Share

Chapter 1

Bouquet of Flower's

"Ms. Kandeliyan Anastasha Perez?" Agad nalipat ang paningin ko sa lalaking delivery boy ng tawagin n'ya ang pangalan ko.

"Ako iyon." Sagot ko sa kan'ya ng tumapat s'ya sa desk ko.

"Good afternoon Ma'am. May delivery po sa inyo." Aniya at inilapag ang isang bouquet ng bulaklak sa desk ko. Agad nangunot ang noo ko at kinuha ang bulaklak na ideneliver sa akin.

"Kilala mo ba kung sino daw ang nagpapabigay?" tanong ko sa kan'ya habang inaamoy ang tumpok ng rosas.

"Hindi ho ma'am ea." aniya sabay abot sa akin ng papel kung saan ako magpipirma. Nang mapirmahan na ay agad itong nagpaalam at umalis. Habang ako naman ay tinignan ang maliit na papel na kasama ng bouquet.

Smile for me, let your smile be the one to complete my day.

--Anonymous.

Napangiti ako at kahit hindi ko kilala ang nagbigay ay napanatag pa rin ang loob ko. Inilagay ko sa gilid ng mesa ko ang bouquet at nagpatuloy uli sa mga papers na pinapagawa sakin ng boss ko. Hindi ito ang unang beses na nakatanggap ako ng rosas. Ilang araw na rin simula nong mayroong magpadala sa akin ng mga bulaklak sa araw-araw na pumapasok ako ng office. Sa tuwing tinatanong ko ang mga nagdedeliver sa akin ng mga ito ay palage nilang sinasabing hindi nila alam.

Palagi ring Anonymus ang nakalagay sa mga letters sa tuwing binabasa ko ang mga ito. Sa una ay medyo nag-alangan pa ako dahil hindi ko naman kilala kung sino ito, ngunit sa mga nakalipas na araw na patuloy ang pagbibigay nito sa akin ng mga bulaklak. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko, ngunit meron pa rin sa akin ang pag-aalala dahil wala akong kaide-ideya kung sino ito.

Bumalik ako sa huwisyo ng makarinig ng tunog. Napaangat ang tingin ko ng marinig kong tumunog ang intercom. Agad ko itong inabot at sinagot.

"Sir?"

"Buy me a lunch." Napatango ako at agad na kinuha ang cellphone ko sa bag.

"The usual sir?" Sabi ko habang dinadial ang number ng restaurant na palagi kong pinag-oorderan ng lunch ng boss ko.

"Yes." Iyon lamang at ibinaba na n'ya ang tawag. Habang ako naman ay agad na dinial ang number ng restaurant na pinag-oorderan ko ng lunch ni Mr. Dela Fuente.

"Good afternoon Ma'am, Sir. This is Aya Natividad from Cucina Deliziosa. What's your order?" Agad nitong sagot sa tawag ko.

"Good afternoon. This is Kandeliyann Anastasha Perez, Secretary of Mr. Ethan Dela Fuente. I would like to order the usual." Agad kong sagot sa kan'ya.

"Okay ma'am, any side-dishes po?" She ask me.

"No side-dishes. Just the usual."

"Okay po ma'am, Expect your order after an hour. Thank you for trusting Cucina Deliziosa." iyon lang ang sagot nito bago pinatay ang tawag.

Agad akong tumingin sa orasan at nakita kong mag aalas-dose na ng hapon. Tinignan ko ang mga papers na sa tingin ko'y nakalahati ko na. Konti na lamang iyon at sa tingin ko'y matatapos ko na bago dumating ang order ni sir. Ipinagpatuloy ko uli ang ginagawa ko hanggang sa hindi ko namalayan ang oras.

Inaayos ko na ang mga papers na tapos ko ng basahin at hiniwalay na rin ang mga kailangang papermahan kay boss ng dumating ang pagkain na inorder ko. Pumirma lamang ako at nagbayad bago inayos ang sarili ko at kumatok sa pintuan ng office ni Sir.

"Sir eto na po iyong order n'yo." kuha ko ng pansin n'ya.

Agad ko itong inilapag sa pahabang lamesa kung saan s'ya madalas kumain. Tulad ng dati ay wala itong imik. Agad kong ini-excuse ang sarili ko at lumabas ng office n'ya. Mabuti na lang at medyo nakalahati ko na ang mga papers sa desk ko. Siguro ay matatapos ko na iyon bukas dahil mayroon pa akong ineexpect na mga papers na dadalhin mamaya ng isang department.

Ramdam ko ang pagkalam ng sikmura ko pagkaupo ko sa swivel chair ko. Nagugutom na ako kaya naman ay nag-ayos lang ako ng kaunti at dumiretso agad ako sa elevator. Pinindot ko ang floor kung saan nakalocate ang cafeteria at naghintay na dalhin ako don ng elevator. Kaagad akong lumabas ng elevator nang huminto ito. Madami ng empleyado ang kumakain at umoorder kaya naman agad akong nakipila dahil baka maubusan ako ng ulam.

"Manang Isang pritong isda, Chicken curry at rice, saka isang mineral water please." Agad kong inorder ang mga pagkaing gusto kong kainin ng ako na ang sumunod sa pila. Hindi naman ako-nag antay ng matagal dahil mabilis silang kumilos.

Napag desisyonan kong doon na lamang sa desk ko kumain. Nakakatamad kaseng umakyat after kumain. Isa pa ay halos wala na ring vacant seat na mapag-kakainan. Mabilis akong sumakay sa elevator at pinindot ang 25th floor. Sakto namang mayroon ding sumakay na dalawang babae.

Kaagad akong binati ng mga ito at bumati din naman ako pabalik. Sa pagkakaalam ko ay mga bagong empleyado ang dalawa dahil ngayon ko lang sila nakita dito. Isa pa ay nakita ko rin sila noong nag-interview si Mr. Dela Fuente ng mga aplikanteng gustong magtrabaho sa kumpanya.

"Gieee! Ang gwapo n'ya talaga. Sana ako na lang iyong pinupuntahan n'ya araw-araw." Dinig kong bulong ng isa sa kanila.

"Huwag ka ng mangarap jan, Lea." sagot agad sa kan'ya ng kasama n'yang babae.

"Ikaw naman! Ang KJ mo kahit kelan. Sana nga diba?" Hindi ko na lamang sila pinansin at tinignan ang number sa itaas ng elevator.

Agad bumaba ang dalawang babae ng tumapat na sa 23rd floor ang elevator. Napabuga ako ng hininga ng sumara uli ang elevator. Iniisip ko ang mga dapat kong gawin after ng lunch. As usual ay puro pag-aasikaso ng mga papeles ang uubos sa oras ko. Kailangan ko ring tignan ang schedule ngayon ni Mr. Fontanilla dahil mayroon itong tatlong meeting mamaya na kailangan s'ya.

I-checheck ko na rin ang g***l accounts ko since mayroon akong ineexcpect na file at invitation sa isang event na kasali si Mr. Fonatanilla. Pagkatigil ng elevator ay mabilis akong bumaba ng tumapat na ito sa 25th floor. Naiirap ko kaagad ang mga mata ko ng makita ko ang pamilyar na likod ng isang lalaki sa harapan ng desk ko.

"What are you doing here, Chace?" iyon agad ang bungad ko sa kan'ya.

Dumiretso agad ako sa upuan ko at agad na inilabas ang mga pagkaing binili ko. Kunot ang noong binalingan ko s'ya ng tingin ng hindi n'ya ako sagutin. Nakita kong hawak n'ya ang bouquet na ideneliver kanina sa akin. Kunot ang noo n'ya habang binabasa ang nakasulat sa maliit na papel na nandodoon.

"Huwag mo ngang pakeelam iyan!" Agad kong inagaw sa kan'ya ang bouquet at inilagay iyon sa itaas ng minie locker ko.

"Sinong nagbigay nyan?" Tanong n'ya agad sa akin.

"Hindi ko kilala. Hindi naman nagpakilala sa akin." Kibit-balikat kong sagot sa kan'ya habang inilalagay ang ulam ko sa plastic na bowl.

"Anyway, anu nanaman ang ginagawa mo dito?" Pag-iiba ko kaagad ng usapan. Tinignan ko s'ya ng kinuha n'ya ang isang monoblock na palagi n'yang inuupuan sa tuwing pumupunta s'ya dito sa building.

"I'm here to eat lunch with you." sagot n'ya sa akin habang inilalabas ang laman ng hawak n'yang dalawang paper bag.

"At bakit hindi ka kumain doon sa office mo?" nakataas ang noong tanong ko sa kan'ya habang nagsisimula ng kumain.

"Boring naman doon. Wala akong makausap at puro papel lang ang nakikita ko." Anito habang tinatanggal ang coat na suot n'ya.

"May I remind you Chace na hindi canteen itong desk ko." nakasimangot kong paalala sa kan'ya. Nagkibit-balikat lang s'ya sa akin at inilabas ang inorder n'yang ulam.

"Here try these. This one is good, one of my favourite." aniya habang nilalagyan ng hindi ko alam kung anung dish ang plato ko.

"What is this?" tanong ko sa kan'ya.

"That's soy sauce crab. One of the best dishes in korea. Hindi ko nga lang alam ang tawag jan in Korean." anito habang nagsisimula na ring kumain.

Napatango ako sa sinabi n'ya at tinikman ang soy sauce crab na sinasabi n'ya. Nanlaki ang mga mata ko at napatango-tango. Talaga ngang masarap ito. Nagpatuloy ako sa pagkain at halos iyon na ang ulamin ko, tuloy ay halos hindi ko na nagalaw ang pritong isda at chicken curry na binili ko. Mabuti na lamang at si Chace ang kumain ng mga iyon para sa akin.

Walang imikan kaming kumain hanggang sa maubos namin ang lunch namin. Busog na busog ako at halos hindi na ako makagalaw sa upuan ko. Talagang naubos ko yong dalawang rice na binili ni Chase sa akin. Napa-extra pako since mayroon akong nabiling rice sa canten.

"Ang sarap!" agad kong komento sa kan'ya ng nagliligpit na kami ng pinagkainan.

"I told you." aniya habang mayroong inilalabas na dalawang dessert sa isa pang paper bag na dala n'ya.

"Oh come on, Chace! pinapataba mo ba ako?" kunot ang noo kong tanong sa kan'ya ng ilabas n'ya ang dalawang plastic cup na mayroong salad at dalawang ice cream.

"What do you think?" mas lalo akong nainis sa kan'ya at walang nagawa kundi lantakan nalang ang dessert na dala n'ya.

"This is so good!" Kemento ko ng kumalat sa bibig ko ang masarap na lasa ng salad.

"I'm going to pick you up later. I'll text you before your works done." Aniya habang patuloy na kumakain. Naitaas ko ang kilay ko sa sinabi n'ya. What is he? may dad? He's over reacting again.

"Nah! you don't have too." sagot ko sa kan'ya.

"The answer is no. I'll pick you up later." final n'yang sinabi at hindi na muli ako kinausap. Naiirap ko na lamang ang mga mata ko at hindi na nagsalita. Hindi rin naman nakikinig sa akin iyan kahit na sabihin kong wag na.

"Shoo! Go to your office and work you ass." Pagtataboy ko sa kan'ya ng matapos kaming kumain at makapag pahinga na rin.

"What am I? A dog?" Reklamo n'ya sa akin na tinawanan ko lang.

"Masyado ka ng tamad, kaya ka natatambakan ng mga paper works ea." pang-iinis ko sa kan'ya. Umiling-iling lang s'ya habang inilagay pabalik ang coat n'ya.

"I'm not lazy. Just handsome." Agad ko s'yang tinampal sa balikat n'ya ng sabihin n'ya iyon.

"Aww!" Masama na ang tingin n'ya sa akin habang hinihimas ang braso n'yang tinampal ko.

"Umalis ka na nga. Maglalakad kapa." Paalala ko sa kan'ya. Malapit lang kase dito ang kompanya na minamanage n'ya at pwedeng lakarin.

"Dala ko sasakyan ko." aniya at pinakita sa akin ang susi.

"Tamad ka kase." Sabi ko at itinulak na s'ya papunta sa elevator.

Hindi ko lang alam kung bakit kailangan n'ya pang sumakay sa kotse n'ya kung pwede naman s'yang maglakad nalang. Minsan ko na rin itong natanong sa kanya dahil ako ang naiistress sa madalas na pag-papagasolina n'ya. Ang mahal pa naman ngayong ng gas. Ang tanging reason n'ya lamang daw kung bakit s'ya naka-kotse sa pagpunta rito ay dahil ayaw n'yang umitim. Sabunot na lamang ang tangi kong naisagot sa kan'ya dahil hindi ito marunong magtipid. Mas maarte pa ito kaysa sa akin. Mabuti na lang at kaibigan n'ya si Mr. Dela Fuente at hinahayaan lang ito ni Mr. Dela Fuente na maglabas-masok sa kumpanyang ito.

"I'll text you later." Paalala n'ya sa akin bago s'ya pumasok sa elevator.

Tumango lamang ako sa kan'ya at agad na bumalik sa desk ko ng sumarado na ang elevator. Tinignan ko ang oras and it's already 1:23 pm. Agad kong kinuha ang notebook ko at kumatok bago pumasok sa office ni Sir.

"What's my schedule for this afternoon." Agad n'yang tanong sa akin.

"Sir at exactly 2 pm. You have a meeting with Mr. Narizaki at Cucina Deliziosa. After that you have to sign a papers regarding the construction of our newest building in Quezon at exactly 3:30 pm. And lastly you need to attend a meeting with Mr. Pascual at 5 pm. That's all sir." Mahabang sabi ko at itiniklop ang note book ko.

"Ok." iyon lamang ang sinabi n'ya at agad ko ng ini-excuse ang sarili ko.

Mayroong pa akong twenty five minutes para makapag prepare dahil ang matitirang oras ay para sa pagpunta sa Cucina Deliziosa. Inayos ko kaagad ang bag ko at inilagay ang mga kailangan ko. Umupo muna ako habang hinihintay ang boss kong tawagin din ako. Nagpalipas muna ako ng oras sa pag bobrowse sa f******k ko. Nakipag chat din ako sa kaibigan kong si Daisy na nasa new york ngayon dahil may project sila doon. Tumunog ang intercom na agad kong sinagot. Pinapahanda na ni boss ang sasakyan n'ya. Agad kong tinawagan si Mang Carlo na s'yang driver ni sir.

"Mang Carlo, pinapahanda na po ni sir iyong sasakyan n'ya. A-attend po s'ya ng meeting sa Cucina Deliziosa po tayo pupunta." Agad kong sinabi sa kan'ya kung saan ang punta namin ngayon.

"Cge po Ma'am." Aniya. Nagpasalat lang ako bago ko ibinaba ang cellphone ko.

Sakto namang kalalabas lang din ng boss ko. Agad akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Ako na ang pumindot sa elevator. Kagaya ng dati ay walang umimik sa aming dalawa. Sa tutuusin ay gwapo naman itong boss ko. Marami rin ang nagkakagusto sa kanya at halos araw-araw ay mayroong nagpapadala ng regalo sa kan'ya sa office n'ya, yun nga lang ay snob ito at laging mailap sa mga tao. Mabilis kaming nakalabas sa elevator at lumabas ng building.

Nakahanda na ang sasakyan kaya pumasok na kami kaagad. Hindi naman kalayuan ang Cucina Deliziosa sa kompanya ngunit dahil importante ang meeting na iyon ay kailangan talagang sumakay. Mainit rin kase at tirik na tirik ang araw kaya hindi pwedeng maglakad. 1:57 na ng makarating kami sa Restaurant. Agad kaming pumasok at nakaabang na kaagad ang manager nila upang igiya kami sa VIP room.

"Good afternoon Mr. Dela Fuente. This way please." Ani ng isang magandang babae na manager ng restaurant. Hindi ko mapigilang tignan ito habang iginigiya kami sa VIP room.

Katamtaman lang ang itim nitong buhok at straight din. Tamang tama lang sa kan'ya ang uniform na suot n'ya at maputi rin ito. Mas mataas nga lang ito ng kaunti sa akin. Pinapasok n'ya kami sa VIP room 3. Nandoon na agad si Mr. Narizaki na naghihintay.

Agad nagsimula ang meeting about sa project na gagawin ng kompanya ni Mr. Narizaki sa kompanya ni Mr. Dela Fuente. Isinerve din ang mga pagkain na iniorder nila at nagpatuloy sa kanilang meeting. Nakaupo lamang ako doon sa malayong banda at paminsan-minsan ay tinitignan ang oras. 2:50 na ng matapos ang meeting nila. Nagkamayan sina Mr. Narizaki at Mr. Dela Fuente bago nagpaalam sa isa't isa.

Agad kaming lumabas ng restaurant at sumakay sa kotse. Mayroong pa kaming fourty five minutes at pupunta pa kami ng Quezon. Mabuti na lamang at hindi naman gaano ang naging traffic at kahit late kami ng sampong minuto ay nakarating din kami. Agad pinapirmahan ang mga papers na dapat pirmahan kay Mr. Dela Fuente. Nag discuss din ang mga engineer at ang architect na nagdesign sa ipapatayong building. Sa kalangitnaan ng kanilang pag-uusap ay nakatanggap ako ng tawag. Tumatawag ang secretary ni Mr. Pascual.

"Hello?" agad kong sagot sa tawag.

"Good afternoon Ms. Perez. I'm Jane Guevara. Secretary of Mr. Pascual." aniya sa kabilang linya.

"Nice to meet you. What can I do for you?"

"I'm here to inform you that Mr. Pascual request to move the meating on Wednesday, 3 pm." Aniya. Napakunot ang noo ko at tumingin sa relo ko. It's 4:37 pm at mamaya pang five ang meeting nila. "May I know the reason?" tanong ko sa kan'ya.

"Nagkaroon po kase ng emergency ma'am." iyon lang ang sinabi n'ya. Napatango ako at tinignan ang patapos ng meeting ni Mr. Dela Fuente.

"Ok, sasabihin ko kay Mr. Dela Fuente." iyon lamang ang sinabi ko.

Agad naman s'yang nagpasalamat sa akin at pinatay ang tawag. Umupo uli ako sa upuan ko at kinuha ang notebook ko. Isinulat ko ang na move na meeting sa wednesday sched ni sir. Ilang minuto pa ang itinagal nila sa paguusap bago sila i-dissmis.

"Sir, Mr. Pascual request to move the meeting on Wednesday, 3 pm." Agad kong ipinaalam sa kan'ya.

Itinanong n'ya kung anung dahilan at kagaya ng sinabi ng secretary ni Mr. Pascual ay ganon din ang sinabi ko. Pumayag naman s'ya at agad na sinabing babalik na kami sa Makati. Tumango ako sa kan'ya at sabay kaming lumabas ng office na pinag-meetingan n'ya.

Since na move ang meeting ni Mr. Dela Fuente sa wednesday ay maitutuloy ko na ang pagbabasa at pagrereview ng mga papeles sa desk ko. Ilang oras pa bago matapos ang oras ng pagtatrabaho ko at bago ako sunduin ni Chase. Siguro naman ay matatapos ko ngayon ang nakatambak kong trabaho.

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status