iyon sa sahig at lumikha ng ingay ngunit mas naging malakas ang kanyang sigaw.

"Keios!"

Her heart almost beat its way out of her chest when she saw Keios lying on the floor. Nakatagilid ito at may bakas ng dugo sa sahig mula sa noo kaya dali-dali niya itong inalalayang tumihaya.

"Keios? Keios, wake up!" Tawag niya rito habang tinatapik ang pisngi ng binata.

Keios groaned. Bahagya nitong iminulat ang mga mata ngunit nang madama nito ang kirot mula sa sugat nito sa noo, muli itong mahinang dumaing.

Eunice reached for the pillow. Inalalayan muna niyang mahiga roon ang ulo ni Keios bago siya nagtungo sa medicine cabinet upang kunin ang first aid kit.

"You'll be fine, Keios. Maliit lang ang sugat. Maliit lang." Aniya habang nanginginig ang kamay na nilinis ang dugo sa pagitan ng sugat pero si Keios ay seryoso lamang na tumitig sa kanya.

Nakagat niya ang ibaba niyang labi nang madama ang pagbaliktad ng sikmura dahil sa amoy ng betadine. Goodness! Bakit ito pa ang ayaw ko?!

Natigilan siya sandali nang gusto niyang maduwal pero pilit niya iyong nilabanan. Tinuloy niya ang paggamot kay Keios ngunit hindi talaga niya kinaya ang amoy. Nilapag niya ang bulak sa sahig at dali-daling tumayo para tumakbo patungo sa banyo.

Gusto niyang magmura dahil nakakahiya ang nangyari sa kanya pero wala siyang magagawa. Hindi naman niya makokontrol ang kanyang katawan dahil buntis siya.

Matapos linisin ang sarili ay bumalik siya kay Keios para takpan ang sugat nito ngunit nang akmang ikakabit na niya ang gasa sa sugat nito ay mahigpit nitong hinawakan ang kanyang pala-pulsuhan.

Muntik nang tumalon palabas ang kanyang puso nang masalubong ang matalim na titig ni Keios. Nakakatakot ito kung tumingin at nakaigting din ang panga nito ngunit gayunpaman, bakas niya sa mga mata nito ang pagtatanong.

"Didn't I say I want a new nurse?" Mahina ngunit may diing tanong ni Keios.

Natatakot man, pilit lumunok si Eunice at tinango ang kanyang ulo. "B—Bukas ho yata darating ang bago."

Marahas na pinakawalan ni Keios ang kanyang pulsuhan. "Good. 'Cause I don't want you as my nurse. Parang hindi ka nga sanay sa ginagawa mo. Nanginginig ang mga kamay mo kanina." Tila naiinis nitong kumento.

Parang piniga ang kanyang puso. Bumigat ang kanyang dibdib ngunit pilit siyang ngumiti rito bago tinuloy ang pagkakabit ng gasa sa noo ni Keios.

"Pasensya ka na." Tumayo siya at bitbit ang kit na naglakad patungo sa lagayan nito. Nakatalikod siya kay Keios pero ramdam niyang nakasunod pa rin ang tingin nito sa kanya.

Humugot siya ng malalim na hininga at nanatiling nakatalikod kay Keios. "Nag-alala kasi ako sayo." Mapakla siyang ngumiti. "Hindi bale. Bukas, iba na ang gagamot sa sugat mo. Iba na rin ang titingin sayo."

Tumingin siya rito ng may lungkot sa mga mata. "Pero masaya ako na buhay ka. Na nakaligtas ka. Please don't waste this second chance. Not everyone is given such liberty to continue living."

Inis na ngumisi si Keios. "Living? You call this living? I am crippled for crying out loud!"

Humarap si Eunice sa kanya at pinasadahan siya ng tingin bago ito ngumiti. "I see nothing wrong with you. Sometimes, it's just a matter of how we see ourselves."

"Madali lang 'yang sabihin para sayo dahil hindi mo alam kung ano ang pakiramdam na buhay ka pa pero wala ka nang silbi." May bahid ng sumbat na ani ni Keios.

Malalim na huminga si Eunice nang maalala kung ano ang pinagdaanan sa kamay ng sariling asawa. Uminit ang sulok ng mga mata niya pero pilit niyang pinigilan ang sariling maluha. "Trust me, Keios. I know how it feels like...at mas masakit na ang taong mahal mo pa ang nagbigay sayo sa ganoong pakiramdam."

Tinungo ni Eunice ang nagkalat na pagkain at dinampot ang mga kalat. Tumayo siya nang maipon niya ang mga iyon saka niya tinungo ang pinto. "Ipagluluto kita ng bago, sandali lang. Tatawagin ko na rin si Lukas para tulungan kang bumalik sa kama."

Lalabas na sana siya nang magsalita si Keios. "Bakit kasi hindi ka na lang bumalik sa asawa mo? Hindi ka ba niya hinahanap? How could he let you work here?" May iritasyon sa tinig nito.

Mapaklang ngumiti si Eunice at nilingon si Keios. "Siguradong hinahanap niya ako, kaya nga kailangang-kailangan ko ang trabahong ito."

Nagsalubong ang mga kilay ni Keios. "What do you mean?"

Malungkot siyang umiling. "The world is full of monsters, and sometimes, some of them are the ones we choose to be in our lives. Huwag mong hayaang maging katulad ka nila dahil lang may isang bagay na nawala sayo." Humakbang siya palabas at hinawakan ang knob. "Kung kailangan mo ng kausap, nandito naman ako. Napagtyagaan nga kitang kausapin nung comatosed ka. Ngayon pa kayang magagawa mo na akong sagutin?" 

Lumambot ang ekspresyon ni Keios ngunit imbes na sagutin siya nito ay iniwas nito ang tingin. Napabuntong hininga si Eunice. Mukhang mas gusto na lang yata niyang makipag-usap sa comatosed version ng binata kung ganito.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
Carmela Beaufort
Eunice tayo na Lang Kaya mag-usap hahaha 🤣
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Chaotically Falling | Ducani Series #2   Epilogue

    EpilogueKEIOS never imagined himself to be as happy as he is after he married Eunice in front of thousands of people. Their wedding was envied by many, especially when their love story was told during his vow. Marami ang naiyak sa naging buhay nila, ngunit kung gaano karaming luha ang pumatak sa awa, doble naman dahil sa tuwa nang sa wakas, naidugtong na rin niya ang kanyang apelyido sa kanyang asawa.It was like a dream he never made when he was young. Buong buhay niya ay ang football lamang ang tanging minahal niya, ngunit nang dumating si Eunice, Keios realized there's still a lot of space in his heart for other dreams.He became really close with his Dad. They get to watch games at home along with his brothers, they go out of town as a family, and they became each other's biggest fans in their own chosen paths.Nang manganak si Eunice sa kanilang anak na si Keison, halos hindi nila nahawakan ang anak dahil napa

  • Chaotically Falling | Ducani Series #2   Kabanata 30

    Kabanata 30MALAKAS ang kabog ng puso ni Keios habang hawak ang bola ng kanyang ama. Naroroon siya sa locker area at ihinahanda ang kanyang puso. From the locker, he can hear people cheering so loudly already.He missed this. He missed his number 5 Huskeez uniform. He missed the adrenaline rush he feels every time he hears the loud cheers. And he missed the feeling of belongingness that thrums in his veins whenever he's on the field.But he is different now from the Keios people last saw playing more than three years ago. Ngayon, hindi na malamig ang mga mata ng Keios na lalabas sa field dahil lang alam niyang wala rin sa lugar ang taong gusto niyang makita siyang naglalaro. Because the man he wanted to show off to is here, sitting next to him, wearing a coach uniform."You ready?" Tanong ng kanyang ama.Ngumiti siya at pinasadahan ng tingin ang magiging teammates niya sa larong ito.

  • Chaotically Falling | Ducani Series #2   Kabanata 29

    Kabanata 29KAHIT gustuhin ni Eunice na salubungin ang tingin ni Terrence, hindi niya pa rin magawa. Her heart is pounding violently, no longer because of her love towards the man she married, but because of the fury thrumming in her veins.Nanatili siyang nakatitig sa kanyang mga kamay na nakapatong sa mesa. Nanginginig ang mga ito at kung hindi niya ipagsasalikop, natatakot siya sa maaaring magawa ng mga ito."Eunice."His voice sounded very different from how he used to call her. May pag-alo na sa tono nito, hindi tulad noon na kinikilabutan siya tuwing nadidinig ito. Still, she remained silent, with lips pursing hardly together.Nadinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Nagpunta ako rito dahil sinabi ng mga magulang mong dadalaw kayo ng anak nat—""A—Anak ko." Tuluyan siyang nagkaroon ng lakas ng loob na salubungin ang tingin nito. "Anak ko."

  • Chaotically Falling | Ducani Series #2   Kabanata 28

    Kabanata 28KEIOS kept his strong facade as he stared at his Dad. Sanay na siya sa malamig at galit nitong titig mula pa noong magbinata siya. Siya lamang ang bukod-tanging anak nitong nanindigan sa kanyang pangarap.He remembered how hard his dad slapped him when he refused to take the course his dad wanted for him.He remembered how he called him useless when he sneaked out of their house just to join trainings to be a football player.And he remembered how he ignored him when he showed his first ever football uniform.His dad did nothing but crash his dream, at sa pangalawang pagkakataon, haharap na naman siya rito upang ipaglaban ang kanyang pangarap.Marahas na nagtaas-baba ang mga balikat ng kanyang ama bago ito tumingin sa kanya. Seryoso ang mga mata at malinaw na nais siyang sindakin upang itigil niya ang ginagawa niya."How long are you still goi

  • Chaotically Falling | Ducani Series #2   Kabanata 27

    Kabanata 27KITANG-KITA ni Eunice ang pagsingkit ng mga mata ni Rebecca nang lumabas sila ni Saki patungo sa sala kung saan prente na itong nakaupo. Nahinto ito sa pag-uutos sa katulong na ipaghanda siya ng maiinom at nang magtama ang kanilang mga mata, Rebecca waved her hand to the poor maid as if she owns the house.Tumaas ang kilay nito sa kanya. "So the rumors are true? The whore is here."Saki's teeth gritted. Kung hindi lang nito hawak si Harmony ay siguradong sumugod na ito kay Rebecca. Mas nanggigigil pa man din ito habang si Eunice ay pilit na kinakalma ang sarili. She doesn't want to step down low to the self-proclaimed fiancee' of the man she's in love with kaya nang muntik humakbang si Saki patungo rito dahil sa narinig, agad niya itong hinawakan sa braso.Nabaling sa kanya ang galit na mga mata ni Saki ngunit pilit niya itong nginitian. "Let me handle this. Malaki na masyado ang atraso nito sa akin."

  • Chaotically Falling | Ducani Series #2   Kabanata 26

    Kabanata 26NAHIHIYANG binaba ni Eunice ang kanyang tingin sa dibdib ni Keios nang sa pagdating nila sa mansyon ng mga Ducani ay naroroon ang ama nina Keios kasama ang kanyang nakatatandamg kapatid na sina Kon at Klinn. It's already been over a year, but the fear of staring back at Khalil Ducani still makes her feel...unwelcomed.Nadama niya ang marahang pagpiga ni Keios sa kanyang balikat bago ito tumikhim. "Dad..."His dad didn't answer for a moment, ngunit dama ni Eunice ang pagtaas ng tensyon sa paligid.She heard his dad sighed heavily. Mayamaya ay tumayo ito. "In my office. Now."Nagkatinginan sila ni Keios. Seryoso ang ekspresyong nakaukit sa mga mata nito ngunit pinilit pa rin siyang gawaran ng matipid na ngiti bago nito dinampian ng halik ang tuktok ng ulo ni Harmony."I'll just talk to him. Si Manang na ang magdadala sa inyo sa kwarto ko."Napalunok si Eun

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status